Kinabukasan ay maagang gumising si Henry, sa katunayan ay hindi siya gaanong nakatulog dahil sa napag-usapan nilang dalawa ni Roly tungkol kay Iska. Nag-aalinlangan pa rin siya dahil kung sakali ay hindi niya gugustuhin na lalong umilap si Iska sa kanya at tuluyang lumayo, ngunit tulad na rin ng sinabi ng kaibigan niyang si Roly ay sayang naman kung hindi niya susubukan. Siya ang pinaka naunang magising sa kanilang lahat kaya siya ang nag asikaso ng almusal sa kusina, “Oh! Gising ka na pala?” saad niya nang makita niya si Iska na kabababa lang at papasok ng kusina. “Oo, para mas maganda ang maaga na rin.” tugon naman ni Iska, “Mabuti at nakapag luto naman na ako ng almusal, mauna na siguro tayong dalawa kumain.” tinuran ni Henry. “Hmm.. matagal pa ba sila?” tugon ni Iska, “Pababa na rin ang mga iyon panigurado.” “Oh, sige.” sambit ni Iska, nagsimula na silang kumain dalawa at hindi maiwasan ni Henry ang mapa-sulyap kay Iska habang kumakain. Nagkakasabay naman silang kumain madalas noon na sila lang dalawa bagamat lagi nga na lahat sila ang nagsasabay, ngunit sadyang ramdam niya rin talaga na nag-iiba na ang pagtingin niya kay Iska dahil kung minsan ay nagkakasabay rin naman na sila noon nang dalawa lang sila na nauunang kumain subalit alam niya na iba na nga siya ngayon sa bagay na hindi niya na rin naiintindihan. “Hindi ka na nag papagupit ah? Malapit na lumagpas ng leeg mo ang buhok mo?” tanong ni Henry, “Ah, oo nga. Baka sa susunod na lang.” tugon ni Iska. “Pero.. ano ah, bagay naman sa iyo. Bakit hindi mo pahabain?” tinuran ni Henry, “Presko kapag maiksi.” sambit ni Iska. “Oo nga, pero kahit hanggang balikat lang hindi naman na siguro mainit iyon sa pakiramdam.” saad ni Henry, “Para mas lalong lumitaw ang ganda mo.” tinuran niyang muli. “Ha?” nagtatakang sambit ni Iska, “Ang ibig ko lang sabihin, para hindi ka na pinagkakamalan na… alam mo na?” paliwanag ni Henry. “Hayaan mo sila, isa pa nasanay na ako.” tugon ni Iska, “Para ma-iba lang naman rin.” wika ni Henry. “Ewan ko, pakikiramdaman ko kung hindi ako maiirita.” sagot ni Iska at nagka-ngitian sila na biglaan naman na parang may kung anong naramdaman si Henry nang dahil doon sa pag-ngiti ni Iska sa kanya, “Good morning!” bungad ni Paolo na nakababa na pala at nagtungo na nang kusina. “Oh, gisng na pala ang king and queen of joker. Haha!” saad ni Dino na kasunod na pala ni Paolo, “Kailan pa nagkaroon ng king and queen ang joker?” tanong ni Paolo. “Wala pala yung ganun? Hindi kasi ako naglalaro ng baraha.” sagot ni Dino. “Haaays, gising na naman pala ang kambal na anak ng mga kuliglig.” tinuran ni Henry. “Mga pinaglihi sa megaphone.” dagdag pa ni Iska na ikinatawa nila, “Anong meron at hindi niyo ako sinasali?” wika ni Roly na kabababa lang at inabutan sila na nagtatawanan pagpasok ng kusina. “Si Dino kasi, tinawag ba naman na king and queen of joker daw si Henry at Iska.” tinuran ni Paolo, “Tanga! Kaya nga joker ‘yun e nag-aala joker ka rin diyan ah nagpapatawa ka na naman.” saad ni Roly. “Malay ko ba, hindi naman ako naglalaro nun.” tugon ni Dino, “Pwede naman kasing king and queen of hearts diba?” muling tinuran ni Roly. “Iyooon! Mas bagay pa! Tama ka na, sakto pa.” singit ni Paolo, “Oo nga ano? Kung sa bagay e babagay nga rin naman.” sagot ni Dino. “Ang aga pa ang iingay niyo na.” saad ni Henry, “Magsi-kain na kayo at gutom lang ‘yan.” dagdag pa ni Iska. Matapos nilang kumain ay nagsi-gayak na sila at naunang umalis sina Henry at Roly na magka-angkas sa motorsiklo, naiwan lang muna si Paolo para mai-hatid ni Dino si Iska at gagamitin ang isa pa na motorsiklo.
Pagkarating ni Iska sa trabaho ay sinalubong na siya ni Bobby, “Good morning.” tinuran nito. “Good morning rin.” tugon ni Iska, “Kumain ka na ba? Gusto mo ba ng kape?” tanong ni Bobby. “Nako, huwag na at busog na ako.” sagot niya, “Ah, sige—” naputol na sambit ni Bobby dahil biglang dumating si Rick. “Iska! Good morning, coffee oh dinalhan kita.” wika nito at sabay abot ng paper cup na may tinimplahan na kape kay Iska, “Hala! Bakit nag-abala ka pa, nag-almusal naman na ako bago pumasok!” saad ni Iska. Napakamot ulo na lamang si Rick at napa-iling si Iska, kunot noo lang itong si Bobby na napa-sulyap rin kay Rick. “Hi, good morning. Akala naman namin late na kami.” napalingon silang tatlo nang marining si Janna papalapit kasunod si Trisha, “Uy, good morning sa inyo.” tugon ni Iska sa dalawa at ngumiti lang si Trisha dahil may pagka tahimik lang talaga ito. Saglit lamang na pag-babatian ay oras na ng trabaho, nagsi-puntahan na sila sa kani-kanilang assigned work tasks.
Habang nasa kalagitnaan ng trabaho silang lahat, nagkasalubong sina Bobby at Rick sa hallway papunta sa magkabilang direksyon. “Rick.” bulong ni Bobby bago pa man mag krus at makalagpas sila sa isa’t isa, “Bakit?” sambit ni Rick pabalik sa kanya. “May gusto ka ba kay Iska? O may balak ka ba na pormahan siya?” diretsahan na tanong ni Bobby na ikina-kunot noo naman nito, “Bakit? Nanliligaw ka rin ba sa kanya?” pabalik na tanong ni Rick na bahagyang natawa nang mahina. “Matagal ko nang binabalak, mula pa noong nagkakilala kami pero mukhang ayaw pa niya nang mga panahon na iyon. Ewan ko lang sa ngayon—” naputol na tinuran ni Bobby nang bigla na lamang na sumulpot si Iska, “Oh! Ano ginagawa niyo rito at parang dito pa kayo talaga nakakuha ng pwesto na mag chismisan?” nagtatakang tanong ni Iska sa dalawa. “Ah, may tinanong lang ako kay Rick.” tugon ni Bobby, “Hmm.. Sige, paraan muna ako at may gagawin pa ako.” wika ni Iska. “Sige.” sabay na tugon nang dalawa sabay sa pag-tango lang niya at umalis na rin agad patungo sa kung ano man ang gagawin niya, “Yung sinasabi ko nga pala.” pahabol ni Bobby bago sila maghiwalay ni Rick. “Natatakot ka ba na ako ang maging karibal mo?” tila nang-aasar o nang hahamon na tugon ni Rick habang naka ngisi, “Hindi.” kunot-noo na sagot ni Bobby. “Kung ganoon, wala naman pa lang problema.” tugon ni Rick at diretsong naglakad palayo, napa-buntong hininga lang si Bobby na bahagyang napikon sa tinuran ni Rick at dumiretso na rin nang lakad pabalik sa kanyang ginagawa.
Uwian na, kanya-kanya na rin silang paghahanda pauwi. “Susunduin ka ba ulit ngayon?” tanong ni Janna kay Iska, “Ah, oo. Aantayin ko lang at parating na ‘yun.” tugon ni Iska. “Sino ba kasi ‘yun?” muling tanong ni Janna, “Si Paolo, kaibigan ko na kasabay ko nang lumaki na kasama ko sa apartment pati na rin ‘yung naghahatid sa akin na si Dino.” paliwanag ni Iska. “Ahhh.. Ganon ba.” tanging naging tugon ni Janna at nakikinig lamang si Trisha at tumatango-tango, “Oh, Bobby at Rick! Baka naman, hatian nalang namin kayo sa pang gas niyo buong linggo at ihatid niyo na lang ulit kami sa sakayan ng jeep. Para hindi na kami mag tricycle.” mahabang tinuran ni Janna sa dalawa na nag aayos ng kani-kanilang helmet. “May magagawa pa ba kami, baka sabihan niyo pa kami na hindi gentlemen.” pabiro na sabi ni Bobby, dumating na rin si Paolo at naka-angkas na si Iska, maging si Janna kay Bobby at si Trisha kay Rick, kanya-kanya na silang daan umuwi.
“Ang bango naman!” bungad ni Paolo pag kauwi nila ni Iska nang maamoy nito ang lutong ulam nila ngayong hapunan, “Nariyan na pala kayo, saktong-sakto. Tara na, at kumain na tayo.” tinuran ni Henry. “Mukhang masarap ‘yan ah.” sambit ni Iska, “Oo naman, si Henry pa ba?” singit ni Dino. “Alam ni Henry na pagod ka kaya nagluto siya ng paborito mong adobong baboy.” pagmamayabang ni Roly sa kaibigan, “Magsi-kain na nga lang tayo.” saad ni Henry. Nagsimula na silang kumain, “Ang sarap ah! May iba ata sa timpla mo ngayon Henry?” unas ni Paolo. “Medyo tumamis pero tamang-tama lang naman.” singit ni Dino, “Alam ko kasi na ganyan ang sabi ni Iska na natikman niya noon na ngustuhan niya ang lasa.” tugon ni Henry. “Hmm.. Oo nga nakuha mo ang timpla ah? Ang galing.” magiliw na sagot ni Iska at ganadong kumakain, “Uy, ang tamis nga!” sambit ni Roly nang napansin nilang tatlo ni Paolo at Dino ang mga ngiti ni Henry nang dahil sa sinabi ni Iska, nag sikuhan pa sila ngunit pinandilatan sila ni Henry at mabuti na lang ay nakatuon lang si Iska sa pagkain niya na hindi naman sila pinapansin. “Ano nga pala ang gusto mo na ulamin bukas para sa hapunan, nang mabili ko pag uwi.” tanong ni Henry kay Iska, “Ako? Bakit ako? Kayo na ang bahala kung ano ang gusto niyo lutuin.” sagot niya naman. “Sige na, ano ba gusto mo lutuin ko? Ayaw ko pag tatanungin iyang tatlo dahil baka pang pulutan lang ang i-request ng mga ‘yan.” saad ni Henry, “Hmm.. sigurado ka?” nagtataka na tanong ni Iska. “Ulam na pwede rin i-pulutan Iska para tablado. Haahha!” biro ni Dino, “Tumahimik ka nga riyan!” saway ni Henry kay Dino. Natawa na lang sila rito, “Gusto ko ng bulalo.” sambit ni Iska. “Bulalo?” unas ni Henry, “Oh, sabi ko naman kasi sa iyo na huwag na ako tanungin mo.” saad ni Iska. “Hindi ah, ayos nga e at matagal na rin na hindi tayo kumakain ng bulalo.” tugon ni Henry, “Sige, bukas magbubulalo ako.” naka ngiti na sambit muli ni Henry na nginitian rin ni Iska at tumango. “Yun oh! Walang halong bola ‘yang bulalo na iyan ah?” singit ni Paolo, “Gusto ko na mag-umaga ah!” pagbibiro rin ni Dino. “Oh, siya. Matulog na tayo agad para makapag bulalo na. Hahahha!” dagdag pa ni Roly, “Kayo na ang maghugas niyan ah.” sambit naman ni Henry na ikinamot ulo ng tatlo. “Oh! Bato-bato pick?” anas ni Dino, “Ayan na naman kayo, pati paghuhugas.” sambit ni Roly. “Lugi naman kasi ako lagi sa inyo, kayo na lang diyan.” pagmamaktol ni Paolo, “Bilisan niyo na.” wika ni Henry. Nagpaalam naman na si Iska para umakyat na sa kanyang silid, “Ayos ah, mukhang ginagalaw mo na ang baso Henry.” biro ni Roly. Umiling nalang si Henry at nangingiti habang kinakantyawan siya ng tatlo, natapos na ang gabi at nagpahinga na rin sila sa kani-kanilang mga silid.