YNALEE knocked at Phearius's door three times before finally entering the room. The man's room is at it's usual mess. Hindi na nga niya mawari kung nasaan na ang personal na mga gamit nito sa pang-trabaho nitong gamit.
"Phearius--"
"I'm busy." Agad na pagpuputol ng binata sa kung anuman ang nais niyang sabihin. She rolled her eyes, ignoring his rudeness.
"I need you to help me with something."
Tumango lamang ang binata na abala sa pagtitipa ng keyboard dahil sa nilalarong video game. Kahit nagbigay ito ng pagsangayon ay hindi pa rin siya nakuntento at inalis ang plug ng computer nito.
"What the-- that was the final stage you piece of crap!" Pabalya nitong binagsak ang mouse at tinignan siya ng masama.
Nagpupuyos sa galit na kinwelyuhan siya nito. "Ano bang kailangan mo, hah?!"
Tinaasan niya ito ng kilay at walang kahirap-hirap na inalis ang kamay nito na nasa kanyang kwelyo. Mula sa galit na galit nitong anyo ay nagtaray lamang siya at kampanteng umupo sa kama nito. Inalis niya muna ang nakakalat na boxers nito sa kama bago siya hinarap.
Ynalee cleared her throat, aware that Phearius was still staring at her.
"Alam kong maganda ako, kaya pwede ba tigilan mo na ang pagtingin sa akin."
Parang nagising naman ito sa ginagawa kaya umiling-iling na lamang ang lalaki at nandidiring hiniwalay ang tingin sa kanya. Kadiri tulad ng condo nito.
"Anong kailangan mo?" Malamig ang boses na tanong nito. "Can't you see that I'm busy?"
Tumango siya bilang pag-sangayon. "You're busy ruining your life, I can see that."
Napapikit ito at aktong susuntokin siya ngunit agad din nito iyon binaba. Bumuga ito ng isang malalim na hininga.
"Hindi ka ba talaga marunong makiramdam?" Panunumbat nito.
"Marunong naman. Nararamdaman ko na kasing malapit nang maging pulutan ng mga insekto ang gamit mong brief."
Napasampal sa noo ang binata at wala sa sariling naihampas ang ulo sa lamesa.
"Si Ynalee nga pala kausap ko. Bakit ko pa tatanugin na nakakaramdam ang babaeng ito." Bulong nito sa hangin na umabot sa kanyang pandinig. Hinintay niya munang tumigil ito sa page-emote sa lamesa hanggang sa kusa nang umangat ang ulo nito at tumitig sa dingding.
Pinanuod lang ni Ynalee ang binata habang ngumingiti itong parang tanag na nakatitig sa itaas.
"Beautiful." Sambit ng binata na ikinatango lang ni Ynalee habang tinitignan ang itaas.
"Buti na-realize mo na yung dingding mo nalang sa itaas ang beautiful."
Sa isang iglap ay nawala ang ngiti nito at marahas na napatayo mula sa kinauupuan na swivel chair. Kung gaano kagulo ang buhay nito ngayon ay ganoon din kagulo ang naging buhok nito nang suklay-suklayin nito ang buhok nito gamit ang kamay sa sobrang pagka-frustrate sa kanya.
"Pwede ba, Yna. Lumabas ka nalang--"
Binigay niya dito ang dalang laptop na agad namang nasalo nito ng may pagtataranta.
"Yna! Paano kung nasira yung laptop?! Alam mo bang ito ang latest model ng Mac, wala nang mas gaganda pa--"
"Blah, blah, buksan mo nalang iyan at mayroon akong ipapa-trace sa iyo." Putol niya sa sasabihin ng binata.
Natahimik naman ito kaagad at hindi na nagreklamo. Alam niya kasi na mahilig itong magkalikot ng mga computer. Ito yata ang past time ng binata maliban sa pagkalikot ng mga babae.
Napatikhim siya nang maimagine ito na may katalik na babae sa kama na inupuan niya kanina. She cringe at the thought so she repeatedly patted her butt clean.
"Saan iyong ipapa-trace mo sa akin?" Tinignan niya naman ang binata at nilapitan ito.
Binuksan niya ang email niya at pinindot ang file kung saan niya dinownload ang sinend sa kanya.
"Ayan, kapag hindi mo iyan na-trace--" Hindi pa siya tapos sa pananlita ay agad na itong nagtipa ng kung ano-ano sa kanyang laptop.
Kusang tumaas ang kanyang kilay nang tumingin ito sa kanya.
"Where the heck did you get this? It was a forged e-mail!" Ngayon ay curious na tanong nito.
Hindi na din ito naghintay ng sagot mula sa kanya dahil naging excited ito bigla base sa pinapakita nitong ekspresyon. Ang loko mukha na namang nakahithit ng shabu.
Madami pa itong pinaggagawa, nag-type ng kung ano-ano sa isang document bago ito humarap sa kanya ng may malaking ngiti sa labi na parang sinasabing isa itong henyo. Tinignan niya muna ito ng masama bago nilapitan ang kanyang laptop at binasa ang location na nakalagay sa map.
Saint Lousina
__Victoriques' POV__
I was unconsciously playing with my fingers as he drove us some place I don't know. Simula noong sumakay ako sa kotse niya ay hindi walang nagiimikan sa aming dalawa. Though sometimes I noticed that he kept on fixing his necktie as if he can't breathe.
Tsk! Ayan kasi, panecktie-necktie pa eh hindi naman marunong magsuot.
Umayos ako ng upo at tumikhim ng pagkalakas-lakas para makuha ko yung atensyon niya.
"Alam ko na." Paninimula ko. Pinagisipan ko talaga yung opening speech ko para makuha ko ang atensyon niya. Wala na kasi akong maisip. Humalukipkip ako at diniretso ang tingin sa daan. "Ano ba ang gusto mong mangyari at ginawa mo pa iyon? Kung ako naman pala talaga ang target mo bakit kailangan mo pang idamay ang mga inosenteng-- mga kaklase ko. Kung balak mo na patahimikin ako sana ginawa mo nalang hindi iyong nagse-send ka pa ng kung ano-anong letter kay Yna." Huminga ako ng malalim at nilingon siya. "Kung sana--"
Naputol ang nais kong sabihin nang malaman ko na hindi na pala nakikinig sa akin ang hudyo! Aba! Naisipan pang magpasak ng earphone sa tainga.
"Aba't--" Mabuti nalang ay sapat ang haba ng kamay ko para abutin ang earphone sa kanyang tainga at hilain ang isa.
Nakuha ko ang atensyon niya kaya balak na niya sanang bulyawan ako pero inunahan ko na siya.
"Bakit ba hindi ka nakikinig?!" Asik ko sa kanya.
"Take it back."
Nanlaki ang mata ko nangsinubukan niyang hilain ang earphone. Pero hindi ko siya pinayagan at hinila iyon ng tuluyan. Kaya ang resulta tumalsik ang earphone papunta sa akin. Walang hiya, natamaan ang mukha ko!
"Bakit ba sinundo mo pa ako kung wala ka rin naman balak na pakinggan 'yong mga sasabihin ko?!" Nang hindi niya ako sinagot ay sinigawan ko na siya. "Ibaba mo nalang ako!"
He smirked. "In the middle of the road? Crazy."
"Bakit ba? Gusto kong bumaba, eh!"
Tumaas ang magkabila niyang kilay. "Should I ask why?"
Sumimangot ako at humalukipkip ulit. "I hate you!"
Nakita kong nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha kaya bigla na lamang ako umiwas ng tingin. Pakiramdam ko kasi ay parang may gagawin siya na hindi maganda dahil sa sinabi ko, eh. Will he strangle me to death again? Magwawala na naman ba siya? Iuuntog na naman ba ang ulo niya sa kung saan?
Kahit mangyari na iyong huling naisip ko, huwag lang iyong una!
Unti-unti ay lumuluwa ang mata ko nang mapagtantong bumibilis ang pagpapatakbo ng kanyang sasakyan.
"H-hoy." Tawag ko sa kanya. Kumapit ako sa handle ng kotse at kumapit sa upuan. "Hoy!"
Jusko! Pakiramdam ko ay nasa roller coaster ko sa bilis ng kanyang pagpapatakbo. Kulang nalang ay may bumangga kami at magparolling in the deep sa ere. Complete package na pag sakali.
"Bakit ba ang bilis mo mag-drive?! Huwag kang pasikat alam kong maganda itong kotse mo!" Hmph! Lamborghini Huracan lang naman iyan, eh! "Putik! Ano bang problema mo!"
"Take it back!"
I can't believe him! Nagalit na siya dahil lang sa earphone!
I searched for his earphone and frantically threw it at his face.
"Wahh!" Napatili na ako nang makita kong lalong tumalim ang tingin niya. "Iyan na earphone mo, sayong-sayo na! Ano pang ikinakagalit mo!"
Napapikit ako nang maramdaman ko na parang lumilindol na at anumang sandali ay magugunaw na ang mundo.
"You hate me."
Tinignan ko siya habang nakakapit ako sa buhay ko.
"Totoo naman kasi-- ahhh!"
Anong mali sa sinabi ko?! I just hate him! I hate him to death! Alangan namang like ko siya?!
"Isa! Kapag hindi ka tumigil diyan tatalon ako!"
"If you won't take back what you said I will remove my hands from the wheel."
"Baliw ka ba?!" Napasinghap ako nang makita kong inalis niya ang isa niyang kamay sa manibela.
Nang tignan ko ang malademonyo niyang mukha ay nakita kong desidido talaga siyang ipahamak kaming dalawa dahil lang sa pag-I hate you ko sa kanya.
"Take it back." Then he accelerated the car once again.
Kaunti nalang, the end na talaga.
"Ibaba mo muna ako kung balak mong mag-car racing--" Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko ang isang kotse na nasa harapan namin. Malapit na namin iyon mabangga anumang oras!
Pero dahil sa pokus ako sa pagtitig ng kotseng iyon ay hindi ako nakapag-ready sa impact ng biglaang pagggalaw pakaliwa ng kotse. s**t! Akala ko madi-dislocate na ang ulo ko sa leeg ko, lakas kasing maka-head bang.
Pero I was relieved that we didn't end up hitting the car in front.
"Tama na!"
Natataranta na ako dahil nakita kong madami na ang kotse sa pupuntahan namin na daan. Nasaan na ba ang mga pulis kung kailan kailangan ko sila?!
"One." Napalingon ako sa kanya.
His pinky finger rose up.
"Two."
His ring finger.
"Three."
Middle finger.
Dalawa nalang deads na kaming dalawa.
I frantically removed my seat belt, making my body struggle and jerk in an awkward slope from my seat. My nails almost scratched the leather but I ignored the strength of the speed as I lunged onto him with both of my hands.
"Nababliw ka na ba?! Gusto mo bang mamatay tayong dalawa?!" Sigaw ko sa mukha niya nang lumingon siya sa akin.
He wasn't bothered even a bit. He maintained a calm- scratch that- he looked kind a high in my opinion. Is he on drugs?
Niyugyog ko siya ng marahas dahil nakatitig lang siya sa akin at hindi gumagalaw.
However, in between of shaking him to senses, a smiled slowly made it's way to his mouth as if he loves it when I am shaking him this violent.
"Two." Bago pa ako makahuma ay inalis na niya ang hintuturo niya sa manibela.
In my horror, I saw his thumb almost not touching the wheel.
We're going to die, we're going to die!
Hindi na ako nagdalawang isip pa, tinulak ko ang kamay niya at ako na ang naggalaw ng manibela. Noong una ay nahihirapan ako sa paglipat ng direksyon, nasosorahan palagi ang pagikot ko, ako pa mismo ang nahihilo sa pinaggagawa ko. At nagpapanic ako kaagad sa tuwing makikita ko na may kotse na mababangga namin, mabuti nalang sila na ang umiiwas.
Samantalang itong isa tahimik lang sa likod ko at hindi ako tinutulungan.
"Pwede bang tumulong ka kung ayaw mong mamatay?!"
Asik ko sa kanya habang abala ako sa hindi maintindihan na pagmamaneho ko. First time ko palang kaya magniobra nito. I don't even know how much force I should put in with the wheels!
Damn! My back is killing me! Halos mamilipit na ako sa posisyon ko.
"Ahh! Ano ba?!" Tumili ako nang maramdaman ko na lamang ang dalawang kamay na humawak sa beywang ko at inangat ako. "Huwag mo akong hawakan sa beywang!"
Nakakapit pa rin ang kamay ko sa manibela. Hanggang sa inupo niya ako sa isang matigas na bagay.
"Ano bang ginagawa mo--" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung saan ako nakaupo.
I twisted my head behind me and I met his grinning face.
"I'm helping you now."
Agad akong pinaginitan ng mukha nang makita na nakakandong na pala ako sa hita niya.
"Ako ba pinagloloko mo?!"
Hindi niya ako sinagot, imbes ay tinuro niya ang harapan namin gamit ang kanyang mata. Agad na naman akong nataranta at binalik ang atensyon sa minamaneho.
"Stop the car!"
Hindi na ako magkandaugaga sa pagikot-ikot ng manibela. Madaming mga kotse na nakaharang sa dadaanan namin. Nakakahiya lang nga dahil ako lang ang pabako-bako ang direksyon ng kotse.
"I said stop the freaking car!" Siniko ko siya sa likod ko pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.
Nakakaasar na ang ginagawa niyang joke kaya nagwala na ako sa kandugan niya at sigaw ng sigaw. Wala akong pakealam kung mukha na akong baliw.
Pero nababaliw na nga yata talaga ako. Nakakawala ng katinuan ang nangyayari ngayon. Imagine, ako na hindi pa nagkakaroon ng experience sa pagda-drive ay minamaneho ang isang 2015 model ng Lamborghini?! At hindi lang iyon, nakakandong pa ako sa lalaking ito. Which is making me so uncomfortable and conscious. Baka mabigat ako.
Napahugot ako ng malalim na hininga nang makita ko na may mababangga na akong isang tumatawid na matanda. Agad na naging alerto ako at pinaikot ang manibela. Naging malakas ang pagikot ko kaya't kasama kaming dalawa ay nagpaikot-ikot ang kotse. Halos hindi ko na maaninag ang daan dahil sa bilis ng pagikot namin.
Ngunit mula sa paghampas ng hangin sa mukha ko ay naaninag ko ang dalawang magkasabay na kotse na malapit na naming mabangga. Alam kong nakikita ng driver ang kotse namin kaso kapag paguusapan natin ang segundo para maiwasan nila kami ay mababa ang sirkumstansiya.
Namutla ako dahil malapit na magbanggaan ang kotseng sinasakyan namin at ng katapat naming kotse kaya wala na akong nagawa kung hindi ay takpan ang mukha ko at sumigaw ng malakas sa abot ng aking makakaya.
Then suddenly I felt both of his arms surround me, making me turn my attention back at the situation in front of me. My eyes settled just in time our car turn into a halt. In result, the cars averted ours safely.
Tumigil ang kotse. Kasabay ko yata ito sa paghinto.
I frozen seating on his lap. Unable to process what had just happened. Hanggang sa napangnga ako.
I just escaped death once again!
Pinakiramdam ko ang dibdib ko. Sa loob niyon ay malakas na tumitibok ang aking puso. Ramdam ko pa rin ang pangnginig ng kamay ko at lamig nito. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mahigpit na pagkapit sa manibela at ang pakiramdam na iniiwasan ko ang kamatayan.
Nasa ganoon akong sitwasyon nang maramdaman ko bigla ang braso niya sa taas ng dibdib ko at hilain ako papunta sa kanyang dibdib. Then his other arms encircled my waist possessively. My heart came into an abrupt halt. Then it was replaced into another rhythm, a familiar one.
"I got you..."
His voice was just a whisper. Huskily, that his warm breath is enough to fill me with thoughts of how dangerous his deep voice was. But why does it seem like the word dangerous isn't something I was afraid of. Dangerous, as if danger is the one protecting me.
"L-let me go..."
Suminghap ako nang humigpit ang hawak niya sa akin.
"A month with a guy you hate. Fine, hate me more." He says. "Let's see if you can stop hating me..."
Hate...
It's in between us. Yet as I look at his strong arms which is securing me, I felt an urge to touch it.
But, I hate him.
Agad kong kinalas ang pagkakayakap niya sa aking katawan ng mabilis. Wala akong narinig na reklamo mula sa kanya.
"Why would I even stop hating the one who almost killed me?" Malamig ang tonong saad ko.
Tatayo na sana ako para umalis sa kanyang kandungan nang hilain ako muli ng kanyang kamay pabalik sa kanyang kandungan. Bago pa ako makapag-reklamo ay naikulong na niya ako sa magkabila niyang braso nang hawakan ng mga ito ang manibela.
Ang kaninang inis na nararamdamn ko ay biglaang naglaho. Nailang ako bigla sa sitwasyon at posisyon naming dalawa. Idagdag pa na tahimik lang siya habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung ako lang pero ang init ng katawan niya na nakadikit sa akin, sanhi para pagpawisan ako.
"T-teka aalis lang ako--"
Hindi ko alam kung sinasadya niya ba, pero every time na kikilos ako para lumusot sa braso niya ay kinakabig niya pakaliwa o pakanan ang manibela, lagi tuloy ako bumabalik sa pwesto niya kanina.
"Pupunta lang ako..."
"You're not going anywhere."
I consciously bit my lower lip. Ano ba ang trip niya sa buhay? Doesn't he want to kill me? Does he hate me too?
Why is he holding me close?
Why am I on his lap?
Why did I allow him to let me sit on his lap?
Argh! Nababaliw na ako sa mga tanong ko na nagce-center na sa pagupo ko lang sa kandungan niya!
"Why are you so quiet?"
Napapitlag pa ako nang sa mahabang oras na tahimik kaming dalawa ay bigla siyang nagtanong.
Huminga ako ng malalim.
Balak niya bang makipagusap siya sa akin nang nakaupo sa kandungan niya?
"Ano ba kasing masasabi ko? Kailangan ko bang magpasalamat sa'yo dahil nakaupo ako sa...kandungan mo? Hindi nga ako komportable sa kinauupuan ko ngayon. Ang tigas!" Asik ko sa kanya at humalukipkip at tumingin sa bintana.
Ngumuso ako at pinakiramdaman ang mukha ko. I bet my face is as red as a tomato.
"It's your fault why I'm hard."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Kung kasalanan ko kung bakit matigas siya edi kasalanan ko kung bakit my muscles at abs siya?
"Anyways..." I'll pretend that I didn't heard that. "Natanggap ko ang message na sinend mo kay Ynalee."
"Message?"
May balak yatang magmaang-maangan ang lalaking ito.
"The video." Maikling sagot ko. Ayaw ko nang i-elaborate pa.
Pakiramdam ko ay babaliktad ang sikmura ko kapag subukan ko pang i-explain sa kanya ang kung anuman ang sinend niya kay Ynalee. Tumingin ako sa kamay ko na mahigpit na nakahawak sa palda ko.
"What video?"
Talagang balak niyang magmaang-maangan!
"Iyong video..."
"Video?"
"Bingi ka ba? Video, iyong video!" Balak ko na sana siyang sigawan sa mukha niya pero kusang umatras iyong dila ko nang sa paglingon ko ay magbanggaan ang ilong naming dalawa.
Napasinghap ako at napahawak sa sariling ilong at muling binalik ang paningin sa harapan.
"I-I m-mean iyong ano...uh, iyong v-video!"
Just what the heck am I doing acting all embarrassed when I am supposed to be mad at him. Kailangan kong itatak sa isip ko na ang ginawa niya ay hindi makatao. He is a devil. And right now, here in his lap. I don't know what he might do.
"What? Did you think that I took a video of you?"
Natigilan ako nang maramdaman ko na umalon-alon ang kanyang dibdib.
"Seriously, did you think that I would even took a video of your naked body?"
Unti-unti ko siyang nilingon.
Is it really him?
But I think that he became ten years younger as I saw him half laughing and half smiling while looking at the road. In my experience, I learned that devils knows how to smile and knows how to fake it at the same time. Masks are a trend to everyone.
This devil is smiling...in a space, unconsciously. Without knowing. And it made his smile seem so genuine.
"Are you really so full of yourself?" He made another soft laugh and this time his eyes went down and caught me staring at him. "I-I..." Is he stuttering?
Akala ko magiging matagal pa ang ngiti niyang iyon pero agad din itong nawala at bumalik na naman ang poker face na mukha niya.
Tumukhim pa siya at umayos ng upo.
Umiwas nalang din ako ng paningin at tumulala sa daan.
Bipolar ba siya?
Bigla nalang kasi siya tatawa at bigla nalang din sisimangot. Hay...nakaka-mental kasama ang ganitong mga tao!
"I don't know what you're talking about sending a video. I mean why would even bother using a computer if I would send a messages." Then the tome of his voice became mysteriously threatening. "I prefer writing one with my victims blood."
Naparalisa ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Hindi ko alam kung saan ang iisipin ko. Iyong nakakapangilabot na sinabi niya o ang katotohanan na hindi siya ang nag-send sa kay Ynalee ng video. Kasi parang wala naman siyang kaide-ideya kung ano ang sinasabi ko.
"But what did you mean?"
I took note of the change in his voice when he spoke again. I don't want to assume, and I don't want to name it because I might be wrong. But I can say that it was the first time, hearing him in that voice.
"Are you...," He trailed off. "Where did you get the message you were saying?"
Why is he curious? "I don't know. But Ynalee showed me that there were a photo of me and a video about..."
"About what?" Now his voice became impatient, as if he was desperate to hear something. "About what?!" Nagyon ay tumaas na ang boses niya nang hindi ko siya sinagot.
"About what happened to the last school I attended to." I blurted because of shock.
"That's...that's..."
Hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin pero hindi ko na siya tinanong pa. Ramdam ko kasi na parang nabago na naman ang kanyang ugali. I could tell that it isn't going to be good.
"D*mn it!" Muntikan na akong mapatalon nang basta na naman siyang magmura. At sa pagtataka ko pa ay bigla siyang nag-U turn. Ngayon ay palingon-lingon ako sa kanya at sa daan dahil bumabalik na kami sa school ko.
"B-bakit tayo bumabalik? Lumagpas ba tayo?" Natatarantang tanong ko.
Nang hindi siya sumagot ay napatingin na lamang ako sa kamay niya na lumalabas na ang ugat habang nakahawak sa manibela.
Galit ba siya? Bakit siya galit? May nagawa ba ako?
"T-teka, bakit tayo ulit bumalik--"
Hindi na ako nakapagsalita pa nang huminto na kami sa tapat ng school ko. Binuksan niya ang pintuan ng kotse at tinulak ako paalis sa kanyang kandungan.
"Ahh!" Napasigaw ako nang mawalan ako ng balanse, mabuti na lamang ay nahawakan ko ang pintuan kaya hindi ako tuluyang lumugmok sa sahig.
"Hoy! Ano ba--"
Bago pa ako makahuma ay bigla na niya ako hinablot sa magkabilang braso at pinaharap sa kanya.
"H-hey, are you out of your mind? What are you doing--"
"Stay here. No matter what happens stay where there is--" Napakurap-kurap ako habang hinihintay ang kanyang sasabihin.
Hindi ko din mapigilang mapuna ang mata niya na nanlalaki at bahagyang namumula. Pinanliitan ko siya ng mata at sinundan ang paggalaw ng mata niya.
"Whatever you do, just-- just-- stay out of-- d*mn!"
I stared at his eyes for a while analyzing what was happening. And after a moment, I finally realized it.
"I knew it!" Singhap ko.
Tumigil naman siya sa magulo na pagtingin-tingin sa paligid at tinitigan ako.
"Sabi na, eh!" Nagmamalaking sabi ko. Tumikhim ako at hinarap siya. "Naka-drugs ka noh?"
Hindi siya natinag sa kanyang kinakakatayuan at tumitig lang sa akin.
Sure ako, naka-drugs ito. Halata naman dahil nagre-red na ang mata niya at parang nagha-hallucinate na siya kanina. Restless eyes are the sign of a high person--
"Teka saan ka pupunta!" Tanong ko dahil sumasakay na siya sa kotse. "Iiwan mo ba ako--"
Tinitigan niya lamang ako at hindi na sumagot.
"I got business." Sabi niya.
Tumango-tango ako at sarkastikong sinabi. "Buti ka pa employed."
Naasar yata lalo ang loko kaya tinaas na niya ang bintana niya at agad na pinaharurot ang sasakyan paalis.
Tsk! Sungit!
Pinanuod ko ang sasakyan niya bago ito mawala sa aking paningin. Parang kanina lang din, mabilis ang kanyang pagpapatakbo. I stared until it was only an empty space.
Alam kong maaaring nagsisinungaling siya pero parang kapani-paniwala na hindi talaga siya ang nag-send. At saka walang duda na hindi siya si Alex. Alex and Chauslte were both in the same event that night when I first met Alex.
But I should still be careful around him. Until I confirmed who it was...
The guy behind the mask.
"I'm just close to you..."