Chapter 4:

1077 Words
Sinimangutan naman ako ni Elijah pero hindi ko siya pinansin habang sila Tati at Noe ay nakatingin lang samin. Humarap ako kela Anwyll at Aziel saka tinaasan sila nang kilay. "What are you waiting for? Let him go!" wika ko. Lumingon pa sila kay Elijah pero binitawan rin naman nila yung lalaki. "Pasensya na Ms. Avianna... H-Hindi ko po sinasadya na mahawakan kayo sa binti," paumanhin niya. Ngumiti ako sa kanya pero bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na si Elijah dahilan kung bakit tumakbo yung lalaki. "Umalis kana!! Kung ano-ano pa ang sinasabi mong de puta ka!" sigaw ni Elijah. Hinawakan ko naman siya sa braso niya para pigilan sa paglakad. "Tumigil kana Elijah!" ani ko. "Hindi ako natutuwa sa ginawa niyong tatlo!" "What?! What did I do?" naguguluhang niyang wika. Seriously? They didn't know what they did? Hindi ako makapaniwalang magagawa nilang mang-bully. "What did you do? Binully niyo lang naman yung kawawang lalaking yun," inis kong wika. "Binastos ka niya-----" "Nahawakan niya ang legs ko dahil sayo?! Sainyo?! If you didn't pushed him, It will not happened?!" pagputol ko sa sinasabi niya. Hindi naman sila kumibo sakin kaya dinugtungan ko naman ang sinasabi ko sa kanila. "Kailan pa kayo natutong mang-bully ha? Alam niyong bawal na ang bully ngayon tapos ginagawa niyo," dagdag ko. Humalakhak namin si Tati sa kanila habang kinukuhanan nang video ang mukha nang tatlo. "Yan mangbully pa kayo ha... Sa harap pa ni Via, Alam niyo naman yan. Sobrang anghel," wika ni Tati. "Sorry na... Hindi na ulit mauulit Babe, I promised!" wika ni Elijah saka hinawakan ang kamay ko. Inirapan ko siya saka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sakin. Pumasok na ako sa loob nang room nang matanaw ko ang pagdating ng Professor namin. "Babe!!" tawag ni Elijah sakin na nakasunod sa likuran ko. Tumabi na rin sakin sila Tati at Noe na tinatawanan yung tatlong lalaki lalo na si Elijah. "Ano twin brother? Mang-bubully ka pa ba?" pang-aasar ni Noe sa kapatid niya. Sinamaan naman siya nang tingin ni Elijah na kinatawa nila. Umiling nalang ako sa kanila saktong pasok nang professor namin. Lumingon-lingon naman sakin si Elijah pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin. Nakakaasar kasi alam nilang hindi maganda ang pambubully pero ginawa padin nila. Hangang matapos ang klase ay hindi ko sila pinansin kahit binunulungan ako ni Elijah. Naglalakad na kami palabas nang hinawakan ako ni Elijah sa braso. "Babe!" aniya. "I'm sorry na... Promise, I won't do that again," Bumuntong-hininga ako saka tumango sa kanya. "Okay na, Uwi na tayo." "Bati na tayo ha?" aniya. "Oonga, Kulit mo!" wika ko. Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Napalingon naman ako kay Elijah nang maramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko. Ngumiti naman siya sakin. Hindi ko naman naiwasang mailang dahil pinagbubulungan na kami ng mga estudyante. Sikat kaming magkakaibigan dito kaya hindi bago saming pag-usapan pero yung makita nilang naka-holding hands si Elijah ay sigurado lahat ay nagtataka. "Pano, May taxi muna kayo ha?" wika ni Elijah nang makarating kami sa parking lot. Kumunot naman ang noo ko bago napalingon sa kanya. "May lakad ka?" Humalakhak naman siya at umiling sakin. "May lakad tayo Babe...." "Huh?" Ngumiti lang siya sakin saka pinagbuksan ako ng pinto sa may passenger seat. "Where are we going Elijah?" tanong ko. Hinatak niya naman ako saka tinulak papasok sa loob ng sasakyan niya. "Basta! It's suprise," aniya. Wala naman akong nagawa at nagpadala nalang sa kanya. Hindi rin naman umapela ang mga kaibigan namin sa pag-iwan sa kanila. Hindi ko na uli siya kinulit kung saan kami pupunta dahil hindi rin naman siya sumasagot ng maayos sakin. I'm wasting my effort asking him but he just always shurged at me. Napatingin nalang ako sa labas ng ihinto niya ang sasakyan niya. Nginitian niya naman ako bago siya lumabas at pinagbuksan ako ng pinto. "Thank you..." nakangiting wika ko. Hinawakan niya naman ako sa baywang ko. Hindi ko naman maiwasang mailang. Hinahawakan niya naman ako palagi sa baywang pero kasi ginagawa niya lang yun kapag inaalalayan lang ako. "Anong meron?" ani ko. Nandito kami ngayon sa isang park na may magandang ambiance. Madami rin namang taong nandito kadalasan ay magkarelasyon. Umiling siya sakin saka ngumiti. "Wala lang. Gusto lang kitang dalhin sa lugar na 'to... This is my favorite park," Ngumiti ako sa kanya saka tumingin sa harap kung san matatanaw yung matataas na building. Nagulat naman ako ng maramdaman ko ang braso niya mula sa likuran ko. "Elijah..." Nilingon ko siya kaso maling desisyon dahil halos magkadikit ang labi namin. Umatras naman ako palayo sa kanya at nagulat naman ako sa inakto ko. Umiling ako sa kanya at bumuntong-hininga. "E-Elijah, We shouldn't doing this... We're just friends," ani ko. Humalakhak naman siya. "Why? We're not doing anything," "Friends didn't do backhug," Kinagat niya ang ibabang labi niya saka lumingon saglit sa paligid namin. "Via, You know that I like you----" Bago niya pa maipagpatuloy ang sasabihin niya ay pinutol ko na siya. Ayoko ng ganito kami. Ayokong maging awkward sa pagitan namin. "Gusto ko ng umuwi. Please, Uwi na tayo..." ani ko. Bumuntong-hininga siya saka tinaas ang kamay niya. "Let's go?" Tipid akong ngumiti saka inabot ang kamay niyang nakalahad sakin. Inalalayan naman niya ako sa paglalakad hangang sa makapasok sa sasakyan niya. Mula ng umalis kami hangang sa makarating kami dito sa bahay ay hindi nagsasalita si Elijah. Hindi ko naman maiwasang makonsensya dahil feeling ko masyado akong naging rude sa kaniya. "Elijah, I'm sorry... I don't want to be rude----" "That's fine!" putol niya sakin saka umiwas ng tingin sakin. Bumuntong-hininga naman ako saka tinanggal ang seatbelt sakin. "Thank you. Ingat ka ha?" ani ko saka bumaba na sa sasakyan niya. Agad niya namang pinaharurot ang sasakyan niya ng makababa ako. I know he's mad at me and I felt bad at him. Pagpasok ko ay narinig ko agad ang boses ni Ate Monica na masayang nagkwekwento kay Mommy. Sana ganyan ka din sakin Mommy na masaya kang nakakausap ako. "Mommy..." panimula ko. Tinaasan niya naman ako ng kilay bago hinarap uli si Ate Monica. "Mag-papaalam lang po ako kasi may gagawin kaming review para sa school kaya baka umuwi po ako ng gabi," ani ko. Napansin ko naman ang pag-irap ni Ate Monica kaya akala ko ay magsiside comment siya. "Wala naman akong paki Avi! Kahit wag ka ng umuwi dito sa bahay," mapakla niyang wika. What did I expect right? She doesn't care about me...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD