Nasa Butterfly Garden na kami ngayon somewhere in Laguna, dahil matagal na daw nila itong plano ni Mauryn pero hindi matuloy-tuloy noong highschool palang sila. By the way Marviela's on her 4th year on college habang ako naman ay 3rd year na. Next week ay pasukan na kaya nga sinusulit na daw ni ate ang pag-gagala, hindi nga lang ako naging handa na kasama ako ngayon sa gala na ito. I prefer to stay at home, lying on bed and talking to my Aki. Halos araw-araw na kami kung mag-usap through calls, and I swear hinding-hindi ako nagsasawang paulit-ulit na mainlove sa boses nya. Boses nya palang parang anghel na, so sweet and soft, mahinhin ganon, what more kapag nagkita na kami in person? Ilang beses na akong nag-plano na makita sya but unfortunately she had to go to Paris, sabi nya doon nya daw tatapusin ang first sem nya and she wanted to take care of her lola there. So bilang understanding na boyfriend ay iintindihin ko nalang, gaya nga ng sinabi ko sakanya noon una 'Marami pa namang next time'. Makikita at makikita ko rin sya, and I'm getting more excited, mas lalong gustong-gusto ko s'yang makilala.
Nasa isang duyan ako nakahiga habang inaantay kong magchat si Aki sa akin. Naghiwahiwalay na kaming magkakasama dahil sabi nga nila'y magbobonding sila, magcchat nalang daw si ate kung uuwi na.
Masyadong payapa ang paligid, napupuno ang garden na ito ng iba't-ibang makukulay na bulaklak, nagkalat din ang iba't-ibang kulay ng paru-paro sa paligid. Maraming magkasintahan ang nakaupo sa ilalim ng mga puno, ang iba nama'y nakuha ng mga larawan.
I checked my phone, 11:11 am.
Ang corny ba kung magwiwish ulit ako?
Gusto ko lang namang iwish na sana kasama ko ngayon si Aki dito, sure akong matutuwa sya sa ganito. Dadalhin ko talaga sya dito kapag nagkita na kami, bale dito kami unang mag di-date.
AKI LOISE:
Hey baby! I'm done eating na. I'm going to the university today, mag-aasikaso ako ng requirements
Napangiti na naman ako. Damn this girl, hindi ata ako magsasawang ngumiti basta si Aki ang kausap ko.
Aki Loise calling me baby is damn nakakakilig, minsan nya lang ako tawagin nang ganyan. She prefers Chi mas cute daw kasi iyon.
I open the camera app and start smiling like an idiot. Sinend ko kay Aki ang picture ko tapos nakangiti akong nag-antay ng reply nya.
AKI LOISE:
Is it legal to be that handsome?
Tatawa-tawa ako habang binabasa ko ang reply nya.
ME:
Yes ofcourse, and legally just for you baby AKI LOISE:
Hahaha, i love you Chi. Chat u later, okay? I'll be busy.
ME:
Takecare baby please? I love you too Aki
Kinuha ko nalang ang earphone ko sa aking bulsa para makinig ng music, wala din naman akong gagawin dahil busy si Aki. Eeenjoy ko nalang siguro tong magandang lugar na'to.
Napabuntong hininga nalang ako, naisip kong maganda nga ang lugar pero wala naman yung taong gusto kong makasama dito.
Hays
Naagaw ng atensyon ko ang babaeng nakaupo sa ilalim ng puno di kalayuan kung saan ako nakapwesto, it was Eris. Nakapikit ang mga mata nya habang dinadama ang sariwa at preskong simoy ng hangin.
B-bakit ganito?
Ang bilis ng t***k ng puso ko, normal lang ba 'to? Dahan-dahan kong hinampas ang dibdib ko, hindi ako tanga alam ko kung ano itong nararamdaman ko. Ang I hate this feeling, ayoko ang pakiramdam na nagtataksil ako kay Aki.
Mali to e, mali na to kahit wala naman akong ginagawa, I feel guilty as fvck.
Aalisin ko na sana ang paningin ko sakanya kaso bigla s'yang dumilat at deretsong tumingin sakin. Arrrgh!
Now I'm fvcked up.
Tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad papunta sa akin. Oh damn, dapat ay iniiwasan ko s'ya ngayon pero mukha naman siguro akong walang manners kung aalis ako bigla.
"Hi, can I join you here?" tanong nya sakin nang makalapit s'ya, tipid lang iyong mga ngiti sa labi nya. Itinuturo nya ang bench malapit sa duyan na hinihigaan ko.
"Sure" yun nalang ang naisagot ko dahil gusto ko ngang umiwas, ipinikit ko na din ang mga mata ko.
Malapit na akong hilain ng antok ko nang marinig ko naman ang boses nya
Maybe I came on too strong
Maybe I waited too long
Oh damn, and now she's singing.
Maybe I played my cards wrong
Oh, just a little bit wrong
Baby I apologize for it
Nanatili akong nakapikit lang, dahil hindi ko rin alam kung anong magiging itsura ko kapag dumilat ako.
I'm in awe, ang ganda ng boses nya.
So do'nt call me baby
Unless you mean it
Don't tell me you need me
If you don't believe it
Hindi ko alam kung bakit ko idinilat ang mga mata ko, at sa ikalawang pagkakataon nagtama ang mga mata naming dalawa.
So let me know the truth
Before I dive right into you
Kinanta nya ang mga linyang iyon habang nakatingin sa mga mata ko. Dali-dali kong iniwas ang mga mata ko sakanya at nagkunwaring tumingin tingin sa paligid.
Hilig nya bang makipagtitigan?
"Achilles?" gulat na naman akong lumingon pabalik sakanya
"Oh bakit?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Nakakatakot ba ako kausap? O nakakabored akong kausap?"
"Bakit mo naman natanong?" kunot-noo ko paring tanong sa kanya.
Nakakaramdam na siguro s'ya na iniiwasan ko s'ya.
"Eh kasi parang ayaw na ayaw mo akong kausapin" bumuntong hininga sya tapos ay nagbaba ng tingin sa mga kamay nyang ngayon ay pinaglalaruan nya.
Masyado bang halata na umiiwas ako?
"Hindi naman sa ganon, hindi lang kasi ako sanay na may kumakausap sa akin" well, totoo naman bukod sa may feelings akong kailangang iwasan ay hindi talaga ako sanay makipagcommunicate lalo na in person.
"Natatandaan na kita" ngingiti-ngiti s'yang nag-angat ng tingin sakin.
Naguguluhan naman akong tumigin sakanya "Huh?"
"Ikaw yung nagchachat kay ate Samantha noon, diba?"
"P-paano mo nalaman?"
"Nakita ko lang dati nung magchat ka at icheck ni ate ang profile mo tapos tawa sya nang tawa, inabot nya sa akin yung phone nya ang sabi nya tignan ko daw. Eh wala namang nakakatawa, cute ka naman doon sa picture." dirediretsong sabi nya, hindi ko nga alam kung tama ba sa lalaki ang mamula ang pisngi kasi ramdam kong nag-iinit ang mukha ko.
Damn this girl, wala man lang preno.
"A-ah hehe, d-dati lang naman iyon. M-may girlfriend na ako ngayon" Hindi ko alam kung required bang mautal after mahiya.
"Sana all" gusto kong tumawa sa itsura nya ngayon, nakanguso kasi sya habang nilalaro nya ang polseras nya.
"Anong sana all? Wala ka bang boyfriend?"
Hindi sya sumagot, tanging ngiti lang ang ibinigay nya sa akin pabalik.
Hindi na sya umimik pagkatapos nang usapan namin na yon kaya, kinuha ko ang cellphone ko at nag-chat ako kay Aki, feeling ko tuloy ay may kasalanan ako sa kanya.
ME:
Hey baby! I miss you
ME:
Baby Aki ko, nasa butterfly garden kami ngayon with my ate and her girl friends and kuya Arkhy her boyfriend
ME:,
I wish u were here, ingat ka d'yan ha. Chat me pag di ka na busy. I love you baby
Dahil di naman nagrereply si Aki at wala naman akong ginagawa, I visited her timeline.
Ganoon padin ang profile picture nya, half devil and angel.
Hindi naman s'ya mahilig mag-status.
Hays. Kailan ko kaya makikita ang mukha nya?
•HC•|MLJRG|