__Victorique's POV__
"SAAN ka nagpunta?! Bakit inumaga ka na ng uwi?!"
Ito na nga ba ang ang sinasabi ko pagkauwi na pagkauwi ko sa bahay. Kaya pala kabadong-kabado ako sa buo kong byahe kanina. Alam ko kasing nakaabang na sina papa at mama sa harapan ng bahay namin. Naka-cross ang arm ni mama at naka-set ang sermon face nito. Si papa naman ay katabi nito at nakahawak sa balikat ni mama na parang pinapakalma ito.
Tinignan ko naman si papa na parang humihingi ng tulong. Umiling lamang ito at parang sinenyasan ako na magpaliwanag bago pa pati siya ay sigawan ako.
"Alam mo bang tumawag pa kami ng pulis para ipahanap ka? Pati yata buong barangay nagambala namin para lang matahimik kami kakahanap sa'yo!"
Sumimangot ako, "Mama, hindi ka man lang ba nag-alala sa akin?"
"Nag-alala ako na baka kung sinu-sino na ang bumastos sa'yo...," Sabi ni papa. Aw, sweet ni papa. "...at baka nabubog mo pa. Kawawa naman--"
"Icell!" Siniko ni mama si papa saka pinanlakihan ito ng mata.
"Saan ka nagpunta?" Interoga ni mama sa akin nang muli niya akong harapin. Nanliit ang mata niya habang sinisipat ako.
Pero nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang ilalim ng mata ko at kapain bigla ang mukha ko. Ngayon ay pag-aalala na ang bumalatay sa kanyang mukha.
"Bakit mukhang puyat ka? Anong ginawa mo kagabi?"
Agad na nanginit ang magkabila kong pisngi nang maalala ko ang nangyari kagabi. Paano ko naman i-explain kina mama na ang rason kung bakit ako inumaga ng uwi at puyat ay dahil may nang-aswang sa akin!
Napakagat ako ng labi. "Mama, nagpunta ako kay Ynalee."
Nakita kong nanliit ang mata niya na parang alam niya na nagsisinungaling ako. Ganyan kasi minsan si mama, parang may magnifying glass ang mata kaya pati nasa utak ko nalalaman.
"She's not lying."
Mula sa pagiinteroga ni mama ay pumunta ang paningin ko kay Eros na kakalabas pa lang ng gate. Nakapamulsa ito at hindi man inabala na ayusin ang buhok. Ngunit naka-school uniform na ito.
"Tinawagan ako ni Ynalee kagabi, may ginawala lang daw sila na group project at nagpuyat."
Eros is not the type of little brother who'll lie just to save his big sister. I mean, wala nga iyang pakealam kahit pagalitan ako nila papa at mama. May sarili iyang mundo.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ng papa mo?" Tanong ni mama.
Eros shrugged, "I also received the text late at night. Inaantok na akong sabihin pa sa inyo kasi mga midnight ko na na-receive ang tawag."
Tumango-tango si Icell, "but you still should have told us."
"Next time then." Hinarap ako ni Eros. "Sasabay ka na ba sa akin sa school?"
Nad-double shock talaga ako sa ikinikilos ng kapatid ko ngayon. Kaya kahit wala ako sa tamang huwisyo ay napatango na lamang ako.
Ngunit bago pa kami makaalis ay muli na naman akong tinawag ni mama. Nilingon ko siya at hinintay ang kanyang sasabihin.
"Simula ngayon, may curfew ka na."
Namilog ang mata ko. "Hah?!"
"Alam mo namang nakidnap ka na dati tapos ngayon padalos-dalos ka. So ngayon, tiisin mo ang pagsunod-sunod sa'yo ni Spencer where ever you'll go or you'll be having your curfew."
Halos sumigaw ako sa kinakatayuan ko. That is so unfair and frustrating!
Alam naman nilang teenager ako at ginugusto minsan gawin ang kung anuman ang maisipan namin gawin.
Hindi siguro gano'n si mama dati at tinutulad niya sa akin. Really, mothers and their strictness!
"Hindi ka muna ba maliligo sa bahay?" Tanong ni Eros nang makapunta na kami sa pintuan ng van.
Kumurap-kurap ako at inamoy ang aking sarili. Okay naman at pinaulan ko na ang sarili ko ng perfume.
"Bakit?"
He sniffed in disgust, "you smell like a guy."
"Ano?!" Hindi ko namalayang nakasigaw na pala ako.
Don't tell me that, that devil's scent is stuck all over my body!
"But well, as long as it doesn't smell like Spencer."
Noong una ay napatigil ako sa pagamoy sa aking sarili at napatanga nalang sa kanya habang umaakyat sa sakyan. I feel like I became deaf when he said that. Did I heard him right?
Pero nang in-analyze ko ang sinabi niya kanina pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng dugo sa aking mukha. Kinabahan ako bigla nang makita ko ang pagsulpot ng isang nakakatakot na ngiti sa kanyang labi ng parang may hinahawakan na alas laban sa akin.
Umiling-iling muna ako at tumikhim. I quietly climbed inside the car, I was literally gulping and choking as I made my way beside him. The whole time, he was observing my actions and reactions.
D*mn!
Naging tahimik ang biyahe papunta sa school kaya naman nakatingin lang ako sa bintana. I never dared to make eye contact with him. It's too dangerous.
"Ate."
"Ano?!" Pakiramdam ko ay aatakihin na ang puso ko nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko. Jusko! Mawawalan ako ng dugo sa kapatid kong ito!
Nang ligonin ko siya ay may inaabot siya sa akin na isang babasaging container ng perfume.
"Here."
Nagtaka ako nang makita ko na perfume ko ang hawak-hawak niya.
"Paano mo nakuha ang perfume ko?" Takang tanong ko sa kanya habang kinukuha ang iyon at agaran na pinag-spray sa aking katawan. "At saka bakit mo kinuha?"
He shrugged lightly, "you're going to be late for school, wala ka nang time na maligo. Besides, I'll feel bad if you show up in school smelling like..." Hindi na niya tinuloy ang sinabi at muli na lamang ako inamoy.
Kusa akong lumayo sa kanya at pinugpog ng pabango ang buo kong katawan. I coughed when I inhaled it's strong odor that went through my lungs.
"Hinay lang, hindi ka naman mahahalata ni Spencer."
Tinignan ko siya ng masama. He snickered upon seeing my reaction.
"Still wearing that ring?" He asked pointing at my finger.
Pinalis ko ang pinag-iisip ko sa naging reaksyon niya sa akin kanina at inangat sa pagitan namin ang suot na singsing.
"This is a promise." Sabi ko nalang sa kanya. "Kapag may singsing, wala nang kawala."
Tinitigan niya ang singsing ko sa nanliliit na mata.
"Tss. How stupid, just because of a ring you are already tied to him?"
"What the...hindi ba maganda gising mo, Eros?"
"I was in a good mood but that freaking nonsense engagement ring ruined the whole thing!"
Naaasar na napakamot ako sa buhok. Bakit nga ba kinakausap ko itong kapatid ko na wala namang magawa kundi ay pakealam ang buhay ng mga tao?
Nang makarating na kami sa school ay agad na akong bumaba ng van at hindi na siya pinansin. Hindi na ako nagpaalam sa kanya. Naaasar ako pinagsasabi niya ngayon kaya bahala siya diyan.
"Ang aga-aga nambwibwiset!" Reklamo ko. "Ang dami-daming pinagsasabi--"
Tumigil ako sa pagrereklamo nang madaanan ko na naman ang training area ng mga nagte-taek won do. Naririnig ko ang sigaw nila doon at ang tunog ka nilang aksyon na ginagawa. Nage-echo ang mga ito sa buong training room kaya't mapapatingin ka talaga sa kanila kung sakaling magpapadaan ka.
Sometimes, I missed wearing that uniform and screaming at the top of my lungs while executing the moves in all full blown energy.
Bumaba ang paningin ko sa kamay ko.
I wondered if it's still capable of fighting. But thinking back, I just fought off two person yesterday. I guess I won't have to wonder.
"Victorique!"
I turned to see Ynalee running towards my direction.
"Oh! Yna--" Nabitin sa ere ang pagbati ko sa kanya nang basta-basta na niya lamang hinila ang aking kamay.
Nanlaki ang mata ko dahil masyadong mabilis ang pangyayari. Pero kung ganitong natataranta siya, ibig sabihin ay may nangyaring masama. Nagpatianod na lamang ako sa kanya kahit nagtataka ako.
Nang sa wakas ay tumigil na kami sa restroom ng girls ay hinarap niya ako.
"Yna, magta-time na bakit--"
"Mas okay iyon."
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Then as if on cue, the bell rang and I looked all over the restroom as the sound echoed everywhere.
"That means that we're cutting classes, Yna."
"Perfectly aware." Nagkibit-balikat siya at inilabas sa bag niya ang dalang laptop at pinatong iyon sa sink.
"Ano ito? Magmo-movie marathon tayo sa cr? Game!"
Nang tinignan niya ako ng masama ay inosente lang akong tumingin sa kanya. Biglaan naman kasi siyang naglalabas ng laptop eh. Alam niya namang iyon ang laging nasa isip ko kapag nakakakita ng laptop. Lalo na kapag madaming laman na movies.
"This is urgent, Ric-Ric." Seryosong saad niya.
Napangiwi ako sa kakulitan ko at nilapitan na lamang siya.
"Sige, tungkol saan ba iyan? Bumabagsak na ba ako? Hindi na ba ako ga-graduate?"
Kinunotan niya ako ng noo, "seryoso ka ba?"
"Oo, wala na kasi akong ibang alam ba seryosong topic kung hindi ay tungkol sa grade."
Napasampal siya sa noo at napahinga ng malalim.
"Gra-graduate ka pa Ric-Ric." Huminga ako ng maluwag nang sabihin niya iyon. "Kung sumeryoso ka talaga ngayon."
Kumunot ang noo ko. Seryoso naman ako kanina pa.
Hindi na muna ako nagsalita pa at tinignana na lamang ang ipapakita niya sa akin. Naghintay ako habang may kung ano-ano siyang pinagpipindot na files sa laptop niya.
Nang sa wakas ay mahanap na niya yata ay tumingin muna siya sa akin at huminga ng malalim.
She played the video first. At first I can not comprehend what was happening in the video because the handler kept on shaking the camera.
Hanggang sa unti-unti kong nakikilala ang pamilyar na paligid at ang pamilyar na uniporme ng mga nagsisigawan na mga estudyante.
Bukod sa mga nagsisigawan na mga estudyante ay nakita ko sa parte ng video ang pagsulpot ng isang armadong lalaki. I was shocked as I watched him efortlessly killing the students on his way one by one. Just taking long powerful strides while raining bullets everywhere.
The one holding the camera were already screaming ang panicking that I can not see what was happening anymore. Then suddenly the video became still. Nagyon ay nakahiga na ito na nagbigay ng ideya sa amin na namatay na ang nagre-record ng video.
In between the sound of the shooting the combat boots that the man is wearing came in and out of the view.
After that the firing continues, it was so loud. But then it suddenly stopped. Matagal na nag-play pa ang video na katahimikan lang ang naririnig. Later there were screams to be heard everywhere, some students mentioning names and so on, students talking and hurried footsteps.
Akala ko hanggang doon nalang ang video nang biglang umangat iyon. Someone grabbed the video. Then that was it.
I almost sink in to the ground from where I am standing. Huminga ako ng malalim at muling tinitigan ang natapos na video.
"Saan mo iyan nakuha Yna?" Tanong ko pagkatapos ng mahabang katahimikan.
"Some anonymous sender sent it to me."
Napatingin ako sa kanya. She's not looking at me nor at the screen. It was beyond.
Like she was thinking the situation through.
Mula sa pagkakatulala ay inalis niya ang video at binuksan ang word document.
Noong una hindi ko maintindihan kung ano iyon. Pero nang mapagtugma-tugma ko ang line at mga kahon na magkakakonekta sa isang kahon na may question mark ay kusa ko iyong nakuha.
"King?" Nagtatakang pagbabasa ko na nasa tuktok ng group chain na tinitignan namin. Mula sa King ay may nakakonekta na "Queen" at ilan pang miyembro.
"Ano ang mga ito, Yna?" Tanong ko sa kanya na naguguluhan.
"It looked like a mind map to me."
She scrolled her keypad and to my surprise the mind map was three pages long. And all of it was blank except for the labels.
Then next to the map is a picture of a place called 'Dyxlesia Academy' in Baguio. The title on top of it is, "Altered Ashes Accident"
"They said that the school had been burned and almost wiped out. Madaming namantay sa insedente." Sabi ni Yna ng hindi binabasa ang article na nakalagay doon. "I don't know what all of these means but it seem like someone is trying to tell us something."
Naalala ko ang paguusap naming dalawa ni Alex. Siya lang naman ang kilala ko na gustong pumatay sa akin. I am just curious as to why he isn't making his move now. At sa lalaki namang iyon, hindi ko din alam kung ano ang binabalak niya sa akin. I mean he have kidnapped me already but he isn't even killing me.
Hanggang sa may maalala ako.
"Steinz Smith." Banggit ko sa pangalan na iyon.
Agad namang lumipat sa akin ang kanyang paningin. "Smith?"
Sabi ko na nga ba at pati siya ay mapapansin ang last name ng lokong iyon, eh.
"Nevermind if he has the same last name as mine." I dismissed that topic. "You see, Steinz is the one who originally kidnapped me."
"Originally? You mean dalawa talaga ang gustong kumidnap sa'yo?!" Gulat na tanong niya sa akin. "Now, that seem strange."
Parehas kaming napatingin sa kanyang laptop. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang image na kasama ng file na binuksan niya. I hit the exit button of the document file and clicked the image open.
My eyes widen in shock when I saw that it was the class picture of my former school. At ang mas ikinagulat ko ay nakared-mark ang ilan sa mga kaklase kong iyon na sa pagkakaalala ko ay namatay sa m******e.
"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko sa kanya sa nanlalaking mata.
Huminga siya ng malalim at napahilot sa sentido.
"From what I analyzed, this picture is a threat." Sabi niya. "Na parang sinasabi niya na hawak niya ang buhay ng mga dati nating kaklase."
"Ano?!" Gulantang na sigaw ko at muling tinignan ang nasa litrato.
"It's simple, Ric-Ric. He wanted us to find out the people he was searching for, and if we didn't he'll kill our old classmates one by one."
Hindi makapaniwalang napailing-iling ako. "Hindi ko makuha kung bakit sila pa?"
"Iyon din ang tanong ko. Pero kung iisipin, mas mahirap na hanapin sila kasi hiwa-hiwalay na tayo. Nasa ibang school na sila."
I slamed the tiled wall. Bwiset, papahirapan pa kami ng lalaking iyon!
"Anong dapat nating gawin?" Tanong ko.
She sighed and stared at her screen.
"Sa totoo lang nga, kahit mapigilan natin mamatay ang iba habang ginagawa natin ang pinapagawa ng kung sino man ito wala ding magyayari kasi pwede niyang gawin kung ano ang gusto niya. This person probably knows their whereabouts. Kaya ang mas magandang gawin ay malaman natin kung sino ang nag-send sa akin nito."
"Pero paano sila?" Tukoy ko ay ang dati naming kaklase.
"We'll do some of the task while we're finding out who this person is..." She trailed off. "D*mn! We couldn't do this with only the two of us."
Sabagay, from the look of it, we won't be able to pull this off. We'll be doing more that two tasks.
"Si Spencer." Suhestiyon ko.
"No, don't." Pigil niya sa akin. "Hindi natin pwedeng ipaalam sa pulis ito. Hindi natin kilala ang kinakalaban natin Ric-Ric. Malay mo isa siya sa detectives?"
Kinunotan ko siya ng noo. "Are you telling me that Spencer might be the one who send this to us?"
Nakita ko ang paghinga niya ng malalim na parang nauubusan ng pasensiya sa akin.
"Kung hindi man siya baka naman huminga siya bigla ng tulong sa detective na maaaring kasabwat dito at malalaman niya ang galawan natin."
Tumigil ako sa pagtingin sa kanya ng masama. Oh, akala ko pa naman ay pinaghihinalaan niya si Spencer. Pero syempre, we can't really trust anybody here.
"Pero sinong tutulong sa atin?! Wala nganga lang tayo ngayon?"
Hinawakan niya ang kanyang baba at tinitigan ang mind map sa word document.
Alam kong nag-iisip siya ng plano sa pamamagitan ng paga-analyze ng bawat detalye upang malaman ang magiging senaryo.
"We need to get in to the polices classified information to know all of these." Her eyes from moving everywhere and I can not keep up even with the movement of her drumming fingers. "We'll be traveling from places to places. And we need a hacker, the one who can get into information about these cases."
Parang gusto kong magwala sa sinabi niya. Iniisip ko pa lang na kapag kaming dalawa lang ang kikilos siya lang ang magiisip para sa aming dalawa. Dahil kahit ako naman ang magaling sa self-defense sa aming dalawa, hindi pa rin sapat ang skills ko. Tumigil na nga rin ako diba?
"And I think I know why this person would even bother to threaten us." Yna said. "Because from the looks of these information that have been sent to us, he was trying to do something."
"What is it?"
She shakes her head in dismay, "I don't know, but I can tell it was dangerous."
Well, receiving these information is already dangerous to begin with.
I heard a ringtone. It was my phone. I pulled my phone from my bag and opened the text message.
It was an unknown number.
My car is parked outside of your school. Meet me.
Since he was one of the people I suspect, maybe I could talk him through it. Well, a person can't answer honestly so only one way to get the answer I needed.
I smiled.
Kapag may alak may balak, sabi nga nila.
ALEX'S eyes followed the two red dots which seem to be moving from it's own direction on his GPS tracker. Clearing his throat he slipped the phone inside his pocket as he caught a glimpse of a person's shadow just at the other side of the hall he is at.
Kasalukuyan siyang nasa eskwelahan na tinutulyan ng mga Smith.
"You're impatient as ever little brother." Alex says, "You're not following my plan."
"I have my own."
Kumunot ang kanyang noo at tumingin sa hagdanan na katabi niya lamang at muling binalik ang tingin sa dingding kung saan sa likod n'on ay nakatago ang kanyang kinakausap.
"I just don't get what is your real intention, Alex."
"Are you talking about my loyalty?"
"No." Sagot nito. "You're the leader, and you don't need loyalty. I am talking about the side you are in."
Natigilan si Alex, ngunit muli lamang siyang ngumiti nang mula sa bintana ay nakita niya ang pigura ng isang estudyante na balak yatang lumiban ng klase.
It was Victorique, seeming to be in a clandestine meeting with someone.
"You're already taking a move." Alex concluded. "You might be ruining my plan."
He smiled and stopped his feet from stomping on the ground. The echo of the sound that his shoe is creating vanished on the hallway.
"You know I need her to find where is the items that all of the leagues had hid."
"Why don't you search for it yourself."
Hindi nagsalita si Alex sa tinanong ng kapatid.
"You're more complex than what I thought." Alex said. "I don't know if your intentions isn't real or you're just plain st*pid."
Muli siyang tumingin sa bintana at mula doon ay pinanood niya ang paglaho ng imahe ni Victorique.
"An advice little brother..." Alex warned. "Things aren't what you think it is..."
Pagkasabi niya n'on ay umalis na siya sa pinagtataguan at tinahak ang hagdanan pababa. His mind is preoccupied, but as he turned his head up he saw a girl in her uniform. The back facing him looked familiar so he pulled his phone and opened his GPS tracker.
He was right. It was Ynalee Maxwell.
And when he looked up she already gone through the other hall. No worries, he just followed her red dot on his phone as she moved from another place.
He got plenty more time, so he decided to amuse himself by following that red dot.
Where are you going Miss Maxwell?