past enemies

943 Words
Habang nasa daan sina Henry, Roly at Dino ay bakas sa mga mukha nila ang pag-aalala lalo na si Henry para kay Iska. “Ano raw ba ang nangyari?” Natataranta na tanong ni Henry, “Basta tumawag sa akin si Paolo na kadadala lang sa kanila sa ospital dahil naaksidente sila ni Iska at nagpapasaklolo.” paliwanag ni Dino. “Paanong naaksidente sila?” muling tanong na naman ni Henry, “Nahagip sila ng isang nawalan ng kontrol na truck, yun lang huli niyang sinabi at mamaya na raw niya ipapaliwanag.” sagot ni Dino. “Bwisit na truck naman yan!” naiinis na singhal ni Henry, “Kumalma ka na muna riyan Henry.” sambit ni Roly. Pagkarating nila sa ospital ay nag aatubili na bumaba sila ng sasakyan at nagtungo kung saan nandoon sina Iska, “Paolo! Anong nangyari? Kumusta kayo?” agad na tanong ni Henry at tinignan ito mula ulo hanggang paa na nasa hospital bed naka upo. “Nagamot naman na kami, natutulog pa si Iska.” tugon ni Paolo na may mga gasgas sa kanyang baba hanggang ilalim ng leeg at galos rin sa mga binti at kanan na braso at ang kaliwa niya na braso ay may benda at may arm sling rin, “Ano ba kasi nangyari?” muling tanong ni Henry. “May truck na humarurot at nawalan ng kontrol na bumulusok pasalubong sa amin na hindi ko na naiwasan kasi nabigla ako, kaya tumalon na kami ni Iska.” paliwanag ni Paolo, “Ano nangyari kay Iska, bakit tulog?” tanong ni Henry. “Kanina pa siya walang malay.” malungkot na tugon ni Paolo, “Anooo?” napasigaw bahagya si Henry. “Kalma muna Henry.” awat ni Roly, “Nagkamali ng bagsak sa pagtalon si Iska at tumama ang ulo sa bato na tumilapon pa ang helmet kaya inaantay ko rin siya magising kanina pa pero natahi naman na ng doktor ang sugat niya.” mahabang sagot ni Paolo. “Nasaan ba siya?” balisang tanong ni Henry, “Diyan sa kaliwa, katabi ko na ward.” tugon ni Paolo. Hinawi ni Roly ang nakasarang kurtina na nasa pagitan ng ward nila ni Paolo at doon nila nakita ang natutulog na si Iska, may benda ito sa ulo at may mga galos rin sa binti at braso. “Iska.” bulong ni Henry at naupo sa tabi nito, natulala lang rin sina Roly at Dino na tinignan ito. Halos ilang oras ang lumipas at naka bantay lang si Henry at nakatitig kay Iska, si Paolo ay naka idlip pansamantala. Kararating lang nina Roly at Dino na bumili ng makakain nila at kinausap na rin ang mga nars at pulis tungkol sa nangyari, “Henry kumain na muna tayo.” ani Dino. “Sabi ng pulis ay ang may-ari ng kompanya ng truck na ang bahala sa hospital bills nila.” tinuran naman ni Roly. “Gigising rin yan Henry, kumain na muna tayo.” dagdag pa niya muli, “Naalala ko pala, hindi na ulit napaliwanag ni Paolo yung nabanggit niya na may humahabol sa kanila na nakamotor bago sila mabangga. Itanong na lang natin paggising niya.” mahabang tinuran ni Dino. “Sino naman daw?” tanong ni Roly, “Hindi niya raw ata maalala kung sino, basta huling sabi daw ay pinagkakautangan daw natin.” tugon ni Dino. Ilang oras pa ang lumipas ay nagising na si Paolo, napasulyap siya sa magkabilang gilid niya at nakita na naka yuko sina Roly at Dino na naka tulog na sa kanyang kama. Si Henry naman ay nakayuko at naka idlip na rin sa kama ni Iska, napansin niya na gumalaw ang daliri ni Iska at agad siya na alerto at inabangan kung didilat na ito. Dahan dahang gumalaw ang talukap nito at unti-unting dumilat, “Henry, si Iska!” bigkas ni Paolo. Napaangat ang ulo ng tatlo nang marinig at sabay sabay na tumunghay kay Iska, “Gising ka na. Kumusta? May masakit ba sayo? Iska.” nag-aalala na sambit ni Henry. “Iska, kumusta?” pag-uulit ni Henry nang hindi pa ito sumasagot, “Nasaan ba ako? Ano ba nangyari at ang sakit ng ulo ko?” medyo paos na bigkas ni Iska. “Nasa ospital Iska, wala ka ba maalala?” muling pag-aalala ni Henry, “Ahh oo nga pala, si Paolo?” agad na tugon ni Iska nang maalala ang mga nangyari. “Still alive Iska, pumapalag pa rin ako.” pag-singit ni Paolo na nakangiti na dahil napawi bahagya ang pag-aalala nila, “Pinag-alala mo kami ah.” sambit ni Dino. “Mabuti at ayos ka naman na.” dagdag ni Roly, bumangon si Iska at inalalayan ni Henry. “Pasensya na, ayos naman na ako.” tugon ni Iska at napangiti na lang sila, “Kumain ka na muna.” ani Henry at siya mismo ang nag asikaso sa pagkain ni Iska at si Dino naman kay Paolo. “Paolo, ano pala ang sinasabi ni Dino na nabanggit mo tungkol sa humahabol sa inyo?” tinuran ni Roly, “Ahh oo ng pala, nandito lang sila. Kasama sila sa nahagip ng truck dahil nakasunod sila sa amin, panigurado nasa ibang ward lang sila.” tugon ni Paolo na ikinabigla ng tatlo. “Sino ba kasi iyon?” muling tanong ni Dino, “Pamilyar ang boses pero hindi ko nakita ang mga mukha, inaalala ko pa rin dahil ang sabi nila ay maniningil sila ng utang.” paliwanag ni Paolo. “Utang?” sambit ni Roly, “Hindi ko rin alam.” tugon ni Paolo. Nagkatinginan na lamang sina Henry, Roly at Dino maging si Paolo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD