__Victorique's POV__
AS soon as the nun who was with us heard that there was fire, she immediately alerted the whole foster house. Thank goodness that all of the children have successfully evacuated without getting anybody hurt. Agad din na nakarating ang tinawagan naming mga bumbero.
Pero ang nakakaasar ay dahil mga pulis din na pumunta para imbestigahan ang nangyari. Wala namang problema doon. Kaso, sumakto na naman na si Spencer ang isa sa mga in charge.
I was expecting him to be enraged and more specifically, not to be that quiet at all but it was unexpected when he met with me with a quiet and serious face. As if a person who ran out of something to say. Ni hindi ko nga inexpect na tahimik lang na yayakapin niya ako.
There was something odd, maybe it has something to with his actions but I felt his whole body shaking.
"Spencer, I--"
"I'll talk to you later, Victorique." Agap na pagputol niya sa iba ko pang sasabihin.
Hindi na ako nakaangal pa nang bigla niya akong hilain papunta sa kotse niya at isakay sa passenger seat. Baka mamaya niyan hindi niya mapigilan na singhalan kapag nagmatigas pa ako.
Ngumiwi ako nang maramdaman ang sakit sa aking magkabilang braso at likod. Kapag pipisilin ko pa iyon ay mas lalong sumasakit. Napagisipan kong iaangat ang manggas ng aking polo at halos napamura ako nang makita na nangningitim na ang balat ko. Ang laki pa ng pagkakaitim.
At sigurado ako kahit hindi ko man kita ang likod ko ay nangingitim na rin. Patay ako nito kapag nakita ito ni Spencer.
Tumingin ako sa gawi ni Spencer. Nakita ko na nakikipagusap ito sa mga kasamahan niyang pulis at sa madre na kasama namin kanina. I watched his expression changed from an anger about to burst from a chilling face, calming his self by taking episodes of breaths.
Napangiwi ako. Sigurado akong mabubulyawan na niya ako ng wala sa oras niyan pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng kotse. Napatingin ako sa aking braso at muling binaba ang pagkakarolyo ng aking mangas upang takpan ang pangingitim niyon.
Tumunog ang phone na nasa bag ko. I scanned the name. As soon as I found who was calling, I took the call and let out the sigh that I have been holding for so long.
"Yna, nasaan ka?" Tanong ko.
Hindi nito sinagot ang tanong ko, imbes ay iba ang sinabi nito. "You're depressed. You okay?"
"Okay lang." Sagot ko at muling huminga ng malalim dahil nagsinungaling ako. Kasi paano ako magiging okay? Mukhang magigisa na naman ako ni Spencer! At higit sa lahat masakit ang katawan ko. "Hindi pala. Hindi ako okay."
Hindi ko man nakikita ay alam kong tumatango na siya ngayon.
"And most of all the library."
Oo nga pala...
Hindi na namin makukumpirma kung anong email ang ginamit. Wala ding silbi ang pagpunta namin ngayon.
"Pauwi na ba kayo?"
"Yes, and Phearius is the who is nagging on my side."
I lazily smile and laid my head on the headrest.
"My side? Spencer, who else?" Sabi ko saka hinilot ang sentido.
"Good luck. We'll talk about this tomorrow, okay?"
Tumango na lamang ako kahit hindi niya ako nakikita at ang tangi ko na lamang narinig ay ang pagbaba niya ng tawag. Tanging line na lamang ang naririnig ko ngunit hindi ko pa rin inaalis ito sa aking tainga.
Somehow, I could still his face.
There was that pang pain once again. I wasn't supposed to feel this but I felt betrayed for some reason.
Naibaba ko lang ang phone nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon si Spencer. Hindi ako tumitingin sa kanya. Sa ngayon ay wala akong gana para tignan man lang o kausapin siya. Pikit-mata ko na lamang pakikinggan ang isesermon niya sa akin.
Pero labis na pinagtaka ko ang pananahimik niya. Ngunit hindi nalang ako nagsalita para hindi magsimula ang bangayan naming dalawa. I'm too exhausted to even move a muscle. Kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa buong byahe namin ng wala man lang umiimik sa aming dalawa.
May pa "talk-talk later" pa siya eh wala naman i-iimik.
Nagising na lamang ako na nasa kwarto na ako. Tahimik na ang paligid at ang tanging tunog lamang ng hinahangin na puno ang naririnig ko. Lumingon ako sa aking gilid at tinignan ang bag ko na naglalaman ng phone na nag-iingay. Mabigat at masakit pa ang katawan ko dahil kulang sa tulog kaya naman nagrereklamo na ito.
Lumaylay ako sa gilid ng kama ko at sinagot ang tawag pero agad din iyong nalaglag sa kamay ko. Sa aking inaantok na diwa ay kinapa ko sa baba ang phone at muling tinapat sa aking tainga pero static sound nalang ang narinig ko pagkatapos.
"Istorbo!" Mahinang singhal ko saka nilagay ang phone sa bedside table.
Muli na sana ako matutulog nang muli kong maramdaman ang simoy ng hangin sa balat ko. Masyado naman malamig sa balat ko. Hindi naman lalamig sa loob unless ay inopen ko ang--
Agad na nanlaki ang mata ko nang malaman na nakabukas ang bintana. Agad na napabalikwas ako ng bangon at sa ginawa kong pagkilos ay may namataan akong isang bulto ng tao na nasa tapat ko.
Agad na gumapang ang kilabot sa buong katawan ko at naisipang sumigaw.
"Mpphh!" Bago pa ako makasigaw ay natakpan na niya ang bibig ko.
Nagpumiglas ako sa hawak ng kung sino man ang nasa kwarto ko. Pero agad din ako unti-unting tumigil nang masamyo ko ang kanyang pamilyar na amoy.
"I-It's me."
Siya nga!
"Ano ba?!" I hissed. "Hindi ako makahinga!" Bulyaw ko saka inalis ang kamay niya sa bibig ko.
Saka ako nagmamadaling pinuntahan ang closet ko at mabilis na hinagilap doon ang baseball bat na tinago ko in case sa sitwasyon na tulad nito.
"D-diyan ka lang! H-huwag lalapit!" My voice shakily warned him as I searched my weapon without looking at my closet. I was busy guarding his next move, really glancing from direction to direction is too much work. "K-kung lalapit ka, i-ihahampas ko ang...ang..."
Nasan na ba yung putik na baseball bat na iyon?! Alam ko dito ko lang iyon nilagay, eh!
Then my head was frozen in place when I just remembered something. As far as I remembered there were one night when I pulled it out from my closet thinking that Alex might be outside the night when he called me by the phone.
"Patay..." I muttered without thinking.
Hindi bale na. Susubukan ko na lamang siya ihand to hand kombat!
My resolve were as hard as steel yet when I turned to kick his ass my fighting spirit is caught in my throat when suddenly his weight transferred to me. His head was on my shoulder, and even though it hurt my bruised shoulder, my heart was now the one trapped in my throat.
"H-hey--" My complaints were strangled and muffled when I felt him became more heavier. "What the heck are you--"
"It wasn't me."
Nabagabag ako sa tono ng boses niya. But there was this edge in his voice that somehow made my cheeks born. That huskiness somehow reminds me how he would moan whenever we.. do that thing. Hey, wait. Am I thinking those naughty thoughts?
"I-I'm not the one who sent that video." Muli ay nagsalita ito na nagpaangat ng aking paningin. Nabanggit niya ang video.
"What are you saying--" Suddenly I was shivering, his pants made delighting touches on my neck as he spoke once again.
"It was S-Steinz..."
My hands froze.
Unti-unting nanlaki ang mata ko hindi dahil sa dahilan na si Steinz pala ang nag-send ng video.
That is because of the liquid that I made contact on his abdomen when my hands touched him as an intention to push him away from me. Agad na napasinghap ako nang malaman na dugo iyon. Naparami niyon upang isipin na dugo iyon ng ibang tao.
"What happened? You're bleeding--"
"It wasn't me, It wasn't me." Paulit-ulit na sabi nito na parang nagre-recite na estudyante sa kanyang guro.
Mukhang hindi siya titigil hangga't hindi ako sasangayon kaya't marahan ko siyang binigwasan sa batok.
"Oo na, hindi na ikaw." Mahinang usal ko saka tinulak siya palayo sa akin.
As soon as I saw his limping and tired face my heart twitched in a pang of guilt. Guilty, because I was thinking that it was my fault that even if he got shot he still went here just to tell me that when all he should do is to go to the hospital and get himself treated.
But other than guilt, I was worried. It was odd. I hate him. But when he is this hurt, I don't know where is this hate is leading.
"Okay ka lang ba?"
Hinawakan ko ang magkabila niyang braso at niyugyog-yugyog siya. Because of what I did, his eyes were now starting to open even if it looked it is in pain for seeing anything.
"That's all I need to say..." Sa gulat ko ay bigla niyang pinalis ang aking mga kamay at tumayo kahit na maduwal na siya. "I need to go."
"W-wait--" Tumayo ako at pinigilan ko siya sa pagpunta pa sa bintana dahil malapit na siyang mauntog. Papunta na kaya siya sa gilid, hindi mismo sa bintana. "Wait!"
Bigla niyang sinandal ang ulo sa dingding. "D*mn!" He hissed quietly. "They are still whispering!"
"Ano?" Takang tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot at bigla na lamang siya napaupo sa sahig habang hinahawakan ang kanyang noo.
Doon na ako nataranta at dinaluhan siya ng mabilis pa sa kidlat.
"Teka lang, teka lang. Wait there!" Sabi ko saka mabilis pa sa kidlat na tinahak ang aking banyo kung saan may nakalagay pa na first aid kit. Hindi ko alam kung may natira pa kasi ito ang madalas na dinadala ko noo nung nagte-taek won do pa ako.
Saka ako bumalik sa kinauupuan niya at umupo sa tapat niya. Hindi na ako nag-isip pa ng manyak na bagay habang inaalis ko ang pagkakabutones ng kanyang polo shirt.
Napangiwi ako nang makita ang tawa sa kanyang tagiliran at mula doon ay masaganang umaagos ang dugo. Sh*t! Kumakalat na iyon sa sahig ko. I choose to ignore it and just focus on his wound. Muli akong bumalik sa banyo ko at kumuha ng basil at nilagyan iyon ng tubig. Kumuha na rin ako ng kung ano man ang makuha ko sa banyo at ginamit iyon sa pagsawsaw.
Nakita kong nakatingala siya sa ere nang balikan ko. Mabilis din ang kanyang paghinga at bahagyang kumukunot ang noo niya. Pero hindi malakas ang kanyang ungol.
Huminga ako ng malalim at nilapag ang basil sa gilid niya at piniga ang tubig at ginamit iyon sa paglinit ng dugo na nakapalibot sa kanyang sugat. Nahawakan ko pa ang mga pandesal niya-- Hinubaran ko pa siya ng maigi para maayos ko siyang mapunasan. Inalis ko ang jacket niya pati narin ang suot niyang polo. Tutal naman puti iyon at may dugo na, ginamit ko iyon sa diin sa sugat niya.
I felt him winced do I look at him. Baka patay na ang pasyente ko ng hindi ko nalalaman.
Nang makumpirma kong humihinga pa siya ay kinuha ko ang tweezer sa tools ko at ginamit iyon upang hilain ang bala na nakabaon sa tiyan niya. Nataranta ako nang biglang tumalsik ang dugo mula doon nang sa wakas ay maialis ko na. Muli kong tinagpan iyon ng polo niya para patigilin iyon sa pagdurugo.
"W-what are you doing?"
I almost jumped when I heard him talk. Tinignan ko siya at nakita kong nakadilat na pala ang mata niya at ngayon ay nakatingin sa akin.
"Obviously, treating your wounds." Sarkastikong sabi ko.
His forehead creased. "Me? The one who almost killed you?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga naman? What am I doing? Tinutulungan ko ang taong bumaril sa akin dati? If someone will see us and is knowledgeable about what happened between me and him, they might thing that I have completely lost my mind.
Bigla ay napaiwas ako ng tingin sa kanya. "You're a killer. And I'm not. I would definitely save a person."
Nanahimik siya bigla nang sabihin ko iyon kaya naman pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Kumuha ako ng alcohol at binuhos iyon sa sugat niya. Saka ako kumuha ng gasa at nilagyan iyon ng betadine. I was in the process of covering his wound when he suddenly chuckled. I looked up and met his grinning face.
"What's funny?"
His weak face were full of sarcastic humor. "If that's true, I was not a killer at times then."
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Nakaligtas ka na ba ng tao?"
Umiling-iling siya. "You won't believe me even if I tell you. What can I say? You see me as a killer."
Huminga ako ng malalim at pingpatuloy ang paggagasa sa sugat niya.
"Tama, mamamatay tao ka. That's why I hate you."
"So, you treat someone you hate?"
I rolled my eyes. Hindi ba siya mauubusan ng tanong?
"Yes, because I'm not a freaking killer!" Sabi ko na lamang at tinapos na ang ginagawa ko.
"You're easy to tease."
Pinanliitan ko siya ng mata, pero hindi na ako sumagot at nilagay na ang band-aid ko na may design na hello kitty sa gasa. I made a resigned face and pat the side of his wound softly.
"Now, you're good to live." Sabi ko saka ako lumingon sa mga kalat ko at mga ganamit ko sa paglinis sa sugat niya.
Hindi ko na din siya pinansin nang sipatin niya ang kanyang sugat. Maayos kaya ang pagkakalagay ko!
Hinagilap ko rin ang itim na jacket niya at binato iyon sa kanya.
"Ayan! Para hindi naka-display sa labas iyang hubad mong katawan kapag lumabas ka." Pagkasabi ko n'on ay sinarado ko na ang first aid kit ko.
"In case you haven't noticed--"
"Ano na naman?!" Asik ko sa kanya.
"Relax. I was just trying to let you know that what you used to wipe off the blood on my skin is--"
"Shut up and just go!" Mataray na sabi ko saka sinabit ang first aid kit sa braso ko at kinuha ang basil.
Nagdadabog na sinarado ko ang pintuan sa banyo ko at binuhos sa sink ang basil na may laman na dugo. Balak pa kasing mangasar, eh!
Nanggigigil na binato ang first aid kit ko sa sahig at kinuha ang sabon sa na nakalagay sa tabi ng sink at ginamit iyon sa pampabula.
"Tsk! Bakit ba hindi ko na lang siya iniwan at mamatay?!" Nanggigil na saad ko.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalaba ng cloth nang may mapansin ako bigla. Tinigil ko ang paglalaba at unti-unting binuklat ang tela na nasa kamay ko.
"Ahhh!" Isang malakas na tili ang pinakawalan ko nang makita ang hawak ko.
Walanghiya! Wala akong kamalay-malay na ang ginamit ko sa pagpunas sa katawan niya ay walang iba kundi ang panty ko! Wah! Nakakahiya!
"At hindi man lang nagsalita ang hudyo!"
Ano pa ang hinihintay ko? Contaminated na ang panty ko kaya itatapon ko nalang.
Tsk! Nakakailang manyak na sa akin ang lalaking 'yon!
Agad akong lumabas ng banyo para sana komprontahin ang hudyong iyon. Pero nang mabuksan ko na ang pinto ay nakita kong wala na siya doon.
Nanggigigil akong napapadyak.
Then I saw something on my bedside table. Nang lapitan ko iyon ay agad na nanlaki ang mata ko nang makitang panty ko iyon! Iyon yung panty na kinuha niya sa akin.
At sa desk ko ay may nakasulat doon gamit ang dugo.
I just thought that you might needing this now that you've used your other panty in treating me.
Aba't ang lalaking ito--
And I've already made Mang Konrad fixed it for you.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang sira nito dati. Talagang inayos na nga niya--
Natigilan ako nang makita na hindi lang ang sira ang inayos doon.
"Ahh! Mga manyak!"
And dati ba namang nakalagay doon na 'hello kitty' ay naging 'hello p***y'!