KABANATA 6

2848 Words
Tumagal ng ilang segundo ang paghalik na 'yon ni Black sa akin. At kahit ilang araw na ang nakalipas mula noong nangyari 'yon, hindi ko pa rin maiwaglit sa isip ko ang lambot ng labi niya. Tapos, gabi-gabi ko pa naiisip ang dahan-dahang pagdampi ng mga labi namin. Ibig sabihin, gabi-gabi ako binabangungot ng kalokohan niya! 'Bwesit na lalaking 'yon! Bakit niya ako hinalikan?! Sinasabi ko na nga ba e, manyak talaga 'yong baduy na 'yon! Sayang ang itsura, king ina bastos siya!' "Hoy, Pene!" Tawag ni Margaux sa akin sabay pitik sa noo ko kaya bumalik ako sa reyalidad at agad akong napatingin sa kaniya. "Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka nakikinig! Ano bang iniisip mo? Simula noong Linggo, na late ka sa meeting natin sa headquarters at kasama mo pa si Black no'n, naging ganiyan ka na. Palaging tulala at minsan ay bigla ka na lang tatahimik kahit sa gitna ng tawanan. Baliw ka na ba?" Seryosong tanong niya at mabilis namang kumunot ang noo ko. Umiwas ako ng tingin at niyakap ang unan ko. "Namimiss ko lang si Mommy." Palusot ko nang hindi makatingin sa kaniya. "Sinungaling." Hindi niya pagsang-ayon at pumunta sa harap ko para hulihin ako ng tingin. "Eh bakit namumula 'yang mukha mo? Tapos, hindi ka pa makatingin sa akin nang diretso." Suspetsya niya at pakiramdam ko ay nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Wala nga kasi! May iniisip lang ako at miss ko na talaga si Mommy." Nakangusong pahayag ko. Umupo siya sa dulo ng kama ko at pinagkrus ang dalawang braso, habang nakataas pa ang isang kilay kaya lalo akong hindi makatingin sa kaniya. 'Tss.' "May nangyari ba sa inyo ni Black sa gubat? Anong ginawa niya sa'yo?" Nagdududang tanong niya sa akin at napalunok ako saka pinandilatan siya. Muntik ko nang makalimutan na gangster pala siya at sanay na siya sa ganitong kaso. 'Wala na akong lusot sa isang 'to. Tsk!' Ikinuwento ko ang lahat MALIBAN sa halik. Minabuti kong 'wag na lang sabihin dahil hindi naman big deal 'yon sa akin, at malamang kay Black din. 'Wala namang nabubuntis sa halik e, kaya ayos lang.' Pangungumbinsi ko pa sa sarili. Narinig kong bumuntong-hininga si Margaux kaya nilingon ko siya. "Hindi ako kumbinsidong 'yon lang ang nangyari, Pene. Hindi mo ba talaga sasabihin ang ibang nangyari bukod doon sa 'inimbento' mo?" Sarkastikong tanong niya. 'Sinasabi na e, malakas ang pakiramdam ng isang 'to. Hays!' "Wala na. 'Yon lang naman talaga ang nangyari." Sagot ko. "Hindi pa rin talaga ako napapanatag. Wala kasi akong makitang dahilan doon sa kwento mo para magkaganiyan ka ngayon." Turo niya pa sa kabuuan ko. "Kasi wala naman talaga! Itong nangyayari sa akin ngayon, normal lang 'to. Oo weird ako, at madalas akong ganito." Pagdadahilan ko. Kailangan kong panindigan 'tong pagsisinungaling ko, dahil kung hindi baka ipatapon nila ako sa ibang class, or worse ay sa The Rejects ang ending ko. Wala namang ibang nakakaalam ng halik na 'yon kundi kami lang ni Black. Hindi niya naman siguro ipagkakalat na may nangyaring gano'n sa pagitan namin. "Ewan ko, Pene ha? Hindi talaga ako naniniwala sa'yo ngayon e. May hindi ka sinasabi sa akin at alam kong gusto mo lang itago 'yon." Pagmamatigas pa rin niya. "'Wag ka nang mag-alala, ayos lang ako. At hindi ko naman hahayaang mabaliw ako dahil lang sa isang tao." Pagpapahinahon ko sa kaniya. 'Sana bumenta.' "Sigurado ka?" Paniniguro niya at nag-aalalang tumingin sa mga mata ko. "Oo naman." Kampanteng sagot ko. "Kahit tanungin ko pa si Black tungkol sa nangyari sa inyo, ayos lang?" Tanong niya at natigilan ako saglit. "H-Ha?" Parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ang tanong niyang 'yon. "Oh, bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" "W-Wala. Oh, sige maliligo na muna ako. P-Papasok ako ngayon, magkita na lang t-tayo mamaya." Aligagang tugon ko at nagmamadaling dumiretso sa banyo. Isinandal ko sa likod ng pinto ang sarili ko at doon lang ako nakahinga nang maluwag. Parang na-suffocate ako sa presensya ni Margaux ngayon, ang dami niya kasing tanong. Masyadong mabusisi. Mabuti na lang at nakalusot ako. Matapos ang ilang minuto'ng pagligo ay lumabas na ako para sana magbihis pero nahagip ko siya na nandoon pa rin sa kama ko at diretsong nakatingin sa akin. Pero mamimili na sana ako ng maisusuot nang, "Iwasan mo na si Black, nakikiusap ako." Sobrang seryosong aniya kaya natigilan ako. Kunot ang noong nilingon ko siya. "Ikaw ang pangalawang taong nakiusap sa akin niyan. Pero kapag magkasama kami, hindi ko naman maramdamang delikado siya. Ano ba talagang meron do'n sa baduy na 'yon at pinaiiwas niyo 'ko?" Naguguluhang tanong ko pa sa kaniya. 'Wala akong nakikitang rason para iwasan ko si Black. Bukod sa pagiging weirdo niya, hindi naman siya brutal sa akin.' Bumuntong-hininga siya. "'Wag na maraming tanong, Pen. Makinig ka na lang sa amin. Para sa ikakabuti mo din 'to, magtiwala ka." Mahinahong sagot niya. Inayos ko ang nakapulupot na tuwalya sa akin dahil muntikan na itong mahulog kanina no'ng nakita ko siyang nakatingin sa akin at lumapit ako sa kaniya. "Hindi ko kayo maintindihan, Margaux. At isa pa, halata namang siya ang lumalapit sa akin, diba? Kung nasaan ako nandoon din siya, hindi naman ako makatanggi dahil baka totohanin niya 'yong mga banta sa akin." Nagpapaliwanag na pahayag ko. "Kung kaya mong umiwas, gawin mo. Alam kong natatakot kang tanggihan siya dahil nakakataas siya sa'yo, pero hangga't maaari, 'wag ka nang lumapit-lapit pa sa kaniya. Para sa kaligtasan mo, nakikiusap ako." Nagpapaintinding asik niya. Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya mas lumapit pa ako at kinuha ang dalawang kamay niya saka ngumiti. "Hindi ko alam kung anong ikinakatakot niyo para sa akin, pero dahil may tiwala ako sa inyo, gagawin ko ang gusto niyo. Iiwasan ko na si Black pero," huminto ako dahilan para mapatitig siya sa akin. "...hindi ko maipapangakong habang-buhay ko siyang iiwasan, dahil kapag dumating ang panahon na kakailangin niya ang tulong ko, ako mismo ang lalapit sa kaniya para tulungan siya." Nakangiting dugtong ko pero mas lalo lang pumakla ang itsura niya kaya mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko at binitawan ang mga kamay niya. "Tutulungan mo siya?" Tanong niya. Tumango ako. "Oo, kung kinakailangan lang." Kompiyansang sagot ko. Tumango siya saka tumawa nang mahina. "Ano namang maitutulong mo sa isang Black Heather Chevalier Kingsley, aber?" "Bakit? Hindi pa ba siya nakakaranas ng pagkatalo? Tao rin naman siya ah! Kaya alam kong may kahinaan din siya. Tsaka, ang sinabi ko 'kung kinakailangan' lang naman. Hindi ko sinabing pulpol siya at oras-oras niya kakailanganin ang tulong ko." Depensa ko. "Okay, good girl." "Naman!" Mayabang na sabi ko. "Pero teka, paano mo naman siya tutulungan kung sakaling masalisihan siya? Kaya mo bang mangarate? O kaya ay makipagbakbakan? Maalam ka rin ba sa mga codes o kahit sa paghawak ng b***l?" Sunud-sunod na tanong niya. Lumapit ako sa tenga niya at bumulong. "It's a secret. Just watch and see." Saka lumayo sa kaniya at kinindatan siya. Hindi na siya nakakibo at nagdiretso na ako sa pagbibihis. "Oh! Margaux and Pen are here!" Anunsyo ni Mecca. "Hello, ma friends!" at sinalubong kami ng halik sa pisngi saka iginiya papasok ng headquarters. Nginitian lang namin siya ni Margaux. "Angels, nandito na ang dalawa kaya kompleto na tayo. So, let's start the meeting?" At tumango ang lahat. Sinimulan ni Ry ang meeting sa paglalatag ng mga agenda. Kadalasan ay tungkol sa pagpapaplano ng Acquaintance Party ang mga binanggit niya, 'yong iba naman ay house rules lang at mga pangaral. "And the last but not the least, Penelope Clairdelune Chamberlain, please come here in front." Anunsyo ni Ry at mukhang nahuhulaan ko na ang dahilan niya. Pumunta ako sa harap at tumabi sa kaniya. "Hello, Angels!" Masayang bati ko sa lahat para itago ang tensyon sa mga pangyayari. "Hello, Penelope!" Bati din nila sa akin kaya kusa akong napangiti nang matamis. "Okay, didiretsuhin na kita, Penelope. Since magdadalawang linggo ka na dito at alam na alam mo na ang isa sa mga house rules natin regarding the Red C-Note, tama?" Pormal na tanong ni Ry. "Yes. Rule number 5, as much as possible respect the highest g**g and refrain from hanging out with them for they are not just leaders, but silent killers too." Malamyang sagot ko. "Good. So alam mo na ang kasunod no'n. This is for your own safety too, Penelope. Sana 'wag mong isipin na pinaghihigpitan ka namin at ginagawang sunud-sunuran, okay?" "I understand, Ry. Salamat sa concern niyong lahat. Pero may ishe-share lang ako," makahulugang pahabol ko at lahat sila ay napatitig sa akin, kahit si Ry ay naging interesado. "Hindi ko maipapangakong maiiwasan ko na talaga ang baduy----I mean si Black, dahil noong huli naming pagkikita ay napilitan lang akong sumama no'n sa kaniya. Ang dami ko nang inirason no'n just to get rid of him but he blackmailed me." Seryosong kwento ko sa kanila. "What did he say, Pen?" Si Margaux. "Ililipat niya ako sa g**g nila kung hindi daw ako sasama. At dahil ayoko sa nais niya kaya sumama na ako." Sagot ko at bumuntong-hininga. "Sana 'wag na rin kayong masyadong mag-alala sa akin dahil kaya ko naman ang sarili ko. Kaya kong pangalagaan ang buhay ko sa kamay niya, pero natatakot ako na baka totohanin niya ang mga banta sa akin kaya minsan ay nagagawa ko talagang sumama sa kaniya." Nakikiusap na dagdag ko pa. "Marunong kang makipag-away?" Gulat na tanong ni Mecca. 'Bakit ba lagi nilang tinatanong 'yan sa akin? Palaaway ba talaga ang baduy na 'yon? Hindi naman halata. Tss.' Ngumiti ako at nagkibit-balikat. "Hindi ko pa nasusubukan sa kaniya, pero baka mabugbog ko siya kapag nagkagipitan na. Hahahaha!" Biro ko at nakitawa naman silang lahat maliban kay Ry at Margaux. "Hahahahaha!" Tawanan ng lahat. "The meeting is adjourned." Pagdeklara ni Ry. Nang matapos ang meeting ay sabay kaming apat na nagpunta sa cafeteria para bumili ng snacks. It's 3 o'clock in the afternoon kaya inaasahan na naming dinadagsa na naman ngayon ang cafeteria ng mga gangsters. Nang makarating kami sa bungad ay hindi kami nagkamali sa inaasahan namin, marami ngang mga estudyante pero parang may mali. Masyadong puno ng mga estudyante ang cafeteria na halos hindi na kami makasingit para makapasok. "Hey, excuse me. Syx Stracci, right?" Kalabit ni Mecca doon sa lalaking nasa bandang harap namin at nilingon siya nito. "Oh, hi Mecca Carson. What's up?" 'Ay englishero? At hindi rin uso dito ang first name basis kahit magkakilala na? Complete name talaga, ano? Nays.' "I just want to ask what's happening inside? This is not the usual number of students coming over here everyday just for snacks. I mean, obviously, something's going on. What do you think?" May halong landi na tanong ni Mecca sa lalaki. "Yeah, the two colors are debating inside and ended up hurting one other." Kaswal na sagot ng lalaki. "What?!" Gulat na bulalas ng tatlo at ako naman ay naguguluhang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang apat. 'Sinong two color----Black!' Mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo papasok at pilit na sumuong nang marealize ko ang pinag-uusapan nila. 'Black is in trouble! King ina ang ganda ng snacks ko! Nakakabusog!' Sarkastikong sabi ko sa isip habang tumatakbo paloob. Sinubukan akong pigilan ng tatlo pero hindi ako nagpaawat hanggang sa nakarating ako sa gitna kung saan nakita ko kung paano sila nagsapakan at tinalikod ng sipa ni Black si Blue?! At bumulagta ito sa sahig. Pareho silang duguan ang mukha at putok ang mga labi. "Black!" Malakas na sigaw ko dahilan para hindi niya naituloy ang planong pagsapak muli kay Blue na hinahabol na ang sariling hininga sa sobrang pagkakabugbog. Natigilan siya maging ang buong cafeteria ay natahimik at nagulat sa ginawang pagsamok ko sa nangyayaring g**o sa pagitan ng dalawang malalakas. Lumingon siya sa direksyon ko at nagtama ang paningin namin. Napapalunok na sinamaan ko siya ng tingin. "P-Please let him go." Malumanay na pakiusap ko. Kahit ilang metro ang layo namin, kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga kamao at pag-igting ng panga niya kaya nagsisimula nang maghabulan ang t***k ng puso ko. "Penelope." Mahinang tawag niya sa pangalan ko, pero tila isinigaw niya 'yon at halos nabingi ako. Sobrang lamig ng boses niya at hindi ko maintindihan kung anong reaksyon ang ipinapakita niya ngayon. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa. Pero nagulat ako nang bigla siyang naglakad nang mabilis papunta sa akin at niyakap ako. Napahiyaw ang lahat sa sobrang gulat, hindi ko talaga inaasahang gagawin niya 'yon sa harap ng madla. At sa sobrang gulat ko ay hindi ko nagawang yakapin siya pabalik, napatingin ako sa direksyon ni Blue at blangko lang ang mukha niya habang nakatingin sa amin. "Blue..." sambit ko nang walang boses at kusa siyang napangiti, pero agad ding naglaho ang ngiting 'yon nang bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Black. Sinakop ng dalawang kamay niya ang mukha ko at tahimik pa rin ang buong cafeteria habang pinapanood kaming dalawa. "It feels like hell noong mga araw na hindi kita nakasama at pinilit kong umiwas sa'yo pero heto ako ngayon at nilalapitan ka sa harap ng lahat." Mahinang usal niya na tanging ako lang ang makakarinig. Ramdam ko ang mabilis na pagsalubong ng mga kilay ko at nalilitong tiningnan siya. "Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan." Nagbaba siya ng tingin at pinisil ang ilong niya sa gitnang bahagi ng mga mata at huminga nang malalim bago humarap ulit sa akin. "Penelope, I l----" Hindi niya naituloy ang sasabihin nang biglang dumating ang isang matangkad na lalaki, medyo tan ang kulay ng balat, may sinasabi ang itsura, at kulay puti ang buhok. "Black." Madiing tawag niya sa kaharap ko. "Please stop this. Don't make me punish you again. This is not right and you f*****g know that." Makapangyarihang sambit ng lalaki at lumapit kay Black saka hinawakan ang kaliwang balikat nito. "Let's go, bro." Aya niya dito at muling lumingon sa akin si Black, tila ba nanghihingi ng pang-unawa ang mga mata niya. "He's right, Black. Go to your headquarter now, mukhang marami pa kayong pag-uusapan. Ipagamot mo na rin 'yang mga sugat mo at magpagaling ka." Pagsang-ayon ko sa kasama niya at napatungo siya sa kawalan ng magawa, halatang gusto niyang tumutol pero wala ng dahilan. "We're leaving." Paalam ni snowman, 'yong lalaking kasama niya na puti ang buhok. Tumango lang ako bilang sagot at sinenyasan ni Black ang lahat na lisanin ang cafeteria, sinunod ng iba pero hindi naming apat nina Margaux, Ry, Mecca. Mabilis silang lumapit sa akin nang tulungan kong makatayo si Blue. Hindi siya makatingin sa akin nang diretso pero pilit ko pa rin siyang kinakausap. Pinaupo namin siya sa upuan at umupo ako sa harap niya. "What happened, Blu----" "Nothing!" Malakas na sigaw niya kaya halos mapatalon ako sa gulat, maging ang mga kasamahan ko. "Blue! Don't shout at her!" Pag-uutos ni Margaux dito. "Please, please I----just leave me a-alone. I-I don't n-need your h-help." Nahihirapang tugon niya at napailing na lang ako. "Look at yourself, Blue! Sa tingin mo ay kaya mo pang bumalik sa lungga niyo nang mag-isa ka?! Ano ba kasing nangyari at nagsapakan kayo ng Black na 'yon?" Inis na tanong ko sa kaniya, munit puno ng pag-aalala. Mabait ang pagkakakilala ko sa kaniya at naniniwala ako do'n. "H-Hahaha.." sarkastikong tumawa siya habang nakatingin sa sahig at nagtama ang paningin namin nang nag-angat siya ng tingin sa akin. "Masyado ka pang inosente para sa mga bagay-bagay, Penelope. Hindi ka dapat nadadamay sa mga ganitong g**o. Pasensya na." Seryosong dagdag niya at hinawi ang takas kong buhok sa mukha saka inilagay sa likod ng tenga ko. "Teka, teka nga!" Pigil ko sa ginagawa niya dahil wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi niya. "Ano bang sinasabi mo diyan?! Anong pasensya-pasensya?! At ako? Inosente? The heck with that description! Hindi na ako inosente, mga king ina! Ano pa bang dapat kong patunayan para mapabilang ako sa mundong 'to?!" Galit na sigaw ko sa kaniya. "Pen." Dinig kong tawag ni Margaux sa akin pero hindi ko siya pinag-aksayahan ng oras na lingunin. "Alam mo bang sawang-sawa na ako sa ganiyang mga pangaral niyo?! Akala ko no'ng ipinadala ako ni Mommy dito ay magkakaroon na ako ng kabibilangan pero.. hindi din pala. Kasi kayong lahat ay parang Mommy ko rin, na walang tiwala sa akin at puro 'pasensya' at 'sorry' lang ang sinasabi, at ang dahilan?! Dahil inosente raw ako at wala pang alam sa mundo!" "Beh! Please.." pakiusap ni Ry at hinawakan ako sa magkabilang balikat pero agad ko rin 'yong tinabig. Padabog akong tumayo at hinarap silang apat. "Leave this night with me. I need to think." Mariing asik ko at naglakad paalis. Ang sakit-sakit ng loob ko. Hindi ko alam kung paanong ang bilis ng pangyayari. Siguro ito na nga yata ang kapalaran ko, ang magsolo sa sarili kong mundo. Mamuhay nang mag-isa dahil kahit pamilya ko ay hindi ako kayang intindihin at pakisamahan. Nagkaroon nga ako ng mga kaibigan pero mababa pa rin ang tingin sa akin. Hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar ang sarili ko. Wala na akong mapaglagyan. Masamang-masama ang loob ko at gusto kong itaob ang mundo para bumaliktad ito, nang sa gano'n ay baka matanggap na ako ng mga tao. Pero naisip kong napakamakasarili ko naman kung gagawin ko 'yon. Naglakad ako hanggang sa lumagpas ako sa headquarters at nag-iisip ng pwedeng gawin habang nagpapalipas ng galit. Nang gabing 'yon ay hindi ako umuwi sa dorm. Binilang ko ang oras hanggang mag-umaga. Kasabay ng pagtatago ng buwan at pagsikat ng haring araw ay ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako ang mahinang Penelope na nakilala nila. "A brand new day, a new moonlight was born." Nakangiting bulong ko bago muling naglakad papasok ng campus. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD