Chapter 24

3846 Words
__Victorique's POV__ "CAN you explain to me what are you doing in the middle of the night with some dangerous foster house?!" Napaupo ako ng tuwid nang nagsimula  nang magbuga ng apoy si mama. I knew that this was going to happen. So, I prepared myself to look at mom- forget that thing! Nakakatakot si mama kapag nagagalit! Hindi ako makatingin! "M-mama..." Ang tanging nasabi ko na lamang. "Muntikan ka nang mapahamak! Paano kung nadakip ka na naman? Paano kung nabaril ka na naman?!" Nakita ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni mama. Alam kong anumang oras ay sasabog na siya, senyales din iyon na iiyak na siya kaya naman nilapitan ko siya at hinawakan ang magkabila niyang kamay. "M-mama..." Tawag ko sa kanya para pakalmahin siya. "Sorry..." Ayaw ko naman siyang umiyak. Kaya wala na akong naisip na sabihin kung hindi ay iyon lang. Medyo nakaka-guilty din kasi pinag-alala ko sina mama at papa. Si Eros, wala naman iyon pakelam sa akin. Nauna pa ngang pumasok ng school nang malaman na natutulog lang pala ako sa kwarto ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo." Agad na bumigat ang loob ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi na rin naman ako nagsalita, ayaw ko kasing umiyak, baka kapag umiyak ako maiyak din si mama. Iyon kasi ang nagtri-trigger minsan para maiyak ang isa pang tao. "I'm afraid that you inherited your father's stubbornness." Napangiti ako sa sinabi niya. Gaano kaya ka-stubborn si papa dati? Siguro binibigyan niya ng sakit ng ulo si mama dati. Speaking of papa, kakabalita ko lang kanina na umalis siya dahil may business trip siya for two week lang naman kaya't hindi pa rin ako ligtas kapag nalaman niyang napahamak na naman ako. Nalaman ko sa katulong na hapon siya umalis kahapon, hindi man lang ako sinabihan. Gano'n na talaga ka-busy si papa, minsan hindi nakakapag-paalam. "Sorry mama..." Ngumiti ako bilang suhol. "Okay naman ako diba?" Huminga ito ng malalim. "Alam ko naman iyon, Ric-Ric. Pero sana huwag ka nang gagawa ng ikakapahamak mo, hah?" Alam ko sa sarili kong hindi ko magagawa ang sinasabi nila. I still have obligations and if I hadn't fullfilled those then someone else's life might be at stake here. "Mrs. Smith?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses na iyon. Hindi ko na kailangang lumingon pa para malaman kung sino ang bagong dating. Kilalang-kilala ko ang boses na iyon. Nakalimutan ko na pati pala siya ay kailangan ko pang harapin. "From now on, Spencer will be guarding you, the whole day." Muntikan na akong mapanganga sa sinabi ni mama. So, ito na ang consequence ng katigasan ng ulo ko? Kumurap-kurap ako at dahan-dahan, humarap ako sa gawi ni Spencer para mag-greet. Pero agad na umurong ang sila ko nang makita kung gaano kasama ang tingin niya sa akin. Sh*t! Patay ako! PARANG nung kagabi lang. tahimik lang kaming dalawa sa kotse niya. Walang nagsasalita. Tahimik din ako ngayon dahil nire-ready ko na ang script ko sa utak ko. Yung buong eksplanasyon ko sa mga itatanong niya sa akin. Para bang naghahanda ka sa job interview, nakakakaba, nakaka-intimidate. Wait! Diba, galit din ako sa kanya? Oo, dapat hindi ako ma-intimidate kasi galit din ako sa kanya. "D*mn!" Napapitlag ako nang bigla niyang hampasin ang manibela ng malakas. I sat up straight. Ito na ba yung part na magbubuga na siya ng apoy? "U-um--" "Do you trust me?" Napakurap-kurap ako nang bigla iyong tanugin ni Spencer. Sa totoo lang nga kasi hindi iyon ang inaasahan kong tanugin niya. "Yes." Sagot ko. "Then can you tell me what are you guys doing in that forsaken foster house?!" Forsaken? Bakit niya naman iyon nasabi? And the way he said that word it almost felt like he loathes the place. But for what reason? "U-uh, mayroon kasi kaming group project ni Yna--" "Group project? Tell me, does your group project includes going into a dangerous place, and note this, at night?!" "Dangerous?! How can it be dangerous when there are children at that foster house?" "You don't know a thing about that place so shut up!" I can't believe my ears! Did he just told me to shut up and with that tone of voice?! Hindi na ako nakapagsalita. Natawa na lamang ako ng sarkasmo at napatingin na lamang sa bintana. "I can't believe this!" I muttered, but it went to his ear. "What did you say?" Balak ko na sanang hindi magsalita pero alam niya namang hindi ako tipo ng tao na tinatago lahat ang gustong sabihin. "Kahapon ka pa kasi, eh!" Sigaw ko sa kanya. "And besides, why are you fussing over something that hadn't happened?! Imbes kasi na matuwa ka na walang nangyari sa akin, inaaway mo pa ako, eh! Sabihin mo nga sa akin, gusto mo na akong mapahamak o ayaw?!" Mahabang katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Wala na akong pakealam sa kung ano pa man ang sasabihin niya kung balak man niyang magsalita. Basta ako galit sa kanya. Sa dami ng gusto kong sabihin bako-bako na ang mga nasasabi ko. "I don't know what's wrong with you, Victorique." Blah, blah. Wala ka kasing alam. "But this isn't going to work out if you're going to be stubborn." Napakuyom ang dalawang kamay at hindi makapaniwalang tinignan siya. Are we getting on that part?! "What the heck, Spencer! Ano toh?! Break up?!" Gulat na bulalas ko sa pagmumukha niya na wala lang naging reaksyon. Inihimpil niya sa tapat ng school ko ang kotse niya ng hindi man lang ako nililingon. "You know that I love you, Victorique." Agad naman na uminit ang dibdib ko nang sabihin niya iyon. Lalo na nang marinig ko ang hina ng kanyang boses. "Ang I'm not going to break off the marriage. "But..." Okay na sana pero maypa-but-but pa siyang nalalaman eh! Ano naman ba ang sasabihin niya sa akin?! "There was something missing in you. And it was the thing I saw in you that I fell in love with." Daig ko pa ang napaso nang marinig ko iyon mula sa kanya. Na parang hindi ako makapaniwala na pati siya ay nagsasabi nito. "I missed it, that Victorique who would like to be saved by me even if she could save herself. Now, as if something was getting your attention. I don't know but I felt like a worthless man because now that at your helpless moment you seem to be drifting away from me..." Hindi na ako nakatingin sa kanya nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Parang sinabi niya na nagbago ako. Pero, wala naman akong binago sa sarili ko, ako pa rin ito. Ang dati niyang nakilala. Or is it just me who thinks that? Kung hindi tumunog ang bell ay hindi na ako makakaalis sa kinauupuan ko. Unti-unti akong kumilos at binuksan ang pintuan ng kotse niya. Isasarado ko na sana ang pintuan nang muli kong marinig siyang magsalita. "I'll wait, Victorique." He said. Now he's looking at me, with those hopeful eyes. "I'm will be here." Pagkasabi niya n'on ay wala na siyang sinabi. Sinarado ko  na ang pinto at pinanood ang kotse niya na paalis hanggang sa mawala na iyon sa paningin ko. Cool off... Iyon ang status naming dalawa ngayon. Siguro si Jean ang aasahan niyang magsundo sa akin mamaya. Pero tama na nga yatang mag-cool off muna kaming dalawa para may panahon pa akong makapag-isip. Sa anong bagay? Hindi ko alam-- "Hah?!" Napasinghap ako nang bigla akong makaramdam na may humawak sa palad ko. I went blank for a second but when I saw who was pulling me towards a motorcycle I almost screamed. "Ikaw na naman!" Nagdadabog na sigaw ko. "Ano bang kailangan mo? Ang aga-aga, bad trip ako ngayon!" At saka nagtataka din ako sa ayos niya ngayon. He wasn't dressed in his usual get up, you know, yung naka leather suit. Yung mga sinusuot ng mga nagmo-motor. Ngayon ay naka-formal siya. Yung naka-polo tapos may neck-tie tapos yung black slacks at-- Okay na sana, eh. Pero nakita ko ang sneaker niya kaya nasira ulit ang araw ko. "Anong klaseng get up 'yan?! Pinagloloko mo ba ako?!"  At saka anong balak niya? magja-job interview ba siya, bakit niya naman ako hinihila? Pagpa-praktisan niya ba ako?! Ang dami kong tanong, hindi niya din naman sasagotin! Tumigil siya sa paghila sa akin at saglit na lumingon sa akin. "We're ditching your class." Kumunot ang noo ko. "Ano?" "Ditching. We'll go bore ourselves in some park." Noong una ay tumigil lang ako sa harapan niya na parang hindi maproseso da utak kung ano ang ibig niyang sabihin. "A-ano ulit?" He rolled his eyes as he threw his spare helmet. I caught it with both hands. "We're going on a boring nature viewing." "You mean...we'll view a place." Maybe a tourist spot. "Tapos?" Tumigil siya sa pagsakay sa motorsiklo. "Then we'll eat in a bench." May tawag dito, eh. "Edi anong tawag dito?" "The first day of our contract." Napatango-tango. I almost forgot about that contract. But why does it seems like this contract thing is like dating? "Fine, it's dating so will you stop thinking about it?!" Narinig niya yata ang iniisip ko. Ganoon na yata ka-transparent ang mukha ko para mabasa niya ang katanugan sa utak ko. But wait, a date with him? Ano naman ang kalalabasan ng date naming dalawa? "I have class today." Sabi ko nalang. "And so was yesterday." Hindi ako nakapagsalita, hindi ba mauubusan ng masasagot itong lalaking ito? Walang imik na nilagay ko ang helmet sa ulo ko. I just figured out that I think I really need to ditch school for a while to cool off my head. Dahil sa away namin ni Spencer, pakiramdam ko ay sasakit lang ang ulo ko kapag pinilit ko pa ang pumasok, which is tinatamad akong gawin. "Teka." Pigil ko sa kanya nang nakasakay na siya sa motorsiklo. "Teka, huwag kang excited." Sabi ko saka tumingin sa neck tie niya. Tumikhim ako at hinawakan iyon. Hinintay ko na mag-reak siya. I think that it's safe to remove it from him when he didn't even budge do I pulled it from his collar and unbuttoned his first two buttons. "Loosen up a bit." Sabi ko. "This is a date, not a job interview." Imporma ko saka inayos ang black blaser niya. "Sino ba kasi ang nagturo sa'yo ng style na ito?" "Mang Konrad." Muntikan na akong matawa. Walanghiya talaga ang matandang iyon. Pangit din ng taste, parang na-stuck sa nakaraan. Nandoon pa yata siya sa world war 2 at hindi na naka-move on. "There." Nakangiting sabi ko habang pinapagpag ang blaser niya. I was about to turn away when my eyes met his blue ones. Hindi ko na makita ang iba niyang mukha dahil natatakman ito ng helmet pero parang ramdam ko ang emosyon na biglang sumulpot sa kanyang mata. My hands stayed on his collar, and I was unconcious about it. But I was well aware of the craziness of my heart. Pinigilan ko na rin pala ang hininga ko nang mapansin ko na palapit na pala ang ulo niya sa akin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari, pero pamilyar ang pagkaparalisang nararamdaman ko sa tuwing titignan niya ako na parang ako pa lang ang kakaibang babae na nakikita niya. Pok! But if weren't of that freaking helmet the magic would not disappear. We almost forgot that we had our helmets on! At parang doon lang din siya natauhan kaya agad na nawala ang tingin niyang iyon at bumalik na naman ang dati niyang masamang tingin. "Get in, or I'll leave you here." Lumunok-lunok ako. Hindi ko alam kung para saan iyon, sa tension ba na nararamdaman namin o sa nakakahiyang nangyari sa amin kanina. Pero sa kung anuman iyon. Hindi na ako umimik pa at sumakay na sa likuran ng motorsiklo. I just realized that it's been a long time since I rode a motorcycle. Medyo nagaalangan pa ako na iyakap ang kamay ko sa kanyang likod pero sa huli ay ginawa ko na rin lang naman iyon. SO nag-settle lang kami sa isang parke. Sa AmuseMe Park. Noong una ay nagkaaway pa kami kung saan pupunta at anong kakainin. Sa huli ay kwek-kwek na lamang ang binili namin. Now, we are here seated in a bench. "Uhm, so..." Hindi ko na natuloy kung ano man ang gusto kong sabihin dahil wala naman talaga akong masabi. I'm in a date with a killer, and this killer almost killed me. "Haha..." Tumawa ako ng pilit at uminom na lamang sa palamig. Hindi na rin naman siya nagsalita at tumusok sa kwek-kwek na nasa plastic cup. Mangha naman akong napatingin sa kanya. "Alam mong kumain ng kwek-kwek?" He just shot a look to me. "Not because I have money, doesn't mean that I don't know how to eat kwek." Muntikan na akong matawa sa sinabi niya. "Kwek?" Hindi na siya nagsalita pa at muling sumubo sa stick na may kwek-kwek. Hindi ko alam kung ano na naman ang sumapi sa akin at napangiti ako ngayon sa itsura niya. "Why's that?" Tanong niya na obvious na may tinutukoy. Tinignan ko ang tinuturo niya. From my place, I hope that I am not mistaken that the one he was looking at is at the direction of the lovers who was happily feeding each other a food. "Uhh...they are feeding each other." Dahan-dahang sagot ko. "Why?" Napakurap-kurap ako nang tanugin niya iyon. Kailangan ko bang sagotin pati 'yon? "Para makakain silang dalawa." Ngayon ay tumingin na siya sa akin gamit ang mukha niyang nagtatanong nga pero poker face naman. "Don't they have their own hands?" Bigla ay nainis ako sa kanya. Saan kweba ka ba nagtatago? "It is necessary to feed each other in order to feel that you both care for each other." Ang hirap mag-explain sa lalaking ito. "Can't I just prove that I care in another way?" "Like what?" Curious na tanong ko. Sa gulat ko ay tinignan niya ako sa nakakatakot niyang tingin. "Like killing the person who wants to kill you." Huminga ako ng malalim. Can this person be anymore psychotic? "No, you can't. It isn't normal!" Nangusilap ako sa hangin. Date ba talaga itong ginagawa naming dalawa? Mukhang hindi niya naman alam kung ano ang salitang date. At saka alam niya ba kung anong date ang gusto ko? Na-experience ko na kasi ang iba't-ibang date kaya medyo na bo-bored ako. But this was different. This is the first date that I felt like I was getting worked up with the one that I am dating. It was something new, that's why maybe it wasn't boredom that I was feeling. "Ah." I was taken aback when suddenly his face was now inches away from me. And d*mn, he looked so adorably stiff with his mouth hanging open. Can a psychopathic stare look so cute and scary at the same way? "A-anong ginagawa mo?" Nabubulol na tanong ko. He answered me when he pointed his forefinger at the direction of the couples he mentioned earlier. "Feed me, like them." "What?!" Gulantang na sigaw ko. Hindi siya nag-react. Nanatili lamang na nakatitig sa akin ang mata niyang walang emosyon. "I said feed me or I'll f*ck*ng kill you--" Hindi ko na siya pinatapos sa iba pa niyang sasabihin. "Puro ka pagbabanta. Kill mo mukha mo." Sabi ko saka pinasak sa bibig niya ang isang kwek-kwek I watched him swallow the food with his mouth. I never really thought that he would demand something like this...sweet thing from me. Just imagined a hard rock turning into a crumbled pieces. It's not typically like him. "Hey, little brat." I felt him nudged me by my elbow. "What are they doing?" Naaasar na ako sa mga tanong niya kaya hindi ko na tinitignan kung ano ang tinutukoy niya. "Whatever that is, that's a typical date that most couples do." Mabuti naman at hindi na siya nagsalita pagkatapos ko iyong sabihin. Obvious na naman kasi kung ano ang ginagawa niya, kailangan niya pa ba akong tanugin? I gasped when suddenly he pushed a kwek-kwek on my cheeks. "What the--" Napasigaw ako dahil sa lagkit na nadarama. Anong nakita niya at bigla niyang binagga ang pisngi ko gamit ang kwek-kwek? At ang malala pa ay mayroon 'yon sauce. "Ano ba ang ginagawa mo?!" Sigaw ko sa kanya. Ngunit naumid na naman ang dila ko nang mapansin na malapit na pala siya sa mukha ko. Napaatras ako sa kinauupuan ko nang patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. "H-hoy, anong--" Naduling na yata ako sa gulat nang biglang pumalibot sa beywang ko ang kanyang kamay. "I just want to try what I saw." "H-huh--" Hindi na ako nakaprotesta pa nang basta ko na lamang naramdaman ang basang na dumantay sa pisngi ko kung saan ako nadumihan ng sauce. Libo-libong boltahe ang pumasok sa aking katawan dahil sa kanyang ginawa. Idagdag pa na napakalapit lang niyon sa bibig ko. Talagang manghihina ako, lalo na't naalala ko bigla ang nangyari sa aming dalawa. The familiar delicious heat came rushing in between my legs unexpectedly, and frustratingly, it was just because of that simple lick! "There's still left..." Nahuli na nga ang gulat ko sa sinabi niya. Naunahan na niya ako at lalo niya pa akong diniin sa kanya dinilaan ako muli sa pisngi, pero ngayon ay dumantay na sa labi ko ang kanyang dila. "A-ano ba, tigilan mo ako..." Agad ko siyang naitulak palayo sa akin. I was even shocked at how it took effort from me, pushing him away sure is harder than I thought. "You seemed breathless." "Ano?" Tinignan ko siya ng masama mula sa paghinga ko ng malalim. Pinagmamasdan niya lamang ako habang sumusubo siya sa kwek-kwek. D*mn! But ba ang cute niya ngayon?! "Tell me, which part of me made you breathless?" Pinanood ko ang pagtitig niya sa kinakain. "Is it the distance?" Inangat niya ang stick niya at binaba sa kwek-kwek pero hindi niya pa ito tinutusok doon. "Is it the fact that I am handsome? Or..." Bigla ay napalunok ako nang tinusok na niya ang kwek-kwek. "Is it the way I licked you?" Ramdam ko ang pagkalat ng init sa buo kong mukha dahil sa makahulugang sinabi niya. He was freaking teasing me! Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Dapat hindi ko makalimutan kung bakit ako pumayag na makipag-date sa kanya, kung date nga na matatawag ito. Huminga ako ng malalim para i-compose ang sarili ko. Baka hindi ako makapagpigil at mabigwasan ko ang lalaking ito. "Bakit ka nandoon kagabi?" pagbabago ng usapan para naman may mapuntahan kami ngayon. Nilumukos niya ang plastic cup at hinagis iyon papunta sa trash can na na malayo sa amin. Siya na ang magaling mag-shoot. Magaling kasi hindi lang iyon ang kaya niyang i-shoot. "I was looking over what you said." Sabi niya na ang tinutukoy ay tungkol sa natanggap namin ni Ynalee. "I went there before you." I turned to him with a creased forehead. Before me? If he wasn't the one who started the fire then how come he was there the time it lit up. Sure, he was outside- wait was he outside? "Are you about to leave that time?" Tanong ko. He was silent for a while, "Yeah." "But why did you return?" Sa tanong kong iyon ay bigla siyang tumingin sa akin. I caught my breath, with him this near I don't think that I would be able to breathe. Just like earlier, I don't know if he'll do some perverted, inappropriate stuff with me again, better be on safe side. But that aside, It must be me, I could tell that he was hesitating to say something. I waited for him. It never came. He just averted his gaze once again. And this is what I call magic loss. "It was a forged email." He continued, completely ignoring my question. "I never really learned something by going there. It was a waste of time, but I watched the video that was sent by retrieving the files." Tumango ako, so maski siya ay hindi ay wala nakuhang impormasyon kagabi. "There were two sides." Muli ay paninimula niya. "Two sides?" "I'm not an expert but I could also pay close attention to details." He says. "In the video, there were different shooters. Two sides." Inalala ko ang buong detalye ng video na pinanuod ko. Ang tanging maa-analyze ko lang doon ay ang katotohanang iyon ang footage ng pagpatay sa mga kakalase ko. Nothing else. I mean there's nothing there. Or there is. "Notice how the fire stopped a fracture of seconds before it continued." Iyon ay naalala ko. May ilang segundo nga na tumigil ang pagbaril. "Pero hindi ibig sabihin n'on na iba na ang bumabaril--" "Before the first batch stops, did you heard another gunshot while the other is shooting?" Alam kong hindi ko iyon maaalala kaya't umiling na lamang ako para ipagpatuloy niya ang pagbaril. "And that's not it, the pattern of the shootings is different. The first one seems has no practice, shaky, uncertain shootings. But the second one was fast, skilled, and seem to be hitting the proper direction." Namamanghang tinitigan ko siya pagkatapos niyang magpaliwanag. Siguro malalaman niya kung sino ang nasa video, ang suspek sa pagpatay sa mga schoolmate ko-- "I know that look." Bigla ay sinabi niya. "And no, I can't still identify who the new killer is." Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya. What a buzz kill! My hopes went up for nothing. He must have seen the disappointment on my face that's why he suddenly stood up and left me seating on the bench. Tigagal na tinitigan ko siya. Aya-aya siya ng date tapos biglang mang-iiwan! "Teka!" Lakad-takbo ang ginawa ko para maabutan siya. I got to him with his face as grumpy as ever. If we were a normal couple, which is not and is never going to happen, I would have laughed and pinched his cheeks. "Mayroon bang ka-date na iniiwan?" Tanong ko nang nakataas ang kilay. Hindi siya nagsalita sa tinanong ko. Kaya naman ang kaninang nakataas kong kilay ay lalong tumaas, kung posible man iyon. "Oo, meron, Victorique! Meron!" Sinagot ko na lamang ang sarili ko at nagmukha na akong tanga. Busy ako sa pagusmpa sa kanya ng tahimik kaya hindi ko napansin nang tumigil na siya sanhi oara ako ay biglang mabangga sa isang matigas na bagay. I looked up to see to found out that it was just him. "Why?" Takang tanong ko sa kanya dahil hindi ko alam kung bakit bigla siyang naestatwa. Alam kong hindi niya na naman ako sasagotin kaya't tinignan ko na lamang ang tinititigan niya. At the direction to where he was looking at I saw a middle-aged woman who was pulling a boy by his wrist. At ang mas ikinagulat ko pa ay nang paloin niya ang bata sa braso nito. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pasa na nakalagay sa mga kamay nito at sa may palad nito. Natigilan na rin ako sa aking kinakatayuan. Kawawa naman 'yung bata... The child was getting abused, and the passersby were just ignoring what was happening. I must at least stop the mother from beating the child. "Manang! Tigilan--" Hindi ko na natuloy ang balak na puntahan ang mag-ina nang biglang may humigit sa palad ko. "What are you doing--" "Don't--" My body was frozen in place when I saw how pale his face has suddenly become. I also noted his abnormal pants, like he was experiencing some kind of terror. His other hand moved from his temple and he seemed to be in conflict with something inside him. His expression was somewhere between in pain and anger. "T-they're--" Napaigik ako nang humigpit ang pagkakakapit niya sa palad ko. Ngunit hindi nagawang bulyawan siya dahil nanginginig at nanlalamig ang kanyang palad kaya't tuluyan na akong napabagabag. "Hindi ka na nagtinong bata ka!" Napatingin ako bigla sa mag-ina na nag-aaway nang sumigaw ang nanay. Ngayon ay madaming nang taong napapatingin sa gawi nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto kong pigilang ang nanay sa pananakit sa bata pero hinid ko din maiwan itong lalaking ito. I don't know whom I should go to. "Teka lang, pupuntahan ko lang--" "I said don't!" Nang nakasigaw na siya ay napaatras ako dahil sa gulat. "Hey, are you o-okay--" "Don't go," He said in a raspy struggling voice.  Ngayon ay hinawakan niya naman ang isa ko pang kamay, pinipigilan ako na makawala. "They're gonna kill you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD