Chapter 4

1504 Words
Nagsimula na ang pasukan at dahil unang araw ngayon excited akong pumasok dahil namiss kong yung mga kabarkada ko na hindi man lang nagparamdam noong bakasyon. Ni isang chat o pangangamusta wala? Siguro ganon talaga kapag mga lalaki? Hindi ako sigurado pero ganon kami ng mga tropa ko, solid kami kung magbonding pero hindi kami mahilig magusap sa social media. Lalo na't busy din lahat sila, ako lang ata ang walang ganap nitong bakasyon kaya ganito. I chatted Aki a good morning message tapos ay bumaba na ako sa dining area para kumain bago dumiretso sa school. Pagbaba ko nagulat ako nang makita ko si kuya Riel na kumakain na kasama si mommy at daddy, kami nalang pala ni ate ang kulang sa hapagkainan. "Kuya Riel, namiss kita!" sabi ko sabay takbo papunta sa pwesto nya para yumakap, ginawa ko lang yon para inisin s'ya dahil parehas sila ni ate Marviela na mainitin ang ulo. "Ano ba Achilles, para kang bata. Kumain ka na nga, papasok na tayo pagkatapos natin kumain. And where's Marviela? Napakabagal talagang kumilos ng babaeng yon" kuya tsked and continue to eat. "Good morning mom and dad" bati ko sa mga magulang ko and I kissed their cheeks bago ako umupo, tanging ngiti at tango lang ang naging tugon nila. Nagsimula nang kumain, bumaba na si ate na parang kakagising lang kaya inis naman na tumingin si kuya sa kanya at ako nagpipigil ng tawa dahil alam kong magbabangayan na naman sila sa lamesa at papagalitan silang dalawa nila mommy at daddy. "Marviela, what the fvck!" papunta nang sigaw yung boses ni kuya, kaya gusto ko nang tumawa pero pinipigil ko pa din baka batuhin ako ni mommy ng kutsara. "Nico Riel, watch your words" it was dad, seryoso at may diin ang boses nya. Pero walang talab sa akin yon, ito yung sitwasyon na seryoso tapos ako yung mukang tanga na nagpipigil ng tawa. "I'm sorry dad, but look at your daughter. Anong oras na tapos kakagising pa lang nya" Kunot na kunot yung noo ni kuya, malapit na magdikit yung dalawang kilay nya. "Akala mo naman malilate tayo sa school, eh mabilis lang naman ako mag-asikaso at bakit ba atat na atat ata ang kuya kong si Riel?" Dad cleared his throat kaya umupo na si ate Marviela, it's a signal na kailangan na nilang tumigil ni kuya dahil magagalit na si daddy. Ayaw pa naman ni dad ang nag-aaway sa hapagkainan pero yung dalawang kapatid ko laging nag-aaway. "Marviela baby, pwede mo ba akong samahan mamaya mag-mall after your class?" it's mom, binibaby na naman ang kanyang only daughter. "Yes mommy but pwede po bang isama natin si Mauryn?" Gulat kaming napatingin kay kuya nang umubo sya... nabilaukan pala. Kaya agad-agad din s'yang uminom ng tubig na nasa tabi nya. NANDITO na kami ngayon ni kuya sa sala namin, waiting for ate Marviela to finished her 'mabilis lang naman ako mag-asikaso'. AKI LOISE: Good morning Chi, good luck sa first day of school! I love you baby. And for the nth time, she makes me smile. My Aki will always be my happiness. "Achilles naman, nababaliw ka na ba? Lagi ka nalang ngumingiti mag-isa. Duh!" And yes, it's Ate Marviela na kulang sa aruga at atensyon hays "Marviela, shut your mouth. Mag-iingay ka na naman ang aga-aga" sabi ni kuya sabay tayo at bitbit ng bag nya. "Bilisan nyo kumilos, anong oras na!" kuya shouted in annoyance, grabe talaga itong mga kapatid ko. Ako lang talaga natatanging mabait sakanila. Nang makasakay na kami sa kotse, I replied to my Aki's chat. ME: Hey baby, goodluck din sayo. Take care okay? Wag kang titingin sa mga lalaking pogi dyan ha, dapat ako lang ang baby mo I try to hide my smile pero kumawala padin, damn I'm being so cheesy. "Kailan mo ba kasi ipapakilala sa amin yang kausap mo lagi na nagiging dahilan ng pagmumukha mong baliw araw-araw?" And again it was my sister Marviela. "Really Aki? May hindi ka sinasabi sa akin? May nililigawan ka na?" And here goes kuya Riel, na nilingon ako sa passenger seat sa tabi nya. "She's out of the country pero ipapakilala ko naman sya once na umuwi na sya ng Pilipinas, and kuya Riel she's already my girlfriend" I answered with a smile, and my ate smiles too. Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. "Ano na kuya? Ikaw wala pading girlfriend, palibhasa ikaw lang ang pangit sating magkakapatid" pang-aasar ni ate kay kuya Riel, knowing kuya? Magsasagutan silang dalawa hanggang sa mag-aasaran silang panget silang dalawa. But to our surprised, kuya just smile and said "Wait and see Marviela, wait and see." "Wait and see, wait and see ka pa jan. Eh wala naman akong makikita kasi nga torpe ka, buti pa ang baby boy namin ni mommy may girlfriend na habang ang baby damulag ni daddy wala pa" sabay kaming tumawa ni ate dahil namumula na si kuya sa pikon. Buti ay nakarating na kami sa Erestein University, dito kami nag-aaral ng mga kapatid ko. Kuya Riel is on his 4th year in college pero last semester na itong papasukan nya unlike marviela na may dalawa pang sem bago magtapos. Kuya's taking up a business course dahil s'ya ang inaasahan ni dad na tutulong sa company namin. Ate Marviela is taking up Civil Engineering and I'm also taking business ad course hindi dahil gusto kong pumasok sa company namin but I want to make my own business and make it grow. I'll have my own restaurant someday. Naglalakad na ako papunta sa first subject namin ngayon, Business Management Accounting. Nang makapasok ako sa room nadatnan ko agad ang mga kaibigan kong nagkukumpulan sa sulok. "Oh, andito na pala si Achilles e!" sigaw ni Luke kaya nagtinginan sakin yung mga tropa ko tapos sabay-sabay na lumapit sa akin. "Alam mo bang may bago tayong kaklase dude?" tanong naman ni Aries sa akin sabay akbay sakin. "Hindi e, bakit?" taka kong tanong sa kanilang lahat. Tapos mga mukha silang tanga na nakatingin sa akin, as in lahat sila ang weird. "Kapatid daw nung crush mo yung bago nating kaklase e" si Harvey naman ang sumagot. "Sinong crush?" taka kong tanong sa kanila. "Tangina mo Akiles! Isa lang naman naging crush mo e" batok sa akin ni Aries na ngayon ay nakaakbay padin sa akin. "Aray naman! Wala na akong gusto kay Mauryn, at isa pa may girlfriend na ako" sinabi ko sa kanila yun sa mahinang boses, dahil masyado pang maaga para pagchismisan ako ng mga kaklase namin at para ilihis ang usapan na mapupunta sa kapatid ni Mauryn. Hinila nila ako doon sa likod kung saan kami laging naka-pwesto. "Totoo?" "Binata kana? "Bakit hindi mo agad sinabi sa amin?" Sabay-sabay nilang tanong sa akin. "Mga gago, ang busy nyo kaya nung summer"  sagot ko sa tanong nila "At isa pa hindi pa kasi kami nagkikita, nasa Paris kase sya kaya di ko agad nasabi sa inyo" napabuntong hininga ako at tumingin sa mga mukha nilang hindi makapaniwala sa pinag-sasabi ko. "Sigurado ka bang may girlfriend ka talaga? O nag-iimagine ka lang?" tanong ni Harvey sakin, pinepeke yung lungkot sa mukha nya. Kahit kailan talaga mukha s'yang gago hays "Syempre totoong may girlfriend ako, wag nyo nga ako igaya kay Aries na may imaginary girlfriend" singhal ko sakanila. Sabay-sabay silang tumawa at tinapik ang likod ko. "Congrats pare, Welcome sa Loyalist Club!" sabi naman ni Luke habang nagtatawanan padin yung dalawang ugok. "Anong Loyalist Club? Eh pare-pareho kayong manloloko. Wag nyo nga akong idamay sa kalokohan nyo" Iniwan ko sila sa likod at umupo na sa dati naming pwesto. I checked my phone, gaya ng lagi kong ginagawa. AKI LOISE : Ako nga dapat ang magsabi sayo nyan, sa pogi mo ba namang iyan. Hindi naman na nya kailangang ipaalala, I'm hers. ME: Baby, I'm yours. Ikaw lang ang magandang babae ang para sa akin so stop overthinking huh "A-ah, Can I sit here?" dahan-dahan kong inangat yung ulo ko para tignan kung sino yung nagtatanong, kahit na alam ko na naman kung sinong may-ari ng boses na yon. "Sige lang miss, pwedeng umupo d'yan" biglang sagot ni Harvey sa gilid ko, lumapit bigla yung mga siraulo. "S-salamat" sagot nya pero bago pa sya umupo, nagsalita na naman yung mga ugok sa likod ko. "I am Harvey Lagdameo" Sabay lahad ng kamay nya na tinanggap naman ng babae. Magpapakilala na din sana s'ya nang magsalita ang isa sa mga tropa ko. "Luke Edward Adecer." naglahad din naman ng kamay si Luke at tinanggap nya. "Hi, I'm Aries Fontanilla" ganon din ang ginawa nila kagay don sa mga naunang ugok. Tinignan ako ng mga kaibigan ko na para bang sinasabi na "ikaw naman magpakilala,tanga" "Kilala ko na s'ya" "A-ahh yes, I knew him. Anyway, I am Eris Dizon your new classmate"  Pagpapakilala nya sa mga kaibigan ko matapos yon ay umupo na s'ya sa tabi ko. Sa dinami-rami ng pwedeng tabihan? Sa akin talaga tatabi to? •HC•|MLJRG|
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD