“Haaays, kapagod ah!” sambit ni Iska nang matapos na siyang makapag-sampay ng mga nilabhan na damit, naayos na niya lahat ng ginamit niya nang bigla siyang nakaramdam ng pagka-hilo at nanlalabo na ang paningin niya at maging ang mga tuhod ay nanlalambot. Napahawak siya sa pader at bahagyang natumba paupo, napa-sandal na siya sa pader nang nakapikit na ang mga mata at mawawalan na nang malay.
Katatapos lang makapag handa ni Henry ng miryenda nila, “Paolo, tawagin mo nga muna si Iska at mag-miryenda na muna tayo.” ani Henry at nagtungo na ito sa likod ng bahay para nga masabihan na ito. “Iska.. mamaya mo na tapusin iyan..” bukam-bibig ni Paolo habang naglalakad palapit na sa pinto palabas sa likod bahay, “Mag-miryenda na mun—” natigilan siya nang makita niya si Iska na naka-sandal sa pader na walang malay at namumutla na. “Iskaaa!” nabiglang pasigaw si Paolo na ikina-gulat nila Henry at nagmamadali nilang pinuntahan sila roon. “Ano nangyari?” humahangos na tanong ni Henry habang buhat na ni Paolo si Iska “I-aakyat ko muna siya sa kwarto niya.. Hindi ko rin alam dinantnan ko na .. na ganito.” natatarantang paliwanag ni Paolo.
“Ano ba ang nangyari sa kanya?” balisang tanong ni Henry na naka-upo sa gilid ng kama ni Iska, “Baka na-binat iyan.. Napagod masyado.” tinuran ni Roly na nakatunghay rin at nakatayo malapit kay Iska. “Kulang pa siguro sa pahinga..” dagdag pa ni Paolo na nakatayo lang rin malapit dito.. “Ang ligalig niya pa kanina mag-sayaw.. Malamang nga ay na-binat yan.” saad naman ni Dino na nasa may pintuan lang naka-silip rin sa kanya. Bumaba na muna ang tatlo, naiwan si Henry at siya na muna ang nag-bantay kay Iska habang hindi pa nagigising..
Halos isang oras na mahigit, naka-idlip na si Henry at nagmulat naman bigla ng mata si Iska at napa-sulyap dito at inaalala kung ano ang nangyari. Bumangon si Iska at sumandal sa kama.. Naramdaman ni Henry ang paggalaw niya at nag-angat ng ulo, “Gising ka na.. Kumusta? Ano ba ang nangyari sa iyo at pinag-alala mo na naman kami.” tinuran ni Henry “Hmm.. napagod lang sguro ako, sa tagal ko napahinga e sabay nabigla.” tugon niya “Ikaw naman kasi e hindi ka nag-iingat at mabuti na lang ay nalaman namin kaagad.” ani Henry “Ah, sorry..” sambit ni Iska. “Oh, siya bumaba na tayo para makakain na.” saad ni Henry at inalalayan siya, “Kaya ko naman, ano ka ba..” nahihiya na ani Iska “Sigurado ka ah.” sambit ni Henry at agad na tumango si Iska.
Naka-baba na sila at lumiwanag naman ang mukha ng tatlo nang nakita na maayos na pala si Iska, “Oh, ayos ka na ba?” bungad ni Paolo. “Oo, nasobrahan lang sa sipag haha!” tugon niya at natawa lang rin sila “Ikaw ba naman maglaba pagkatapos mag-concert.. Hahaha!” dugtong pa ni Dino na ikina-mula ng mukha ni Iska at sinamaan siya ng tingin, “Kumain na tayo.” sambit ni Roly na naghahanda na ng makakain.
Kumakain na sila nang nag-bukas ng mapag-uusapan si Henry, “Ano gusto mo handa bukas, Iska?” “Bukas?” sambit ni Iska, “Birthday mo..” tugon niya muli “Ahhh.. Oo nga pala ano, nakaligtaan ko.” saad niya “May pupunta ka ba na kaibigan para madamihan ang luto?” tanong niya muli, “Hmm.. ang sabi ni Analyn ay pupunta raw siya.” tugon ni Iska “Si Janna rin pala at Trisha.. Pati sina Bobby at Rick.” dugtong ni Iska, natigilan naman si Henry sa pag-nguya at pag-subo ng kutsara nang marinig ang ngalan nila Bobby at Rick. “Ayos ka lang Henry?” sambit ni Paolo nang mapansin nila na nag iba ang timpla ng ekspresyon ng mukha niya “Mainit pa ba yung kanin at napaso ka?” dagdag pa ni Dino at nakatitig sila sa kanya maging si Iska “Anong oras daw ba sila pupunta?” sabat naman ni Roly para maiba ang usapan at napa-baling ang tingin ni Iska sa kanya, “Hindi ko alam.. Pero tatawag naman siguro sila bago pumunta.” tugon niya at tinuloy na nila ang pagkain.
Pagtapos nilang mag-hapunan ay sinabihan nila si Iska na agad nang ituloy na magpahinga muna para mabawi na niya nang husto ang lakas niya, nasa kwarto na niya ito at naiwan sila sa sala na nag-uusap. “Kumusta Henry? Ang lalim ng iniisip ah..” pabirong tanong ni Roly, “Huwag ka mag-alala kung may bisita siya bukas, kami bahalang sumindak.” dagdag na biro pa ni Dino. “Ano pinagsasabi niyo?” wala sa loob na tanong ni Henry “Kunwari ka pa, halata naman na hindi mo gusto magpunta dito iyong.. Bobby ba yun, at Rick?” tugon ni Paolo “Bahala sila.. Wala akong pakialam, si Iska ang may birthday kaya wala ako magagawa.” saad ni Henry sa malamig na boses. “Hayaan mo na, para makilatis rin natin..” ani Roly “Basta chill ka na lang..” dagdag pa ni Paolo “Kami bahala sa mga iyon..” dugtong pa ni Dino.
Kinabukasan, matapos nila mag-almusal ay ini-handa na nila ang mga rekado para sa lulutuin. Si Henry at Roly ang halinhinan na nagluluto talaga sa kanila madalas.. Magka-minsan ay sina Paolo o si Dino, wala kasing talento itong si Iska pagdating sa pagluluto. Isang beses ay halos masunog na lahat ng piniprito niya at isang beses naman ay napa-sobra sa alat ang ulam kaya hindi na nila ulit pinabayaan si Iska sa kusina nang mag-isa lang. “Ano ba pwede ko itulong?” ani Iska na naka-tanghod lang sa kanila na kapwa may ginagawa “Hmm.. sina Paolo at Dino naman na ang nagbabalat at naghihiwa ng gulay e kaya manood ka nalang diyan.” tugon ni Henry “Hays, kahit ano lang..” pangungulit ni Iska “Oh, ayan.. Paghiwa-hiwalayin mo iyang wrapper..” sabat naman ni Roly at ini-abot ang tatlong tari kay Iska dahil pansin niya ang pagka-buryong at pangungulit niya, “Yown..” sambit ni Iska. “Ano ba lulutuin niyo?” tanong ni Iska “Pansit.” ani Henry “Mag-memenudo rin ako..” dagdag pa niya “Ohhh.” napangiti si Iska na tiningnan niya si Henry at natawang bahagya na nginitian rin siya, “Tapos mo na ba iyan Iska? Magbabalot na ako pang-shanghai.” saad naman ni Roly “Malapit na..” tugon niya naman “Henry, tama na ba ‘to?” tanong ni Paolo at pinakita ang mga nahiwang gulay “Dagdagan niyo pa iyong repolyo.” tugon ni Henry “Gusto mo ba ng graham cake? Gagawa kami ni Paolo.” tanong ni Dino “Oo ba!” nakangiti na sagot ni Iska.
Tapos na nilang i-handa ang mga rekado, habang nagpi-prito si Roly sa mismong kusina.. “Pahingi ako ah..” ani Iska at tumusok ng isang shanghai, tinitingnan lamang siya ni Roly nang tumusok na naman ulit siya ng shanghai pagka-ubos kaya naka-kunot noo na siyang sinusulyapan.. “Oh.. Oh, Iska! Baka naman hindi pa ako tapos mag-prito ay naubos mo na?” pag-saway ni Roly sa kanya na nakaka-limang shanghai na at tumusok pa ulit, “Minsan lang e” sambit ni Iska habang ngumunguya pa kaya napa kamot ulo si Roly sa kanya, “Hayyy doon ka na nga muna manood kina Henry at baka walang matira rito dahil sa iyo.” pag-taboy ni Roly sa kanya nang nag balak na naman siya na tumusok ng shanghai. “Ano ba yan! Sungit mo talaga..” ani Iska at sabay mabilisan na tumusok ulit ng shanghai sabay layo kay Roly “Nako! Ikaw talaga Iska.. kahit kailan, pasaway.” saad ni Roly at sumulyap lang si Iska sa kanya na tumatawa habang papunta kina Henry sa kainan na nasa kabilang parte ng kusina.. “Oh, anong tinatawa-tawa mo?” tanong ni Henry “Hmm.. wala.” tugon ni Iska habang ngumunguya, “Pinalayas siguro ni Roly yan dahil nangungulit.” sabat ni Paolo “Inuubos mo yung shanghai ano?” dagdag pa ni Paolo at natawa “Hindi ah..” sambit ni Iska “Sus! Ikaw pa kapag dating sa shanghai ay para kang si Dino..” saad naman ni Henry “ Grabe naman.. Hindi ko kasing takaw iyan!” sagot ni Iska “Ako pa ngayon?” ani Dino at natawa na lang sila.
Natapos na silang magluto at inihahanda na lang nila.. “Tikman mo muna ‘tong menudo Iska.” ani Henry “Hmm.. Ayos talaga!” napa-ngiti na sambit ni Iska pagkatapos tikman, “Ayos ba?” ani Henry at nag-aprub siya gamit ang kamay na naka ‘like sign’ at ganun rin si Iska. “Uyyy! Pahingi na ako nyang graham cake Dino!” saad ni Iska nang kumakain na ito “ Doon kay Paolo, nasa ref..” tugon naman niya, palapit na sana si Iska nang inabutan na siya ni Paolo pag-lingon niya na agad niyang ikina-ngiti at kinuha. “Oh, ayan na.. Hindi naman pwedeng wala ka e haha!” saad ni Paolo at bigla naman na nag-ring ang cellphone ni iska “Oh, kame-message lang nila.. Mamaya raw ay nandito na sila mga 5pm. Hmm alas kwatro i-medya na rin pala ah..” saad ni Iska. Ilang sandali pa ay may nag-doorbell na, “Sila na siguro iyon?” nagmadaling pumunta si Iska papuntang gate ngunit pag-bukas niya ay wala naman tao, “Hmm? Wala?” sambit niya ngunit may nakita siya sa isang plain brown na paper bag at may pulang ribbon na naka-dikit ang nasa tapat ng gate nila kaya kinuha niya iyon at pumasok na sa loob. “Iska, nasaan na sila?” ani Henry “Wala pa nga e akala ko ay sila na ang dumating, pero walang tao.” saad ni Iska “Ano iyan?” sambit ni Paolo sa hawak niya na paper bag “Hindi ko rin alam.. May nag-iwan sa labas.” sagot niya “Kanino galing?” dagdag pa ni Paolo “Aba, malay ko.. Walang nakalagay at bubuksan ko pa lang.” tugon niya at tinanggal ang pagkaka-stapler nito at mayroong maliit na itim na kahon sa loob na parang jewelry box at agad niya na kinuha, “Ano ‘to?” sambit niya at binuksan, nanlaki ang mata niya nang makita niya ang isang bala ng baril. “Ha?” sambit niya “Bala ng baril? Saan galing ‘to? Para saan at sino magbibigay ng ganito sa akin?” mahabang tinuran ni Iska na puno ng pagtataka, agad na kinuha ni Henry iyon kay Iska “Baka nagkamali lang ng pinagdalhan.” saad ni Dino at nagkatinginan sila nina Henry, Roly at Paolo “Ganon? Bakit naman ganyan? Ano kaya iyan? Parang death threat?” ani Iska na naguguluhan at napapaisip pa rin at hindi na naka-kibo ang apat na tiningnan lang siya “Oh, bakit ganyan mga mukha niyo?” tanong ni Iska nang mapansin na tila umurong ang mga dila ng apat, “Wala.. hayaan mo at baka nagkamali nga lang iyan. Kumain ka na doon habang wala pa ang mga bisita mo.” ani Roly at ganon na lang nga ang ginawa ni Iska.
Pasado alas singko na nang biglang may nag-doorbell muli sa kanila, si Dino na ang lumabas at nagbukas ng gate. Napaawang ang bibig bahagya nina Janna at Trisha na medyo nagulat sa kanya, may kagwapuhan naman at tikas talaga itong si Dino at moreno.. ngayon lang nila napagmasdan dahil naka helmet lang sila lagi ni Paolo tuwing ihahatid at susunduin. Sakto lang ang hugis ng ilong niya maging ang mata ay malamlam kung tumingin at maging ang labi na maninipis at matangkad na rin dahil nasa 5’9 ang height niya, “Kayo ba mga katrabaho ni Iska?” tanong ni Dino “A-ah, oo..” sambit ni Janna “Papasukin mo na..” sabat naman ni Roly na naka-sunod pala sa kanya dahil nag-alala at baka katulad na naman ng kanina na pinangangambahan nilang may nag-iwan na death threat, “Oo.. Pasok na kayo!” muling sambit ni Dino, pag-pasok nina Janna at Trisha kasunod sina Bobby at Rick ay napasulyap naman sila kay Roly at namilog muli ang mga mata.. Matikas at moreno rin na nasa 5’9 rin ang taas niya at may pagka-brusko kasi ang dating kung tumingin na akala mo ay laging galit ang naka-kunot na noo ngunit sakto rin ang tangos ng ilong at matalim ang malalim na mga mata at manipis rin ang labi. “Nandoon siya sa loob.” sambit ni Roly “Iska.. mga bisita mo!” ani Dino nang naka-pasok na sila.. “Uyyy! Akala ko hindi na kayo tutuloy.” bungad na tinuran ni Iska “Pwede ba naman iyon! Eto oh para sa iyo.” tugon ni Janna at may ini-abot na pulang paper bag na regalo niya para kay Iska “Happy birthday! Kumusta ka na pala?” dagdag pa ni Janna “Happy birthday rin..” mahinhin na sambit naman ni Trisha nang i-abot ang puting paper bag na regalo rin niya kay Iska “Nag-abala pa kayo ah.. Salamat! Ayos naman at naka-recover na.” masayang saad naman ni Iska at inanyayahan silang ma-upo sa may sofa. “Happy birthday Iska! Heto na ang pangako ko na cake mo.” naka-ngiti na tinuran ni Rick “Yun oh! Salamat.” tugon ni Iska at kinuha niya rin, “Heto na lang ang naisipan ko, Iska. Happy birthday!” sabat naman ni Bobby na may dalang limang pizza box. “Uy! Thank you ah.” tugon naman ni Iska, “Ayos ka na ba?” tanong ni Bobby “Oo, ayos na” tugon niya “Kinabahan kami sa iyo.” ani Rick “Haha! Nako, pasensya na. Ayos naman na.” tugon niya “Maupo muna kayo at maglalabas ako ng makakain.” papasok palang sana si Iska papuntang kusina nang paglingon niya ay palabas na sina Henry at Paolo na may dala ng mga inihanda nila.. “Samahan mo na sila Iska, kami na bahala..” saad ni Paolo at muli bahagyang nagulat at napa-awang ang mga bibig at namilog ang mga mata nina Janna at Trisha dahil itong si Paolo at Henry ay gwapong talaga at matitikas, sa tangkad na 6’1 ni Paolo at si Henry na 6’3 naman ay kapwa moreno rin sila at matatangos ang mga ilong at may maninipis na labi, pasado sila na mapag-kamalan na tunay na magkapatid na pareho pa na mapang-akit ang mga mata kung tumingin. “Ah! Ayan na pala..” tanging na sambit ni Iska nang inilapag na nila Henry ang mga pagkain at napa-upo na lamang din siya. “Mga kuya mo Iska?” napa-tigil sina Henry at Paolo na pabalik na sa kusina at napalingon nang marinig ang tanong ni Bobby, “Mga kaibigan ko.” tugon ni Iska “Kasama mo sa bahay?” nagtataka na tanong naman ni Rick “Ah.. Oo.” tugon ni Iska “Hm.. mula bata kasi ako mga siyam.. kasama ko na sila, sabay sabay na kami lumaki.” dagdag pa niya “May problema ba, Iska?” sabat ni Henry “Ha? W-wala..” napalingon at nabigla na sambit ni Iska. “Ano ba ibig mo sabihin na kasama mo silang lumaki Iska?” tanong naman ni Janna “Ah.. Ano, nakita lang ako ni Henry sa kalsada hehe.. Tapos.. Ayun, sinama niya ako pauwi, medyo mahabang kwento e basta simula noon kasama ko na sila.” napakamot si Iska na sumagot at nag-aalangan. “Kwento mo na..” dagdag ni Janna “Hm.. kasi ano, magkakasama na silang apat sa bahay nina Henry dati noong nawala mga magulang niya. Dahil nakilala niya sina Roly, Paolo at Dino at huli naman ako..” saad ni Iska na na-titigilan pa rin “So, tumayong mga kuya mo nga.” sabat ni Bobby “In short, kuya mo na rin sila.” dugtong pa ni Rick “Hindi ko sila tinatawag na kuya..” sambit ni Iska “Mga kaibigan niya kami.. Yun lang iyon, tapos.” naiinis na tinuran ni Henry na nagpalingon sa kanila sa kanya “Henry, kalma..” bulong ni Paolo “Iska, kumain na kayo.” ani Paolo “Hindi, mabuti pa ay doon mo sa kabilang lamesa isabay ang dalawa mong kaibigan para puro kayo babae. Kami na bahala sa kanilang dalawa.” saad ni Henry naman at napatingin kina Bobby at Rick sa huling linya na sinabi nya at napalingon rin sa kanya, “Ha? B-bakit?” sambit ni Iska “Narinig mo na diba?” ani Henry “Hindi ko na uulitin basta doon na kayo.” ma-diin na tinuran ni Henry at nakaramdam ng tensyon si Iska kaya sinunod na lang niya ito. “Paolo, ano ba nangyari na naman diyan kay Henry?” bulong ni Iska “Basta, hindi mo maiintindihan. Kaming mga lalaki ay parang kayo rin mga babae. May kakaiba kami nararamdaman diyan sa dalawa na kapwa kami lang ang makakapuna.” saad ni Paolo at narinig iyon ni Dino “So, may inuman na magaganap ngayon Paolo?” nakatawa na sabat ni Dino na ikina-ngisi lang ni Paolo, “Ewan ko sa inyo!” inis na tinuran ni Iska at lumapit na lang kina Janna at Trisha.
Naka-pwesto na sila Henry sa sala, habang nasa kainan sa may kusina sina Iska. Kanya-kanya na sila ng tagay pero nagtatantsyahan pa at walang nagbubukas pa ng usapan, “Ah.. tahimik niyo ah, eto nag-labas ako ng cake tsaka pizza.” saad ni Iska na sinilip sila, sinulyapan lang siya ng anim at nginitian siya nang biglang may nag-doorbell “Ay! Si Analyn na siguro yun.” sinundan siya ng tingin ng apat dahil kinabahan na baka death threat na naman pero pinanatili pa rin nila na kumalma, “Uy! Akala ko nakalimutan mo na.” bungad ni Iska pag-bukas ng gate “Pwede ba naman iyon e nangako ako.” tugon naman ni Analyn at ini-abot ang itim na paper bag na regalo niya “Happy birthday!” sambit niya pa “Salamat, nag-abala ka pa. At bakit naka cocktail dress ka? Parang ikaw tuloy ang may birthday.” saad ni Iska “Haha! Pasensya ka na at dito na ako dumiretso, makikibihis na lang rin. Galing rin kasi ako ng birthday party.” tinuran ni Analyn “Oh! Sino naman at ka-birthday ko pa?” nabigla na tanong ni Iska “Ah.. ano.. Kasi uhm.. Ano lang, na-invite lang rin ako.” tila pag-aalinlangang sagot ni Analyn “Ah, yaan mo na. Tara na sa loob.” naka-hinga na nang malalim ang apat nang makita na si Analyn nga lang iyon na kasabay na pumasok ni Iska.. “Hi, Analyn!” bungad ni Dino sabay kindat, “Hi, kumusta kayo?” tugon ni Analyn at nilibot ang mata sa kanila na nginitian at kumaway lang sa kanya “Aba, masyado mo naman pinaghandaan na makita ako ulit.” saad ni Dino muli “Nako, pasensya na dahil may pinuntahan ako kanina bago dumiretso rito at makikibihis na lang rin.” nahihiyang tugon ni Analyn “Ganon ba? Akala ko naman para sa akin.” tinuran ni Dino na ikinatawa nalang nila “Ikaw talaga Dino, nakaraan lang sa ospital natulala ka sa isang chick.” pang-aasar naman ni Paolo “Ginawa mo naman ako na babaero. Kamukha kasi ni Iska.” sagot niya “Kamukha ni Iska?” sabat ni Analyn na nagulat “Oo, kahit naka-neckbrace pa kamukha talaga, ayaw nila maniwala.” saad ni Dino na ikina-gulat niya dahil naalala niya na naaksidente rin ang anak ng boss nila “Ah.. Oo nga pala kumusta ka na Iska?” pagbago na lang ni Analyn sa usapan “Ayos naman na ko.” sagot ni Iska “Hmm.. mabuti.” sambit niya “Tara na sa loob, pakilala kita kina Janna.” saad ni Iska.
“Janna, Trisha.. Si Analyn pala kaibigan ko.” pagpapakilala ni Iska “Hi!” sabay na pag-bati ni Janna at Analyn at kumaway lang si Trisha, nagkwentuhan lang muna sila habang kumakain.. “Matanong ko lang pala Iska, buti kinakaya mo?” natatawang tanong ni Janna “Hmm? Ang ano?” nagtatakang sambit ni Iska “Mga kasama mo, ang sa-sarap.” walang preno at kikay na pagtatanong ni Janna na halos mabilaukan si Iska habang natatawa lang si Analyn at Trisha “Ano kamo?” hindi makapaniwala na sambit ni Iska “Sabi ko, ang sarap ng menudo, pansit at shanghai. Katulad ng mga sinabi mo na nagluto neto.” saad ni Janna na lalo nilang ikina-tawa “Ginawa mo pa silang pagkain.” saad ni Iska “Pwede naman e kung.. Magpapakain.” muling tinuran ni Janna at lalong natawa si Analyn na napapa-iling na lang at napa-takip na lang si Trisha ng bibig sa kakatawa rin habang si Iska ay napa-awang na lang ang bibig at kunot ang noo na nakatingin sa kanya. “Ang inosente mo naman!” ani Janna “Ikaw naman, ang wild mo.” sabat ni Analyn “Oy, hindi naman. Charot charot lang, sa kwento lang ako ganyan. Hahaha!” tugon naman ni Janna “Sus! Panay tulak mo nga sa akin kay Rick at ikaw naman dikit nang dikit kay Bobby.” pang-aasar ni Trisha “Kita mo na, napa-piyok tuloy si Trisha.” ani Iska “Ikaw naman Trish! Bukingan?” tugon ni Janna “Pero mukhang walang pag-asa e ikaw ang pinag-aagawan Iska, kaya.. baka naman pakilala mo kami doon sa apat. Sinu-sino nga?” saad ni Janna “Ano na naman pinagsasabi mo?” sambit ni Iska “Si Henry yung kanina na pinaka matangkad tapos si Paolo, yung nag bukas naman ng gate si Dino tapos si Roly ang isa.” tinuran ni Iska “Oh! Challenging yung Roly ah type ko yun parang suplado ampeg.. Ito naman si Trisha panay tingin dun kay Paolo.” saad ni Janna “Kaso nakakatakot sila.” sambit ni Trisha “Hindi naman.” tugon ni Iska “Sa iyo, sanay ka na e kasi kanina feeling namin sasapakin na nila sina Bobby at Rick.” saad naman ni Janna na ikina-tawa na lang nila.
“Ano nga ulit mga pangalan niyo?” tanong ni Roly “Ako si Bobby.” “Rick..” tugon ng dalawa “Hmm.. sa trabaho niya kayo nakilala ano?” dagdag ni Roly “Ah, oo.” ani Rick “Ako hindi, sa Tesda palang nagkakilala na kami.. Ako kasama niya nag-apply.” saad ni Bobby “Kumain na kayo..” sambit ni Paolo at sumandok na ang dalawa kahit medyo nag-aalangan “Maganda pagkakaluto ah.” ani Rick “Si Iska ba ang nagluto?” tanong ni Bobby “Ako.” sambit ni Henry kaya na-tigilan ang dalawa sa pagkain at napatingin sa kanya “Oh, bakit? Bigla ba pumangit ang lasa?” saad niya muli nang naka-ngisi at sabay uminom ng tagay at agad umiwas ng tingin ang dalawa na nahirapan lumunok. “Prinsesa kasi namin yan dito, walang talent sa kusina.” sabat ni Dino sabay kagat ng shanghai “Marunong din naman ako magluto, walang problema.” tugon ni Bobby na ikina-kunot ng noo nila. “Paano pala nangyari na kasama niya kayo?” pag-usisa ni Rick “Tulad ng sabi niya, natagpuan ko siya sa kalsada.” tugon ni Henry “Batang na-pulot mo sa kalsada, ganon?” dagdag ni Rick “Hindi, pinagtagpo sila.. Mas maganda pakinggan iyon.” sagot ni Roly na ikina-tango na lang niya “Simula noon, naging kuya na niya kayo?” sabat ni Bobby na ikina-lukot na naman ng mukha nila “Hindi niya kami tinatawag na kuya!” inis na tugon Henry. “Parang kayo kasi tumayong mga nakakatanda niya na kapatid e.” dugtong pa niya “Makulit ka rin ano?” natatawang sambit ni Dino “Bakit ba ayaw niyo kapag tinatawag ko na kuya niya kayo? May hindi ba kami alam?” tanong muli ni Bobby “Labas ka na doon!” sambit ni Paolo. “Alam kaya ni Iska?” ani Rick na tila nag-parinig lang at naka-tingin lang sa tagay na hawak niya “Mukhang hindi, kaya hindi naman tayo dehado.” tugon naman ni Bobby at kinuha rin ang tagay niya. Sabay-sabay na uminom ng tagay ang anim at isa-isang nagpatalasan ng tingin, ilang minuto pa ang lumipas ay nag-aya na umuwi sina Janna at Trisha at maging si Analyn ay ipina-hatid na lang kay Dino pauwi.
Si Iska ang nag-sara ng gate dahil nag-paalam muna siya sa mga kaibigan niya bago umuwi, habang sina Roly at Paolo ang nag-aayos sa kusina ay sumunod lang si Henry kay Iska. “Iska.” sambit ni Henry bago pa man makalingon pabalik si Iska sa loob ng bahay.. “Oh, Henry..” ani Iska “Kumusta? Maayos ba kwentuhan niyo? Na-enjoy mo naman?” tanong niya “Ah.. Oo, nagustuhan rin nila ang luto mo.” sagot ni Iska “Mabuti naman. Ikaw? May iba ka pa ba na gusto?” saad ni Henry “Ha? Wala na ah.. Salamat rin pala sa effort, dati bumibili na lang tayo e ngayon nagluto pa talaga.” tinuran ni Iska at napa-ngiti sila pareho “Oo naman! Lagi na kita ipagluluto.” muling tugon ni Henry “Haha! Talaga? Sige ah next year. Hahaha!” ani Iska “Oo nga.. Kahit ano gusto mo ipaluto.” sagot niya muli at ngumiti si Iska sabay akma na papasok na sa loob ngunit pinigilan niya.. “Iska, sandali.” sambit niya “Ano iyon?” ani Iska at tinitigan niya ito sa mata na ikina-ilang naman ni Iska at nagtataka “Hmm.. B-bakit? A-ano problema?” tanong ni Iska “Iska.. Hindi ko alam kung pa-paano sasabihin e.” nag-aalinlangan na tinuran ni Henry “Ang ano?” ani Iska “Tungkol ba saan?” dagdag pa niya “A-ano.. Kasi, sa totoo lang hindi ko rin maintindihan kaya hindi ko talaga diretso na masabi sa iyo?” naguguluhan na saad ni Henry “Ha? Kinakabahan naman ako sa iyo.” tugon ni Iska “Siguro. Sa palagay ko, ano..” nauutal na saad ni Henry nang biglang bumukas ang gate, “Ooops! Sorry, mukhang nasira ko moment niyo.. Pasensya na Henry? Wrong timing.” kamot-ulong saad ni Dino na biglang pumasok dahil nahatid na niya pauwi si Analyn kaya dismayado na lang sila na nagtinginan ni Henry habang nagtataka pa rin si Iska “Ano nga ulit iyon?” tanong ni Iska nang pumasok na sa loob si Dino “Ah.. Wala, siguro sa susunod na lang para mas sigurado.” ani Henry at pumasok na sila sa loob ng bahay.
Nag-pahinga na sa kwarto si Iska, “Badtrip ka naman Dino!” sambit ni Paolo “Malay ko ba? Ang bagal mo kasi Henry e maunahan pa kita niyan, malapit ko na mapa-oo si Analyn.” saad ni Dino “Yabang mo! Magka-iba naman kasi kayo ng sitwasyon.” tugon ni Roly “Sorry na nga e” muling tugon ni Dino “Hayaan mo Henry, makaka-tyempo ka rin.” dagdag pa ni Roly “Bantayan na lang natin yung dalawang asungot, mukhang kahit magka-kumpetensya e nagkasundo dahil alam naman na hindi sila basta uubra sa iyo.. Naninindak lang rin.” saad naman ni Paolo na ikinatawa na lang nila.