Chapter 27:

1288 Words
Pagdating namin sa auditorium room ay madami naring estudyante at mga magulang. Hindi ko naman maiwasang mainggit sa mga classmate ko na kasama ang magulang nila at inaasikaso nila. I hope Daddy is here too... "Via?" Nilingon ko naman ang mga kaibigan kong nakatingin sakin at mahahalata mo sa mata nila dahil nakatingin ako sa masayang family. "I'm okay!" ani ko. Binati naman ako ng mga magulang nila kaya ngumiti nalang ako sa kanila. Lumapit naman si Noe sakin at hinawakan ang kamay ko. "I can talk to my Mom Via. So, She can be a proxy to your parents?" aniya. Pinilit kong ngumiti sa kanya saka umiling. Alam ko namang walang problema kay Tita Elisse yun pero ayokong maging problema pa ng iba. "Kuya Aidon is here, Noe," Napalingon naman siya sa likuran ko at doon niya lang napansin si Kuya Aidon na nakatingin samin. Inaantay nalang namin ang pagsimula ng ceremony namin ng biglang may tumawag sakin. "Avianna?" Nilingon ko ang tumawag sakin at doon ko nakita si Patrick na may hawak na bulaklak. "What are you doing here Patrick? Graduation niyo rin diba?" ani ko. Tumango siya saka inabot ang bulaklak. "Sumaglit lang ako dito para iabot 'to sayo," Bumuntong-hininga ako saka tinanggap ang bulaklak. "Sana hindi ka na nag-abala pa," "Congratulations Avianna! Sana payagan mo na akong ligawan ka," nakangiti niyang wika. Narinig ko naman ang boses ng parents nila Noe kaya napapikit ako saglit. "Thank you and congratulations din... Kung ano ang sinabi ko sayo dati Patrick. Yun padin ang sagot ko," ani ko. "I'm sorry!" Nalungkot naman si Patrick saka nagpaalam sakin. I know Patrick isn't a bad guy but what should I do? I can't like him. Not because of Ate Monica but because I like Elijah already. Nagsimula narin naman ang graduation ceremony kaya hindi nanamin napag-usapan ni Elijah ang nangyare. Pinaghawak ko muna ang flowers kay Kuya Aidon. "Ang ganda niyo po Ms. Avianna," ani ng katabi ko. Hindi ko siya kilala since hindi siya galing sa section namin. "Thank you... You can call me by my name," nakangiti kong wika. "Btw, What's your name?" "Napaka-bait niyo po talaga Ms. Avianna," aniya. "I'm chin from Bsad-04," Napatawa naman ako sa kanya. Kahit ano talaga sabihin ko lagi pading may Ms ang tawag nila sakin. "Kayo pong magkakaibigan ang gaganda na po tapos ang bait niyo pa... Bagay nga kayo ni Elijah e," dagdag niya pa. "Baka naman lumaki ang ulo ko sa papuri mo," halakhak ko. Napalingon nalang kami sa harap ng sinabi na bigayan na raw ng diploma. "Avianna Shein De Villaga," tawag ng emcee. Naglakad naman ako paakyat ng stage saka tinanggap ang diploma ko. Tumingin ako sa mga tao sa harapan ko na nakangiti sakin. Nilingon ko si Kuya Aidon na pumapalpak saka nag-thumbs up sakin. "Ms. Avianna, Hindi ko po nakikita parents niyo?" ani Chin. Kinagat ko naman ang ibabang labi ko. I don't know how to explained. "Hmm... Ang Kuya Aidon ko ang nandito sakin. They attending my Ate's graduation too," ani ko. Tumango-tango naman siya. "Kadalasan talaga sa mayamang pamilya, Wala silang time sa anak nila 'no? Kaya yung iba----" Bigla naman siyang napatahimik nung nakita niyang yumuko ako. She's right but in my case? My Ate Monica is the reason. "I'm so sorry Ms. Avianna... I'm so tacless," aniya saka hinawakan ang braso ko. I smiled at her. "That's fine Chin," "Deserving graduates will now be awarded medals of honor. We would like to request the parents of students with honors/students with high honors and students with highest honors to come up the state to give the award to their children. They will be assisted by our principal and the Schools Division Superintendent." Napalingon kami sa harap ng magsalita na uli ang emcee. Inaantay ko nalang ang pagtawag sakin sa pangalan ko. "Students with Highest Honors Ms. Avianna Shein De Villaga," Tumayo naman ako saka nilingon si Kuya Aidon na nanlalaki ang mata sa gulat. I didn't tell them about it. Naglakad naman si Kuya Aidon palapit sakin kaya ngumiti ako sa kanya. "You didn't tell us about this Avianna?" aniya. Ngumiti ako. "Maybe, It's not important Kuya that's why I didn't tell this to you even to Dad," Nakita ko naman ang lungkot sa mata niya kaya nagkibit-balikat nalang ako. This what I hate most. When they feel sorry for me. I don’t want them to feel sorry for me because I feel like I don’t matter to them. Pagkatapos nila kaming kuhanan ng pictures ay bumaba narin kami at may konting sinabi lang ang emcee at dean samin. Maya-maya din ay tinawag uli ako para sa speech ko. "Let us now listen to the farewell message of our student with Highest Honor Ms. Avianna Shein De Villaga, after which she/he will lead the Pledge of Loyalty." Naglakad uli ako pabalik sa stage. Tumikhim ako at tinignan ang mga kaibigan ko na sobrang proud sakin. Pinasalamatan ko muna ang mga guest namin. Saka humarap uli sa kapwa estudyante ko. Actually, I don't know what to say. I'm so nervious. "Today, we celebrate the culmination of all our efforts. Today, after all the years of our education, the seeds of our determination have borne fruit," panimula ko. "It makes me remember how we’ve come to this point in life, all of the experiences we’ve had here in St. Claire. We’ve had our fair share of hardships and triumphs. Making friends, losing loved ones, getting lost in unfamiliar places, being found by familiar faces, failing a test, making a comeback, receiving help in times of need, giving help to those in need, falling in love, getting heartbroken, recovering and moving on, struggling to keep up with life, and enjoying every minute of it." dagdag ko. Napalingon ako kay Elijah nakangiti sakin. Hindi ko naman naiwasang mapangiti ng sumenyas siya sakin ng heart. I smiled to everyone before continuing my speech. "College life really has been one heck of a roller coaster ride for us. You know, these moments, however painful some of them might be, are actually blessings. All of these moments are time and effort well-spent, every second of it, every blood, sweat, and tear was well worth it," Parang nag-flashback naman sa isipan ko kung paano ako nagsimula dito sa St. Claire. Kung paano ako naging masaya at nagpakahirap sa university. Hindi ko rin naman maiwasang maluha. St. Claire been a biggest part in my life. This university became my second home. Hindi ko naman maiwasang matawa dahil unti-unti naring umiiyak ang iba. Siguradong naka-relate sila sa mga sinabi ko. "There is one final thing I want to share with you all. Even though all of us have the power and capability to do great things, always look back. Look behind you and around you. The faces you see are the people who’ve always been there, always doing their best in supporting our dreams and aspirations," ani ko. Nilingon ko naman ang magulang ng mga estudyante. Kung nandito rin kaya sila Daddy ay magiging proud rin kaya sila katulad ng mga magulang na 'to? "My Mommy and Daddy, Kahit wala man kayo dito sa ceremony ko... Salamat po sa lahat ng suporta na binigay niyo sa akin. Sa Kuya Aidon ko na walang sawang pagsuporta at pagpapasaya sakin ay taos puso po akong nagpapasalamat sayo Kuya. Iniaalay ko po itong tagumpay na ito sa inyo," Pinunasan ko ang luhang bumagsak sa pisngi ko saka ngumiti sa lahat. "Our parents, our loved ones, our family deserve our thanks and gratitude, they deserve our warmest round of applause." Pumalakpak ako kasabay ng pagpalakpak ng mga estudyante. Ngumiti ako kay Kuya Aidon saka nagpasalamat at mukha namang nakuha ni Kuya Aidon ang sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD