bc

Run Away with Me (Fierce Love Series #4)

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
HE
playboy
badboy
boss
heir/heiress
sweet
bxg
office/work place
assistant
like
intro-logo
Blurb

A love found spontaneously amidst a broken heart.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Antonia Minulat ko ang aking mga mata at mabilis na rumehistro sa akin ang excitement. Kahit puyat ako kagabi, at kailangang magising ng maaga para sa preparasyon, walang bahid ng reklamo ang isip at katawan ko. I am fully conditioned for the most important day of my life. My wedding day. Kahit medyo masakit pa nga ang ulo ko dahil sa alak na pinainom sa akin ng mga matatalik kong kaibigan, at hindi naman ako palainom talaga, pinagbigyan ko na ang sila at ang aking sarili dahil iyon na ang huling gabi ng aking pagkadalaga. Ikakasal na kasi ako kay Lester, my first love. I have never love any other man but him. I devoted my whole life loving him. Kaya nang mag-propose siya sa akin, walang pagdadalawang-isip na pumayag ako sa alok niya! We were together since college. Classmate ko siya noong unang dalawang taon namin sa kolehiyo pero dahil sa higpit ng unibersidad namin sa kursong Accountancy, naghiwalay ang landas namin pagkatapos kong maipasa ang battery exam, at siya nama’y hindi pinalad. I was worried for him but when I saw his reaction, it faded when he assured me that he’s fine. Well, he took Business Administration major in Management Accounting. Okay na rin ‘yon. Same department pa rin kami kaya halos hindi kami napaghiwalay din. Pumasok ang glam team at nag-assemble na sa mga dapat gawin ngayong araw. It’s still four in the morning but everyone is busy now. I already took a bath when they arrived so all they have to do is to set-up their things. “Tony, first set tayo dahil may pre-nup solo shoot ka pa dito sa unit mo. Ang mga bridesmaid ay nagre-ready na rin.” Renee explained. He’s my gay bestfriend at siya rin ang coordinator sa kasal ko. “Naka-standby na ang team ng photographer. Keri ka na ba?” Nakangiting tanong niya sa akin. I smiled and nodded. “Ready na,” Ngumiti rin siya sa akin. Pumalakpak siya ng tatlong beses at tinawag ang mga kasama. “Okay! Okay! Ready na si accla! Uy Ricci! Bonggahan mo ang make-up ni Tony, ah! Gusto kong siya ang pinakamagandang bride sa balat ng lupa!” “Yes, bakla! We’re ready!” Sagot nito sa kanya. I shook my hand, slightly protesting on what he wants. “Renee, I only wanted a simple make-up.” Mahinang sabi ko pero pabiro siyang umismid. “Ay! No way, Antonia! This is your most treasured day! Hindi dapat simple simple ito. It has to be bonggaycious, ‘no!” Deklara niya. I chuckled and let him decide for that. Noong pre-nup shoot namin ni Lester, mabusisi ang pag-make up sa akin. Hindi ko alam na marami palang seremonyas bago maging plakado ang mukha. Tapos nang maayusan si Lester noon pero hindi pa ako natatapos. Pero mas marami pa palang proseso ngayong mismo ng kasal ko! “Ganito ba talaga ‘to?” Tanong ko sa kanya habang nilalagay ang face mask sa mukha ko. Marami pa siyang naging seremonyas bago nagsimula sa pagme-make up. “Kailangan long lasting ang make-up mo ‘day dahil mahaba ang shoot mo. Retouch retouch na lang mamaya. Saka dapat fresh kang haharap sa altar, ‘noh!” Biro niya. “Baka ‘pag nakita ka ni Lester na Haggardo Versoza, baka mag-backout yon!” Tinampal siya ni Renee sa likod. Ricci grimaced in pain. “Wag mong mabiro-biro ng ganyan ang kaibigan ko, ah!” Natawa ako ng konti sa pagtatalo nila. I actually don’t mind. Walang puwang ang bad vibes sa akin ngayong araw na ‘to. Nagpatuloy sila sa pag-aayos sa akin. They did my hair, too. Habang tumatagal, mas lalo kong nakikita ang pagbabago sa itsura ko. At nang matapos, nagsimula na kami sa pagkuha ng mga litrato. Nakalahad na sa kama ang mga susuotin ko sa kasal. Ang puting traje de boda ko ay nakasuot sa mannequin sa tabi ng aking kama. The photographer started giving me instructions on how to project on the camera. Kahit medyo ilang, nairaos ko rin naman. Then the bridesmaid came and took us photos and even videos. May tawanan ang kaunting sayawan na kinuhanan din ng video. They even asked me to narrate how Lester and I started. Sa kaba ko pa nga, halos mautal ako pero kinaya ko pa ring magkwento. “Ay! ‘Yung gift mo kay groom!” Renee reminded me. I smiled and nodded. Inabot iyon sa akin at ipina-explain sa akin kung bakit iyon ang ibibigay ko sa kanya. “Okay! Cut!” Deklara ng photographer. “Pahinga muna kayo sandali. Kukunan ko ng video ang pagbukas mo sa gift ng groom sa’yo tapos mamaya, kukunan kita ulit kapag naisuot mo na ang wedding gown.” I nodded. “Salamat.” Hinanap ng mga mata ko si Renee. Kanina ko pa kasi siya napapansing hindi mapakali at hindi natigil sa pakikipag-usap sa cellphone niya. He looked stress. Kapag nagtatama ang mga mata namin, he will sport a smile on me. Kahit ramdam kong pilit lang iyon. I tilted my head. May problema ba? Unti-unti ko siyang nilapitan at nauulinigan ko ang sinasabi niya sa kausap sa cellphone niya. “Baka lumipat lang siya ng room!” He said with extreme frustration. Sandali siyang nakinig sa kausap pero hindi pa rin siya mapakali. “Imposible! Magtanong ka sa receptionist!” Then he ended the call. “Renee…” mahinang tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin, bahagyang nagulat sa pagtawag ko sa kanya. He was breathing deep and hard but he was able to catch up. “Sis…ba’t nandito ka? Tapos na kayo?” May kaba sa tono ng pagtatanong niya. Tumango ako. Nagtataka sa biglang pagbabago ng awra niya. “Oo,” sagot ko. “May problema ba?” He struggled to gave me an assuring smile. Umiling siya bilang sagot sa tanong ko. “W-Wala! Busy yata ang team ng groomsmen. Hindi nila mahagilap si L-Lester.” Sagot niya. I sighed. Lester was drunk last night. Baka hindi pa siya nagigising. Hirap pa naman gisingin nun. “Bingo, baka kasama na siya ng team niyo para sa separate shoot niyo sa groom?” Tanong ni Renee sa photographer. Lumingon siya sa amin, not minding Renee’s worry. I won’t mind, too. Baka ganun na nga ang nangyari. Hindi lang siya nadatnan sa suite niya. “I’ll ask,” sagot niya at inilabas ang cellphone para tumawag sa kasamahan. Nilingon ko si Renee bago nangiti. I held his both hands and smiled at him. “Relax lang! Nandyan lang si Lester!” I said to appease him. “Ewan ko ba kasi sa jowa mo! Ikakasal na nga lang at lahat-lahat, hindi pa mahagilap!” He blurted out. I chuckled to ease his tension. “Gusto mo, tawagan ko siya?” Alok ko dahil kanina pa siya hindi mapakali. Marahas niya akong nilingon, tiningnan niya ako na parang mali ang sinabi ko. “Hindi ‘yun pwede, girl! Malas ‘yon!” “But…I don’t want you to worry.” “Ano ka ba, Tony! Don’t think about me! Think of your wedding! Ako ang bahala sa mga aberya. You shouldn’t be stressed, my god!” Natawa ako sa sinabi niya. She laughed at me, too. Inayos pa niya ang tikwas ng buhok ko bago siya naging seryoso. He held my shoulders and caressed it gently. “I’m so happy for you, Tony. Sa wakas, your dreams are coming true.” Ngumiti siya, medyo naluluha rin. Hindi ko napigilan ang mangiti sa sinabi niya. He’s my bestfriend. I want him to be part of the entouraged but he refused because he wanted to personally take care of my wedding. Siya at ang kanyang buong team ang kumilos sa lahat ng mga kailangan namin. And seeing him a bit emotional, hindi ko rin napigilan ang sarili kong sumabay sa nararamdaman niya. “I’m so happy, too, Renee. Finally-“ Naputol ang pagsasalita ko nang mag-ring ang cellphone niya. “Wait lang, girl. Sagutin ko lang ‘to,” he said. “Oh? Ano? Naibigay mo na ba? Nakuha mo na—-ano? Teka? Ano’ng pabalik ka rito?” Lumayo siya sa akin at nakipagtalakan na siya sa kausap. Nakita ko rin ang pagtayo ni Bingo at ang paglayo siya sa dating pwesto habang may kausap din sa telepono. I shook my head and sighed. Hindi naman ako mapamahiin na tao. I could just call Lester and ask for his whereabouts. Baka kapag ako ang tumawag, malaman na namin kung nasaan siya. Hawak ang cellphone ko, pumuslit ako sa banyo at nag-lock na roon. Umupo ako sa edge ng bath tub. I will call Lester. Siguradong sasagot iyon sa akin. Hindi naman ako bothered. Ilang beses na ring ganito si Lester sa mga naging lakad namin noon. He doesn’t mind his time. Kaya minsan, napaguumpisahan ito ng away namin. I can’t help but feel a little disappointed again to him. This is our wedding day. He should’ve atleast spared this day for us! I felt a relief when his phone rings. Medyo matagal bago niya iyon nasagot. Tumuwid ako sa pagkakaupo ko at ni-ready ang sasabihin. “Lester,” mahinahong tawag ko sa kanya. “Babe, where are you?” He didn’t respond. Alam kong nakikinig siya sa sinasabi ko dahil naririnig ko ang paghinga niya sa kanilang linya. “B-Babe…” tawag niya sa akin. “Hinahanahap ka na nila. Nasaan ka? Pinagbawalan nila akong tawagan ka dahil sa pamahiin pero hindi ko matiis, nag-aalala na sila sa’yo.” Sagot ko. He sighed. I don’t know but…worry started to grow inside of me. “Babe, may problema ba?” Mahinang sabi ko sa kanya. Naagaw ng sunud-sunod na kalabog mula sa pintuan ang atensyo ko. Renee was looking for me now. I don’t want to add up to her problem so I answered him promptly. Tunog nagmamadali pa naman siya. “Antonia!” Tawag niya sa akin. “Nandyan na! Nag-banyo lang,” sagot ko. Mabilis kong ibinalik ang atensyon ko sa tawag ko kay Lester. “Babe, text me where you are, please? I love you.” Then I ended tha call. I pushed the flushed button so Renee will think that I really did my business in the bathroom. Isinuksok ko ang phone ko sa bulsa ng aking silk na roba. Pero pagbukas ko nang pintuan, I saw Renee’s horrified face. “W-what happened?” Nag-aalala kong tanong sa kanya. “Renee, hindi kasama ng team ko si Lester.” Sabi ni Bingo. Nilingon ko si Bingo pero agad ko ring ibinalik ang mga titig ko kay Renee. Ano’ng nangyayari? Bakit hindi nila mahanap si Lester? But I just called him! Nakausap ko pa nga! Humahangos na pumasok ang isang assistant ni Renee, yung nautusan nilang maghatid ng gift ko para kay Lester. Pero bitbit niya pa rin ito ngayon, hindi man lang nakarating sa fiancé ko. “Boss, napagtanong ko siya sa lobby. Maaga siyang umalis dito sa hotel sabi ng gwardya.” He said. “Wala ang sasakyan niya sa parking lot.” Umalis? Lester left the hotel without my knowledge? It must be an emergency, for sure! I have to call his parents! Pero sa totoo lang, a part of my mind is worried sick already. But I don’t want to entertain those thoughts because…I don’t like how it will hurt me deeply. “Pero ang mga magulang niya, nasa lobby. Nagtataka ako dahil hindi pa sila nakagayak para sa kasal.” Dagdag nung lalaking assistant. I gulped hard. No…no. This isn’t happening. Ramdam na ramdam na ang tensyon sa loob ng suite ko. Ang ibang mga taong tapos na sa ginagawa, lumabas na muna para mabigyan na kami ng privacy. Even my bridesmaids were able to do their quiet exit in my suite. “Damn it!” Renee angrily blurted out. “Nasaan at kakausapin ko!” “Renee, sasama ako—-“ “No! Stay here!” He stopped me. “This is scandalous! Your boyfriend is really something, Tony! I swear if I’ll see him, lalabas ang pagiging Rambo ko!” Galit na sabi niya bago siya lumabas ng kwarto. Nanghihina akong naupo sa gilid ng kama. I felt my eyes heated for the coming uncontrolled tears. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Hindi ko na alam kung paano ko pa maipagtatanggol si Lester sa isip ko gayong…mukhang iniwan niya na talaga ako rito sa hotel. Ayaw niya na bang pakasal? Naduwag ba siya? Ayaw niya ng panibagong responsibilidad? Sumisikip ang dibdib ko sa mga naiisip. Pero…bakit naman ganito? Sa mismong araw ng kasal pa namin talaga siya maduduwag? Iiwan niya ako sa ere sa…ganitong sitwasyon? Wala akong maisip na maling nagawa sa kanya para gawin niya sa akin ang ganitong klase ng kahihiyan! I loved him from the very start. I respected him and never did I do something against his will. I was a submissive girlfriend to him! But apart from that, I know, and it’s very obvious that his parents never liked me. Pero wala na rin silang nagawa nang ipaglaban ako ni Lester sa kanila at kalaunan, natanggap na rin nila ako. Hindi kaya…may kinalaman ang mga magulang niya sa hindi niya pagsipot sa akin ngayon? They didn’t do anything bad to me but I can feel the indifference whenever we see each other. Binalewala ko na nga lang ‘yon dahil mas nananaig ang pagmamahal ko kay Lester. Maybe because of my family’s history, natatabunan pa rin ang mga achievements ko ng madilim na parte ng tungkol sa pamilya ko. That whatever I do, they will always see the darker side of it. But…This is too…much! Malaking eskandalo ‘to! I am drowning in himiliation because he didn’t appear in our wedding day! My phone beeped for a message. Gusto kong ignorahin iyon dahil wala ako sa huwisyo para i-entertain ang kung sino man. But thinking that it might be Lester, I checked who texted. Hindi ako nagkamali. Siya nga ang nagpadala ng mensahe. Lester: I can’t marry you, Tony. I’m sorry. I laughed. I laughed so hard. Tangina mo, Lester. I don’t cursed a lot, but f**k you! Ni hindi mo man lang ako tinawagan! Sa text pa talaga?! “Tony,” kinakabahang tawag sa akin ni Bingo. Tumayo ako at iwinagayway sa mga naroon ang cellphone ko. “Look, Lester texted.” I laughed. “Pack up na kayong lahat. Wala nang kasalang magaganap.” Sobrang sakit sa dibdib, parang sinasaksak ako ng patalim ng ilang beses. Ang histerikal na tawa ko, nauwi sa hagulgol. I can’t…deal with this. Para akong… Dinaluhan ako ni Bingo saka ng isang assistant ni Renee. I felt myself floating and my vision blurred. Then darkness consumed my consciousness.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook