bc

She was a Beautiful Thief

book_age18+
148
FOLLOW
1K
READ
family
like
intro-logo
Blurb

“Isang magandang babae na lalaki pumorma.” isang linya sa isang kanta ngunit bagay na bagay sa anyo ni Cheska o mas tawagin natin sa ngalan na “Iska”. Bakit nga kaya?

chap-preview
Free preview
Series: Chronicle Reprise (volume 1) Book Title: "She was a Beautiful Thief" (1st chapter) wallet
Sa isang may kadiliman na lugar ngunit may tanaw naman na liwanag mula sa mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan sa bandang kalsada at sa isang pader malapit sa poste pa-liko sa isang eskinita ay naka-sandal na parang naka-dekwatro ang mga binti ng isang dalaga ngunit ani mo’y binata sa tayo at porma nito. Naka-pantalon siya na ‘cargo pants’ kung tawagin, naka-jacket at ‘rubber shoes’ at naka-suot rin ito ng sumbrero. Naka-pamulsa ito sa magkabilaang pamulsahan ng kanyang ‘jacket’. Bahagyang naka-yuko ang kanyang ulo ngunit lumilinga-linga sa paligid na ani mo ay may inaantay na katatagpuin nito. At sa may hindi kalayuan naman ay may isang dalaga na naka-suot ng isang pang opisina na ‘casual dress’ at sinapawan ng ‘coat’ ang papalapit mula sa kinaroroonan niya. Maya-maya pa ay umayos na siya sa pagkakatayo at mabagal na nag-lakad pasalubong sa babaeng ito na tutok sa kanyang ‘mobile phone’ na tila nalimutan pa na isara ang ‘sling bag’ na kanyang dala na naka-sabit lamang sa gilid ng kanyang balikat. Malapit na sila sa isa’t isa nang bigla na lamang niya itong sadyain na banggain bahagya na ikina-tumba nito pa-upo. “ Ay! Sorry, Miss.” sabi niya at tinulungan niya itong maka-tayo. “ Ah! Salamat ah, pasensiya na rin at hindi kita napansin.” at tumango lang siya rito at sabay na silang nag-lakad palayo sa magkaibang direksyon. Lingid sa kaalaman nito ay pa-simple niyang dinukot ang ‘wallet’ nito sa kanyang ‘sling bag’ na naka-bukas habang tinulungan kunwari niyang tumayo. Palayo na sila halos sa isa’t isa nang biglang sumigaw ang babae na dinukutan niya. “ Aaaaah!!! Tulooong!!! Tulungan niyo akooo!” Napalingon siya sa kinaroroonan nito at nakita niya na may isang lalaki ang humatak sa babae papasok sa eskinita na pinanggalingan niya kanina, balak na sana niyang diretsong lumakad palayo ngunit ang mga paa niya ay kusa na lamang siyang pinatakbo papunta roon. Nagtago siya sandali sa isang naka-paradang kotse malapit doon, sinilip niya at nakita niya na tinakpan ng lalaki ang bibig ng babae at hinuhubad ang ‘coat’ na suot nito habang hinahalikan sa leeg at tinataas ang dress nito upang mahimas ang mga hita habang isinandal sa pader at iniipit ng kanyang katawan. May konting kaba ngunit pursigido siya na matulungan ang babae sa kanyang isip, nandurukot man siya ngunit hindi niya nanaisin na makikita niya ang babae na lapastanganin lamang ng isang halang ang sikmura na lalaki. Agad siyang humanap ng bagay sa paligid na maaari niyang magamit laban dito. Dinampot niya ang isang bato malapit sa gulong ng kotse na pinagtaguan nya, dahan dahan siya na lumapit sa nakatalikod na lalaki at buong lakas na hinampas sa ulo nito nang dalawang beses ang bato na hawak niya. Nawalan ito ng malay at sabay silang tumakas palayo rito. At nang nakalayo na sila sa pinangyarihan ay habol nila ang hininga nila at tumigil sa isang gilid ng kalsada upang makapag-pahinga. “S-salamat ah, kuya!” sabi nito habang hinihingal pa. Tumango lamang siya at akmang lalakad na palayo. “Teka! Sandaliii.” Napatigil siya ngunit hindi lumingon, lumakad naman ito nang medyo patakbo palapit sa kanya. “Ano palang pangalan mo kuya?” Hindi siya nag-salita o lumingon pa at nagsimula na lamang lumakad muli palayo. Ngunit sinundan pa rin siya nito. “Uy! Kuya, ano ba pangalan mo? Thank you pala ulit. Gusto sana kita makilala at baka pwedeng maging friends tayo kasi tinulungan mo ako makaligtas sa lalaki na manyak na yun, kung hindi dahil sa iyo ay na-paano na ako.” Nilingon niya lang ito patagilid at humarap na ulit upang lumakad palayo. “Uyyy! Gusto kita ilibre kuya, para makabawi ako at pasasalamat na rin.” Patakbo na paghabol nito sa kanya sabay hawak sa braso niya. “Hindi na kailangan.” sabi niya sa mababang boses, sinadya niya na laliman upang hindi mahalata na hindi naman siya lalaki. “Sige naman na oh?” wika muli nito at sabay harang sa harap niya, akmang dudukutin na nito ang ‘wallet’ niya sa bag nang hindi niya ito makapa. “Halika na kasi kuya, ililibre na… waaah! Halaaa? Nasaan ang ‘wallet’ ko?” tinitigan niya lang ito at sabay lihis ng lakad naman at palayong naglakad. “Nakakainiiisss! Muntik na ako ma-rape tapos nanakawan pa pala ako waaahhh kaka-sahod ko lang tapos nawala na agad nakakainis ano na pambabayad ko neto sa mga bayarin ko, mababaon na naman ako sa utang!” pasigaw na sabi nito habang umiiyak. Napatigil naman siya bigla sa narinig niya na tangis ng babae at napalingon sa kinaroroonan nito. Sa hindi niya mawari na dahilan ay binalikan niya ito habang naka upo at naka-yuko sa gilid ng kalsada habang umiiyak at iniabot niya rito ang ‘wallet’ ng babae na dinukot niya kanina. “Oh, umuwi ka na at baka mapahamak ka na naman.” sabi niya rito pag-kaabot at lumakad na siya pauwi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Uncle Governor [SSPG]

read
155.5K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
55.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
321.7K
bc

Ang lihim ni Prof [SSPG]

read
21.9K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
34.0K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
47.1K
bc

The Forgotten Wife

read
43.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook