Chapter 14: White dress and Navy Blue button-down
Shunem’s POV
Beep--beep--beep---
Kinapa ko ang cellphone ko. Ano na bang oras.
6:00 in the morning. Sabado. Laba day.
Dapat nagpapahinga ako ngayon, pero ang aatupagin ko ay tambak na damit.
Buti na lang may washing machine. Mas napapadali ang buhay ng mga katulad kong puro trabaho ang inaatupag.
Lumabas ako pagkatapos maghilamos.
Yung terno kong strawberry print na pantulog, cute pa rin sa’kin.
Di naman siguro ako magmumukhang dugyot kung lalabas ako nito sa sala.
Kasalukuyan akong nagtitimpla ng gatas.
Si Lily mukhang tulog pa.
Nauna siyang nakauwi kahapon dahil may bibilhin siyang K-pop merch.
Iba talaga ang utak ni Lily. Mababaw na kaligayahan, pero mahal ang presyo.
Tok. tok.
May kumakatok.
Sino kaya yun? Ang aga naman kung parcel delivery.
Di rin ‘to si McNielle. Umuwi siya kagabi.
Binuksan ko yung pinto.
At ang ngising aso na si Henzyl ang bumungad.
Tinanggal niya yung sunglasses niya at bago pa ako makareact, buhat na niya ako.
“Shunem baby, na-miss kita!!” exaggerating niyang sabi.
Yung boses, malakas. Yung braso, mahigpit. Parang wala siyang pake kung buong buong barangay makarinig sa kanya.
“Henzyl, baliw ka! Ibaba mo’ko!”
Mahina pero may diin kong sabi. Pero wala. Parang feather lang ako sa kanya.
“Ayaw. Bakit di ka nag-update na lilipat ka kina Lily?” karga pa rin ako.
“Mapapatay kita sa ginawa mo!!” pagpupumiglas ko habang karga niya ako.
“Ehem!!”
Tila kulog na pagtikhim ng isang boses.
Yung boses na kilala ko.
Pareho kaming lumingon ni Henzyl.
Nasa dulo ng hagdanan si McNielle.
Nakaligo na. Basa pa yung buhok. May tuwalya sa ulo at gray sweatpants lang ang suot.
Yung panga niya, mahigpit. Yung mata, diretso kay Henzyl na parang sinusukat kung ilang segundo bago siya manuntok.
“Ibaba mo si Shunem,” seryosong command niya.
“Ngayon na. O ako mismo papatay sa’yo.”
Si Henzyl? Chill lang.
Parang hindi niya narinig yung banta.
“Why would I? Na-miss ko si Shunem. Di naman siguro bawal na maglambing,” pang-aasar niya kay McNielle.
Nakangiti. Nakaloko. Yung tipo ng ngiti na sinasadya para inisin.
Yung tenga ni McNielle, pumula na.
Yung aura niya, mabigat. Yung tipong isang mali lang na salita, may lilipad na kamao.
Ako? Hindi makareact.
Ang tibay kasi ni Henzyl. Ngayon ko lang na-appreciate yung benefits ng pagpunta niya sa gym.
Hindi ako makawala. At habang karga niya ako, ramdam ko yung titig ni McNielle na parang sinusunog ako.
Akmang bababa si McNielle ng hagdanan.
Mabagal. Pilit na kinokontrol yung sarili.
Biglang bumukas ang pintuan ni Lily.
Nagkatinginan kaming apat.
Si Lily, tulala.
Buhok magulo.
Halatang bagong gising.
Palipat-lipat ng tingin sa’min.
Tiningnan niya ako ulit at binigyan ng “Anong nangyayari?” look.
Sinalubong ko siya ng “Tulungan mo’ko” look.
Agad namang naunahan ni Lily si McNielle sa pagbaba.
Hinila niya ako kay Henzyl. Mabilis. Walang tanong-tanong.
Mabuti at hindi ginamit ni Lily yung pagka-slow niya ngayon.
Si Henzyl, mahinang tumatawa pa rin. Parang timang.
“Ang drama niyo ah,” sabi niya habang binaba na rin ako.
Si McNielle, hindi nagsalita.
Pumasok lang siya ulit sa kwarto niya.
BAM.
Yung pinto, ibinalibag.
Yung tunog, tumagos sa eardrums namin.
“Pikon talaga ng kuya mo,” sabi ni Henzyl kay Lily, walang pake.
Ako at si Lily nagkatinginan.
Walang sinasabi. Pero nagkasundo.
Sabay naming binatukan si Henzyl.
“Aray! Para saan naman yun?” takang tanong niya habang hinihimas ulo niya.
“Baliw ka kuya Henzyl! Bakit mo yun ginawa kay ate? Lagot ka kay kuya McNielle!”
Sabi ni Lily, may hand gesture pa. Dramatic.
“Bakit ako malalagot? Normal greeting ko lang naman yun sa ate Shunem mo,” sabi niya, innocent face.
“Bakit, nagseselos ba si McNielle?”
Makahulugan niyang tanong sabay silip sa akin.
Yung ngisi niya, mas lumala.
Kumunot noo ko.
Selos?
Bakit naman? May relasyon ba kami ni McNielle para magselos siya?
Sinabunutan ko siya.
“Loko ka Henz! Anong trip mo? Selos mo mukha mo!” sabay irap ko sa kanya.
“Shunem mahal, masyadong kang manhid,” sabay tapik niya sa balikat ko.
Tapos dumiretso siya sa kusina na parang walang nangyari.
Parang wala siyang narinig na pinto na bumagsak.
Parang hindi niya nakita yung panga ni McNielle kanina na nanginginig sa pigil na galit.
Bakit siya nagalit, siguro dahil maingay kami kanina.
Si Lily naman, nawala na lang bigla.
Naiwan akong mag-isa sa sala.
Ang tahimik.
Pero yung katahimikan, mabigat.
Galing sa kwarto ni McNielle, walang tunog.
Ako? Gusto ko lang naman maglaba.
Bakit parang ako yung may kasalanan?
_________________________________
Hapon na at tapos na akong maglaba.
Nakaligo na rin.
Si Henzyl, umuwi na rin pagkatapos mag-umagahan dito.
Si Lily, kakabalik lang galing mall. Ang daming dala. Parang siya yung nag-shopping para sa buong angkan.
“Ate, para sa’yo,” excited na abot niya ng paper bag sa’kin.
“Ano ‘to?” tanong ko habang sinisilip yung loob.
“White dress! Uso ‘yan ngayon, Korean style. Yung parang sa mga FL ng K-drama,” sagot niya, busy na sa pagbukas ng mga pinamili niya.
“Thank you, pero bakit mo naman ako bibigyan ng dress? Malayo pa naman birthday ko,” takang tanong ko.
“Para sa lakad mo,” sabi niya, ngiti na may halong lihim.
“Lakad? Wala akong matandaan na may lakad ako,” sagot ko.
“Basta, isukat mo na lang dali,” tinulak niya ako papunta sa CR.
Wala na akong nagawa.
Sakto yung sukat.
Cute. Pwede pa nga pang-office.
Hapit sa katawan ko, may slit sa binti. Style nga ni Lily to'.
“Maganda ba?” nahihiya kong tanong. Hindi ako sanay sa mamahaling damit.
“Perfect!” hinila niya ako palabas.
“Teka, anong gagawin mo?” tanong ko habang busy siya sa pagkuha ng make-up at curler.
“Aayusan kita,” sabi niya. Tapos nagsimula nang magkulot ng buhok ko.
“Kailan ba talaga ‘to? Kahit sinukat ko lang, sayang effort mo bunso. Mapapagod ka lang—”
“Shhh. Wag kang maingay ate, nagco-concentrate ako.”
Wala akong nagawa. Nagpaubaya na lang ako.
Ilang minuto lang, tapos na.
Pinatayo niya ako sa harap ng salamin.
Parang hindi ako yung nakikita ko.
Itinali niya yung kinulot kong buhok sa princess-style. Nilagyan ng white ribbon na terno sa dress.
Light make-up lang, pero sapat para magmukha akong… iba.
Nilagyan niya ako ng pabango.
Para talaga akong gagala.
Para talagang may ka-date ako nito.
“Gutom ka na ate?” bigla niyang tanong.
“Oo medyo. Hubarin ko na ‘to para makakain na tayo,” sagot ko.
“Kuya! Gutom na si Ate Shunem! Bilisan mo diyan!” biglang sigaw ni Lily papunta sa kwarto ni McNielle.
Lumaki mata ko.
Anong ginawa ng batang ‘to?
Bakit iisipin ni McNielle na demanding ako? Na pinapababa ko siya para maghapunan?
Di pa ako nakapag-react.
Narinig ko na boses niya sa hagdanan.
“Ready. Tara na.”
Lumingon ako.
At halos mapahinto yung hininga ko.
Navy blue button-down. Beige chinos.
Ang buhok sadyang inayos. Pabango niya as usual, citrus and mint.
Stunningly handsome. Yung tipo na pag dumaan sa’yo, mapapalingon ka kahit hindi mo gusto.
Teka.
Bakit nakabihis siya?
Nagkatitigan kami.
Yung mata niya, bumaba sa dress ko.
Tumigil sa slit. Bumalik sa mata ko.
Walang salita.
Pero yung panga niya, gumalaw nang bahagya.
“Pwede na kayong umalis,” putol ni Lily.
“Gutom na daw si Ate Shunem. Pwede na kayong mamaya magtitigan.”
Ang awkward.
Teka… _umalis?
Di ko natuloy pag-iisip ko. Hinila na ako ni McNielle papunta sa pinto.
Wala akong nagawa kundi sumunod.
Bago ako makatanong, nasa Triton na kami.
Pinaupo niya ako sa passenger seat. Binukasan pa ako ng pinto.
Tapos siya na ang nagdrive.
Tahimik ako. Hindi ko maibuka bibig ko.
Tiningnan ko siya.
Seryoso. Kamay na mahigpit sa manibela.
Pero paminsan-minsan, sumusulyap siya sa’kin. Mabilis pero ramdam ko.
“San tayo pupunta?” mahina kong tanong.
“Malalaman mo,” sagot niya. Maikli. Pero yung boses, mas malambot kaysa kanina.
Legal ba ‘to? Parang kidnapping.
Pero bakit yung puso ko, parang tumatalon?
Ilang minuto sa byahe, wala kaming imik.
Pero yung hangin sa loob ng kotse, magaan.
Parang may sinasabi kaming dalawa pero hindi pa handang sabihin nang malakas.
Huminto kami sa isang rooftop resto. Tahimik. May string lights.
Tanaw ang city lights.
Binuksan niya ang pinto . Inalalayan ako pagbaba.
Yung kamay niya, dumampi saglit sa bewang ko para suportahan ako.
Sandali lang. Pero sapat para manindig balahibo ko.
Umupo kami sa isang table sa gilid. Malayo sa ibang tao.
Inayos niya yung upuan ko bago siya umupo sa tapat ko.
“Ganda mo,” sabi niya.
Isang linya lang.
Pero direkta.
Parang kanina pa niya ‘yon gustong sabihin.
Namula ako.
“Yung kapatid mo. Siya may gawa.”
“Alam ko,” ngisi niya.
“Pero ikaw pa rin yung nagsuot.”
Umorder siya ng pagkain. Wala akong pinili.
Habang naghihintay, tiningnan ko siya.
Yung ilaw ng string lights tumatama sa mukha niya. Yung navy shirt, mas nagpatingkad sa mata niya.
“Galit ka ba?” tanong ko bigla.
“Bakit ako magagalit?” sagot niya, tumingala.
“Kasi… kanina. Ang ingay ni Henzyl at mukhang naistorbo ka namin."
Tahimik lang siya.
Tapos ngumisi.
“Hindi ako galit. Ayaw ko lang na hinahawakan ka ng iba."
Yung t***k ng puso ko nagiging abnormal na.