Noong umpisa ay ramdam pa rin ni Iska ang lungkot sa pagitan nilang dalawa ni Henry tuwing nagkakausap at hindi siya ganon ka-sigla ngunit sa katagalan ay nai-babalik na rin naman nila ang lahat sa normal. Sa mga araw na lumipas ay nanatili lang sila sa ganoong sitwasyon hanggang umabot ng mga linggo at ngayon ay halos apat na buwan na rin ang lumipas at nanumbalik na rin naman sila ni Henry sa dati at wala nang pagka-ilang na madarama sa pagitan nila. “Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!” sabay-sabay nila na pagkanta, “Happy birthday, Henry!” masayang bati nilang lahat at lumapit si Iska sa kanya hawak ang isang cake at hinipan na ni Henry ang kandila. “Happy 27th birthday Henry!” pagbati ni Nicole “Bakit naman kailangan mo

