Boxing ring

4336 Words
Matapos ang tagpo na iyon, bumalik na muna pansamantala sina Henry sa bahay at nag-isip muna kung itutuloy na lumayo o mag-plano kung sakaling magparamdam ulit ang mga ito sa kanila para magkaroon ng pagkakataon na maaari nilang mabawi sina Iska at Paolo sa kahit na anong paraan na alam nila. “Kung bakit ba naman kasi napagtripan mo pa yung puno! Sana humilom agad iyan dahil mahihirapan ka niyan bumaril kung sakali, paano tayo lalaban.” saad ni Roly habang ginagamot ang sugat sugat na kanang kamao ni Henry, “Mawawala rin iyan, malayo sa bituka.” tugon ni Henry “Hays, mabuti nga na sugat lang at mukhang hindi mo pa naman nadurog ang mga buto mo sa daliri!” muling saad ni Roly pagkatapos at na-upo sa kabilang sofa. “Ano gagawin natin ngayon?” sabat naman ni Dino.. “Mag-pahinga at i-handa ang iba pa na pwede natin magamit laban sa kanila.” saad ni Roly, “Bumaba kayong dalawa!” utos ng isang lalaki na halos nasa 6’5 ang taas na mismong humatak kay Iska palabas ng sasakyan, “Aray!” sambit ni Iska at nagpupumiglas dahil masyadong mahigpit ang pagkaka-kapit nito sa kanyang braso “Gago! Bitiwan mo nga siya!!” sigaw ni Paolo at sabay nag-pumiglas rin ngunit hawak rin siya ng dalawang kalalakihan na parehong kasing taas at kasing katawan niya. “I-tikom niyo ang mga bibig niyo bago mag-dilim ang paningin ko!” saad naman ng lalaking may hawak kay Iska at sabay tinutukan si Iska ng baril kaya tumahimik na lamang muna sila.. Lahat ng mga ito ay kapwa naka bonet mask kaya hindi nila makilala, “Saan namin ilalagay ang mga ‘to?” tanong ng isang lalaki na may hawak kay Paolo na tila naalala niya ang boses at isa rin iyon sa dalawang naka-motor na sinundan sila noon ni Iska “Doon muna sa itaas, parating naman na rin si boss.” tugon ng lalaking may hawak kay Iska sabay tulak kay Iska para ang isang lalaki na lang na may hawak kay Paolo ang humawak sa kanya, “Pag-sasamahin na namin?” tanong naman nitong isa pa na siyang may hawak na kay Iska “Oo!” tugon naman nitong muli at dinala sila sa ikalawang palapag kung saan may mga silid, pagkarating sa ikatlong kwarto sa kanan ay binuksan iyon at itinulak silang pareho papasok sabay ni-lock ang pinto at iniwan sila. “Ayos ka lang Iska?” tanong ni Paolo habang marahang hinahaplos ang kaliwang braso niya “Medyo masakit lang ang braso ko, gusto na atang pilipitin ng kapre na iyon!” tugon ni Iska na naiinis “Patingin nga ako.” ini-angat ni Iska ang kaliwang manggas ng kanyang jacket at pulang-pula iyon na halos mag-pasa na “Tangina! S-sandali nga..” ngitngit ni Paolo at pumasok sa banyo na nasa kwartong iyon at tumingin ng pwedeng magamit para kay Iska “Ano ka ba, ayos lang ako..” saad naman ni Iska nang mapansin na aligaga si Paolo “Malayo ito sa bituka kaya huwag mo akong alalahanin.” dagdag pa niya, lumabas si Paolo na dismayado dahil halos wala naman gamit sa banyo.. Luminga siya sa paligid at tanging isang sofa at isang lamesa na may kapares na isang upuan lang na sira pa ang naroon “Sigurado ka ba na ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Paolo at lumapit kay Iska habang pinagmamasdan siya dahil medyo namumutla na “Oo, ikaw?” sagot naman ni Iska “Ayos lang, ma-upo na muna tayo” ani Paolo at iginaya si Iska sa may sofa, ilang segundo silang natahimik. “Sino ba ang mga iyon?” nanghihinang tanong ni Iska, nilingon siya ni Paolo at nagkatitigan lang sila “Ah.. ano, kasi Iska .. hindi rin talaga namin malaman pa sa ngayon.” nauutal na tugon ni Paolo at napa-buntong hininga. Ilang minuto lang ang lumipas ay biglang pumasok muli ang tatlong lalaki kanina na may hawak sa kanila, naka bonet mask pa rin ang mga ito at kasunod nila ang isang lalaki na halos kasing taas at tindig lang rin ni Paolo na naka-suot ng wolf mask na pinag-halong itim at pula ang kulay. Napa-tayo sila at hinahawan ni Paolo si Iska sa kamay at itinago sa likod niya, “Sino ka? Sino ba kayo? Ano ba kailangan niyo?” matapang na tanong ni Paolo “Sino siya?” tanong lang pa-balik ng lalaking naka-wolf mask na naka-voice changer kaya parang robot lang at hindi mo mabobosesan kung kilala mo man siya habang sinisilip si Iska sa likuran ni Paolo “Ikaw ang tinatanong ko.” pagmamatigas ni Paolo “Ako si Red Wolf.” tugon nito at napa-kunot noo si Paolo “Red Wolf? Ha! Sino ka ba?” nagtataka na tanong muli ni Paolo “Sa iyo ay hindi ako pamilyar ngunit kay Henry at Roly ay maaaring maalala nila ako, pero wala naman talaga kayong atraso sa akin.. May humihingi lang ng tulong para ipag-higanti ko siya.” saad nito “Sino naman?” muling tanong ni Paolo “Si White Tiger.” tugon nitong muli “Wala naman kami naging kasalanan sa kanya? Matagal na kaming hindi nag-tatrabaho para sa kanya!” madiin na tugon ni Paolo “Hahaha! Tingin mo ay mapapaniwala niyo ako katulad niya?” tinuran nito “Huwag ka maniwala kung ayaw mo! Basta matagal na kami na walang koneksyon sa kanya at bakit hindi na lang siya ang humarap para magkaalaman ng totoo!” saad ni Paolo “Huwag ka mag-madali dahil mag-sisimula pa lang tayo at malay mo sa mga susunod na araw ay matupad na ang hiling mo.” natatawang tugon nito “Hindi ako nakikipag-biruan.” naiinis na tugon ni Paolo “Sino ba kasi siya?” muling tanong nito sa kanya at muli ay pinag-masdan si Iska “Wala siya kinalaman dito, kaya pwede ay huwag niyo siya i-dadamay!” madiin na tinuran ni Paolo “Ang damot mo naman?” sambit nito at humakbang pa nang mas malapit sa kanila kaya mas hinigpitan ni Paolo ang pag-hawak sa kamay ni Iska “Sinabing huwag niyo siya pakiki-alaman!” pag-babanta ni Paolo ngunit sumenyas ito sa tatlong lalaki kaya hinablot ng isang lalaki si Iska at nabitawan niya dahil hinawakan rin siya ng dalawang lalaki “Tangina! Huwag mo siya gagalawing gago ka!!” sigaw ni Paolo na nagpupuyos sa galit, nagpupumiglas si Iska subalit medyo nanghihina na rin siya at masyadong malakas rin ang pagkaka-hawak sa kanya na halos mamilipit na siya sa kirot ng mga braso niya “Ahh!! Aray ko, ano ba!” sambit ni Iska, lumapit sa harapan ni Iska si Red Wolf at ini-angat ang mukha niya gamit ang dalawang daliri.. “Hmm? May kamukha ka? Pero.. paano naman iyon nangyari?” saad niya “Kung gusto mo ng laro, huwag mo siyang i-sasali, sinasabi ko sa iyo!” nag-ngingitngit na sigaw ni Paolo “At mag kasing ganda rin kayong dalawa.” saad niyang muli at hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa, hinawakan ang kaliwang pisngi ni Iska at sabay hinawi ng kanyang daliri pa-talikod ng kanyang tenga ang maikli niyang mga buhok. “Huwag mo siyang hawakan!!” muling sigaw ni Paolo, akmang ilalapit nito ang mukha niya sa leeg ni Iska nang agad siyang sipain ni Iska sa binti kung kaya napa-atras ito “Ahh!!” sigaw niya “Aba! Pero iba ka ah mas matapang ka.” saad niya pa, sinenyasan niya ang lalaking may hawak kay Iska na bitiwan ito at inilapit sa kanya kung kaya siya na ang may hawak kay Iska “Ano ba problema mo!” matapang na saad ni Iska habang nag-pupumiglas “Wala naman.. Mukhang bigla lang ako nagka-interes sa iyo.” natatawang tugon niya “Pwes! Ako, hinding-hindi!!” naiinis na tugon ni Iska “Ang sakit naman ‘non, busted agad ako?” nakaka-lokong tugon nito nang inilapit muli ang mukha sa leeg ni Iska at nagpupumiglas siya ngunit madiin ang pagkaka-kapit nito sa kanyang mga braso “Ano ba! Bitiwan mo ako!!” sigaw ni Iska “Hayop ka!!!” galit na galit na sigaw ni Paolo at sa sobrang galit ay buong lakas niyang siniko nang sabay ang dalawang may hawak sa kanya at nabitiwan siya at sabay sugod niya kay Red Wolf at sinuntok.. Agad naman siyang inundayan rin ng suntok nito ngunit naka-ilag siya, sumugod ang tatlong lalaki upang pag-tulungan siya.. Si Iska naman ay biglang kinuha ang sirang upuan at pinaghahampas sa mga lalaking pinag-tutulungan si Paolo. Nahawakan ng lalaki na kaninang may hawak sa kanya ang upuan nang balak niya itong hampasin muli at inihagis, sabay sinampal siya sa magkabilang pisngi at bumagsak sa sahig “Iskaaa!!” sigaw ni Paolo “Tangina mo! Hayop kang gago ka!!” muling sigaw ni Paolo at agad nilapitan si Iska at lumuhod para i-angat ito sa kanyang mga braso, nanghihina si Iska, nangangalu-mata at nag-sugat ang labi na may kaunting dugo at namumula ang mga pisngi.. Hinaplos ni Paolo ang ulo ni Iska at pisngi sabay matalim ang mga mata na sinulyapan ang lalaki “Hayop ka! Gago!! Duwag! Pati babae ha! Tangina mo!!” sigaw niya pa “Tama na muna iyan, tara na.” sabat naman ni Red Wolf at sumunod sa kanya palabas ng kwarto ang mga ito, ini-lock nila iyon at iniwanan sila. Nang nai-higa na ni Paolo si Iska sa sofa ay naka-upo lang siya sa tabi niya na hindi malaman ang gagawin dahil wala siyang ano man na makitang gamit roon, nangingilid na lang ang mga luha niya na tignan si Iska na hinang-hina habang marahan na hinahaplos sa ulo. Ilang oras na ang lumipas at naka-idlip na rin si Paolo sa tabi ni Iska, bigla niyang naalala ang cellphone niya ngunit wala man lang signal sa lugar na iyon.. Tinignan niya ang oras at halos pasado alas nuwebe na pala. Pinag-masdan niya si Iska na natutulog pa rin at hinaplos ang pisngi “I-is.. Iska?” sambit niya nang maramdaman na mainit siya “Nilalagnat ka! Tangina naman oh!!” bukam-bibig niya at natataranta, kinalampag niya nang kinalampag ang pintuan upang baka sakali ay may maka-rinig “Hoyy!! Sino ba ang nariyan! Mga hayop kayo! Buksan niyo ‘to!” sigaw pa niya, ilang minuto pa ay bigla naman na may nag-ikot ng pagkaka-lock ng pintuan nila at iyon ay ang lalaki kanina “Hoy! Ikaw!! Ano ba ang ingay mo!” sigaw nito “Tangina mo! Kailangan ko ng gamot at pagkain! Nilagnat siya dahil sa ginawa mo!!” sigaw ni Paolo pa-balik at sinulyapan nito si Iska na naka-higa sa sofa at binaling muli ang tingin sa kanya, hinawakan siya ni Paolo sa damit “Wala ka ba talagang natitirang katiting na konsensya o awa na lang ha!!” sigaw pa muli ni Paolo “Tangina! Mag-hintay ka!!” sigaw naman nito sabay hawi sa kamay niya at ni-lock muli ang pinto. Agad naman na bumalik si Paolo kay Iska at hinawakan sa noo “Iska.” sambit niya at naramdaman na nanginginig ito “B-bakit? A-ano problema ha?” natatarantang tanong niya at ini-angat ang mukha ni Iska “M–magi-naw.” nanghihina na sambit ni Iska at agad hinubad ni Paolo ang coat niya at ikinumot kay Iska “I-iska, laban lang ah.. A--aalis rin tayo dito, si-sigurado ako gumagawa ng paraan sila Henry.. at ako muna gagawa ng lahat ng kaya ko ma-protektahan ka lang.” nangangatal na saad ni Paolo at bumagsak ang ilang patak ng luha sabay halik sa ulo ni Iska, halos trenta minutos ang lumipas ay bumukas ang pinto sabay ipinatong ng lalaki ang isang plastic sa may lamesa “Oh, ayan na! Tumahimik ka na ah!” sigaw pa nito sabay pabalang na sinara ang pinto at ni-lock. Kinuha iyon agad ni Paolo.. cup noodles, bottled water at gamot ang laman ‘non. “Iska, humigop ka ng sabaw oh..” bulong ni Paolo at dahan-dahang nag-mulat ng mga mata si Iska, tinulungan ni Paolo na maka-upo si Iska at na-upo sa tabi niya.. i-sinandal niya si Iska sa dibdib niya at ini-abot ang cup noodles “Kainin mo na iyan, iinom ka pa ng gamot.” bulong ni Paolo “Ikaw?” sambit ni Iska “Ayos lang ako.” tugon niya, nilingon siya ni Iska “Paano ka, mag-hati na lang tayo.” saad ni Iska “Hindi na, mas kailangan mo kaya sige na.. Kain na .. huwag na makulit.” tugon ni Paolo at kumain na lang si Iska, nang nakalahati na iyon ni Iska “Busog na ako..” sambit niya “Ubusin mo.” bulong ni Paolo “Ayoko na.” sagot niya “Iska..” sambit ni Paolo “Sa iyo na lang..” saad ni Iska sabay abot kay Paolo “Iska naman e” bulong pa niya muli “Ayoko na nga, sa iyo na.” saad muli ni Iska at kinuha ang tubig na nasa bote at gamot na hawak ni Paolo para ipalit iyon “Iinom na ako diba, kumain ka na rin diyan.” napa-ngiti na lang si Paolo na tiningnan si Iska habang umiinom at sabay inubos na rin ang noodles. “Tubig?” sambit ni Iska sabay abot ng kalahati ng tubig niya “Salamat.” tugon ni Paolo at uminom rin “Salamat rin.” bulong naman ni Iska “Ha?” sambit ni Paolo “Naririnig kita kanina, kahit nanghihina at naka-pikit ako ay alam ko.” tinuran ni Iska “Ah.. Oo naman, hindi ako matatakot sa kanila o sa kahit na ano basta masigurado ko na ayos ka.” tugon naman ni Paolo “Mainit ka pa, mag-pahinga ka pa.” dugtong niya, hindi na kumibo si Iska dahil muli na naman bumigat ang mga mata niya at pumikit na.. Hindi kalakihan ang sofa kaya hindi sila maaaring maka-higa pareho kung kaya’t naka-upo lang sila habang naka-sandal si Iska kay Paolo. Habang natutulog si Iska ay hindi maiwasan ni Paolo na pag-masdan siya.. Naka-yakap lang ang isang braso niya kay Iska .. Bigla siyang may ibang naramdaman sa mga oras na iyon pero alam niya sa sarili na hanggang doon na lang iyon, hinalikan niya saglit sa ulo si Iska at ilang minuto pa ay hindi nagtagal at tuluyan na rin siya na naka-tulog. Kinabukasan, “Hoy! Gising!!” pam-bubulabog ng lalaki kina Iska at Paolo. “Oh, kumain na kayo at mamaya ay darating na si boss!” dugtong nito at ipinatong ang isang plastic sa lamesa, umalis na rin ito agad at ni-lock ang pinto. “Iska, kumusta na ang pakiramdam mo?” bulong ni Paolo dahil bahagya pa na maputla si Iska “Maayos naman na.” na-mamaos na tugon niya “Mag-babanyo lang ako.” dagdag pa niya at inilalayan siya ni Paolo para tumayo “Mag-ingat ka at baka madulas ka.” saad ni Paolo dahil pansin niya na nahihilo pa si Iska “Oo, salamat. Kaya ko naman..” tugon ni Iska, matapos mag-banyo ni Iska ay si Paolo naman ang nag-paalam para mag-banyo habang binubuksan ni Iska ang plastic na may laman na dalawang bote ng tubig at dalawang styroware na may kanin at ulam ay lumabas na rin si Paolo. “Kain na.” saad ni Iska at sabay na silang kumain, ilang sandali lang ay may nag-bukas ng pinto “Tapos na ba kayo riyan?” tanong ng lalaki “Bilisan niyo!” dugtong pa nito at hinawakan si Iska at pinatayo dahil ilalabas sila ng kwarto “Aray!” sambit ni Iska dahil mahigpit ang pagkaka-kapit nito sa kanyang braso at masama pa ang pakiramdam niya “Ano ba! Tangina naman!! Bitiwan mo siya.. Baka mabinat siya sa ginagawa mo!!” sigaw ni Paolo at inagaw si Iska at hinawakan sa kamay “Hayaan niyo na, hindi naman na makaka-takas ang mga iyan.. Isunod niyo sila sa akin.” saad ni Red Wolf na nasa labas na rin pala ng kwarto at lumakad na papunta sa karugtong na kabilang bahagi ng gusali palayo kung saan naroon ang kwarto na pinag-kulungan sa kanila, kumpara sa kabilang bahagi ng gusali na pinanggalingan nila ay habang tumatagal mas maayos at bahagyang malinis na ang kabilang parte na dinaraanan nila.. Habang nauuna si Red Wolf ay katabi nito ang lalaki kahapon na lagi nang nag-babantay sa kanila at naka-sunod silang dalawa sa kanila at ang dalawa naman na kasama nito na bantay rin ay naka-sunod sa likuran nina Iska at Paolo. Halos dalawang minuto sila na nag-lalakad dahil malawak ang lugar na iyon, hanggang sa napansin nila na tumigil si Red Wolf sa isang malawak na ani mo’y stadium.. Mayroon sa gitna ‘non na isang boxing ring. “Anong lugar ‘to? Bakit mo kami dinala dito?” tanong ni Paolo at humigpit ang hawak sa kamay ni Iska nang humarap si Red Wolf sa kanila, “Dito tayo mag-lalaro.” sagot niya “Ano?” nagtatakang tanong ni Paolo “Diyan.” sambit niya muli at tinuro pa ni Red Wolf ang boxing ring “Ano ang ibig mo sabihin?” muling tanong ni Paolo “Hahaha! Diyan nga tayo mag-lalaro..” nakaka-loko na sagot nito “Hindi ako nakikipag-biruan, linawin mo kung anong laro ba ang tinutukoy mo at gusto mo na mangyari!” naiinis na saad ni Paolo “Simple lang, gagastos ako sa bawat palaro rito at ikaw ang ilalaban ko.” tugon muli ni Red Wolf “Ano kamo?” ani Paolo “Kailangan mo na ipanalo ang bawat laban kung gusto mo na makitang maayos ang kalagayan ng babaeng katabi mo.” dugtong pa niya, napa-kapit naman sa braso ni Paolo si Iska at nilingon niya at sabay umiiling si Iska na tinitigan niya lang at muling bumaling ang paningin kay Red Wolf “Nagpapatawa ka ba? Hindi ako boksingero at bakit ako ang ilalaban mo riyan!” pag-mamatigas ni Paolo at sumenyas si Red Wolf sa katabi niya na lalaki at akmang kukunin si Iska sa kanya na agad niyang niyakap “Tangina! Sandali!!” ngunit muli itong na-hablot palayo sa kanya “Huwag! Paolo, huwag. Huwag ka papayag!” sigaw ni Iska sa kanya na hawak na ngayon ng lalaki at siya naman ay hinawakan na rin ng dalawa pa na lalaking kasama nila, “I’m so sorry for you, Miss Beautiful.” saad ni Red Wolf at nilapitan niya at hinawakan si Iska sa pisngi habang hinahawi ang piraso ng mga buhok niya “Hayop ka!” sigaw ni Paolo “Sige!!! Payag na ako!! Layuan mo siya!!!” sigaw muli ni Paolo at agad siya na nilingon ni Red Wolf “Hahaha! Iyan ang gusto ko! Matapang!” mapang-asar na saad nito at tiningnan lang siya nang masama ni Paolo at sumenyas sa tatlo, binitiwan sila ng mga ito at kinuha ni Paolo si Iska palayo at niyakap “Bakit ka pumayag?” bulong ni Iska “Huwag ka mag-alala, okay?” bulong niya pa-balik kay Iska, “Sumunod kayo sa akin!” saad ng lalaki at tinulak silang dalawa “Ano ba! Susunod kami!!” naiinis na tinuran ni Paolo sa dalawang tumulak sa kanila at hinawakan nang mahigpit si Iska sa kamay habang sumusunod sa isa pang lalaki “Saan niyo na naman ba kami dadalhin?” tanong ni Paolo “Basta sumunod na lang kayo!” tugon nito muli, diniretso pa nila ang gusali na iyon at sa dinaraanan nila ay may mga kwarto na muli sila na nakikita.. Pagkarating sa ikatlong silid sa kaliwa ay huminto sila at tinulak silang dalawa papasok doon. “Bakit ba kailangan niyo lagi manulak!” sigaw ni Paolo “Ang babagal niyo kasi!” sigaw nito pa-balik “Oh, siya.. Diyan muna kayong dalawa.” dagdag pa nito at muli ni-lock ang pinto at iniwanan sila. Kumpara sa unang kwarto na pinag-kulungan sa kanila ay mas malinis ito, may isang sofa bed at isang lamesa na may isang pares na upuan at may banyo na rin ngunit wala pa rin ibang kagamitan. “Paolo.” sambit ni Iska “Kumusta? May masakit ba sayo?” nag-aalalang tanong ni Paolo at pinag-masdan ang namumutla niyang mukha “Ma-upo na muna tayo.” dagdag niya pa at naupo sila sa sofa bed “B-bakit ka naman pumayag?” naluluhang tanong ni Iska “Huwag mo na isipin iyon, ako na ang bahala.” tugon ni Paolo “P-pero.. Delikado iyon, wala ka naman alam sa ganon.” saad ni Iska at pumatak ang mga luha na agad pinunasan ni Paolo gamit ang daliri niya “Ano ka ba, huwag ka umiyak. Hindi mo kailangan mag-alala sa akin, mas kaya ko ang sarili ko at ang dapat mo na isipin ay ang hindi ka nila masaktan.” tinuran ni Paolo “Paolo naman ee” sambit ni Iska “Basta.. Huwag ka mag-alala dahil kaya ko ang sarili ko, konting panahon na lang at alam ko na makaka-isip sila Henry ng paraan para mahanap tayo.” saad ni Paolo “Kailan pa? Kung tayo nga hindi natin alam kung nasaan tayo.. Baka kung ano ang mangyari sa iyo doon.” tugon ni Iska “Walang mangyayari sa akin.” sagot ni Paolo “Maniwala ka.” dagdag pa niya at niyakap na lang si Iska dahil halos bumagsak na rin ang mga luha niya na kanina pa niya pinipigilan. -”Henry, ano na ba ang gagawin ko. Gaano pa ba kayo katagal? Hindi ko alam ang pwede na mangyari kay Iska kung sakali na mamatay ako agad dahil sa plano ng hayop na Red Wolf na ito, kung sino man siya!”- tanong sa isip ni Paolo, “Hoy! Tama na yan!” sigaw ng lalaki nang bigla nitong buksan ang pinto at na-datnan sila, tumayo sila at lumapit sa pinto dahil nasa labas lang ito, “Ano na naman ba ang kailangan niyo?” naiinis na sigaw ni Paolo pa-balik “Sumunod ka sa akin.” saad nito “Ikaw lang at maiiwan iyang babae.” dugtong pa nito “Ano?” sambit ni Paolo “Mag-eensayo ka na dahil may laban ka na bukas.” tinuran nito muli “Bukas agad? Nasisiraan ba kayo? Wala siyang alam sa ganyan at kahit na si Manny Pacquiao ay matagal ang ensayo bago lumaban tapos siya bukas agad? Ano ba’ng klase yon!” ani Iska “Pwede ba tumahimik ka at baka—” naiinis at na-putol na sasabihin ng lalaki na naka-amba ng sampal kay Iska “Sige!!! Subukan mo! Nasa usapan na kaya ako pumayag dahil para kahit dulo ng buhok niya ay hindi niyo maaaring hawakan!! Naiintindihan mo?” sigaw ni Paolo sabay hawak sa kamay ni Iska papunta sa likuran niya “Tangina! Ang ingay kasi!!” sigaw nito pa-balik “Kahit na ano pa, hinding-hindi niyo siya pwedeng saktan!” sigaw rin ni Paolo “Oo na! Tangina mo!!” tugon nito at sinamaan niya lang ng tingin at bumaling pa-harap kay Iska at hinawakan sa magkabilang pisngi “Iska, pakiusap naman oh.. Huwag na huwag ka na gagawa ng kahit na anong ika-papahamak mo lalo na at wala ako sa tabi mo .. huwag na matigas ang ulo.” bulong ni Paolo kay Iska at nakatitig lang ito sa kanya nang na-luluha “Bilisan mo na!” sigaw ng lalaki at lumabas na rin siya ng silid, sinulyapan muna ni Iska at Paolo ang isa’t isa bago tuluyang isara at i-lock ng lalaki ang pinto. Nanlulumo na napa-upo si Iska sa sofa bed at tuluyan nang na-iyak, naka-tulog na lang siya sa kaka-iyak dahil para na naman siyang lalagnatin sa sama ng pakiramdam.. Sumunod lang si Paolo sa lalaki at pumasok sila sa isang silid na doon lang rin malapit sa pinanggalingan nila na kwarto kung nasaan si Iska, prenteng naka-upo sa isang silya na kapares ng isang lamesa doon sa loob si Red Wolf. “Kumusta? Nakapag-paalam ka na ba sa kanya?” natatawang tanong niya kay Paolo at tinitigan niya lang ito nang masama “Ayan ang mga gagamitin mo.” saad naman niya muli at itinuro ang ilang piraso na mga damit sa sofa bed, “Galingan mo sa pag-eensayo, ituturo na nila sa iyo mamaya kung anu-ano ang gagawin.. At muntik ko na makalimutan .. bukod sa kaligtasan ng babae ay dapat ka na manalo sa bawat laban kung gusto mo siya na makita.” saad niya pa muli “Ano na naman pinagsasabi mo!” sigaw ni Paolo “Haha! Syempre kapag natalo ka, malulugi ako.. Kaya dito ka lang sa kwarto na ito at hindi mo malalaman kung ano ang mangyayari sa kanya.” tinuran niya “Gago ka!! Ano?” singhal ni Paolo at balak na suntukin si Red Wolf nang hawakan at pigilan lang siya ng dalawang lalaki “Hahaha! Kaya galingan mo kung ayaw mo na siya ang mag-bayad sa bawat laban na hindi mo ipapanalo.” saad niya muli at tumayo sa pagkaka-upo na diretsong lumabas na ng silid “Gago ka!!! Tangina mo!!! Huwag na huwag mo gagalawin si Iska!!! Hayop ka!!!!” nagpupuyos sa galit na sigaw ni Paolo bago pa man maka-layo si Red Wolf at tinulak siya ng dalawang lalaki kaya napasalampak siya sa sahig “Kung ako sa iyo, huwag mo sayangin ang lakas mo kung ayaw mo mapahamak ang babae na iyon!” sigaw ng lalaki sa kanya na sinamaan niya ng tingin at sabay sinara nito ang pinto at ini-lock. -”Tangina mo Red Wolf! Hayop ka kung sino ka man! Huwag ka talaga magkakamali na may gawin kay Iska! Gago ka!”- halos ma-baliw na kaka-isip si Paolo sa pag-aalala kay Iska, ilang minuto nang kumalma na siya ay minabuti niya na mag-bihis na at dinambot nang pabalang ang mga gamit sa sofa bed at namili ng isusuot at pumasok na ng banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD