Matapos ang pagpapakilala namin sa isa't-isa ay naupo na kami at kumain habang sila ate Marviela naman ay hindi maawat sa daldalan, mukhang matagal silang hindi nagkita ni Mauryn base sa pinaguusapan nila.
Matagal daw silang hindi nagpansinan dahil nagtampo si ate Marviela noong hindi naka-attend si Mauryn sa debut n'ya dahil masyado daw strict ang magulang ni Mauryn noon at nadagdagan pa daw ang tampo n'ya noong nakaattend si Mauryn sa kaarawan ng iba nitong kaibigan.
Ngayon ko lang napagtanto na sobrang arte talaga ng ate ko at masyado s'yang selosa, akala ko noon ay sa boyfriend n'ya lang siya ganyan.
Nagulat ako nang paglingon ko sa kapatid ni Mauryn ay nakatitig ito sa akin, sa gulat ko ay nalaglag ang kutsarang hawak ko. Kamot ulo ko itong pinulot, akmang aabutin ko na ito nang mapansin ko ang tattoo na natatakpan ng anklet nya. Mga letra ito galing sa alpabetong baybayin, ngunit hindi ko naman alam ang ibig sabihin non.
Nang iangat ko ang paningin ko kay Eris ay kumakain na ito, kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan din s'ya kagaya ng ginagawa nya sa akin kanina.
She has this clear skin every girl wants, singkit ang kanyang mga mata, saktong haba ng mga pilikmata, thin lips with a perfect curves, may nunal sya sa ibabang labi n'ya na parang nangaakit.
She cleared her throat and I nervously looked at her eyes. Di ko alam kung bakit ang bilis ng t***k ng puso ko nang magtama ang aming mga mata, siguro ay talagang kinakabahan lang ako dahil alam kong may ginawa akong mali. Mali ba ang titigan sya? no. Pero mali ang pagnasaan ang labi n'ya, okay yes I am guilty.
Bumuntong hininga muna s'ya bago nagsalita, ang mga mata n'ya ay nanatiling nakabantay sa mga mata ko.
"What's your probem, Mr. Fernandez?" matapos n'yang sabihin yon ay pinagsalikop n'ya ang kanyang mga palad at ginawang panukod para patungan ng baba n'ya. Nakakahangang hindi nawala ang paningin n'ya sa aking mga mata.
"Nothing, nakita ko kasi ang tattoo mo. I wonder what it means? By the way, just call me on my name" nakakatawang para akong tanga na kinakabahan, e magkausap lang naman kami. Ako na ang kumalas sa pagtititigan naming dalawa para icheck ang cellphone ko dahil naalala kong hindi pa pala ako nakakapagreply kay Aki.
"Just my nickname" she answered shortly and continue her foods.
ME:
Hey,Aki. I am so sorry, ngayon lang ako nakapagchat sayo. We're eating here at The Grill, second floor. Where r u?
I just decided na makipagkita nalang kay Aki, since di ako makarelate sa mga babaeng kasama ko. Eris is busy with her own world habang patipa-tipa sa kanyang cellphone, while Mauryn and Marviela is busy talking with each other na akala mo wala silang ibang kasama. Sa susunod talaga'y di na ako sasama kay Marviela kung ganito lang din naman.
My phone beep and the chat head of Aki appeared.
AKI LOISE:
Oh, is that so? Kanina pa ako nakaalis e. I'm going to dine in too in that restaurant kaso ang haba ng pila so I decided to go home na :(
Really? Kung sana'y nareplyan ko agad si Aki, sana ay wala na ako dito kasama ang tatlong babaeng to na may sari-sariling mundo. Sana ay nakilala ko na si Aki, sana ay nakita ko na si Aki.
ME:
Ah gano'n ba? Mag-ingat ka nalang pag-uwi. Marami pa namang next time e. :)
sent 11:11 am
11:11 huh? I know it's weird but let me try this.
"I wish to meet Aki Loise, soon." Bulong ko sa isip ko
"Oh Aki? Bat pumipikit- pikit ka d'yan? Inaantok ka ba o nagdidaydreaming ka?" inis akong lumingon kay ate bago napagpasyahang mag-ihaw nalang ulit para kumain.
Nakauwi na kami ni ate kaya dumiretso ako sa kwarto ko para humiga. It's 2:03 in the afternoon at wala akong maisip kung anong dapat kong gawin.
Hindi naman nagcchat sa akin si Aki, hindi pa nga sya nagrereply doon sa chat ko kanina. Ano na kaya ang ginagawa no'n? Tawagan ko kaya?
I just found myself waiting for her to pick up my call, it takes five rings til' she answered it.
"H-hey Chi? What's up?"
"Nagising ba kita?" halata kasi sa boses n'ya na kakagising n'ya lang. Halata naman pala e, bat ko pa tinanong?
"Ah yes hehe, I'm tired kasi e. Why called pala?" This is he second time that I've heard her voice pero damn, it's so sweet.
"Nothing, just bored. You're not replying on my chats kasi, go back to sleep na. Sorry at naistorbo kita. Bye Aki." Tuloy-tuloy kong sabi dahil ito nanaman ang kaba ko, parang hindi ako masasanay na naririnig ko ang boses n'ya.
Maya-maya pa'y tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Aki.
"H-hey Aki, why?" kabado paring tanong ko sakanya.
"Bat mo naman ako binabaan agad? Ayaw mo bang marinig ang boses ko?" sabi n'ya sa nagtatampong tono, hindi ko mapigilang ngumiti. Unti-unting nawawala ang kaba ko, at nagiging kumportable sakanya.
"Sorry, akala ko kasi ay naistorbo kita sa pagtulog mo kaya pinapatulog na kita ulit" sinabi ko yon nang may ngiti parin sa mga labi ko.
Hanggang sa nasanay na lang ako sa boses nya. Tatlong buwan kaming laging ganon, magtatawagan, magkakamustahan, mag-aasaran.
And sa loob ng tatlong buwan na iyon, ay naging girlfriend ko sya. I don't know but I really love her kahit na ni sa picture man lang e hindi ko pa s'ya nakikita, ayoko namang manghingi sa kanya dahil gusto ko ay kusa syang magbibigay sa akin. I know yung ibang makakaalam na ganito ang sitwasyon namin ni Aki ay di ako maiintindihan, well maybe many of them will judge me or even us pero wala naman akong pakealam. I love Aki at seryoso ako sakanya kahit pa hindi ako sigurado kung ganon din s'ya sakin.
"Aki?" katok ni ate sa pintuan ng kwarto ko. Tinignan ko ang maliit orasan sa gilid ng kama ko at nakita kong Alas diyes na ng umaga, kaya tumayo ako at binuksan ang pinto.
"Yes, Ate Marviela Grace? May kailangan ka?" tanong ko habang kinukusot ko ang aking mata.
"Wala, kumain kana sa baba. Maghahapon na hindi kapa gising, puyat ka nang puyat e wala ka namang girlfriend" sabi n'ya sabay talikod at umalis.
Grabe talaga ang babaeng yon, hindi na naging malambing sa aking e. Lagi nalang akong sinusungitan, akala mo laging may dalaw.
Napakamot nalang ako ng ulo ko bago pumasok sa cr upang linisin at ayusin ko muna ang aking sarili bago bumaba.
"Hey bro, what's up?" bati sa akin ni kuya Arkhy bago ako makababa ng hagdan. He's my sister's boyfriend, at okay naman kami hangga't di nya sinasaktan ang ate ko.
Lumapit ako sakanya at nakipag fist bump ako saka ako sumagot "Boring ng summer dude, buti at nakadalaw ka ulit dito?"
"Medyo busy kasi ako sa family business namin, saka may lakad kami ni Marviela ngayon"
"Ah ganon ba? Goodluck sa mood ng isang yan,kakain muna ako dude." sabi ko sakanya sabay tungo sa aming hapagkainan.
Nang makapasok ako sa hapagkainan ay gulat akong napatingin sa dalawang babaeng nakaupo sa lamesa namin kasama ang ate ko, they're all laughing.
"Hey! Good morning, Achilles" tumatawang bati sa kanya ni Mauryn. Muntik na akong mapanganga sa gulat dahil don, like really? What the hell is happening? Anong ginagawa nila dito?
"G-good morning Chi" napanganga ako ng tuluyan nang magsalita si Eris. "A-ah, I am so sorry. N-nakakatamad kasing banggitin ang pangalan mo, so I made it short." she explained pero heto at gulat parin ako, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.
"Hoy! Nganganga ka nalang ba d'yan Aki? Kumain kana, aalis tayo" sabi ni ate kaya dumeretso na ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Eris at Mauryn.
"Good morning everyone" ngumiti ako ng peke at hinarap ang ate ko"Saan naman tayo pupunta ate? Akala ko may date kayo ni kuya Ark?"
Naglagay na ako ng fried rice, bacon, egg at fried chicken sa plato ko habang inaantay kong magsalita si ate.
"Gagala lang tayo, aalis na naman kasi itong si Mauryn. Mawawala ng one week, kaya magbobond kami" magtatanong na sana ulit ako nang magsalita na naman ito. "Kung itatanong mong bakit kailangang kasama ka pa, ang sabi kasi ni mommy isama ka namin baka daw paguwi namin e nakalambitin ka na sa kisame" she tsked and continue to talked, kaya wala akong nagawa kundi ang kumain at makinig. "Eh kase naman, alam nyo ba yang kapatid ko na yan hindi man lang lumalabas ng bahay. Anong oras na kung matulog, akala mo naman e may girlfriend at nililigaw-... t-teka nga? May nililigawan ka na ba?" tanong n'ya sa akin habang tinataasan ako ng kilay.
"Really ate? Tatanungin mo ko sa harap ng magagandang babaeng to? Really?" tanong ko sakanya matapos kong uminom ng tubig.
"Eh ano? Ano namang pake nila sayo Achilles Fernandez, aber?" nakataas parin ang kilay n'ya at nararamdaman kong hindi bababa yon hangga't di ko sinasagot ang tanong n'ya.
"I have a girlfriend . Now is it okay ate Marviela Grace?" inis akong tumayo at nagpaalam sa kanila na mag-aayos na ako.
"You're annoying!" sigaw ni ate nang nakatalikod na ko.
Pagbaba ko nakaready na sila't nag-aantay na sa labas ng kotse.
Hays. Bat ba kasi kailangang kasama ako? Ang corny talaga ni Marviela amp
Habang nasa biyahe, hindi ko mapigilang hindi maging komportable, mapagitnaan ka ba naman ng dalawang babaeng hindi mo naman masyadong kilala tapos di mo close, yung isa dati ko pang crush. Ano na?
Dati nga lang ba?
Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nagchat nalang kay Aki.
ME:
Hey, baby? Di ka pa ba gising?
I send it while smiling, alam kong mukha akong tanga but I just don't know, kinikilig ako.
AKI LOISE:
Just woke up! Anong baby ka d'yan? Hahahaha goodmorning Chi!
Biglang nawala yung ngiti sa labi ko. Naalala ko kasing tinawag akong 'Chi' ni Eris kanina, balak ko pa nga sanang sabihin sa kanya na ayokong tinatawag akong ganon, I want only Aki to call me that way at wala nang iba pa.
Ipinagsawalang-bahala ko na lang iyon at nagreply na kay Aki
ME:
Aren't u my baby? hmmm. Goodmorning Aki baby! Eat ur breakfast na
AKI LOISE:
Okay, I'll eat na. Yes, I am your baby hihi
I planned to chat her after she eats kaya tinago ko muna ang phone ko sa bulsa. Ate's sleeping while kuya Arkhy's driving. Mauryn is also sleeping but I feel Eris is looking at me kaya nilingon ko sya.
"What?"
"A-ah, just want to say s-sorry kung tinawag kita ng C-chi. Halata sa mukha mo kanina na hindi mo nagustuhan, kaya I'm sorry" bat naman sya nauutal? nakakatakot ba ako?
"Okay, Ayoko lang kasi na may ibang natawag sa akin non. My girlfriend used to call me in that name, so I want it to remain special just for her." matapos kong sabihin yon ay ngumiti lang s'ya akin tapos ay tumingin sa bintana habang kumakain ng tinapay with her earphones on.
Hays, I am really this corny?
Nahahawaan na ba ako ni Marviela? Totoo namang gusto ko ay si Aki lang ang tatawag sa akin non because she's the only one who gave me a different nickname that I loved. And I love Aki, feeling ko nagtataksil na ako sa kanya kapag may ibang natawag sakin ng nickname nya para sa akin. Oh damn, I know I am so corny.
•HC•|MLJRG|