Kinabukasan,
Palabas na ako pero hindi ko padin nakikita si Mommy at Ate Monica. Hinahanap ko sila para magpaalam kasi kanina pa ako inaantay ng mga kaibigan ko.
"Nakakaawa si Ms. Avianna 'no? Anak din siya pero parang balewala lang siya sa nanay niya," bulong ng isang katulong namin.
Napakunot naman ako ng noo dahil pinaguusapan nila ako.
"Kaya nga eh... Nakakapagtaka nga kasi kahit ganon siya tratuhin nila Ma'am Monica. Aminin natin na si Ms. Avianna ang pinakamabait nating amo dito," wika naman nung isa pang katulong.
I cleared my throat to get their attention. Wala naman silang sinabing masama pero ayoko lang mapagalitan sila nila Mommy kapag narinig sila.
"Sorry po Ma'am..." sabay nilang wika.
Ngumiti ako sa kanila ng tipid. "That's fine... Baka marinig lang kayo ni Mommy,"
Yumuko naman sila saka humingi uli ng pasensya pero nginitian ko nalang sila. Narinig ko naman ang sunod-sunod na busina ng sasakyan ni Elijah.
Naglakad naman ako palabas ng bahay. Mula ng magkakilala kaming magkakaibigan, Ganito na ang set-up namin ang sunduin ang isa't isa para sabay-sabay kaming pumasok.
"Ang tagal mo!" malamig na wika ni Elijah.
Nanlaki naman ang mata ko sa gulat miski ang mga kaibigan ko. This is the first time na mainip or pagsalitaan niya ako ng ganyan.
"Uhm... I'm sorry. I was looking for my Mom and Ate," ani ko bago sumakay sa sasakyan niya.
Sumingit naman si Tati sa usapan namin kaya napalingon ako sa kanya.
"I saw your Ate and Tita... Umalis sila ah? Naka-civillian pa nga ang Ate mo," wika ni Tati.
Naka-civillian? Hindi ba siya papasok sa school.
"Ahh... Baka aalis sila," wika ko.
Kinunutan ako ng noo ni Tati. "They didn't tell you?"
Umiling nalang ako saka tumingin sa labas ng bintana. Napatingin lang ako sa mga kaibigan ko ng magsalita si Noe.
"Via, Sabihin mo nga kung san ka dinala ni Elijah... Kagabi ko pa siya kinukulit pero sinisigawan niya lang ako," pangungulit ni Noe.
Kinagat ko yung ibabang labi ko. I don't know what should I tell them. For sure, Elijah didn't want to tell them what happened.
"Noe, Can you please stop pestering Via... And stop being noisy," inis niyang wika.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Noe. Tipid nalang akong ngumiti sa kanila.
Pagdating namin sa university ay kinukulit padin ako ni Noe. Napatahimik nalang kami ng padabog niyang sinara ang pintuan sa driver seat.
"Hey, Ano bang problema mo at kanina kapa badtrip?" saway ni Noe sa kanya.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Elijah saka naglakad paalis.
"Kung tumigil ka nalang sa pangungulit kay Via... Napaka-tsismosa mo," malamig niyang wika.
I want them to stop fighting over me. I know how close they are since they are twin.
"Tsismosa? How could you Elijah?! I just wanted to know... Dati naman di ka ganyan ka-affected ha? If I were you, Magbago ka baka dahil jan hindi ka magustuhan ni Via," sigaw ni Noe.
Nanlaki naman ang mga mata namin sa sinabi ni Noe pero mas nanlaki ang mata ko ng ambaan ng sampal ni Elijah ang kakambal kaya agad akong napatakbo palapit sa kanya.
"Elijah!" sigaw ko saka hinawakan siya sa braso. "Don't... Please, Don't hurt your twin sister,"
"Pare..." wika ng mga kaibigan kong lalaki habang si Tati ay hinawakan si Noe na lumuluha na.
"Please, Tumigil na kayo. Ano ba?! Your twins, You shouldn't fighting just for me..." ani ko. "Elijah?!"
Sinamaan siya ng tingin ni Noe saka pinunasan ang pisngi. "Ano, Sasaktan mo ako? Go! Hurt me and I'll make sure that Mom and Daddy will know about this!"
Aabante sana si Elijah pero tinulak ko siya palayo. I trusted him that he'll not gonna hurt his twin sister.
Napapalingon narin samin ang ibang estudyante pero umiiwas din sila agad mg tingin samin.
"Elijah, Tama na! Kumalma ka nga... Bakit ba badtrip na badtrip ka?" inis na wika ni Aziel.
Wala namang nakapagsalita dahil nagring ang bell, Senyales na simula na ang unang subject namin.
Pilit kong hinahatak ang braso ni Elijah pero hindi siya gumagalaw kaya si Noe nalang ang hinawakan ko sa braso pero pati eto ayaw umalis sa pwesto nila.
"Let's go Noe! Malalate tayo sa subject natin," ani ko.
Nakatingin lang siya sa kakambal. Nagkibit-balikat naman sakin sila Tati.
"Ghad! Ayaw niyo talagang kumilos? Hindi talaga kayo titigil?" ani ko. Bumuntong-hininga ako saka napairap. "Fine! Stay here if you want, Bahala kayong dalawa..."
Iniwan ko sila sa parking. Hindi dahil galit ako sa kanila, Wala naman silang ginawang mali sakin. Kung tutuusin ako pa ang may kasalanan kasi nag-aaway sila ng dahil sakin.
Imbes na pumasok sa klase namin ay mas pinili kong dumiretso sa clinic namin at nagpanggap na masama ang pakiramdam.
Mabuti nalang naniwala sakin ang nurse kaya pinayagan akong manatili dito.
Hindi ko namalayang nakatulog na ako habang nakahiga ako sa kama dito kung hindi pa ako inalog ng nurse.
"Ms. De Villaga..." ani Nurse.
Humikab pa ako habang kinukusot ang mata ko. "Hmm..."
"Uwian na po kasi kaya ginising ko na po kayo," mahinahon niyang wika.
Napatingin naman ako sa wrist watch ko at nakitang ala singko na nga ng hapon. Kinuha ko ang bag ko saka naglakad palabas ng university.
"Via..."
Sumalubong sakin ang mga kaibigan kong pagod na pagod at pawis.
"We've been looking for you all day since hindi ka pumasok sa mga subjects natin," wika ni Anwyll.
"We're so worried about you," dagdag ni Tati at Noe.
Ngumiti lang ako ng tipid sa kanila saka nagkibit-balikat. "I'm fine... Nasa clinic lang ako at nakatulog,"
Napalingon naman ako kay Elijah na nakatingin lang sakin mula pa kanina pero iniwas ko din ang tingin ko sa kanya.
"Uwi na tayo?" tanong ni Aziel. Patalikod na sila sakin pero nagsalita ako dahilan kung bakit sila napatigil.
"Mauna na kayo..."
Kumunot ang noo ni Elijah sakin. Kinagat ko naman yung ibabang labi ko.
"May lakad ka ba?" tanong ni Tati.
Umiling ako sa kanila. "Wala... Mag-commute nalang ako,"
"Huh? Wala naman pala edi----"bago pa matapos ni Noe ang sinasabi niya ay pinutol ko na siya.
"I want to be alone..." putol ko kay Noe. "Kaya ko naman ang sarili ko guys! I'm not a kid anymore..."
"Ano bang sinasabi mo? Let's go home!" malamig na wika ni Elijah.
Hahawakan pa niya sana ako sa braso pero iniwas ko ang sarili ko sa kanya.
"Tama na Elijah. I'm depending on you and others... I can take care of myself," inis kong wika.
Mula ng makilala ko sila lagi na kaming magkakasama at hindi mahiwalay. Bago pa nila ako naging kaibigan ay mas una sila kaya ayokong mag-away sila ng dahil lang sakin.
Kaya ako nalang ang didistansya at iiwas sa kanila.
"Umuwi na kayo at mag-iingat ha? Bye!" Hinalikan ko sila isa-isa bago naglakad palabas ng university saka papara na ng taxi.
Napalingon ako sa nagmamay ari ng kamay na nakahawak sa braso ko.
"Elijah please...." ani ko.
"Via, May practice tayo para sa magaganap na laban natin sa kabilang university diba?" singit ni Noe.
Napapikit naman ako ng maalala kong kasali nga pala ako sa lalaban sa university nila Ate Monica.
"Pwede bang sa makalawa nalang akong sumali sa review? I'm not really in a mood right now. I'm sorry,"
Sumakay na agad ako ng taxi na tumigil sa harapan ko para hindi na nila ako mapigilan.