Unang araw ngayon ni Iska sa trabaho, trenta minutos pa bago ang takdang oras ay naroon na siya. Dahil nga may motor rin naman sila kaya malakas ang loob ni Henry na ipa-hatid sundo siya, at maaga nga siya na nagpa-hatid kay Dino. “Iska! Good morning.” bungad ni Bobby, “Oh, nariyan ka na rin pala. Magandang umaga rin.” tugon ni Iska. “Excited ka rin ba na makita ako kaya ang aga mo pumasok, ano?” pabiro na tinuran nito, napa simangot naman tuloy bahagya siya. “Kay aga aga at nang aasar ka, ha?” balik na sagot ni Iska, “Kunwari ka pa e ako nga aminado na gusto na kita makita.” bulong nito na bahagyang lumapit sa kanyang tainga si Bobby sabay kindat. “Nako, tigilan mo ako. Baka may maka kita sa atin at agad pang maging dahilan para hindi tayo tumagal rito dahil iisipin inuuna pa natin ang mag daldalan.” saad ni Iska, napanguso na lang ito sabay kamot sa ulo. “Nag-almusal ka na ba? Baka gusto mo? Kape muna tayo at may kinse minutos pa naman.” bawing tugon ni Bobby, “Hindi na, ikaw na lang.” pagtanggi niya. “Hays, dadalhan na lang kita riyan at antayin mo ako.” pag pupumilit nito, “Ang kulit naman, kumain na ako e sige bahala ka kung gusto mo talaga kahit kape na lang.” tugon niya. “Sige, saglit lang ako.” tugon nito at pumunta na ng cafeteria, ilang sandali lang ay bumalik na ito at iniabot sa kanya ang kape. Matapos nila mag kape ay saktong oras na ng trabaho, pinatawag na sila at sinimulang ituro ang mga kanya kanyang naka-toka na trabaho.
Medyo nangangapa pa sa una si Iska, hindi nagtagal ay mas mabilis na niya itong nakabisado at pati ang kanyang pagkilos ay bumibilis na. Dala na rin siguro ng kaba, ngunit nawala na rin naman dahil napag-aralan naman na niya lahat. “Kumusta Iska?” tanong ni Bobby, “Ayos naman na, mas makakabisado ko pa agad lahat sa mga susunod na araw panigurado.” tugon niya. “Oo, basic na lang ‘yan.” saad nito, “Sana nga magtuloy-tuloy lang, ikaw ba?” balik na tinuran ni Iska. “Yakang yaka rin, basic.” mayabang na sagot nito at natawa sila pareho nang bahagya, “Paano, mamaya na lang ulit? Sabay na lang tayo mag lunchbreak.” saad ni Bobby. Tumango na lang si Iska nang naka ngiti at nag tungo na rin sa isa pa niyang lilinisin na kwarto, ganon na rin naman ang ginawa ni Bobby at pumunta sa kanyang naka-toka na gagawin.
Oras na ng lunch break at nagtungo na sila sa cafeteria, “Pwede ba kami maki-sabay?” wika ng isa nilang katrabaho na babae. “Oo ba.” tugon ni Bobby, “Ako nga pala si Janna at siya naman si Trisha.” muling saad nito at sabay silang naupo sa tapat nina Iska at Bobby, “Nice to know you.” magiliw na tugon ni Bobby. “Ako rin.” sambit ni Iska at ngumiti rin ang isa pa na babae na si Trisha sa kanila na nginitian niya rin, “Bago lang rin ba kayo rito?” tanong ni Janna. “Oo, first day namin.” sagot ni Bobby, “Mag-ano kayo?” muling tanong nito. “Magkaibigan.” agad na tugon ni Iska dahil baka kalokohan na naman ang isasagot ni Bobby, “First day niyo rin ba ngayon?” tanong ni Bobby. “Oo.” tugon nito at napa-tango na lang sila pareho, maya-maya ay may lumapit pa na isa nilang katrabaho na lalaki at tumabi ito sa bakanteng upuan sa tabi ni Iska kaya napagitnaan siya nilang dalawa ni Bobby. “Hi, makikisabay lang rin ako. Ako pala si Rick.” saad nito, “Bago lang rin kasi ako.” dagdag pa nitong Rick. “Oh! Hi, Ako si Janna.” tugon ni Janna, “Ako naman si Trisha.” mahinhin na saad nitong si Trisha. “Ako si Iska, siya si Bobby.” sagot ni Iska sabay lingon kay Bobby at sumenyas, “Ah, nice to meet you.” saad ni Bobby nang tumingin rito at tumango lang. Natapos na sila kumain at magkwentuhan, pagkatapos na pagkatapos ay bumalik na sila sa kanya kanyang mga naka toka na trabaho.
Tapos na ang oras ng trabaho nila, naghahanda na sila para maka uwi. Nagkasabay sabay na rin sila sa pag labas ng hotel, “Saan kayo umuuwi?” tanong ni Janna. “Sa may Amaya lang ako.” tugon ni Iska, “Oh! Hindi pala ganon kalayo sa amin sa may Mabuhay ako si Trisha sa Suminag naman siya. Sasakay ka?” muling saad nito. “Hindi.” sambit ni Iska, “Hatid na kita.” sabay na tinuran na pagkakasabi ni Bobby at Rick dahil pareho silang may motorsiklo. “Hindi na, may susundo sa akin.” tugon na lang ni Iska, “Ay, taken na?” pabiro na ani ni Janna. “Hindi rin ano, kaibigan ko lang rin.” tugon ni Iska, napakunot noo at buntong hininga nalang sina Bobby at Rick. “Kami na lang isabay niyo papunta sa may sakayan kung talagang gentlemen kayo.” pabirong saad ni Janna, dumating naman na si Paolo na naka motorsiklo at nilapitan na ni Iska. “Sige, mauuna na ako sa inyo. Ingat kayo.” paalam ni Iska sa kanila, naka angkas na si Janna kay Bobby at si Trisha naman kay Rick dahil isasabay na lang nila ang mga ito sa sakayan ng jeep. “Sige, bye.” sambit ni Janna, kumaway na lamang si Trisha at ganun rin sina Bobby at Rick.
Nakauwi na sina Iska at Paolo, “Oh, kumusta?” bungad ni Dino. “Ayos naman, nakabisado ko naman na rin agad.” tugon ni Iska, “Goods na, dami na agad troops.” biro ni Paolo kaya napa-hampas ito sa braso niya. “Ganon naman, makikisama.” paliwanag ni Iska, “Tama naman.” singit ni Roly. “Sinu-sino?” sambit ni Henry, “Si Janna, Trisha tapos Bobby at Rick.” bahagyang nalukot ang mukha ni Henry nang marining ang pangalan ng dalawang si Bobby at Rick. “Kumain ka na.” wika ni Henry, “Mamaya, magbibihis lang muna ako sandali.” at umakyat na muna si Iska sa kanyang silid upang maglinis ng katawan.