Chapter 22

3792 Words
__Victorique's POV__ "VICTORIQUE!" Wala na akong panahon para magtago pa. Nakita na niya ako, eh! Binilisan ko na lamang ang pagbaba sa hagdanan para hindi niya ako maabutan. "Ano ba?!" I shoved a students out of my way as I went for the stairs. Gusto ko sanang mag-sorry pero kasi titigil pa ako kung magso-sorry pa ako kaya nilagpasan ko nalanng sila. Makakalimutan din naman nila yung mukha ko. "Victorique!" Napapikit ako nang nakasigaw na si Spencer. Dahil doon alam kong nanggigigil na siya sa galit sa akin. Kahapon ba naman ako hindi nagpapahatid sa kanya. Laki na ng atraso ko! Nang sa wakas ay makapunta na ako sa ground floor ay hinagilap ko na sina Ynalee kung nasaan silang dalawa. Hinihingal na dumiretso ako sa gate at muling tumakbo nang marinig ko na ang mga yabag ni Spencer at patuloy na pagsigaw niya sa pangalan ko. Kasalukuyan akong tumatakbo nang biglang may huminto na van sa tapat ko at mabilis pa sa kidlat na nag-slide ang door. Hindi pa ako nakakabawi sa gulat nang may dalawang kamay na ang humawak sa akin at mabilis na inangat ako. Napasigaw ako sa bilis ng pangyayari. "Drive!" Sigaw ni Ynalee sa driver na walang iba kung hindi si Phearius. Ynalee closed the door with force before stumbling back after me. Hinihingal na hinarap ko siya at tiningnan ng masama. "Bakit ngayon mo pa kasi naisipan na puntahan 'yung lugar na iyon? Pwede namang next time na!" Bulyaw ko ngunit napahawak na naman ako sa dibdib ko kasi biglang sumakit ang tama ko. "The sooner the better. Diba ayaw mong may madamay na naman?!" Singhal niya naman sa akin saka inangat ang sarili mula sa sahig ng sasakyan at umupo sa seat. Ginaya ko siya at doon ay hinabol ang aking hininga. "Okay ka lang?" Tanong ni Phearius na nakatingin sa rearview mirror. "'kay lang." Sabi ko habang hinahabol pa ang hininga ko. Napapangiwi ako dahil sa hindi malaman na dahilan ay patuloy na kumikirot ang dibdib ko dahil sa sugat ko doon. Lumingon-lingon ako sa kabuuan ng van hanggang sa mapansin ko si Phearius. There was nothing particular about him really but... "Really? Why are you in pajamas?" Natatawang tanong ko kay Phearius. Phearius growled. "Blame Ynalee. Hinila niya kasi ako kaagad nang hindi pa nakakabihis." Reklamo nito. "On top of that hindi pa ako nakakaligo. What if there's a hot lady happen to pass by?" Umikot ang mata ko. "Chicks, chicks na naman! Akala ko nagtino ka na dahil may girlfriend ka--" "Ric-ric, break na sila." Napalingon ako bigla kay Ynalee nang in-announce niya iyon. Pinanlakihan ko siya ng mata hindi lang dahil sa gulat, dahil sinesenyasan ko siyang makiramdam. Nasa harapan namin si Phearius. "Bakit? Ano naman kasing nakakahiya doon? Mas mahiya siya dapat kasi nakakahiya kasma iyong lalakeng iyon. Aba, kung makita ko lang iyon baka nasabunutan ko na!" Kumunot ang noo ko nang may marinig akong parang mali. "Teka, Yna. Naguguluhan ka na yata--" "You heard me right." Ynalee raised an eyebrow. "Kasi ang sinyota ng magaling na lalaking iyan ay bakla pala." Wala kaming nakuhang reply mula kay Phearius. Nahiya na yata ang loko kasi wala man lang maisip na comeback. "Ang tindi ni karma, noh?" Pangaasar pa ni Ynalee. "Okay pa sana kung maging matandang binata ka pero maka-syota ng bakla ng hindi mo alam. Matindi talaga." "He's a transgender!" Tumango-tango lamang si Ynalee. "Pinagtatanggol mo siya? Mukhang naging malakas talaga ang tama mo sa baklang iyon." "He's a f*ck*ng transgender." "And you're a f*ck*ng machine. Great combination right?" Naisipan kong sumingit. "Yna, tama na. Kita mong nagdi-deal pa siya sa broken heart niya." "Hindi ako broken hearted!" I sighed. Mukhang pare-parehas talaga kaming abnormal. "Now I was forced to some with you two. Ano ba kasing gagawin niyo doon?" Ani nito na halatang binabago ang usapan. Kawawa naman at natatadtad na kaya sinagot ko na lamang siya. "Sa totoo lang nga may natanggap si Ynalee na video na nagco-contain nung nangyari sa school namin dati." "You mean the m******e?" Tumango ako kahit na hindi niya naman kami nakikita. Pero nung tinignan ko siya ay napansin kong nakakunot na ang noo niya. "At sinong sira ulo naman ang magse-send sa inyo n'on?" "Hindi namin alam. Kaya nga pupunta kami sa bahay-ampunan na iyon para malaman." Nambasag pa kasi itong isa kaya lumingon sa amin saglit si Phearius para itaas ang kamay at nag-aktong susuntokin si Yna pero hindi iyon tinuloy ng lalaki at pinagpatuloy ang pagmamaneho. "So..." Huminga ng malalim si Phearius. Marahil ay pinapakalma ang sarili. "Ibig sabihin ba ay may kinalaman sila sa nangyari sa school niyo?" Nagkibit-balikat si Ynalee. "Maybe yes, maybe not. Kasi pwedeng doon niya lang sinend." Sandaling nanahinik si Phearius nang sabihin iyon ni Ynalee. Ako naman ay lumingon kay Ynalee at nagtanong gamit ang mata kung okay lang ba na idamay namin si Phearius sa pinaggagawa namin. Tumaas lang ang magkabilang kilay nito na sinasabing mag-relax lang ako. Pero no exact answer para sa tanong ko. "Girls, I hope you understand by now that what you're doing is dangerous. I mean why don't you just leave this to the police--" "Baka hindi natin alam na may kasangkot pala na pulis dito. Mas lalo lang kami mapapahamak. Besides there is no one else we could trust except you." Nagpalingon-lingon ako sa paligid nang bigla akong makaramdam ng malakas na hangin sa paligid. Mali hindi pala iyon hangin, aura pala iyon ng kayabangan. "Of course, I am trustworthy." "Wrong. We're just so trustful." Ynalee said. "Anong sinabi mo?" "Guys!" Bigla kong singit. "Baka nakakalimutan niyo na nandito ako. Isama niyo naman ako sa away niyo." Sarkastikong saad ko. Nasira lang ang pag-aaway naming tatlo nang biglang tumunog ang phone ko. Nasa shoulder bag ko iyon kaya't kinalkal ko ang shoulder bag ko at tinignan kung sino ang tumatawag. "Kung si Spencer 'yan huwag mo nang sagotin." Mataray na saad ng babaeng ito. Laki talaga ng galit ng babaeng ito kay Spencer. "Kailangan ko siyang sagotin, alam ko madami na iyong tanong." Tumaas ang isa niyang kilay ngunit hindi na niya ako pinigilan pa at hinayaan akong sagotin ang tawag. "Spencer--" "Nasaan ka?!" Aysus! Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko nakasigaw na siya! "Ano ba?! Bakit ka galit?!" Reklamo ko. "Bakit sa tingin mo galit ako? For God sake's Victorique, kahapon pa kita hinid ma-contact and on top of that nagpupunta-punta ka pa sa kung saan-saan ng hindi ko alam! Paano kung mapahamak ka?! Paano kung makidnap ka..." Nilayo ko ang phone sa tainga ko dahil mukhang daig niya pa si mama sa haba ng sermon. Ang lakas pa ng boses, hindi kaya gasgas na ang lalamunan ng lalaking ito? Nang muli kong binalik ang tainga ko sa phone ay pinutol ko na ang iba niya pang balak na sabihin at nagsalita. "Okay, una sa lahat, okay lang ako Spencer." "You're okay, for now. Pero mamaya paano kung may mangyaring masama sa'yo?!" Ngumiwi ako. "Ano ba Spencer, ang exaggerated mo namang mag-react." "I am exaggerated because you are my fiancee!" Medyo natigilan ako nang sabihin niya iyon. I almost forgot that for a moment. Na parang hindi ganoon kaimportante ang engagement naming dalawa. "Pero, alam mo namang kaya ko rin protektahan ang sarili ko. Remember? Nag-aral ako ng self-defense." Pagpapalubag loob ko sa kanya. "Kayang protektahan ang sarili mo? Even if you can, admit it, you're still a woman. You're weak also, Victorique!" Para akong sinuntok sa sinabi niya. That triggered my emotion that I felt so immature and childish all of a sudden. And for the first time since I had a crush on him, I became angry at him, genuinely. "Anong sinabi mo?! Mahina? Ako? Porket babae ako mahina ako? Ganoon na ba tingin mo sa mga babae?!" Bulyaw ko habang nanginginig na hinihigpitan ang pagkakahawak sa phone. Bigla itong nanahimik sa kabilang linya. Marahil ay nagulat dahil ngayon ko lang siya sininghalan ng ganito katindi. "Are you...mad?" Biglang nagiba ang tono ng boses nito ng muling magsalita. Ngunit hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ang gusto kong sabihin. "I'm not weak, Spencer. Papatunayan ko iyan sa'yo." I'm so sick of them saying that I am weak. I really hate it when boys never leave that stereotyping when it comes to girls strength. "Look. I'm sorry, Victorique. Can you just tell me where you are going--" "No!" Sigaw ko saka pinatay na ang tawag. Kapag galit ako sa kanya huwag na siyang magpapakita sa akin at baka magkandarapa lang ako na patunayan sa kanya na malakas ako sa pamamagitan ng pag-karate chop ko sa kanya! Lumingon ako sa kamay ko. Oh, yeah. I almost forgot. I quit being a fighter since I was shot. Thinking back I never really held a gun since then. Tapos ang tapang kong sabihin na hindi ako mahinang babae. Maybe I was weak but I kept telling myself that I was strong. "Go on, don't hesitate." Ynalee muttered all of a sudden. "Take off that engagement ring." Sumimangot ako sa kanya pero napatingin nga ako sa engagement ring ko. "This was just a petty fight. Magkakaayos din kami--" "--basta mag-sorry siya sa'yo." Putol ni Yna sa iba ko pang sasabihin. "Mag-sorry siya dapat ng libo-libo. How dare he call you a weak woman." Kumunot ang noo ko. "Narinig mo sinabi niya?" Umiling siya at tumingin sa akin. "I just analyzed from what you just said earlier. You're being challenged again." Then she smiled. "For me, Victorique who is being challenged is really good to see. It really feels like you're back to normal." Tumigil ako sa aking ginagawa at tumingin sa kanya nang sabihin niya iyon. Her smile was still there, as if she was admiring that side of me that really looked stubborn to others. If only all people were just like Yna. Life would have been better. "Uhm, nandito na tayo." Sabi ni Phearius at tumikhim pa. "At saka hoy, hindi ako isa sa mga lalaking iniisip na mahina ang mga babae." Nagkatiginan kaming dalawa ni Yna. I completely forgot that Phearius was in fact here, listening to me and Yna. Natamaan yata ang loko. "Pero isa ako sa mga lalaki na iniisip na mahina ka--" "Manahimik ka nalang!" Bulyaw ko. Binuksan ni Yna ang pintuan ng van at bumaba. Yumukod na rin ako ng bahagya at bumaba ng van at sinara na ang pintuan. Medyo naglikha pa ng tunog dahil napalakas ang pagkakasara ko. "Phew, mukhang hindi ako fit in dito." Sabi ni Phearius pagkababa mula sa driver's side. "Masusunog yata ako." "Kaya maghanda-handa ka na." Pag-aagree ni Yna saka ako nilingon. "Diba, ito yung agency na napunta sa inyo ni Elle? Alam mo ba kung saan naka-locate ang device nila kung meron man?" Tumango ako. "Meron silang isa. Sa library nila." "Nice, ano kayang password ng wifi nila?" Parehas naming nilingon si Phearius na hinahanda na ang phone at ino-open na ang wifi. "No using of gadget, Phearius." Saway ko sa kanya. "Pwede ba? You sound just like my teacher back at high school. Would you at least allow me to post an update on my twitter." "Sige. Siguraduhin mo lang na 'yung tungkol sa bakla mong syota iyong i-post mo." Tumigil si Phearius. "Respect me a little would you? I'm two years older." "Well, I'm not a fan of stereotyping." Nang nauna na siyang naglakad ay nagkatiginan kaming dalawa ni Phearius. Ngumiwi nalang ako at nauna na rin. Nakasunod sa aming dalawa ni Ynalee si Phearius at tahimik na naglalakad. Marahil ay nabad-trip. Kinalimutan ko na lamang iyon at tinignan ang kabuuan ng bahay-ampunan. Napangiwi ako nang mapansin na ang creepy pala ng lugar kapag madilim. Idagdag pa ang full moon na nasa langit na nagsisilbing ilaw dito. Typical horror setting! Ang creepy! At hindi pa doon nagtatapos ang lahat. Nakadagdag sa creepiness ang katahimikan. Umeksena pa ang malakas na hangin na nagpagalaw sa swing at siso. It's like we are no entering a hunted house. "Anong ipinunta niyo dito?" "Ay kabayo!" Napasigaw ako nang biglang may nagsalita sa likuran namin. Nilingon namin siya. "Anong maitutulong ko sa inyo?" Agad akong napabuga ng hangin nang malaman na madre pala ang nasa likod namin. "U-uhm ano, ahh--" "Maga-ampon kami ng anak." Phearius and I looked at Yna like she was out of her mind. Diretso lang ang tingin nito sa harapan namin. "Um, kayo po? Sino pong asawa--" Napatingin naman ako sa kamay ni Yna nang abutin nito ang kamay  ni Phearius at hilain palapit sa kanya. Don't tell me silang dalawa ang maga-aktong mag-asawa. "Siya, siya ang fiancee ko." Straight face na sabi ni Yna. Ngayon ay palipat-lipat na ang tingin ko sa kanilang dalawa at sa kanilang magkahugpong kamay. "Ano po ang rason niyo sa pag-ampon--" "Baog siya." Muntikan na akong matawa nang idagdag iyon ni Yna. Kung hindi lang nga namin kaharap ang madre ay nagpagulong-gulong na ako sa sobrang tawa. Pati din ang reaksyon ni Phearius, priceless. "Ah, sige po. Sundan niyo nalang po ako." Habang sinusundan namin ang madre papasok sa bahay ampunan ay narining ko ang bulungan nila Yna at Phearius. "Bakit mag-asawa tayo?" Pagalit na tanong ni Phearius. "Ako nga dapat ang magalit, pero syempre wala na akong maisip para makapasok tayo. Ikaw may masa-suggest ka ba?" "Okay lang sana. Pero sa dinami-rami ng binaog mo, ako pa!" I giggled silently. Grabe naman makaisip ng plano itong si Ynalee. Hindi pa nangsasabi kaya ang resulta niyan ay nagugulat kami. Pero hindi pa rin talaga ako maka-get over doon sa baog thingy. Tumikhim ako at hinarap silang dalawa. "Wala na tayong magagawa kasi nangyari na--" Muli akong natigilan dahil lumalabas na naman ang panibago kong tawa. "Natutulog na ang mga bata. Susunukan ko silang gisingin para makapili kayo." Magalang na saad ng madre. "At saka kakailanganin kong ipaalam ito kay Mother Superior." Naglalakad kami sa kabahan ng pasilyo ng bahay-ampunan nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ito kaya't tinawag ko ang madre. "Ah, Sister...uh...nasaan po ang CR niyo dito?" Tanong ko ng nakangiti. Agad naman akong nilingon nila Yna at tinignan na parang hindi ako sumusunod sa plano nila. Alam kong panira ng plano ito, pero kailangan ko na itong ilabas, asap. "Sundan mo nalang ako dalagita." Kumunot noo ko. Dalagita? Ako? May fiancee na kaya ako. Porket naka-school uniform lang ako. Nang tumalikod na kami ay ramdam ko ang matalim nilang tingin sa akin. Oo na, ako na ang panira. Taga-sabotahe talaga ako ng plano. Pero thinking back, wala naman nasabing plano si Yna. Well, bahala na nga. Kailangan ko lang naman ng ilang minuto. Kasalukuyan akong naghuhugas ng kamay. Katatapos ko lang mag-dispose ng atomic bomb. Mayado pong malakas at nakakhiya naman. Buti nalang may dala akong perfume para ma-cover man lang ang bad smell. Buti nalang dinala ni Eros. At least nagamit ko ngayon. Nang lumabas na ako ng CR ay natulala ako sa mahabang hallway. Sh*t! Saan nga ba kami dumaan? Pinauna ko na kasi kanina ang madre dahil nahihiya ako. At saka para matuloy din nila Yna iyong plano. Di bale na, may sense of direction naman ako kaya I will find my way nalang. Pero sa totoo lang nga nakakalula ang laki ng bahay-ampunan na ito. Ang tahimik pa kapag gabi. Lalagpasan ko na sana ang isang nakabukas na pintuan nang mapansin ko na may nakasinding ilaw doon. At hindi lang iyon... Nang buksan ko ang nakasiwang na pinto ng dahan-dahan ay napagmasdan ko ang kabuuan nito. Namangha ako nang makita ang naglalakihang shelf na may laman na mga libro. Pati ang second deck ng naturand library ay punong-puno ng mga libro. Hindi ko aakalain na ganito pala karami ang libro nila! Eksayted akong pumunta sa ilang libro na nandoon at binasa ang mga pamagat. Pero na-disappoint ako nang malaman na puro children's book, educational books, at bible books lang ang nandoon. Aalis na sana ako nang may mahagilap ang aking mata. Binalikan ko iyon at binasa. Psychology... At last, ang libro na makakainteres sa akin! My gosh! Hinugot ko iyon at nilagay sa isa kong kamay para pamsuporta sa pagsandal sa may tiyan ko nang bigla kong makita ang isa pang libro na nakadulo, kung saan ko pinagkuhanan ang Psychology. Na-curious ako kung ano iyon kaya hinugot ko iyon mula sa loob. List of Adopted children... Binuklat ko iyon at pinasadahan ng tingin ang mga bata doon. Nakalagay na rin dito kung ano ang history ng bata pati kung sino ang nag-adopt sa kanila. Fully detailed ang lahat. Patuloy kong tinitignan ang mga bata doon hanggang sa may makita akong isang babae. Parang pamilyar kasi sa akin ang mukha nito. Pero nang pasadahan ko ng tingin ang pangalan nito ay hindi ko naman ito kilala. "Saan ko nga ba siya nakita?" Binasa ko ang detalye ng bata. Nalaman ko na may kapatid siya na madre ngayon dito. Bubuklatin ko na sana ang isa pang pahina nang may maamoy ako na kakaiba. Noong una ay hindi ko iyon pinansin. But that scent reminds me of a burnt rice. I was frozen in place. May nasusunog! Nilagay ko sa bag ko ang libro at tinignan kung saan ang nasusunog na iyon hanggang sa makakita pa ako ng ibang liwanang sa paligid. That's when I realized that the whole place were now burning. Nanlaki ang mata ko nang halos lamunin na ng amoy ang buong library. Agad akong naubo nang nakalanghap ako ng usok mula sa apoy. Hindi na ako nagpa-tumpik-tumpik pa at tinakbo ang lugar papunta sa pintuan ngunit lalo akong nagulat nang makita kong may isang shelf na natumba at humarang sa pintuan na daraanan ko. At isa pang pinagtaka ko ay ang pintuan. Kanina nakabukas lang iyon pero ngayon ay nakasara na. Kinabahan ako nang muli kong nilingon ang sunog. Nagpa-panic na ako pero sinubukan kong paganahin ang utak ko. Kinuha ko ang mineral water ko sa bag ko at pinambuhos iyon sa buo kong katawan at tinapon ang plastik bottle. Kinuha ko rin ang phone ko at dinial ko ang number ni Yna. Agad naman siyang sumagot after ng tatlong ring. "Ano ba Ric-Ric, nasan ka na--" "Yna! Yna!" Pasigaw na tawag ko sa pangalan niya. D*mn! Look who said to not panic? "Yna tulungan mo ako!" "Ric-Ric? Bakit, anong nangyayari?!" "Tulungan mo ako, may sunog, may sunog!" Nagpa-panic na sigaw ko. Ayaw kong umiyak pero kusa na iyong bumaba sa aking mata. "Ano?! Sunog?! Ric-Ric, nasan ka ba?" Pati ang boses nito ay natataranta na. "Ric-Ric nasan ka?" "N-nasa library ako ngayon! Bilisan mo!" "Sige, sige. Huminahon ka lang papunta na kami diyan!" Iyon lang at binaba na nito ang tawag. At ako naman itong si tanga walang magawa kung hindi ay maghintay sa kanila. Sinubukan kong huminahon pero nang muli akong lumingon sa parte ng library na unti-unti nang nilalamon ng apoy ay muli akong nataranta. Walang mangyayari kung maghihhintay lang ako sa kanila. Kaya't naisipan kong buhatin na lamang ang bookshelf na natumba. It's heavier than I thought. Pero kahit na ganon ay sinubukan ko pa rin ito na iangat. Pawis na pawis na ako at madami na akong nalalanghap na usok. Pero dahil na rin yata sa kaba kaya't nagawa ko iyong maiangat. Alam kong hindi ako si superwoman para tuluyan iyong maialis. Kaya nang magkaroon ng siwang para paupo akong makalusot ay agad akong yumuko at dumaan sa siwang habang binubuhat pa rin ang shelf. Agad akong hiningal nang sa wakas ay makatawid na ako. Binitawan ko ang mabigat na bwiset na shelf bago ako tumayo at tinakbo ang pintuan. Hindi naman iyon naka-lock. Pero ang hindi ko ma-gets ay hindi ko iyon matulak-tulak. Ang hula ko ay may nakaharang sa labas kaya't hindi na ako nag-isip pa. Ginamit ko ang aking katawan upang maitulak ang nakaharang sa labas. Unang tulak pa lang ay nanakit na ang braso ko. Pero hindi ko iyon alintana dahil sa pagmamadali at muli kong binagga ang pintuan. Pauluit-ulit hanggang sa magkaroon na ng siwang. Kaso lang nga pagod na pagod na ako at nananakit na ang buong himaymay ng katawan ko. Muli kong nilingon ang lugar kung saan unti-unti nang naghahari ang apoy. Palapit na iyon sa aking gawi kaya binilisan ko na ang pagbangga sa pintuan. One strong force, I finally went out of the library. Nang makalas na ako ay kasabay kong lumabas ang usok. Nahulog ako sa sahig ngunit agad ko ding pinilit na tumayo. Kailangan kong ipaalam sa iba ang nangyari-- Agad na nanlaki ang mata ko nang sa paglingon ko sa gilid ay makita ang isang tao na nakatayo doon. I didn't expect him to be here. Tulad ko ay nanlalaki rin ang mata nito at hingal na hingal. "I-ikaw..." Why is the devil here? Bakit siya nandito? Bakit... Nilingon ko ang nasusunog na library at pabalik sa kanya. Pinagtugma-tugma ko ang mga pangyayari. Hindi kaya siya ang nagsimula ng sunog dahil alam niyang balak kong pumunta dito para malaman kung sino ang nag-send sa amin nung mail? Maaaring may ebidensiya din na nakatago sa library base na rin sa nakita kong nakatago na libro. He was trying to get rid of the trace! And he won't do this kind of thing if he isn't really the one who sent that file. But he said that he wasn't that one that-- Agad ba akong naniwala doon? Naglakad siya palapit sa akin at sinubukan akong hawakan. "Are you--" "Liar!" Akusa ko sa kanya na agad na kinagulat niya. "What?" "Bakit kailangan mo pang gawin iyon? Nandamay ka pa ng inosenteng tao! Tapos ngayong pinakita mo sa akin 'yung footage anong gusto mong patunayan?!" Bakit ba parang kumikirot ang dibdib ko nang malaman ang bagay na ito? Nang malaman na parang pinaparusahan niya ako. Ang pakiramdam na parang galit sa akin ang taong ito?  Na parang wala siyang ibang balak na gawin kung hindi ay paglaruan at ipahamak ako pati na rin ang mga tao na nakapaligid sa akin?! "I don't know what you're saying!" Hindi ko napigilan ang sarili ko at binigyan siya ng suntok sa mukha. He almost lost his balance but before he could look at me once again I threw another punch at his face that made his body hit the table next to us. At muli ko pa siyang sinuntok na sanhi para mahulog siya sa sahig. Agad akong dumagan sa kanya at hinawakan siya sa leeg at inangat ang aking kamay upang bigyan pa siya ng isa pang suntok pero agad na niyang nasangga ang kamay ko at sa mabilis na kilos ay hinablot niya ang isa kong kamay na nakahawak sa kanyang leeg saka ako tinulak upang ako naman ang nakahiga sa sahig at siya naman ang pumaibabaw sa akin. "Would you f*ck*ng calm down and--" "Paano ako mag co-cool down?! Kung nasa harapan ko na ngayon ang gagong pumatay sa mga schoolmate ko?!" Natigilan ito sa paghawak sa akin at unti-unting napatayo. "What the f*ck are you saying?!" Agad akong tumayo at nanguha ng pwedeng maibato sa kanya. Nang makuha ko ang lamp shade ay agad ko iyong hinagis. "Gago! Tarantado! Demonyo! Umalis ka sa harapan ko!" I f*ck*ng hate you! Hingal na hingal na napatigil ako nang mapansin ko na biglang may tumulong dugo sa kanyang ulo mula sa binatuhan ko. I knew he was in pain, that's why suddenly I had no idea what I should feel. Or the confusion of what next I should be feeling. Am I worried? "Aren't you misunderstanding something?" Sabi lang nito habang pinupunasan ang dugo. Nanatili ako paralisa sa aking kinakatayuan. In an instant, my anger vanished, I was only focused on that feeling of guilt and sympathy. "Ric-Ric!" Doon lang ako nagising nang marinig ko ang boses ni Yna. Nilingon ko sila. Both of them were hurrying towards my direction. "Okay lang ako!" Balik sigaw ko sa kanila at muli siyang nilingon. I looked back at no one else. He wasn't there anymore. He went out of my sight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD