Kabanata 1:
"Ang galing galing mo talaga Monica. Sobrang taas nanaman nang grade mo." proud na wika ni Mommy.
Nandito na ako sa terrace habang sila ay nasa kusina ay naririnig ko padin ang usapan nila Ate at Monmy.
"Magiging proud kaya sakin si Dad?" hagikgik ni Ate Monica.
"Who wouldn't proud of you? You did a great job. Yung iba nga jan kung ano-ano lang ang ginagawa eh,"
She didn't mention my name but I knew I was the one she was comparing to my sister.
What do I expect, right? They don't care about my achievements. They just saw me as a disappointment.
I'm Avianna Shein De Villaga, 21 years old and the so -called shadow and worthless youngest child of the De Villaga couple and some of my friends call me Avi but my bestfriend calls me Via.
Sa Manila kami nakatira simula bata na ako. Ang sabi ni Daddy, Pinamana sa kanya ng Lolo ko ang bahay na ito.
Nawala lang ang pakikinig ko sa kanila nang tumunog ang cellphone ko dahil tumatawag sakin ang kaibigan ko.
"Hello Tati...."
[Via labas tayo?] aya niya sakin mula sa kabilang linya.
"Where to go?"
[Somewhere? Foodtrip lang ganern.]
"Magpapaalam muna ako Tati."
Narinig ko naman ang ungol nito sa kabilang linya na parang naiinis siya sa sinabi ko.
"[Come on Via! Your not a kid anymore,]
Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya habang naririnig ko ang mga boses ng mga kaibigan ko sa kabilang linya.
I have so many friends out there but this is my circle of friends that always here for me. Tatiana Alohi Carter and Noe Alonda Aldston is my girl bestfriend while Elijah Kalen Aldston, Aziel Ford and Anwyll Young is my guy bestfriend.
"Tati, Alam niyo naman di-------"
[Pupunta kami jan para sunduin ka Via. Byeeee!] And she ended the call.
Wala talagang makakapigil sa mga kaibigan ko pero kahit ganon sila ay hindi naman sila bad influence sakin.
Pumasok ako sa loob nang bahay saka dumiretso sa kusina.
"Mom, Aalis po sana kami nila Tati." paalam ko.
Binitawan niya naman ang mga hawak niya saka humarap sakin.
"Saan kayo pupunta?" wika nito.
"Kakain lang kami sa labas Mommy... Saglit lang naman kami,"
Bago pa makasagot si Mommy ay sumabat na agad si Monica samin.
"Nako Mommy... Baka mamaya pumunta lang yan sa bar," sabat ni Ate Monica.
Kinagat ko naman ang labi ko para mapigilan ang mapairap. "Kakain lang kami sa labas Mommy... Pleaaaase!"
"Wag ka nang sumama sa kanila Avi! Mga bad influence lang-------"
"Anong meron?" pagpuputol ni Kuya Aidon saka lumapit sakin.
"Kuya...." ani ko.
Nagulat akong nandito siya kasi lagi siyang nasa condo dahil sa sobrang busy niya sa business niya. Siya ang panganay samin, Pangalawa si Ate Monica tapos ako na ang sumunod.
Tinuro naman ako ni Ate Monica."Ayan kuya mag-babar nanaman,"
Tinignan naman ako ni Kuya kaya umiling ako sa kanya.
"Hmm... Kung mag-bar naman si Avi ay wala akong nakikitang mali Mom, For sure naman na hindi niya pababayaan ang sarili niya diba?" malambing na wika ni Kuya.
"Aidon, Can you please stop spoiling her?!" matigas na wika ni Mommy.
"I'm not spoiling her Mom..." wika ni Kuya.
Bago pa lumaki ang usapan ay sumabat na ako sa kanila. "Hindi naman po ako mag-babar kuya. Kakain lang kami sa labas ng mga friends ko,"
"See? Saka hindi naman bumababa ang grade ni Avi," ani Kuya Ai. "Sige na Avi basta mag-ingat, Okay?"
Tumango naman ako saka naglakad paakyat nang kwarto para kunin ang wallet ko.
Kung lahat sila ay walang paki sakin pero kapag nanjan si Kuya Ai ay nagkakaron ako nang kakampi. Kuya Ai always support me. Hindi ko rin maintindihan bakit si Kuya Ai naman ay close ko pero si Ate Monica ay laging galit sakin.
Saktong pagbaba ko ay nagtext sakin sila Tati na nasa tapat na sila nang bahay namin kaya nagpaalam na ako sa kanila.
Pasakay na sana ako sa sasakyan ni Elijah nang may tumawag sa pangalan ko.
"Avi..."
Lumingon naman akong nakita ko si Kuya Ai na nakasunod sakin. "Kuya?"
"Do you have money?" Habang nagkakalkal nang pera sa kanyang wallet.
"Hmm... Kuya-----"
Pinutol na ni Mommy ang sasabihin ko, "Kabibigay lang jan nang pera nang Daddy niyo, Aidon!"
Tinignan naman ako ni Kuya kaya tumango nalang ako. "It's okay Kuya. Anong oras ka po uuwi?"
"Mayamaya din aalis na ako Baby kaya baka hindi mo na ako maabutan,"
Nagpaalam na ako sa kanila saka sumakay sa sasakyan ni Elijah. Habang nasa byahe kami ay biglag nagsalita si Tati.
"Hindi na ako nagulat na pinayagan kang umalis kasi nanjan pala ang Kuya Aidon mo." ani Tati.
Nagkibit-balikat naman ako sa kanilang lahat.
"Bakit ba kasi masyadong mahigpit sayo ang pamilya mo Babe?" wika ni Elijah habang nakatingin sa kalye.
Babe? Talagang pinanindigan niya ang pagtawag sakin niyan. Sabi kasi nila sakin may gusto raw sakin si Elijah pero hindi ako naniniwala dahil hindi naman umaamin si Elijah.
Never assume anything, If you don't want to get hurt.
"Alam niyo naman kung bakit diba?" wika ko.
"Aren't you tired of pleasing your family? Mygad! Wala na silang makitang magaling kundi yung Monica na yan!" panenermon ni Noe
Kinagat ko yung labi ko saka nagsalita. "Can we please change the topic?"
Nagkibit-balikat nalang sila sakin. Kahit ganyan sila ay mahal na mahal nila ako pati mga family nila ay parang anak narin ang turing sakin kahit madalas nila akong dinadala sa bar ay hindi naman nila hinahayaang bumagsak ang grades namin.
"Kumusta naman ang pagsusulat mo?" biglang tanong ni Tati.
"Okay naman. Nagagawa ko naman pero hindi full time kasi sa bahay may times na inuutos sila sakin," paliwanag ko.
"Kailan mo balak sabihin sa pamilya mo na nagsusulat kana uli?"
Tumingin naman ako sa labas dahil huminto na ang sasakyan namin. Nasa labas na pala kami nang mall.
"Hindi ko pa alam Tati! The last time they know that I pursue my dream as a writer isn't good. Ayoko munang malaman nila bumalik ako sa pagiging writer."
Naglalakad na kami papasok nang mall habang yung boys medyo naiiwan.
"You know what Via, I don't see anything wrong to your dream since you have a highest grade, Right? You even took the course that they wanted." Umirap pa si Tati habang sinasabi yan.
Kung may pinakamataray man samin sa barkada, Yun ay si Tati. Masyadong palaban.
"Palibhasa kasi di nila makita yung paghihirap at grades mo dahil wala silang ibang ginawa kundi tignan ang paborito nilang anak. Yang si Monica! Porket nasa magandang University... Asus! Kung nasa same university kayo for sure mauungusan mo yun!" dagdag pa ni Tati.
Bigla namang tumawa si Noe kasabay nang pag-akbay nang braso na pag-aari ni Elijah. Ngitian ko nalang si Elijah saka nagpatuloy sa paglalakad.
"Why are you laughing?" wika ni Tati.
"Pano ba naman kasi Tati masyado kang g na g..." natatawang wika ni Noe. "You seem to be more affected than Via,"
Natawa naman ako kaya inirapan ako ni Tati.
"Hindi mo makikitang maging affected yang si Via dahil namamalimos yan nang aruga sa pamilya niya,"
Natahimik naman ako sa sinabi ni Tati dahil tinamaan ako.
"Tatiana Alohi!!" sabay-sabay na tawag ng mga kaibigan ko sa kanya.
Pumasok na kami sa favorite restaurant namin saka ako nagsalita.
"It's okay," ani ko. "Order na tayo?" dagdag ko naman.
Nag-peace sign naman sakin si Tati kaya nginitian ko nalang siya.
Hinayaan kong si Elijah ang umorder nang foods ko for me kasama ang boys habang kami ay naiwan sa table.
"Kayo na ba nang twin brother ko Via?" tanong ni Noe.
"No! Magkaibigan lang kami."
"Magkaibigan my a*s! Bess ang tawagan pero iba ang nararamdaman," singgit ni Tati.
Inilingan ko naman sila. "Wag niyo kasing bigyan nang meaning bawat nakikita niyo,"
Tumango naman si Noe habang si Tati ay inirapan ako kaya hinayaan ko nalang siya.
Akala ko matatahimik ang pagkain namin nung dumating ang boys pero si Tati ay kinulit naman si Elijah kung anong meron samin.
"Tati!! I told you already that Elijah and I are just friends!" naiinis kong wika.
Tinaas niya ang kamay niya na tanda na sumusuko na siya.
"Okay... Friends kayo? Friends!"
Inirapan ko nalang siya saka pinagpatuloy ang pagkain namin.
"Hayaan mo na si Tati... Ngumiti ka na Babe!" bulong ni Elijah sakin.
Ngumiti naman ako sakanya. "It's okay Elijah,"
Nagkwentuhan nalang kami kahit tapos na kaming kumain sa restaurant.
"Hindi ka pa ba hahanapin sainyo?" ani Elijah.
Madalas kasing ako ang unang umuuwi dahil masesermunan ako kapag umuwi ako nang gabi kaya sila ang nag-aadjust sakin.
"Maya-maya nalang tayo umuwi." ani ko.
Tinignan niya naman ako sa mata habang ang mga friends ko ay nakatingin din sakin. "Are you sure? You seem problematic,"
"I'm fine! I really am! Gusto ko lang makasama kayo,"
Hinayaan nalang nila ako sa desisyon ko at naisipan naming pumunta sa favorite spot naming magbabarkada.