Chapter 26:

1216 Words
This is it! Two days already passed and now is my graduation day. My Dad hired someone to do our make up for this day. Akala ko sa pagdan ng araw ay biglang magbabago ang desisyon ni Daddy. Na sasabihin niya saking magagawa niya ng makapunta sakin pero until now, Wala padin akong naririnig sa kaniya. "Ma'am, Ngumiti naman kayo oh? Everyone is waiting for this... Pero ikaw lang ata ang nakita kong gagraduate na may lungkot sa mata," wika ni Ate Kisses. Siya ang make up artist na nakatoka para sakin. Ngumiti naman ako ng tipid saka tinignan ang sarili sa salamin. I don't know what to feel. Basta feeling ko parang normal days lang itong araw na ito. Napatingin naman ako sa pinto nung pumasok ang kasamahan nila saka lumapit kay Ate Kisses. "Kisses, Can I borrow your eyeliner?" nakasimangot na wika niya saka napalingon sakin. "Hi, Ikaw ba ang kapatid ni Ms. Monica?" Tumango naman ako sa kanya sala nagkibit-balikat. "Alam mo mas maganda ka kaysa sa kapatid mo tapos mukha ka pang anghel kaysa roon sa kapatid mo. Masyadong demonyita ang ugali," nakasimangot niyang wika. Madami pa siyang sinabi ng biglang may nagsalita dahilan kung bakit kami napalingon. "I'm not paying for you to trashtalk my daughter. And please, Don't you ever compare my Monica with this not so gorgeous person," malamig na wika ni Mommy. Napayuko naman sila parehas ni Ate Kisses saka humingi ng pasensya. "I'm sorry Madam!" Tinaasan siya ng kilay ni Mommy. "Ano pang ginagawa mo? Aba! Make upan mo na ang anak ko..." Pagkalabas nila ng kwarto ko ay ngumiti nalang ako kay Ate Kisses saka humarap sa salamin. "Pasensya na sa trato ni Mommy sainyo," ani ko. Hinawakan niya naman ako sa balikat. "Nako, Wala yun Ma'am... Mali din po kasi namin," Ngumiti ako sa kanya saka sinunod ang inutos niya sakin. Pagkatapos niyang make upan ako ay kinuhanan niya ako ng picture. Para siguro magamit nila for documentary nila sa trabaho. Napalingon ako sa likod nung makita ko si Daddy na nasa pintuan. "Dad..." matamlay kong wika. "You're so beautiful... Hindi nga ako nagkamali na pagagandahin ka nila Kisses," nakangiting wika ni Dad. Humalakhak naman si Ate Kisses saka hinwakan ako sa braso. "Of course Sir! And besides, I don't need to make an effort for her. See? She has a pretty face. I'm so sure Sir na maraming na-iinsecure sa anak niyong 'to," Nahiya naman ako bigla sa pagpuri niya sakin. "Ano kaba Ate Kisses!" "Maganda talaga ang mga anak ko Kisses," Kinagat ko naman yung ibabang labi ko saka lumingon kay Daddy. "Congratulations Avianna Shein! You never failed me. Bata ka palang alam ko na may pangarap ka sa buhay. Kayo ng Ate mo, And you proved to me that I am not wrong... Being your Father? I'm so blessed to have you and I'm so proud of you," Tumingin ako sa taas para mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. He never said that to me before. I thought I'm just a shadow. "Thank you Dad... I'm so blessed to that I have you." Yinakap ko siya ng mahigpit. Bumulong naman siya sakin habang nakayakap. "I'll do my best para makaabot sa graduation mo Okay?" Bigla namang bumigat ang loob ko ng maalala ko. "Okay po," Hindi na nakasagot si Daddy ng biglang kumatok si Kuya Aidon sa nakabukas kong pinto. "Kuya Aidon? Wala ka po bang work? And why are you wearing that?" tanong ko. Ngumiti naman si Kuya saka inaboy ang boquet of rose na dala niya. "Of course, I'm attending your graduation day..." "Really?" Nanlaki ang mata ko sa narinig. Ang pagkakaalam ko kasi may meeting siya with his investor. "But you are busy? I heard, You'll have a meeting?" "Come on Avianna, I won't let someone or something to be hindrance with your graduation. I told you right that I always support you," Yinakap ko naman si Kuya Aidon ng mahigpit. Atleast alam ko si Kuya Aidon ay makakasama ko ngayong graduation. Paglabas namin ng bahay ni Kuya Aidon ay nakasandal si Elijah sa sasakyan niya. Nakalimutan ko pala siyang i-text kasi napagusapan namin na sabay nalang kaming dalawa na pupunta sa university. "Elijah..." Lumapit siya sakin sa hinalikan ako sa pisngi. "You are beautiful Babe!" Kinagat ko naman ang ibabang labi ko saka ngumiti sa kanya. Nahihiya ako kapag nasa paligid namin si Kuya Aidon. "I forgot to text you! Kuya Aidon attending my graduation that's why..." Nilingon niya naman si Kuya Aidon na nasa likuran ko na nag-aantay. "I'm so sorry Elijah---" Inalog niya ang kamay ko saka umiling sakin. "That's fine Babe.. I'm happy to know that your Kuya is with you. Convoy nalang po tayo?" "Sige... Mag-ingat ka," ani Kuya. Kumaway ako kay Elijah saka pumasok sa sasakyan ni Kuya Aidon. Habang nasa byahe kami ni Kuya ay nakasunod lang naman si Elijah samin. "Sabi ni Dad na susunod raw sila sa graduation mo," ani Kuya. Nagkibit-balikat naman ako. "Do you think they will make it?" Hindi naman nakakibo si Kuya Aidon kaya tumingin ako sa kanya. "Sabay ang graduation namin ni Ate Monica baka tapos narin ang graduation ko kapag nagpunta pa sila. Unless, Hindi niya tatapusin ang ceremony ni Ate Monica pero mukhang malabong mangyari yan," mapaklang wika ko. "Avi..." Ngumiti ako ng tipid. "I don't want to talked about it. Wala naman talaga silang oras para sakin e... I don't want to cry, Masisira ang make up ko," Hinawakan ni Kuya Aidon ang kamay ko kaya tinignan ko nalang ang side mirror para tanawin si Elijah. Bigla naman niyang iniba ang topic namin dalawa. "Si Elijah..." Elijah been a good person eversince. Even we're just friends. He's good to me. He's gentlemen, Kind and lovable person and every girls want that kind of person. "What about him Kuya?" Nilingon niya ako saglit habang nagmamaneho. "Do you love him already? Ang tagal narin mula ng ligawan ka niya," Love? Apat na letra pero malalim ang kahulugan. Do I love him? Aminin ko mula nung pinaalam niya sa lahat na liligawan niya ako ay nag-iba ang tingin ko sa kanya. I've known him as maloko but he became serious when it comes to me. And I will admit it. "Kuya, I like him..." panimula ko. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko saka pinaglaruan ang mga daliri ko. "I was afraid to admit it to myself eversince because I don't want lose him. You know, He's one of my friend... And sila lang ang naging kaibigan ko dahil sa issues ko pero i realized na mas nakakatakot pala kapag sinayang ko yung pagkakataon dahil naduwag ako sa nararamdaman ko," Tinigil ni Kuya Aidon ang sasakyan kaya napalingon ako at doon ko palang narealize na nasa parking lot na pala kami. "Dalaga na talaga ang baby sister ko," aniya. "Is it okay to you Kuya if ever na sabihin kong sasagutin ko na siya?" Hinawakan niya ang dalawang braso ko. "Did he make you happy?" Tumango ako. "Is he really love you?" I smiled again and nod my head. "If he makes you happy and he truly loves you baby sis... I'll support you! Just make sure that he won't hurt you," Yumakap ako kay Kuya Aidon ng mahigpit saka bumulong. "Thank you Kuya Aidon,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD