Friendly Encounter

1404 Words
Chapter 13: Ms.MM and Mr.Overtime Shunem's POV Grabe ang deadline kanina. Maghapon akong naka-babad sa laptop, tapos yung mouse ko parang dumikit na sa kamay ko sa dami ng click. Pag labas ko ng office, 7:30 na. Ang dilim na, pero so far so good parin naman. Hindi ako dumiretso ng uwi. “Park muna,” sabi ko sa sarili ko habang naglalakad. 15 minutes lang naman, tapos may libreng hangin. Saka… gutom ako. Yung gutom at cravings pinagsama. Pagdating ko sa park, food stalls overload. Nakahelera na yung isaw, kwek-kwek, fishball, chicken skin, halo-halo sa tabi. Amoy palang, parang nagsalita yung tyan ko: “Uy, kumain ka na please.” Na-miss ko to. Noong high school ako, ganito rin sa tapat ng school namin. ₱5 na fishball, ₱10 na juice, tapos kwentuhan sa mga kaklase at kaibigan. Ang simple, pero masaya. Bumili muna ako. Fried isaw – 3 sticks. Kwek-kwek – 2 Fishball – ₱20. Pineapple juice at may pasobra pa, malamig. Pinaghalo-halo ko sa isang paper bag para madaling dalhin. Habang naghihintay, naghanap ako ng bench. Sakto, may bakanteng upuan malapit sa mga gumamela. Pumuwesto agad ako, sinandal yung bag ko sa tabi, tapos inilabas ko phone ko. Matawagan nga sila Mama at Papa. 2 months na rin kasi nung huling uwi ko. Naiisip ko pa lang boses nila, parang nabawasan na pagod ko. Nag-ring ng dalawang beses, tapos… “Shunem anak, buti napatawag ka!” Boses ni Mama, masigla agad. Parang wala syang ginawang buong araw kundi maghintay ng tawag ko. “Kailan ka ba uuwi? Mukhang 2 months na ng huli kang dumalaw dito. Miss na miss ka na namin ng Papa mo.” Napangiti ako. “Miss ko rin kayo Ma. Wag kayong mag-alala, magsi-sick leave ako pag hindi na kami busy sa opisina. Promise.” “Sabi mo yan ah. Maghihintay kami ng Papa mo. Oh ito, Papa mo gustong makipag-usap sayo.” May kaluskos, tapos boses ni Papa na mas mababa pero may pag-aalala: “Hello anak, kumusta ka naman? Kumakain ka ba ng mabuti? Yung vitamins mo, iniinom mo ba?” Napatawa ako nang mahina. “Papa naman, di na ko baby noh. Opo, inaalagaan ko sarili ko. Kayo nga dapat uminom ng vitamins, para di magsawa si Mama sayo kasi na-maintain mo yung kakisigan mo.” Pabiro ko yun, pero narinig ko syang tumawa ng malalim sa kabilang linya. “Anak naman, palagi tong pogi ano. Kaya si Mama mo lagi pareng nagseselos pag may mga babae na lumalapit sa akin.” Pabulong nya pa. Papa, 58 ka na pero landi mo buhay pa, nasa isip ko. Tapos biglang seryoso konti: “Si Henzyl, inaalagaan ka ba diyan? Mabuti pa yun, laging nangangamusta sa amin. Ikaw, paminsan-minsan lang.” Nagulat ako. “Talaga ho? Bakit di niya sinabi sa akin?” “Alam mo naman, parang anak na rin turing namin kay Henzyl. Nagtataka nga kami kung bakit hanggang ngayon, di pa nagiging kayo.” Ayun na nga. Dito na pumasok yung usapang “advance mag-isip.” “Papa, ang advance mo talaga mag-isip. Matalik ko ho na kaibigan si Henzyl. Parang kapatid na turing ko sa kanya. At wala kaming panahon para sa ganyan.” Diretso kong sabi. Wala eh. Hindi ko sya tinitingnan ng ganun. Hindi boyfriend material. Hindi crush material. Friend lang. Tapos. “Kaya wala kang boyfriend anak kasi may pagkamanhid ka,” pangungonsyensya nya ulit. “Ikaw ba, walang balak lumagay sa tahimik? Tatanda kami ng Mama mo na walang apo.” Napabuntong-hininga ako, pero light lang. “Papa naman, wala pa sa isip ko yan. Mag-iipon muna ako para mapaayos yung bahay natin. Para komportable kayo ni Mama diyan sa probinsya.” “Alam mo naman anak, di kami materialistic ng Mama mo. Mas gugustuhin pa namin na nandito ka, kaysa sa may maganda kaming bahay pero wala ka naman.” Tumikhim ako. Medyo kinurot puso ko dun. “Alam ko naman Pa. Pero gusto ko ring bumawi sa inyo, kahit sa maliit na bagay. Pagbigyan mo na ako pa, kahit ngayon lang.” Paglalambing ko. “Na hala sige anak, kung iyan ang makapagpapasaya sa iyo, susuportahan ka namin. Promise mo uuwi ka dito. Ipaluluto kita ng ginataang gabi at inihaw na tilapia.” “Sige Pa. I love you po. At I love you rin kay Mama. Ingat po kayo.” “Mahal ka rin namin anak, alam mo yan.” Pinatay ko na cellphone ko. Ayos na. Sapat na yung tawag kay Mama at Papa. Ngayon, gusto ko lang ng 5 minutong katahimikan. Ako, isaw, at yung malamig na hangin sa gabi. Nakaupo ako sa bench malapit sa mga gumamela. Nakanganga lang ako sa kawalan habang ngumunguya ng huling piraso ng kwek-kwek. Biglang may boses sa gilid ko: “Ah miss, pwede makiupo?” Lumingon ako. May lalaking nakatayo, hawak din ang paper bag na may amoy ng inihaw. Naka-office attire pa sya. Polo na medyo kulubot, slacks, tapos may salamin. Haggard pero pogi pa rin.Yung tipong 12 hours na sa office pero may spark pa rin sa mata. Tumango ako agad. “Oo naman, walang problema,” sabi ko sabay usog konti sa gilid para may space sya. Umupo sya. Malakas ang paghinga nya. Parang tumakbo galing sa LRT. Huminga sya ng malalim bago kumain ng dala nyang street food. Tiningnan ko lang sya saglit. “Ok ka lang?” tanong ko. Curious lang talaga. Hindi naman araw-araw may nakikita akong naka-necktie na kumakain ng isaw sa park. Lumingon sya sa akin at ngumiti. Pagod, pero totoo yung ngiti. “Medyo ok na, hindi,” sabi nya. “Eh pano ba naman yung boss ko. Balak yata akong patayin dahil sa dami ng inuutos.” Napatawa ako. Relate much. “Talaga? Kawawa ka naman,” sagot ko, medyo sympathetic na talaga. "Sinabi mo pa,” sabi nya sabay kagat sa isaw. “Simula sa kape na di niya nagustuhan kaninang umaga—sa kadahilanang sa ibang store ako bumili— hanggang sa mga documents na late nyang pinirmahan, tapos maghapon akong sumunod sa kanya sa client-appointments. Para na akong mamatay.” Mahabang lintanya. Mabilis. Parang inilabas lahat ng hangin sa dibdib nya. Pero hindi galit yung boses. Parang nagrereklamo lang na may halong biro. Yung tipong tao na kahit pagod, hindi nakakalimot tumawa sa sarili nyang kalagayan. Gaan nya kausap. Kahit 30 seconds pa lang kaming magkausap. Naawa ako bigla. “Oh, juice sayo na,” sabi ko sabay abot ng extra kong pineapple juice. Hindi ko naman mauubos dalawa eh. Sayang naman. Tumigil sya sa pagkain. Tiningnan yung juice, tapos ako. “Thank you, Ms. MM.” “Ms. MM?” napakunot-noo ako. “Ms. na Maganda at Mapagbigay,” sabi nya sabay ngiti. “Cute noh? Ms. MM.” Dagdag niyang sabi. BOOM. Napatawa ako nang malakas. Hindi ko napigilan. “Seriously? Pet-name agad? Kahit ngayon lang tayo nag-meet?” “Oo parang ganon na nga,” sagot nya habang tinatanggap yung juice. “Since you’re giving me a free drink. Dapat may ibigay rin ako sayo, diba? Kaya pet name nalang.” Parang ang gaan lang nya kausap. Hindi awkward. Hindi cringe. Parang matagal na kaming magkakilala pero sa 2-minute version lang. Yung tipong nag-share kayo ng isang pack ng fishball tapos best friends na. “At tawagin mo nalang akong Mr. Overtime,” sabi nya sabay kindat. “Dahil yun lagi ang ginagawa ko. Madalas yun din tawag ng mga katrabaho ko sa akin.” Mr. Overtime. Sakto sa kanya, workaholic. “Ok po Mr. Overtime, nice meeting you,” sabi ko sabay lahad ng kamay ko para mag-shakehands. Tinanggap nya agad. Mainit yung kamay nya, pero magaan. “Nice meeting you too, Ms. MM,” sagot nya habang nakangiti. Di pa kami tapos mag-shakehands nang biglang… RING RING RING. Phone nya. Tiningnan nya screen, napabuntong-hininga. “Boss ko.” Sabi nya na parang sentence na may period na agad. Tumayo sya agad. Inayos yung slacks, kinabit yung paper bag sa daliri. “Sana di ito ang huling pagkikita natin,” sabi nya bago sumagot sa tawag. Yung ngiti nya, parang ayaw nya umalis. Pero kailangan. Lumakad na sya palayo, hawak phone sa tenga, nagsasalita ng “Yes sir, on my way.” Malayo-layo na sya nang bigla syang lumingon ulit. Nag-wave. Nag-smile. “Bye Ms. MM!” Tapos tumakbo na. Napangiti ako habang pinapanood syang lumalayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD