Nandito na kami sa labas ng auditorium na nag-aantay sa tatlong lalaki naming kaibigan.
"Sobrang ganda ng speech mo Via," masayang wika ni Noe.
Ngumiti ako sa kanila. "Mamimiss ko itong university natin,"
Niyapos naman ni Tati ang braso ko saka nagsalita. "Ako din. I'm gonna miss this university too,"
"Nga pala, Wala padin ba si Tito? Diba sabi niya susunod siya rito?" singgit ni Noe.
Nagkibit-balikat ako. Kahit sabihin kong ayokong mag-expect pero syempre hinihiling ko din na sana ay sumunod nga siya.
Napalingon ako kay Kuya Aidon ng tawagin niya ako sa pangalan. "Tumawag si Daddy,"
"And?"
Tinignan ako ni Kuya Aidon sa mga mata bago siya nagsalita. "He can't make it Avi... Monica's friend is in our house,"
Kinagat ko yung ibabang labi ko para mapigilan ang luha ko.
"Avianna...." ani Kuya Aidon.
Umiling ako sa kanya saka tipid na ngumiti. "Okay lang Kuya... Naiintindihan ko naman,"
"Naiintindihan my ass..." mapaklang bulong ni Tati. Ni hindi ko nga alam kung bulong ba talaga yun e.
Tumalikod nalang ako kay Kuya para antayin sila Elijah. Sakto rin namang bumagsak ang luha kong pilit kong pinipigilan.
"Via...."
Umiling ako sa kanila saka pinunasan ang luha ko. Ayoko ng awa nila. Ayoko kasi ayoko ding kaawaan ang sarili ko.
"I'm fine Noe..." ani ko. Ngumiti ako ng saka tinignan sila ni Tati. "Sasagutin ko na si Elijah,"
"Talaga?" Sabay nilang wika.
Tumango ako. "I'm not sure If I can say that I love him but one thing for sure is I like him and I don't want to lose him. He makes me happy. He makes me comfortable with everything,"
Bigla namang yumakap sakin ang mga dalawa sakin kaya hindi ko maiwasang matawa. Atleast silang mga kaibigan ko nagagawang mapagaan ang nararamdaman ko.
"Anong meron at may pa-group hug kayo?" wika ni Aziel.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Noe. "San ba kayo galing? Siguro nambabae nanaman kayo 'no?"
Napailing nalang ako sa sinabi ni Noe. Agad namang nagsalita si Elijah sa kakambal.
"Oy... Hindi ako kasama diyan ah? Loyal 'to," ani Elijah saka naglakad palapit sakin at inabot ang bulaklak na hawak.
"Gago! Iniwan tayo sa ere," inis na wika ni Aziel.
"Congratulations Elijah!" nakangiti kong wika.
Hinawakan niya naman ang kamay ko saka nilapit sa labi niya.
"Gusto sana kitang ayain sa bahay kaso alam ko may celebration din kayo e," aniya.
Nilingon ko si Kuya Aidon na nakatingin lang samin mula kanina. Ngumiti naman siya sakin saka tumango.
"May gusto akong sabihin sayo Elijah," ani ko.
Tumaas naman ang kilay ni Elijah kaya nilingon ko saglit sila Tati. Nakangiti lang sila sakin at nasa likod nadin nila ang parents nila.
Kinagat ko yung ibabang labi ko bago tinitigan sa mga mata si Elijah.
"You've been a nice person... Well, You are possessive and territorial but you are a perfect guy in every way. Elijah, I'm not sure if it's a good idea but...."
"Via, What is it? Kinakabahan na ako sayo," aniya.
Ngumiti ako sa kanya. "You treat me special... And it makes me more special when you court me. I think you deserve. No, We deserve each other. Elijah, I want you to be my boyfriend!"
Nanlaki naman ang mata ni Elijah sa sinabi ko habang ang mga kaibigan ko ay napatili pati narin sila Anwyll. Dahil sa ingay nila ay nakuha nanamin ang attention ng iba.
"Hey!" Inalog ko ang braso ni Elijah saka humalakhak. "Elijah, Bakit hindi ka kumikibo?"
"Am I dreaming?"
Natawa naman ako sa itsura niyang hindi makapaniwala.
"Do you think your dreaming?" pagtatanong ko din sa kanya.
Nilingon niya ang mga kaibigan namin saka hinawakan ako sa magkabilang balikat.
"Totoo ba? Sinasagot mo na ako?" masaya niyang wika.
"Ayaw mo ba?"
Agad naman niyang hinawakan ang dalawang pisngi ko saka pinatakan ng halik sa labi.
"Ghad! I love you babe! I love you," nakangiting wika ni Elijah.
Bigla namang tumikhim si Kuya Aidon kaya nilingon siya ni Elijah.
"Hindi porket hinayaan kong sagutin ka ng kapatid ko ay ibig sabihin non ay hindi na ako mangingielam sainyo... I'm warning you Elijah, Once my sister got hurt. No, Once Avi cry because of you? I'll never let you near her ," pagbabanta ni Kuya Aidon.
"I won't hurt her Kuya,"
Tinaasan naman siya ng kilay ni Kuya Aidon saka tinanguan.
"Just make sure!" ani Kuya saka nilingon ako. "Let's go Avi! We need to go,"
Tumango naman ako saka lumapit sa mga kaibigan ko at hinalikan sila sa pisngi.
"Bukas nalang tayo mag-celebrate, Okay?" ani ko. "Bye po Tita. Tito,"
Bumalik ako kay Elijah saka ngumiti. "Mag-enjoy kayo sa celebration niyo,"
Tumango naman siya sakin saka hinalikan sa pisngi. "I love you!"
Tumalikod na ako sa kanila saka naglakad papunta sa sasakyan namin. Kumaway pa ako sa kanila bago sumakay.
Tahimik lang ako buong byahe at hindi rin naman nagsasalita si Kuya Aidon hangang sa makarating na kami sa kanto ng subdivision namin.
"I'm glad that you're happy Avianna," ani Kuya.
"Thank you Kuya... For always here for me," wika ko.
Atleast naibsan kahit papano yung lungkot na nararamdaman ko ngayon. Atleast may magandang memories padin akong nagawa para sa araw na ito diba?
Pagpasok namin sa bahay ay natanaw kona agad ang mga kaibigan ni Ate Monica. Nakakapagtaka lang na parang wala silang family celebration.
"Anak," tawag ni Daddy. Napalingon naman si Ate Monica sakin kaya tinaasan niya ako ng kilay.
"Gusto ko na pong magpahinga Dad," ani ko.
Pagod narin naman talaga ako pero hindi ko rin talaga kaya silang harapin ngayon.
"Kumain ka muna... Ayaw mo bang makijoin kay Ate Monica mo? They celebrating," ani Dad.
Nilingon ko naman ang pwesto nila Ate Monica pero wala naman samin ang atensyon nila.
Umiling nalang ako saka lalagpasan na sana si Daddy pero pinigilan nanaman ako ni Daddy.
"Avianna, I'm sorry kung hindi ako nakadalo sa graduation mo,"
Kinagat ko ang ibabang labi ko saka tinitigan so Daddy. Hindi naman talaga maitatago ang lungkot ni Daddy para sakin pero hindi naman yun ang kailangan ko e.
"Ayos lang,"
Hinawakan nanaman ako ni Daddy sa braso para matigil ako sa paglalakad. Pinikit ko naman ang mata ko para magtimpi.
"Anak, Ayaw mo ba talagang kumain? Anong gusto mo? Gift? I'll buy what you want,"
Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ni Daddy kaya napahinto rin siya sa pagsasalita.
"Gift Dad? Srsly? Wala bang bago diyan Dad?" mapaklang wika ko. "S-Sa tuwing nangyayari ang ganitong instances ay tinatapalan niyo ako ng regalo para ano? Para intindihin ko ang sitwasyon natin... But I'ts okay Dad. No need for gift. I should understand right?"
"Avianna...." Humakbang palapit sakin si Daddy pero humakbang naman ako paatras sa kanya.
"Naiintindihan ko naman kayo Dad.... I understand that you love Ate Monica more than me pero sana konting effort lang naman po e. Yun lang po... Pero kung hindi niyo yun maibibigay? Ayos lang. I should accept what I have... Hindi kayo naka-attend kasi sabi niyo naka-oo kayo kay Ate Monica edi pinilit kong intindihin pero you promised Dad. Sabi niyo hahabol po kayo pero kahit yung maliit na bagay na yun ay pinagdamot niyo pa sakin," hagulgol ko.
"I'm sorry Avianna... Hindi ko alam na ganyan ang mararamdaman mo,"
Hinawakan ako ni Kuya Aidon saka umiling sakin. Lumapit naman si Mommy kay Daddy saka bumulong.
"Adam, Stop this. Nakukuha nanatin ang attention ng bisita ni Monica," bulong ni Mommy saka sinamaan ako ng tingin.
"Ano po bang tingin niyo sakin? Bato? Walang pakiramdam? Sana nga ganon nalang ako! Oh, By the way I have a great news... I am summa cumlaude Dad pero hindi niyo ko nakita kung paano mag-speech sa university. You don't even know about that,"
Umatras uli ako ng humakbang siya palapit sakin saka umiling-iling.
"Ayoko po kayong sumbatan Dad dahil ayoko po kayong mabastos kaya hayaan niyo nalang po akong magpahinga. Pagod na po ako," dagdag ko.
Tinalikuran ko na si Daddy saka dumiretso paakyat ng kwarto ko. Agad naman akong napaupo sa sahig pagkarating ko sa kwarto ko.
I'm tired. I'm mentally tired.
I should be happy because I already graduated. I should be.
Tumayo ako saka tinignan ang sarili sa salamin. Why do you have to be like this Avi? Bakit kailangan mong manglimos sa kanila?
"Avi!" rinig kong tawag ni Kuya Aidon sa labas habang patuloy sa pagkatok. "Please, Avi... Open the door. I want to see you Avi. This is Kuya Aidon,"
Hindi ko alam kung bakit kahit naririnig ko si Kuya Aidon ay hindi ko magawang kumilos o umalis sa pwesto ko.
Mapakla akong ngumiti sa salamin. Habang buhay na ata akong magiging ganito e. Kailan nga ba ako mapapagod manglimos?
Nakita ko nalang ang sarili kong sinusuntok ang salamin habang naririnig ang sigaw ni Kuya Aidon.
"Yaya, Kunin niyo ang susi ng kwarto ni Avianna. Bilis!" sigaw ni Kuya.
Napahagulgol nalang ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sirang sira na ang araw ko.
"Avianna," tawag ni Kuya Aidon pagkabukas ng pinto ko. "What have you done?"
"Kuhanin niyo ang first aid kit!" utos niya sa katulong.
"Kuya please... I want to be alone," ani ko.
Tumango-tango naman siya sakin saka hinalikan ako sa noo. "Gagamutin ko lang ang kamay mo tapos lalabas narin ako, Okay?"
Pinapanuod ko lang si Kuya Aidon na binabalot ng bandage ang kamay ko. Sobrang swerte ko kay Kuya Aidon. Kahit kailan hindi niya pinaramdam sakin na nag-iisa ako.
"Lalabas na ako ha? Tawagin mo ako kung kakain kana... And please, Don't hurt yourself!" aniya.
Tumango ako saka tumalikod sa kanya. Gusto kong matulog dahil pakiramdam ko na drain ako.