bc

When We Were Still Us

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
fated
drama
sweet
lighthearted
campus
childhood crush
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

On my first day of senior high, I met him-the college achiever everyone seemed to know. Always hosting events, always in the spotlight, and somehow always crossing paths with me.From random encounters to late-night talks, he slowly turned into more than just the guy on stage. He started courting me... and for a while, we were an "us."But young love doesn't always last. We broke apart before graduation, leaving only what-ifs behind.Years later, just when I thought I had finally moved on, fate decided to play its trick-bringing him back into my life in the most unexpected way.

chap-preview
Free preview
Prologue
Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang orasan ko nang magising ako. Akala ko may oras pa ako para mag scroll sa social media kaso nakita kong fifteen minutes na akong late, nag iisip tuloy ako kung papasok pa ba ako o hindi na kasi mag c-commute pa ako! Tumayo na lang ako at kumilos na, wala naman na akong magagawa pa hindi ba, either late or absent na talaga ang marka ko. Mas okay na ang late kesa absent. Halos maiyak na ako habang nag aayos dahil sa pressure, simula elementary ako hindi ko naranasan maging late. Ngayon pa talagang first day ko sa med school. Hindi na ako kumain, kakain na lang ako sa break time ko. Habang nasa train ako halo halong emosyon ang nararamdaman ko, paano ba naman kasi wala pa akong kilala doon, hindi ko nga rin alam kung sino mga professor ko. Tulala ako buong biyahe, hanggang na makarating ako. "pakibuksan na po ang bag para diretsong pasok na." Rinig kong saad ng guard na nag ccheck ng mga bag. "Late ka na maam ah." Pang aasar sa akin ng guard. Alam na niyang late yung tao makikipag usap pa. "Kaya nga po eh... Saan po rito yung list ng mga rooms?" tanong ko. "Diretso ka lang po doon, tapos may makikita kang lamesa, pakihanap na lang po doon." saad niya. Nag pasalamat ako at dumiretso na sa kung saang direksyon siya nag turo. Halos wala na akong makitang ibang tao dito kung hindi mga nagtitinda or staff ng school na to lang. Huminga ako nang malalim. "Huwag kang kabahan Celestine, huwag kang mapressure, for sure orientation lang yon." Pagpapakalma ko sa sarili ko. Nang makita ko na ang room at schedule ko, pinicture-an ko iyon at nagmadaling pumunta sa room ko, kahit sa second subject ko late ako! Ang lakas ng t***k ng puso ko, di ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa kanila. Kakatok na sana ako sa pintuan nang may humawak ng doorknob. "You're late." Tumingin pa siya sa relo niya. Hindi ako nabigla dahil professor ko ang nakasabay ko, pero nabigla ako nang makita kong si Denver 'yon! "Uh... sorry?" Litong saad ko. Ang awkward naman ng ganito! Hindi ko alam kung nandito siya para mag aral ulit o siya ang professor ko! "Get in. " Malamig niyang saad. Tahimik akong pumasok, habang nag lalakad ako humanap agad ako ng uupuan ko. Sana naman irregular siya para hindi kami araw araw magkita! Kaso... graduating na siya nung nag hiwalay kami, is he following me? Tumingin ako kung nasaan siya, at laking gulat ko nang makitang nakatayo siya sa teacher's desk at nag aayos ng gamit niya. Oh fuck... don't tell me dito siya sa med school mag iintern? Akala ko mathematics ang subject na gusto niya ituro? Hindi ko namalayang sa med school siya... Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang mapatingin siya sa kung saan ako nakaupo. s**t! Tumikhim siya. "Okay let's start. I'm going to introduce myself first... My name is Denver Elias Vaughn, you can call me Professor Denver or Vaughn, or if you're not comfortable you can call me by Sir Vaughn." Saad niya at napansin kong naaagaw ng mga babae ang atensyon niya. Paano ba naman kasi, ang gagaslaw, parang ngayon lang nakakita ng tao. Ito namang si Denver parang natutuwa pa. Dahil first day palang namin, nakipag get to know each other lang kami kay Denver, or should I say Sir Vaughn. Well, sila lang din naman ang nakipag get to know sa kaniya, umiiwas ako ng tingin sa kung saan siya nakapwesto. Paano ba naman kasi, yung mga tanong sa kaniya halos alam ko ang sagot. Sa loob ba naman ng tatlong taon, buong katauhan niya yata kabisado ko na. Sinilip ko siya. Nakikipag kwentuhan pa rin siya sa mga grupo ng mga babae, naging kaclose agad nila si Sir Denver, which I know the easiest thing they can do. Napaka friendly niya talaga and so easy to approach. Di ko na sila pinansin after non, ayon na ang huling beses na tumingin ako sa kanila dahil nag ring na yung bell, hudyat na breatime na namin. Palabas na ako nang biglang may lumapit sa akin. Sila yung kausap ni Denver kanina. "Hi, pwede ba makipag kaibigan?"Tanong niya. "Uhh why?" I asked. "It's first day of school, Sir Vaughn told us to be friend with you." She explained, the girl who have a pink clip said. Napakunot ang noo ko, bakit niya pa kailangang utusan mga estudyante niya. If I'm not mistaken, first time niya palang magiging teacher, gusto niya bang magkaissue kaming dalawa? This is forbidden! "Uh... Okay." Saad ko na lang kasi ayaw kong mag mukhang dramatic or problematic. Okay na rin naman dahil first day of school palang, kung hindi ako makikipagkaibigan ngayon, mahihirapan akong makipag kaibigan sa susunod na araw. I'm thankful, but he shouldn't have done that. Balak ko ngang iwasan siya kaso paano ko gagawin yon kung inutusan niyang kaibiganin ko yung mga nagpapapansin sa kaniya? Inaya nila akong sumama sa canteen at pumayag ako, puro usapan namin ay about sa pre-med namin, halos lahat kami ay pareho ng tatahaking landas kaya nakakasabay ako sa mga usapin nila. "First day palang pero itatanong ko na agad. Ano kinakain niyo kapag nag aaral? Mag sstock na ako." Biro ni Andrea , yung naka pink clip kanina. Nang dumating kami sa canteen, parang naubos ang dugo sa katawan ko nang makita namin bigla si Denver na nakapila. "Oh my gosh, naunahan niya pa tayo dito, s**t s**t shit..." Saad ni Andrea na para bang hindi niya alam ang gagawin niya. "Kumalma ka naman, ano bang meron?" Tanong ko kasi nakakahiya kung titingin si Denver sa amin tapos gumaganon siya. "Crush niya kasi si prof, hindi mo ba nahalata? Gusto niyang mauna kanina para ayain niyang doon umupo si prof." Natawa si Althea at umiling. I chuckled. "Nakakatawa yon?" saad ko sa isip ko. Nakitawa ako. "Umayos ka na, nakakahiya kapag tinignan ka ni Denver." Saad ko at napatingin sila sa akin. "Bastos ang pagtawag sa first name ng professor pero wow, ang sarap na nga ng last name niya, mas masarap pa yung first name." Saad ni Andrea at nagtawanan ulit sila. Nakitawa na rin ako kasi totoo naman. Hindi rin nag tagal ay napansin kami ni Denver. I have to get used to calling him professor now... Kaso paano? Apat na taon ko siyang tinatawag sa first name niya. "Sana ayain tayo." Bulong ni Andrea bago kumaway kay professor Vaughn. Nag dilang anghel siya dahil inaya kami na umupo sa table niya. Ang laki ng table na pinaglagyan niya ng bag niya, na para bang pinaghandaan niya. Sinamahan niya kaming umupo sa table kung nasaan ang bag niya. "Order na muna tayo?" Aya ko kay Jasmine, na kasama ko sa iisang circle ngayon, anim kasi yung magbabarkada kanina na nakipag kaibigan sa akin, kaso mga hindi ko pa kaclose yung iba. "There's no need, I bought you all a food, I don't know your likings, so I ordered randomly, just pick later." Biglang saad ni Denver. Natuwa ang mga kasama ko at salamat sila nang salamat kay Denver, habang ako ay napatingin sa kaniya na para bang nalilito sa mga aksyon niya. What the heck is he plotting now?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
318.4K
bc

Too Late for Regret

read
358.0K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.8M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.3M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
151.8K
bc

The Lost Pack

read
468.0K
bc

Revenge, served in a black dress

read
158.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook