It's been two months already since we graduate. Hindi ko pinaalam sa mga kaibigan ko ang nangyari nung araw na yun. Nagsinungaling ako tungkol sa benda sa kamay ko non.
Ayokong kaawaan nila ako.
As for me and to my family. Nothings change. Pinakita ko sa kanilang ayos lang. Na naiintindihan ko ang lahat.
Nagsimula nadin pala ang business namin nila Tati and so far naman malakas siya lalo na lagi din kaming ineedorse nila Elijah.
Puro ang nagiging customer namin is yung mga business woman and men na gustong ma-commercial ang kanilang shop. Yung mga nagpapagawang tarpaulin.
"Tati, Tignan mo 'to. Tama lang yung shot na 'to?" wika ko habang nakatingin sa pc ko.
"Oo tamang-tama. Ang ganda nga ng shot ni Noe e. Ang galing mo talagang pumili ng shot," puri ni Tati.
Ngumiti nalang ako saka sinimulang ayusin ang picture ng biglang pumasok si Elijah.
"Babe!" aniya.
Sinamaan ko naman ng tingin si Elijah. "Can you shut your mouth Elijah? I'm working!"
"I'm sorry Babe!"
Napailing nalang ako. Lagi padin kasi akong hatid-sundo ni Elijah kahit graduate na kami ay hindi nawalan ng oras sakin si Elijah.
Umupo naman sa gilid ko si Elijah saka hinawakan sa baywang. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ang trabaho ko.
Patuloy naman sa paghalik sakin si Elijah sa pisngi kaya tinutulak ko na siya. "Elijah..."
"I missed you babe,"
Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Why so clingy Elijah?"
Simula nung sinagot ko si Elijah. Wala pading nagbago sa kanya. Sa trato niya sakin.
He still Possessive and territorial when it comes to me.
"Siguro may ginawa kang kalokohan 'no?" pang-aasar ko sa kanya.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Wala ah? Masyado kang mag-isip,"
Humalakhak naman ako sa itsura ni Elijah. Pikon talaga 'to.
"Nako, Via baka nambabae." Singgit ni Noe.
Nilingon ni Elijah ang kakambal saka sinamaan ng tingin. "Shut up Noe!"
Nagtawanan na lang kaming tatlong babae. Lagi siyang pikon kapag inaalaska namin siyang ganyan.
"Joke lang. Eto naman. Napaka-pikon mo talaga babe,"
Padabog namang umupo si Elijah sa sofa sa opisina namin at dahil may tinatapos ako para bukas ay hinayaan ko nalang muna siyang mag-maktol.
"Are you done Via?" ani Tati.
Tumango ako sa kanya saka lumapit kay Elijah. "Let's go Babe! Wag ka ng magalit,"
Sabay-Sabay na kaming lumabas ng shop saka sumakay nako sasakyan ni Elijah.
Tati and Noe have already their own car. As well as Aziel and Anwyll. Masyadong busy narin yung tatlong yun pero bukas plano naming magkita-kita.
"Elijah, Kausapin mo na ako!" panglalambing ko habang nagmamaneho siya. "Joke lang naman,"
"Hindi naman kasi ako nambabae,"
Humalakhak naman ako sa sinabi niya. "I know Babe... We're just joking. Bat kasi ang pikon mo? Unless it's true,"
Sinamaan niya nanaman ako ng tingin. "Ayan ka nanaman!"
"Oh, Joke lang... Babe naman, Alam ko namang ako lang mahal mo."
Nginitian ko siya kaya nginitan niya din ako sa huli. Ganyan lang naman kadalasan ang pinagtatalunan namin ang pagiging pikon niya.
"Text me when you're home babe ha?" ani ko.
Tumango naman siya sakin saka nilapat ang labi sa kamay ko. "I love you Babe,"
"I love you too Elijah!"
Bigla naman siyang napatigil at hindi makapaniwala sa narinig.
"What did you say Via?"
Humalakhak naman ako sa kanya. "What? Elijah, What's wrong with you?"
"You never say three words to me,"
Well, He's right. Since naging boyfriend ko siya ay hindi ko siya sinasabihan ng I love you.
"I said, I love you Elijah!"
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan sa labi.
"Tama na. Uwi na Elijah," natatawang wika ko.
Bumaba na ako sa sasakyan niya saka kumaway. Pinaharurot niya naman ang sasakyan niya.
Nakangiti lang ako habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Elijah ng may biglang may nagsalita sa likuran ko.
"You look happy,"
Nilingon ko naman ang nagsalita. Akala ko nung una si Kuya Aidon pero si Ate Monica ang nasa harapan ko ngayon habang nakangisi.
"Ate Monica..."
Ngumisi siya sakin. "Kumusta naman kayo nung Elijah? Sa tingin mo ba kayo na hangang huli?"
Kinagat ko yung ibabang labi ko saka iniwasan nalang siya para hindi kami mag-away pa.
Hinatak niya naman ang braso ko pabalik sa harapan niya. "Wag mo akong tinatalikuran Avianna,"
"Ate please... Ayoko ng g**o," ani ko.
"Tahimik ang buhay ko hangang sa inagaw mo sakin si Patrick!"
Patrick? Yung lalaking yun parin ang issue niya e ang tagal ko na ngang hindi nakikita yun.
"Kung inagaw ko si Patrick sayo edi sana siya ang boyfriend ko ngayon. Why don't you move on Ate? He don't love you anymore."
"Wala kang alam. Hindi mo alam kung anong meron kami ni Patrick. Tandaan mo 'to Avi, Lahat gagawin ko para mawala sayo sila Daddy. Kung hindi mapupunta sakin si Patrick pwes, Hindi rin siya mapupunta sayo!"
Napailing nalang ako sa kanya. This issue is nonsense.
Naaawa ako kay Ate Monica. Hindi man kami close pero alam kong hindi niya deserve na masaktan ng ganito. Kung tinutulungan niya lang ang sarili niyang makalimot. Kung magtrabaho nalang siya para maging busy siya.
Hinatak ko ang braso ko saka dire-diretsong umakyat sa kwarto ko. Pinilit ko nalang alisin sa isipan ko ang nangyari.
Pagkatapos kong maglinis ay naupo ako sa kama ko saka nagbukas ng f*******:. Nagulat naman ako ng mag-pop up ang f*******: ni Patrick.
Bakit nanaman nagchachat sakin 'to? Akala ko titigilan niya na ako nung last time na nakausap ko siya nung graduation.
Patrick:
Hi Avianna, How are you? Long time no see ha?
Kung hindi ba kami nagkita nung time na yun, Magkakaganito ba si Ate Monica? Magkakaproblema kaya sila?
Hindi ko alam kung tamang replyan pa siya pero gusto ko lang siya makausap.
: Patrick, Do you still communicate with my sister?
Habang nag-aantay ako sa reply niya ay bigla namang nag-ring ang nessenger ko sa cellphone at lumabas ang mukha ni Elijah.
"Elijah, Nakauwi kana?" bungad ko.
Tumango siya sakin. "Nasa room na ako,"
Pinakita niya pa ang kwarto ko parang may gustong ipakita na nag-iisa lang siya sa room niya. Itong lalaking ito ang hilig matulog ng walang damit.
"Why aren't you wearing a shirt again?"
Ngumiti siya sakin. "Hindi talaga ako sanay Babe. Mahina lang naman ang aircon ko,"
Napairap nalang ako sa kanya sa camera. Bigla kong tinignan ang laptop ko saka nakita ang reply ni Patrick.
"Wait lang babe," ani ko saka binaba ang cellphone para basahin yung nasa laptop.
Patrick:
Uhm.. Yes? She still bothering me Avianna... Why?
: But I told you already that I don't love her anymore before I met you.
Bumuntong-hininga naman ako saka napapikit saglit.
"Anong meron Babe?" rinig kong wika ni Elijah sa cellphone.
Hindi nalang muna ako sumagot saka nagtype sa laptop ko.
Patrick:
Why don't you give Ate monica a second chance? I know she made a wrong decision. It was her fault but she still deserve a second chance. My sister is nice, Especially if its about you. Wag mo akong gawing rason kung bakit hindi na pwede kasi alam mong nilinaw ko na sayo na hindi tayo pwede.
Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang sabihin yun kay Patrick pero baka sakaling marealize niya na si Ate Monica ang tamang babae para sa kanya.
Pagkatapos kong isend yung chat ko ay pinatay kona ang laptop ko saka hinarap si Elijah.
"Ano ba yung pinagkakaabalahan mo?" nakasimangot na wika ni Elijah.
Umiling ako sa kanya. "Wala yun. May kausap lang ako saglit,"
"Sino?"
Kapag sinabi ko kung sino ang kinausap ko malamang magagalit siya sakin.
"Wala yun Elijah,"
Ngumuso naman siya sa camera kaya tinawanan ko siya. Madami pa kaming pinag-usapan hangang sa nakaramdam na ako ng antok.
"Elijah, I'm sleepy already. Goodnight Babe!" Humihikab pa ako habang sinasabi sa kanya yan.
"I love you Babe. Dream of me," ngisi niya.
Napailing nalang ako sa kanya saka nag-flying kiss sa kanya at pinatay ang tawag niya sakin.
Ganyan kasi routine namin ni Elijah paguwi galing sa kanya-kanyang trabaho ay nag-uusap bago matulog. He always find time for me that's why I appreciate it.