Chapter 2:

1366 Words
Umupo agad ako sa damuhan sa may tambayan namin. Ang lugar na ito ang takbuhan ko sa tuwing gusto ko nang katahimikan. Actually, Ako ang nagdala sa kanila dito nang makilala ko sila nung elementary palang ako. "Are you sure that you don't want to go home Via?" tanong ni Elijah. Natawa naman ako sa kanilang nakatingin lang sakin. "Kapag nag-aaya akong umuwi todo react kayo tapos ngayon ayoko pang umuwi nagrereact din kayo, Yung totoo?" Inirapan naman ako ni Tati saka nagsalita. "Alam kasi naming hindi ka ganyan kung wala kang problema," "Kapag may problema lang ba ako pwedeng magstay sa labas na kasama kayo?" ani ko. Bago pa sila makapagsalita ay nagsalita na uli ako. "I just want to relax kahit ilang oras lang..." dagdag ko. Hinayaan nalang nila ako saka sila nag-usap ni Noe habang ang mga boys ay naglalaro nang ML. "Akalain niyo nga na tinulungan lang naman natin si Via sa kapatid niya tapos naging magkakaibigan tayo," masayang kwento ni Noe. Totoo yun. Nung elementary ako ay same school kami ni Ate Monica at hangang school ay pinapahiya niya ako hangang isang araw dumating sila Tati at pinagtanggol ako. Simula non ay lagi na silang sumasama sakin kahit napaka-ilap ko sa kanila. "Eto pa ah, Ayaw pa ata satin nun ni Via kasi kahit lagi tayong sumasama sa kanya ay hindi niya tayo kinakausap tapos nilalayuan pa niya tayo." Tumatawang wika ni Tati. "Syempre! Wala namang nakikipagkaibigan sakin nun kundi kayo lang eh," ani ko. Wala kaming ginawa kundi alalahanin ang simula namin saka mag-kwentuhan hangang inabot na kami nang alas onse nang gabi. "Sunduin ka nalang namin dito ha?" wika ni Elijah habang nakadungaw sa bintana. Tumango naman ako sa kanya saka kumaway sa kanila. "Mag-ingat kayo guys! Love youuuu!" "I love you too!" nakangiting wika ni Elijah. Naghihiyawan naman ang barkada namin kaya inilingan ko naman sila. "Baliw!" Tumalikod na ako sa kanila saka naglakad pa pasok nang bahay. Akala ko tulog na silang lahat nang biglang bumukas ang ilaw nang buong sala. "Ganyan ba ang uwi nang babae?" malamig na wika ni Mommy. "Pasensya na po... Nagkatuwaan lang po kami ng mga kaibigan ko," "Talagang inuna mo yang katuwaan niyong magbabarkada bago tumulong dito sa bahay ha?! Kailangan nang tulong ni Monica sa assignment niya pero wala ka! Wala ka talagang silbi!" nanggigil na wika ni Mommy. Napapikit naman ako para pigilan ko ang sarili ko sa masasabi ko. Ayoko nang g**o kaya pinipilit kong tumahimik. "Kaya naman po ni Ate Monica yun... Diba Top 1 siya sa klase kaya magagawa yun ni Ate," "May pinapahiwatig ka ba?!" "Wala po...." ani ko. "Akyat na po ako!" dagdag ko saka naglakad paakyat nang kwarto ko. Binagsak ko ang katawan ko sa kama ko saka tumingin sa kisame ko. Wala bang katapusan ang lahat nang ito? Kailan ba nila ako makikita? Nagising nalang ako sa kalampag na nagmumula sa labas nang kwarto ko. "Avi! Avi!" sigaw ni Ate Monica. "Avi, Ano ba? Nagbibingi-bingihan ka ba?" Binuksan ko ang pinto habang kinukusot ang mata ko. "Bakit po Ate?" Hinagis niya sakin yung libro niya kaya napahawak ako sa dibdib kong tinamaan nito. "Sagutan mo yang assignment ko!" Turo niya sa librong na nasa sahig na. "Ate hindi ko masasagutan yan," wika ko. "Bakit? Tamad ka ha? Tinatamad ka?!" "Hindi yun ganon... Magkaiba tayo nang university kaya sigurado ako na magkaiba ang tinuturo satin." Ani ko. "Saka diba top 1 ka? Edi dapat alam mo yan," "Sinasabi mo bang hindi ko alam yan kaya pinapasagot ko sayo yan ha?! Ako ang nasa top palagi sa university namin kaya wag mo akong masabihan na tanga ako!" Tulak sakin ni Ate Monica. "I didn't say that Ate... Pwede po ba Ate may pasok din ako, Graduating din ako kaya may dapat akong i-priority," Inis na inis ang mukha ni Ate habang nakatingin sakin. "Wala kang silbi! Kaya hindi ka magustuhan ni Mommy kasi wala kang kwentang anak!" Kuha niya sa libro saka nagdadabog na umalis sa harapan ko. Habang naliligo ako ay paulit ulit kong naririnig yung boses ni Ate Monica na sinasabing wala akong kwenta at walang silbi. "Stop thinking that Via! You know your worth..." bulong ko sa sarili ko saka nagbihis na nang uniform namin. Nang marinig ko yung busina nang sasakyan ni Elijah ay kinuha ko na ang gamit ko saka lumabas nang kwarto ko. "Alam mo yang anak mo Mommy, Nakakabwesit na ha! She told me that I am stupid kaya hindi ko masagutan ang assignment ko," rinig kong pagsumbong ni Ate mula sa sala. Ako nanaman ang mali sa kwento niya at siya nanaman ang tama. "Hayaan mo na Anak! Alam mo naman yang si Avi feeling matalino diba?" wika ni Mommy. "Bakit kasi hindi mo pa siya paalisin dito Mommy? I know Daddy won't mind if you do that. Daddy loves you more than her daughter," maarteng wika ni Ate Monica. Naputol ang pag-uusap nila nang makita nila akong nasa paanan na nang hagdanan. "Alis na po ako Mom," paalam ko saka dumiretso palabas nang bahay. Naabutan kong nakasimangot na si Tati na nagaantay sakin habang si Elijah ay nakasandal lang sa sasakyan. "Ang arte mo Tati. Akala mo naman hindi mo din kami pinag-antay kanina," pang-asar ni Noe sa kanya. Inirapan naman siya ni Tati. Lumapit naman sakin si Elijah saka hinalikan ako sa pisngi kaya natulak ko siya nang kaonti dahil nakita ko ang pang-aasar na tingin nang dalawang babae kong kaibigan. "Elijah!" Kinagat niya naman ang labi niya saka tumingin sa mga kaibigan namin. "Kaibigan huh?" sarkastikong wika ni Tati habang pumapasok nang sasakyan. "Tara na! Baka malate pa tayo!" ani ko saka dumiretso sa passenger seat. Nakatingin lang ako sa labas nang bintana habang patuloy ang andar nang sasakyan. Tanging ang ingay lang nang mga barkada namin sa likod ang maririnig kaya nagulat ako nang dumapo ang mainit na palad ni Elijah sa legs ko. Dahil maikli ang palda nang university ay ramdam mo talaga kapag may humawak sayo. "Elijah..." ani ko. Tumingin ako sa kanya bago lumipat ang palad niyang nasa legs ko. "Galit ka ba?" malambing na wika ni Elijah. Hinawakan ko naman ang kamay niya para maalis sa binti ko saka ngumiti sa kanya. "Hindi ako galit... Nagulat lang ako," Tumatango-tango naman siya habang nakatingin sa kalye papasok ng university. Pagbaba namin ay naglakad na kami sa hallway papasok sa classroom namin and yes, Magkakaklase kaming magkakaibigan kaya hindi rin mahirap samin na makipagkaibigan sa iba. Madaming bumabati sakin dahil sikat kami sa university namin at tanging ngiti lang ang binibigay namin sa kanila. "Hello Avi," bati nang grupo nang lalaking nakatambay sa corridor. Natigil lang sila sa pagbubuyo nang hinawakan ako ni Elijah sa baywang. "Why so territorial twin brother?" nakangising wika ni Noe. "Girlfriend mo na ba?" "Akin 'to Noe! Siguradong akin na 'to!" nakangising wika ni Elijah sa kakambal. Sinaway ko naman siya para di na nila bigyan nang meaning ito. "Elijah!" Nagkibit-balikat lang siya kaya dumiretso na kami sa room namin at umupo sa seat namin. Swerte nalang namin na hangang ngayon ay magkaklase kaming magkakaibigan. "Good morning Class," bati ng Prof namin. Sabay-sabay namin siyang binati saka pinakinggan ang sinasabi niya. "So, I was saying. Our university will be having a competition to another university which is Sto. Tomas University..." paliwanag ng Prof namin. Bigla naman nanglaki ang aking mata nang marinig ko ang university ni Ate Monica. Bigla namang nagtaas nang kamay ang isa classmate ko. "Ibig sabihin po Prof parang quiz bee?" tanong niya. "Yes, Quiz bee," ani Prof. "At ang ilalaban nang ating university ay nandito sa room natin ang tatlong babae," Bigla ko namang ang tingin ng mga kaibigan ko sakin kaya tinaasan ko sila nang kilay. "Why?" tanong ko. Umiling lang naman sila sakin kaya humarap naman ulit ako sa harapan. "Sabi nang dean nandito ang tatlong pinakamatalino sa university natin..." Yumuko siya sa papel na hawak niya bago tumingin sa pwesto namin. I'm not assuming but I'm praying na hindi matawag ang pangalan ko sa tatlong lalaban para sa university namin. "Tatiana Alohi Carter, Noe Alonda Aldston...." Yumuko ulit ang prof namin para tignan ang pangatlong pangalan sa papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD