CHAPTER 1

1731 Words
Halos mag-iisang buwan na din kaming nag-uusap ni Aki,  ni hindi ko nga alam kung paano kami naging close. Basta natagpuan ko nalang ang sarili kong uhaw na uhaw sa mga reply nya at ako naman itong hindi magkanda-ugaga sa pagreply sakanya. There's something in her na parang gustong-gusto mo syang kausapin lagi, hindi mabubuo ang araw mo kapag hindi mo sya nakausap. She's caring and kind. Pero hindi ko pa nakikita ang mukha nya, ni picture nya ay hindi pa. AKI LOISE: Chi? Can I call you? Ang aga naman ata nyang magising? Madalas sya'ng magchat at gumising ng ala una na ng hapon, kaya nga hindi ako nakakatanggap ng morning greetings mula sakanya e. And this is the first time na tatawag sya at maririnig ko ang boses nya. ME: sure, are u okay? Maya-maya pa'y nag-ring ang cellphone ko, hudyat na mayroong natawag. Aki Loise Calling...... Huminga muna ako nang tatlong beses, bago ko sagutin ang tawag. Walang nag-sasalita kaya ako na ang naunang nagsalita. "Hello? Aki? Are you there?" "Oh, yes. I am sorry, Kumakain kasi ako. Hehe" Oh damn, her voice is so soft and sweet para akong kumakausap ng anghel. "A-ah, ganon ba? Kumain ka muna kaya?" Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. Maybe because it's my first time na may makausap na babae through phone calls tapos si Aki pa. "No, it's fine. Tumawag lang ako just to say na pupunta ako malapit sainyo." I was stunned. Wow. Ano bang meron sa babaeng to? Ang hilig mag first move. Ako dapat ang gumagawa ng mga pinaggagawa nya ngayon.  We're friends, walang anumang namamagitan, but I like her. I like her that fast. "Hey, Chi? Are you still there?" "Ah yes, Aki. Sorry, may lakad kasi ako ngayon, sasamahan ko si ate mamili ng books" "ah, ganon ba? sayang naman. Yayayain sana kita, pero sige next time nalang. Marami pa namang next time, right?" bakas sa boses nya ang pagkadismaya. "Yes, bye na muna Aki ha? Maliligo na ako" sabi ko sabay baba ng tawag kahit hindi pa sya nagsasalita. Bakit ako kinakabahan ng ganito? Tawag pa lang iyon. Paano na kapag nakita ko na s'ya in person? Totoong may lakad kami ni ate Marviela ngayong araw, ililibre ko kasi sya ng librong matagal na n'yang gustong bilhin at mags'shopping daw sya. Gusto ko mang umoo kay Aki, pero hindi ako sigurado kung hanggang anong oras kaming mag-m'mall. Knowing Marviela Fernandez? Kaya nyang mag-tagal sa mall ng isang araw. Ayaw ko rin namang pag-antayin o paghanapin pa si Aki pero ang totoo rin nyan ay kinakabahan ako. Pa'ano kapag nakita na nya ako tapos hindi nya ako magustuhan? Magustuhan agad? Achilles Fernandez, magkikita lang naman kayo. Hays. Makaligo na nga lang. Pagkatapos ko maligo ay tinignan ko ang cellphone ko kung nagchat ba si Aki, pero wala. Sinubukan kong magcomposed ng message para sakanya pero nauwi lang yon sa pagbura. Hindi ko mahanap ang mga salitang dapat kong ichat sakanya ngayon. Bahala na, mamaya ko nalang s'ya iistorbuhin. Bumaba na ako sa aming kitchen para kumain at magkape, natagpuan ko doon ang ate kong nakalukot agad ang mukha sa akin. "You look so happy today Mr. Aki. Anong meron?" tanong nya, nagtataray na naman. "Ms. Marviela, nothing new. Maganda lang ang gising ko, bat ba nakalukot na naman yang mukha mo? Ang aga-aga ate, ngumiti ka naman"  sabi ko sakanya sabay kain ng tatlong bacon na nasa plato nya. Iritado syang tumingin sa akin at sinimangutan ako nang buong giliw. "Achilles naman! Ang dami daming pagkain sa harap mo, bakit nakikikain ka nang hindi naman sayo. Arrrgh!" Inis s'yang tumayo habang ako nama'y pinagmamasdan lang sya at binibigyan ng mapang-asar na ngiti. "Mag-aasikaso na ako Aki. Pag baba ko dapat ay nakaayos kana ha? Wag mo akong inisin ngayon araw, ang panget mo!" sabi nya sabay martsa paakyat sa kwarto nya. Grabe talaga ang topak ng isang iyon, ang sarap nyang asarin. Siguro ay nag-away na naman sila ng boyfriend nya.  Bahala sya jan, basta ako ay good mood para sa araw na ito. Nagsimula na akong kumain habang nainom ng kape, hindi ko maiwasang tignan ang cellphone ko kung nag chat na ba si Aki pero wala padin. Naka-online naman sya, hindi kaya nagtatampo s'ya? Ganyan pa naman ang mga babae, hindi mo lang mapagbigyan ang gusto magtatampo na agad. Grabe, danas na danas ko na yan sa ate kong si Marviela, kaya nga kami mag-sshopping ngayon para bilhan ko sya ng libro na gusto nya, na pinapabili nya pa noong birthday nya last week. Kaya naman n'yang bilhin iyon pero ang sabi n'ya ay mas sweet daw kung ako ang bibili para sakanya. Ewan ko ba don, nagiging sweet lang iyon kapag may gustong ipabili, pero lagi akong inaaway. Hinahayaan ko nalang, dahil asar at pikon ang ate ko. Mahilig pa naman s'yang mangurot at mangagat. Nakakatakot. Naisipan kong ichat na si Aki, baka nga nagtatampo sya. First time nya pa namang mag-aya. Habang nagttype ako ay biglang may messsage na nag-appear sa taas galing sa kanya. AKI LOISE: Chi, can't reply to your chats until mamaya. 10% na lang ang battery ko HAHAHA, i forgot to charge. But I'll chat u, pag nafull na nag batt ko. I can't help but to smile, akala ko naman ay nagtatampo na. ME: Okay, ingat ka Ms. Aki Loise. Have a good day! Pagkasend noon ay dali-dali kong isinubo lahat ng pagkain sa plato ko, dahil nakikita ko na si ate Marviela pababa ng hagdan. As usual, nakasimangot nanaman sya. Siguro ay pinaglihi sya sa sama ng loob kaya lagi s'yang ganyan. "Achilles, tara na" Himala? Hindi ata nagtaray. Padabog n'yang binuksan ang pintuan ng kotse sa passenger's seat, at padabog n'ya ding sinara. Wala kaming driver ngayon dahil day-off nila tuwing linggo kaya ang ibig sabihin ay ipagddrive ko ngayon ang ate kong madam na si Marviela. Nang makarating kami sa mall ay nagmamadali s'yang pumunta sa National Bookstore. Ako naman ay nakasunod lang sakanya. Umikot ikot na din ako para kumuha ng mga school supplies na kakailanganin ko. Nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay pumunta na ako sa gilid ng counter para antayin ang ate ko. Wala naman masyadong tao ngayon sa pila, siguro ay nasa ibang section sila ng mall. Maya-maya pa'y nakita ko na si Marviela dala-dala ang anim na libro sa dalawang kamay n'ya. "Marviela, ang dami naman n'yan. Mababasa mo bang lahat yan?" tanong ko nang makalapit na s'ya sa akin. "Of course, babasahin ko lahat yan Achilles" pataray n'yang sagot. "And, anong Marviela? Baka gusto mong batukan kita" sabi nya sabay aambang babatok pero umilag ako. "Oh pumila kana, bayaran na natin Ate Marviela." binanggit ko ang pangalan n'ya sa mabagal na paraan para inisin sya. "Pumila kana, babalikan ko pa yung iniwan ko don sa gilid hehe" pagkasabi n'ya non ay tumakbo s'ya palayo sa akin. Kaya wala akong nagawa kundi ipa-scan na ang mga pinagkukuha namin. Nang matapos kami sa pamimili ay pumunta kami sa The Grill  para kumain, isa ito sa mga paborito naming kainan na magkapatid at isa sa mga bagay na napagkakasunduan namin. Kumuha lang kami ng