Sea breeze

1211 Words
Chapter 15: Seaside and a Call Shunem's POV Pagkababa namin ng rooftop cafe, akala ko diretso na kami pauwi. Pero hindi ko namalayan, bigla na lang kami nasa gilid ng dagat. "Saang lupalop na ba to?"bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa paligid. Ang ilaw ng city malayo pa, pero naririnig ko na yung alon. So oo, nasa city pa rin siguro. Ang hangin ang presko. Tinatangay yung buhok ko, nagpapalamig sa pisngi ko na mainit pa kanina dahil sa kwentuhan namin sa rooftop. Ang tahimik ng gabing to'. Magkatabi kami ni McNeille na naglalakad. Walang nagsasalita. Pero okay lang. Yung naririnig ko tunog ng sapatos niya at sandals ko sa buhangin, yung paghampas ng alon, nakakarelax. Busog, tahimik, at parang ang gaan ng pakiramdam kasi wala kaming pinipilit pag-usapan. Hanggang bigla syang nagsalita. "May itatanong ako," basag nya sa katahimikan. Seryoso yung boses. Bigla akong napatigil. "Hmm," sagot ko lang. Yun lang talaga lumabas. Tiningnan ko sya. Yung mukha nya, biglang naging heavy yung aura. Parang may binubuhat na matagal na nyang ayaw bitawan. "Madali lang bang magpatawad?" tanong nya, tapos tumingin sa kawalan. Sa dagat. Sa malayo. Parang doon nya hinahanap yung sagot. Biglang bumigat yung hangin. Siguro Papa nya ang tinutukoy sa tanong na iyon. Yun agad pumasok sa isip ko. Si Lily minsan nabanggit, bigla raw iniwan sila ng papa nila nung bata pa sila. Walang paalam. Walang paliwanag. Kaya siguro ganyan sya ngayon. Parang may galit na nakabaon. Walang seryosong relationship. Hindi ko sinagot agad. Kasi ano ba isasagot ko? "Oo, madali lang"? "Hindi, mahirap"? Parehong hindi tama. "Alam mo ba, ang stars… ilang bilyong taon sila nabubuhay," sabi ko habang nakatingala. "Pero kahit ganoon, may ending pa rin sila. Namamatay sila pag panahon na nila." Naramdaman kong lumingon sya sa akin. Ngumiti sya. Kahit out of topic ako. "Oo alam ko," sabi nya. "Topics about celestial bodies interest me most." Buti naman. Kahit papano, nakakuha ako ng ngiti. Lumunok ako, tapos nagpatuloy. Gusto kong gawing magaan yung usapan kahit papano. "Yun naman pala," sabi ko. "Tulad ng mga bituin, tayo may hangganan rin. Masyerte nga yung stars, umaabot sila ng daang libong taon. Eh tayo? Ang ikli lang ng panahon. Imagine kung 50 years lang tayong mabubuhay sa mundo, tapos 15 years nating pasan yung hatred. Ang laking binawas sa mga panahon na dapat masaya tayo." Mahabang lintanya ko. Parang lahat ng nasa isip ko, lumabas dun. Tahimik lang sya. Nakikinig. Hindi niya pinutol yung sinasabi ko. Kaya mas lalo akong nagpatuloy. "At tsaka," sabi ko, mas mahina na. "Pag nagmamahal ka, dapat kang masanay na magpatawad. Dun mo malalaman na tunay kang nakakaramdam ng pag-ibig… pag nasasaktan ka, pero nagpapatawad ka pa rin." Tahimik ulit. Pero yung katahimikan ngayon, hindi mabigat. Parang may nabawas sa bigat nya. Parang nakahinga sya. "Tama ka nga nam---" akma na sanang sasagot sya. Biglang tumunog phone nya. Click. Parang may switch na napindot. Nagbago agad yung mukha nya. Yung ngiti niya kanina, wala na. Pinalitan ng seryosong mukha. Halatang pinipigil yung galit. "Sandali lang," sabi nya sabay layo ng konti. Sumagot sya sa tawag. Hindi ko marinig yung kausap. Pero naririnig ko boses nya. Mababa. Matigas. "Huwag mo na akong tawagan sa ganitong oras." "Wala akong oras para dyan." Tatlong minuto lang yun. Pero parang tatlong oras. Nakatayo lang ako dun, nakatingin sa alon, habang naririnig ko yung galit sa boses nya. Nung bumalik sya sa tabi ko, iba na sya. Yung mata nya malamig na ulit. Yung panga nya mahigpit. Wala nang ngiti. Hindi na sya nagsalita. Ako rin. Umuwi na lang kami. Tahimik buong biyahe. Tahimik hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Nag-"thanks for tonight" lang ako. Nag-good night. Tumango lang sya. Hindi na nagdagdag ng anumang salita. ________________________________ Kinabukasan. Nakatulala ako sa sala habang nanunuod ng TV. Pero yung utak ko? Lumilipad. Hindi sa eksena. Hindi sa boses ng mga artista. Kundi sa reaction ng mukha ni McNielle kagabi. “Ate Shunem, kumusta yung date niyo ni kuya?” Masayang tanong ni Lily sabay tabi sa akin. “Date? Grabeng date yun ah. Di ako nainform tapos ikaw---” inirapan ko siya. “Bakit di mo sinabi na date pala yun? Parang kidnapping ang dating sa akin,” himutok ko sa kanya. Ngumiti siya, pero may pag-aalala sa mata. “Eh may ginawa ba si kuya na di mo nagustuhan?” “Wala naman,” sagot ko. Buntong-hininga. Wala naman… pero yung ngiti ko kanina, parang dahan-dahang nalulusaw. “Oh yun naman pala,” sabi niya habang kumakain ng chichirya at naglilipat ng channel. “Bakit ganyan yung mukha mo?” at pasimple niyang akong sinuri. “Ewan ko,” sabi ko, pilit na tumawa. “Teka lang, at kailan ka pa naging boto na maging close kami ni McNielle? Dati di mo siya ipinapakilala sa akin. Ngayon halos ipagtulakan mo na ako,” takang tanong ko. “Dati yun,” inosenteng sagot niya. “Pwede namang magbago yung tao, ano?” “Talaga lang?” Agaw ko yung chichirya niya. Duda ako sa kinikilos ng batang ‘to. “May itinatago ka sa akin, Lily?” “Wala ah,” ngiting alanganin niya. Yung ngiti na pamilyar na pamilyar sa akin. Yung ngiti na ginagamit niya pag may tinatago siya. “Ate, may magandang bagong series ngayon ng C-drama. Manood na lang tayo,” paglilihis niya ng usapan. “C-drama? Diba K-drama hilig mo? Ngayon Chinese drama na?” “Pareho lang naman na gwapo ang mga leading men kaya okay lang yun,” masaya niyang sabi. Tumawa ako. Mahina lang. Pero paglingon ko sa TV, wala akong nakikita. Kasi bigla kong naalala. Yung tawag kagabi. Yung tono ng boses niya, galit, hindi ko pa narinig sa kanya dati. Hindi ko pa talaga siyang lubos na kilala. Si Lily lang ang nag-ayos ng almusal kanina. “Maaga umalis si Kuya,” sabi niya. “May inaasikaso daw sa business niya.” Business. Business lang ba talaga yun. Pero bakit iba yung pakiramdam ko, or baka nag-o-overthink lang ako. Wala sa sarili akong nailing. “Ikaw ata ang may tinatago sa akin, Ate,” pangungulit ni Lily habang nakatitig sa akin. “Nag-kiss na ba kayo ni Kuya? Ang lutang mo kasi ngayon,” pang-aasar niya pa, may ngiting hindi maitago. Napailing ako at ibinalik ang tingin sa TV. “Lily, walang ganun', okay? Nag-dinner lang kami tapos pumunta sa seaside para magpahangin,” sagot ko. “Talaga? Tapos ano pang nangyari?” tanong niya, sabik na sabik. “Tapos… tapos na ang usapan,” sabi ko sabay tayo, sinusubukang takasan ang usapan. “Eh, Ate, ang daya mo!” sabi niya sabay hatak sa akin pabalik ng upo. “Yung pinagawa sa’yo ni Mr. Tolentino na project, natapos mo na ba?” bigla kong palit ng usapan. “Hindi pa,” sagot niya, tila naiinip na. “Eh di tapusin mo na. Ako rin may mga sketches pa akong tatapusin, tapos may presentation pa ako sa Tuesday,” sabi ko, ginagaya ang taktika niyang paglihis ng usapan. “Eh, umandar na naman ang pagka-graphic artist mo,” pout niya habang naka-cross arms. Wala na siyang nagawa kundi manood na lang mag-isa sa sala. Dahil iniwanan ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD