Alam ko na maaaring makasama ang dalawa kong kaibigan sa panlaban dahil matatalino naman ang mga kaibigan ko kaya hindi na ako nagulat nang tawagin sila.
"For sure, Ikaw Via ang bubuo sa tatlong lalaban para sa university natin," wika ni Anwyll.
"Hindi naman siguro," tipid kong wika.
"And the last one will be Ms. Avianna Shein De Villaga," masayang wika nang Prof namin.
Naghiyawan naman ang buong section namin lalo na ang nga kaibigan ko.
"See? I told you!" proud na wika ni Anwyll.
Hinawakan naman ni Elijah ang kamay ko. "So proud of you Babe,"
Ngumiti naman ako sa kanila saka tinaas ang kamay ko.
"Yes, Avianna?" ani Prof.
Kinagat ko naman ang ibabang labi ko bago nagsalita. "I'm happy that I'm one of the chosen representative but... Can I say no?"
Narinig ko naman ang apila ng mga kaibigan ko lalong lalo na si Tati pero hindi ko nalang sila nilingon.
I just don't want to be one of them. Ayoko nang g**o at issue. Alam kong magiging malaking g**o ito kapag sumali ako.
"Pwede ko bang malaman kung anong rason mo?" tanong niya. "This will be a great opportunity and I'll give a plus point in your class card,"
Hindi ako nakasagot agad. How can I say no easily? How can I say that I don't want to compete with my sister's university.
Hinatak naman ako ni Tatiana sa braso saka bumulong.
"What the hell are you doing Via?! This will be the great opportunity for us to represent our university but you're rejecting it?" inis na wika ni Tati. "I know your reason! It's your sister right?!"
"Ms. Avianna... If you don't have a valid reason to reject this. Sorry but you still one of them. I know how smart you are and your friends that's why we came to this decision,"
Sa huli wala na akong nagawa kundi umupo at pumayag na maging representative nang university namin.
Nagsimula narin magdiscuss ang Professor namin kaya nakinig nalang kami.
Hangang sa pagdating nang pangalawang Professor namin ay naging tuliro at hindi din ako masyadong kinikibo ni Tati.
"Are you okay?" nag-aalalang wika no Elijah.
Tumango naman ako sa kanya saka binigyan nang tipid na ngiti.
"Classed Dismissed!" ani Prof. "By the way, Congrats Avianna, Tati at Noe to be our representative,"
"Thank you po," nakangiting wika naming tatlo.
Habang naglalakad naman kami papunta sa cafeteria nang magsalita si Noe.
"Don't tell me na hindi talaga kayo mag-uusap dalawa?" tanong niya. "Hindi na kayo mga bata, Ano ba!"
Umirap naman saki si Tati kaya napabuntong-hininga nalang ako.
"I'm sorry Tati...." ani ko. "I know you're mad at me,"
Tinaasan niya ako nang kilay. "Who wouldn't mad at you?! For godsake, You're rejecting this great oppportuniy just for what?!"
"I'm sorry na,"
"I know naman na kaya umaayaw ka dahil sa Ate mo... She' s studying in Sto. Tomas University but can you just be a professional,"
I can be a professional but...
"That's why I'm sorry okay?" ani ko.
Bumuntong-hininga naman siya saka inaya na kami papunta sa cafeteria.
Napangiti nalang ako. Hindi man niya sinasabi directly, I know that we're okay already.
"My treat... We're gonna celebrate," ani Tati.
"Yoon! Sana araw-araw may ganitong event sa school para lagi tayong may libre," halakhak ni Anziel.
Binatukan naman siya ni Tati. "User kang friend."
Habang kumakain kami nang magsalita si Noe.
"Kailan tayo mag-group study? In two weeks ay lalaban na tayo sa Sto. Tomas University," ani Noe.
"Mas better kung mag-start na tayo ngayon," wika ni Tati.
Nag-uusap sila para sa magaganap na competition samantalang ako ay parang hindi ako makarelate.
"Hey, Are you listening?!" Hampas ni Tati sa table namin.
Bigla naman akong nagulat sa paghampas niya sa lamesa kaya sinimangutan ko siya.
Lumingon naman si Tati sa loob Cafeteria saka tinaasan ng kilay ang ibang estudyanteng nasa loob ng cafeteria.
"Anong tinitingin-tingin niyo?" Irap ni Tati sa kanila kaya bigla naman nilang iniwas ang tingin nila samin.
"Hoy, Tati ano ba! Easy ka nga lang," wika ni Anwyll.
Humarap naman sakin si Tati. "Saan ba nakarating yang isipan mo at hindi ka nakikinig samin?!"
"I'm sorry... Makikinig na ako," mahinang wika ko.
Pinigilan nanaman siya ni Noe at pinaupo na siya.
"So, Kailan tayo magsisimula?" tanong ko.
"Bukas na kaya tayo mag-start, Afterclass?" wika ni Noe.
Tumango naman ako sa kaniya. Naramdaman ko naman ang braso ni Elijah na pumulupot sa baywang ko.
"Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo Babe," bulong niya.
Ngumiti naman ako sa kanya saka tinanggal ang braso niya sa baywang ko.
"Busog na ako," ani ko.
Napalingon naman ako kay Tati nang tinawag niya ako.
"Okay lang ba kung late ka makakauwi? Or sa bahay niyo tayo mag-aaral?" tanong niya.
Mas maganda kung sa bahay nalang sana kaso kasi baka malaman ni Ate Monica na kasali ako sa competition.
"Wag samin..." tanggi ko. "Magpapaalam nalang ako na late ako makakauwi sa loob nang dalawag linggo,"
Tinignan naman ako ni Tati saka nagkibit-balikat. "Okay... Sa bahay nalang nila Noe,"
Lumingon naman samin si Noe. "Oh, Bakit samin? Well, Welcome kayo sa bahay namin pero----"
"Kanina pa sumesenyas ang twin brother mo na sa bahay niyo tayo. Mukhang may gustong makasama," nakangising putol ni Tati saka binigyan ako nang pang-asar na ngiti.
Humalakhak naman ang ibang kaibigan namin nang biglang tumunog ang bell ring.
"Tara na nga... Kung ano-ano pa ang naiisip niyo." Tumayo na ako saka kinuha ang gamit ko.
Kinuha naman ni Elijah ang bag ko na nakasabit sa balikat ko.
"Elijah!" ani ko.
Ngumisi naman siya sakin. "Ako na magdadala?"
"Wag na Elijah. Magaan lang naman bag ko eh,"
Binitawan niya naman saka kinuha ang librong hawak ko. "Edi ito nalang dadalhin ko,"
Umiling nalang ako sa kanya saka naglakad na papasok nang Cafeteria. Sumunod naman sila sakin.
Habang wala ang prof namin ay nakatambay lang kami sa corridor sa tapat ng room namin.
Nagulat nalang ako nang may lalaking bumagsak sa bandang binti ko. Nilingon ko naman ang pinanggalingan niya at nakita ko ang tatlong lalaki kong kaibigan na nagtatawanan.
Tinignan ko sila nang masama pero hindi nila ako pinansin kaya tinignan ko ulit yung lalaking nakasalampak sa sahig.
"Are you okay?" wika ko. Nilahad ko rin ang kamay ko sa kanya kaso bigla siyang natapilok dahilan kung bakit niya nahawakan ang legs ko.
Napatili ako kasabay nang paghatak sa kanya ni Elijah. "Gago ka ah?!"
"H-Hindi ko po sinasadya," wika nung lalaki habang hawak ni Anwyll at Aziel sa magkabilang braso.
"Sinilipan mo na tapos hinipuan mo pa. Hindi mo ba ako kilala ha?" sigaw ni Elijah. "Hindi mo ata alam kung sino ang babaeng binastos mo eh... Hindi mo kilala kung sino nag-mamayari,"
Naka-amba na si Elijah para suntukin yung lalaki nang humarang ako at sinigawan si Elijah.
"Elijah!"