mga ihaw-ihaw na lulutuin namin at kaya naming ubusin, by the way it's an eat-all-you-can restaurant featuring barbeques. And we both love it. "By the way Aki, makikishare pala ng table ang friend ko. Maya maya ay nandito na s'ya" inis akong napalingon kay ate nang sabihin nya iyon. Damn, ano ako? Bodygurad ni Marviela? "Uuwi nalang ako kung ganon" inis akong lumingon sakanya na busy sa kanyang cellphone. Hays kapag di ka na pinansin ni Marviela Grace Fernandez, it means manahimik kana kase hindi s'ya payag. Kinuha ko na lang ang cellphone ko at chineck kung mayroon ng chat si Aki sa akin. I smiled, it's just so cute and weird na parehas kaming Aki ang pangalan and nickname. Parang destined, oh damn ayan ka nanaman sa pag di-daydream mo Achilles. AKI LOISE: Hey Chi, I'm in Reeze Mall. Malapit lang ba ito sainyo? Looks like your having a good day with your ate ah. Reeze Mall? Really? Eh andito kami mismo ngayon, so it means nasa iisang mall lang kami. Oh damn, I want to see her. Magrereply na sana ako nang may magsalita sa gilid ko. "Kaya naman pala ang tagal magreply, sobrang busy sa kausap na iba." sabay kaming napalingon ni ate don sa babae sa gilid ko. Tumili si ate pero agad nyang tinakpan yung bibig n'ya at nagyakapan sila nung babae. Muntik ko na maibagsak ang cellphone ko dahil sa pagkabigla. Really? Magkaibigan sila ni Samantha Mauryn. "Hoy Achilles. bat ngumanganga ka d'yan?" sinimangutan ko si ate at ngumiti ako kay Mauryn. "Hello, I am Samantha Mauryn Dizon. You're Achilles, right?" sabi nya habang ngumingiti at nilahad nya ang kamay n'ya kaya tinanggap ko ito. "Y-yes. I am Achilles Fernandez. N-nice to meet you" matapos kong magsalita ay umupo na s'ya sa tapat ko. "By the way, kasama ko pala ang little sister ko. Susunod na iyon dito, may binili kasi s'ya jan sa malapit na botique." Samantha said. Wala akong magawa kundi ang tumulala sa kanya, yung crush ko nasa harap ko mismo. Hindi nya ako pinapansin dati, pero ngayon nakausap ko na s'ya, nagpakilala s'ya sa akin, at nahawakan ko ang kamay n'ya. Hindi ko alam na kaibigan pala sya ng ate ko. Abala sila sa pagkikwentuhan ni ate nang biglang magsalita si Mauryn. "Oh andiyan na pala ang lil sister ko."  sabi n'ya sabay turo sa pintuan ng The Grill. Nanatiling na kay Mauryn ang paningin ko, at si ate naman ay nakakunot muna akong nilingon bago bumaling sa likod ko. "Hello, Eris! Lagi kang kinikwento sa akin ni Mauryn. Ako nga pala si Marviela Fernandez, bestfriend ng ate mo." tumayo si ate at inilahad ang kanyang kamay sa babae sa likod ko. "Hello po ate Marviela, nice to meet you po" bati n'ya pabalik sa ate ko at tinanggap n'ya ang kamay nito. Tinitigan ako ni ate na para bang nagsasabing "tumayo ka nga d'yan" Kaya kahit na kinakabahan akong harapin ang nasa likod ko sa hindi malamang dahilan ay tumayo ako at hinarap ko s'ya. "H-hi. I am Achilles Fernandez, kapatid ako ni Marviela." sabi ko sabay lahad ng kamay ko sakanya. Pero nanatli lang s'yang nakatingin ng diretso sa akin at medyo nakaawang ang bibig. Nagtaka naman ako kaya nagsalita ako ulit. "H-hey? W-what's wrong? May dumi ba ako sa mukha?" I ask her but then she smiled at me, while still wearing her smile. "Ah, I'm Eris Dizon. Sorry akala ko kasi kilala kita" sabi n'ya sabay tanggap ng kamay ko. Parehas kaming nabigla, at napatingin ulit sa isa't isa. Really? May ground talaga? Fuck. What's happening? •HC•|MLJRG|
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD