sumbrero

869 Words
Makalipas ang ilang linggo, naka-istambay si Iska sa labas ng isang convenience store at na-upo na medyo magkahiwalay ang mga hita (dahil naka jagger pants naman ito) pansamantala sa bakanteng upuan na para sa mga namimili dito habang umiinom ng softdrinks na naka-plastic bottle. Wala naman gaanong tao sa mga oras na yaon, may iilan lamang na namimili ngunit hindi naman nag-iistambay at umaalis na rin kaagad. Ilang minuto pa ang lumipas, may na-upo na babae sa tabi ni Iska na hindi niya napansin. Naka-yuko lang siya nang bahagya at naka-sandal ang likod sa lamesa na katabi nito at nakapatong ang magkabilaang siko rin niya sa lamesa, suot niya ang paborito niya na sumbrero at jacket. Habang naka tingin siya sa kawalan ay bumalik siya sa ulirat niya nang magsalita ito, “Kuya! Hindi ba ikaw ‘yung nakaraang gabi na nag-ligtas sa akin?” malambing na tanong nito na may kasamang ngiti. Nilingon niya ito na naka-kunot ang noo, habang tinititigan niya ito ay naalala na lamang niya bigla ang nangyari noong isang gabi. “Kuya, bakit natulala ka na jan?” nagtatakang tanong ng babae, “Hindi mo ba ako maalala?” tanong muli nito. “Ah! Oo, hindi ko alam kung ano sinasabi mo. Hindi ako ‘yun.” pagtanggi na sagot niya rito sa mababang boses sabay tumayo at naglakad palayo, “Sandali lang kuya, alam ko ikaw ‘yun e naaalala ko ‘yang jacket at sumbrero mo!” sigaw nito at sinundan siya sa paglalakad. Hindi niya ito nililingon at naka pamulsa lang siya sa magkabilaang pamulsahan ng kanyang jacket habang naglalakad palayo, “Kuya! Uyyy!! Kuya, sandali.” sabi ng babae habang hinahabol siya at hinawakan siya sa braso. “Bakit ba! Ano ba ‘yun?” naka-kunot noo na tanong niya rito sa mababang boses ngunit may diin na pagka-inis, “Pasensya na, gusto ko lang naman kasi malaman kung ikaw ba ‘yung lalaking tumulong sa akin noong nakaraan?” may halong hiya at lungkot na tinuran nito. “Oo na! Ako nga ‘yun, ayos ka na? Aalis na ako.” tanging sagot ni Iska sa malalim na boses sabay lakad muli palayo, “Pero sandali lang! Gusto ko rin malaman ang pangalan mo kuya!” habol na sigaw muli nito at muling sinusundan siya sa paglalakad niya. Magdadalawang minuto na naglalakad lang si Iska, ngunit hindi siya nilulubayan ng babae at naka-sunod lamang maglakad sa kanya. “Bakit ba, ano ba kailangan mo?” huminto siya maglakad at lumingon dito sabay tanong, “Gusto ko lang makilala ang night and shining armor ko.” nakayuko na sagot nito sa kanya na medyo nahihiya. “Ganon?” tanong niya sa mababang boses na medyo natatawa, “Oo, sana?” nag-aalangan na sagot ng babae sa kanya. “Alam mo ba na ako ang kumuha ng wallet mo?” tanong niya rito pabulong sa tainga ng babae, tumango ito na ikina-gulat niya. “Oh! Bakit kinukulit mo pa ako, balak mo ba ako isuplong sa pulis?” pabulong na tanong niya muli na may halong pagtataka, “Hindi ah, binalik mo rin naman sa akin tsaka iniligtas mo pa ako sa lalaki na balak gumahasa sa akin kaya bakit ko naman gagawin ‘yun?” malumanay na sagot nito. “Sigurado ka ah?” tanong niya muli, at agad itong tumango nang naka-ngiti. “Kaya sabihin mo na kung anong pangalan mo?” muli na naman na tanong nito, “Ayoko.” tanging sagot ni Iska at naglakad muli palayo. “Bakit ba ayaw mo sabihin?” sumunod muli ito sa kanya ang muling nagtanong, “E, sa ayoko dahil baka estilo mo lang ‘yan at mapahamak pa ako.” sagot niya sa malalim na boses. “Hindi ko nga gagawin ‘yun, sinabi ko naman na diba?” pag-pupumilit ng babae, napa-baling naman bigla ang tingin ni Iska sa kotse na tila nawawalan ng balanse at pagewang gewang na paparating. “Nawawalan ng preno ‘yung kotse!” sambit niya sabay hatak sa babae papunta sa kabilang panig ng kalsada, napa higa silang dalawa sa bandang gilid ng bangketa. “Ayos ka lang?” tanong niya sa babae na titig na titig sa kanya, hindi niya namalayan na natanggal ang sumbrero niya dahil sa pag-aalala. “Te..teka, babae ka?” nagtatakang tanong ng babae sa kanya, natigilan siya sandali at biglang tumayo na lamang at dinampot ang sumbrero niya. Hindi naman naka-gupit lalaki si Iska ngunit naitatago sa sumbrero ang maikli niya na buhok kung kaya’t napagkakamalaman siya na lalaki, panlalaki rin kasi ang mga porma ng damit na sinusuot niya. Maganda rin ang pangangatawan niya, hindi kapayatan ngunit hindi rin naman mataba kaya sapat na sa katawan ng normal na pigura rin ng ibang kalalakihan na hindi katangkaran o kalakihan ang katawan. Masasabi rin na sakto ang taas niya sa normal na lalaki kaya hindi nakapagtataka na pasado ang postura niya na mapagkamalang lalaki kapag nag pandamit lalaki, ngunit kung tititigan nang matagalan ang kanyang mukha ay kahit anong ayos pa ay lumalabas ang taglay na ganda niya bilang isang babae. Siyang tunay, “siya ay magandang babae na lalaki pumorma” sabi nga sa isang kanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD