Chapter 12: Guitar and night sky
Shunem’s POV
Ilang araw na rin simula noong lumipat ako dito.
Pero si McNielle? Huli ko siyang nakita noong unang araw ko.
Yung saglit na pagtingin niya sa akin na parang may gusto siyang sabihin, pero pinili niyang lumayo.
Ewan ko sa lalaking yun.
Minsan feeling close.
Ngayon naman, parang hangin. Nandyan, pero hindi mo mahawakan.
Hindi ko maramdaman.
Teka. Bakit ko ba siya iniisip?
“Tumigil ka, Shunem,” saway ko sa sarili habang hinihimas ko yung unan ko.
Hindi naman ako teenager para mag-overthink ng ganto.
Si Lily may pinuntahan daw. “Cupid duty” daw, whatever that means.
Kaya ako lang mag-isa ngayon. Hating gabi na, pero di ako makatulog.
Yung kwarto ko ang tahimik. Nakaka-blanko.
Makapunta nga sa rooftop.
________________________________
ROOFTOP
Pag-akyat ko, napansin ko agad.
May mga LED lights na. Warm white, nakabalot sa gilid ng pader at sa rehas.
Si Lily ba nagkabit nito? Yung batang yun, di man lang sinabi para matulungan ko siya.
Alam kong kaya niya mag-isa, pero pwede namang kaming dalawa.
Tumingala ako.
Ang ganda ng kalangitan. Walang ulap.
Yung mga bituin, ang linaw. Parang bumalik ako sa Benguet.
Kumusta na kaya sina mama at papa. Last week pa last kumustahan namin. Di pa nila alam na lumipat ako ng tirahan.
Yung hangin, malamlam. Malamig sa balat, pero hindi nakakakilabot.
Nagmumuni-muni. Ang peaceful ng gabing ‘to.
Peaceful… hanggang sa may naamoy akong mabango.
Citrus. Fresh. Sobrang pamilyar.
“Pusa, bakit mag-isa ka lang?”
“AY KABAYO!!!!”
Gulat kong sambit. Muntik na akong mapatalon.
Ang laki ng boses ko, baka nagising ko pa yung kapitbahay.
Nilingon ko siya.
At ayun. Nakatitig sa akin, bitbit yung gitara niya.
Gray sweatpants, itim na sando.
Basa pa yung buhok. Bagong shower.
Yung signature scent niya, dumikit agad sa ilong ko. Citrus na may konting soap.
Hindi masakit sa ilong.
“Ang gwapong kabayo naman ng kaharap mo,” he teasingly said habang papalapit.
Yung ngisi niya, parang alam na alam niyang nagulat ako.
“At oo, ako ‘to. Hindi multo. Hindi ka naman nagkakapi pero magugulatin ka pala."
“Himala at umuwi ka,” putol tingin ko at tumingala ulit sa langit.
Para hindi ko makita yung ngisi niya.
Para hindi ko aminin na kahit papano, gumaan yung dibdib ko nung dumating siya.
Tumabi siya sa akin.
Pero bago ako makahinga, hinigit niya yung pulso ko.
Mabilis. Mainit. Yung hawak na parang ayaw ka niyang pakawalan.
“Bakit? Namiss mo ‘ko?” Ngisi niya, malapit na sa tenga ko.
Yung boses niya, mababa. Yung tipong kumakapit sa balat.
“TEKA!!! Saan mo ko dadalhin?”
Tangkang bawi ko ng kamay ko, pero mas lalo niyang hinigpitan.
Yung kapit niya, hindi masakit. Pero hindi ka rin makakawala.
“Sa bench. Di ka ba nangangalay? Upo ka muna.”
Tapos binitiwan niya ako, dahan-dahan. Parang sinasadya yung pagdampi ng daliri niya sa balat ko.
Umupo ako. Tumabi siya.
Yung balikat namin, halos magdikit.
Amoy shampoo siya.
Kinuha niya gitara niya.
Isang strum lang, at yung puso ko, kumakabog na agad.
Tanga. Bakit parang first time ko ‘tong narinig?
Ang gwapo niya.
Pati kamay niya, ang gaganda. Yung mga ugat, klarong-klaro tuwing hinahawakan niya yung fretboard.
Siya naman ngayon ang tumingala, habang kinakaskas yung gitara.
Yung ilaw ng buwan, tumama sa mukha niya. Mas malambot yung mukha niya kapag hindi siya nagsasalita, ang amo.
Tahimik lang ako. Nag-oobserve.
Parang ayokong guluhin yung moment.
Tumigil siya. Tumingin sa akin.
“We are under the same sky, same stars and moon,” seryosong turan niya.
“Pero ako lang ang hindi nakalimot.”
“Ha?” Kunot-noo ko. “Nakalimot saan? Ang vague mo, McNielle.” Naguguluhan ako sa sinabi niya out of the blue.
“Wala,” bigla niyang binago.
“Sabi ko yung mga pusa minsan slow sila mag-isip. Tulad mo.”
“Di nga ako pusa!” Medyo napipikon na naman ako.
“Saan mo ba nakukuha yang idea na yan? May trauma ka ba sa pusa?”
He just chuckles. Mababa. Malalim. Yung tawa na tumatama sa dibdib ko.
“Bakit lumipat ka dito? Gusto mo bang mas maging close tayo?” Pang-aasar niya, sabay sandal sa akin.
Yung balikat niya, dumampi sa akin. Sinadya.
“Ang kapal, Mr. Assuming. Hindi ako ang may idea nito. Si Lily, yung bunso mo.”
“Teka… namumula ka.”
Bago ako makasagot, hinawakan niya yung pisngi ko. Hinaplos ng hinlalaki niya.
Mainit at may kung kaba akong naramdaman.
Tinabig ko agad kamay niya.
“Di uso boundaries sa’yo, McNielle.”
Galit kong sabi. Pero yung boses ko, di gaanong galit. Mas nanginginig.
“Hindi,” sabi niya, seryoso na ngayon.
“Yung laway ko nga natikman mo na, nag-share tayo ng gatas . Nakatulog na ako sa apartment mo. Sa sofa mo, ha. Hindi sa kama mo.”
He stated it like it was a fact.
“Kaya why would I set some boundary?” walang preno niyang sabi.
“McNielle!”
“Shh. Totoo naman.” He shrugged.
Walang preno talaga tong tao na ‘to. Walang filter.
“Tumahimik ka baka makarating yan kay Lily. Ano na lang iisipin ng kapatid mo sa akin?”
Saway ko sa kanya. Hiyang-hiya ako bigla. Yung pisngi ko, mainit pa rin.
“As if I care,” walang pakialam niyang tugon.
Tapos lumapit siya. Sobrang lapit.
Yung hininga niya, tumatama sa pisngi ko.
“Matulog ka na pusa, may pasok ka pa bukas.”
Sabay hawak sa akin patungong hagdan.
Ang hilig niyang mangaladkad.
Nakakaaburido ang taong to.
Nakainis.
Nakakainit ng mukha.
Nakagalit na hindi ko mapigilan yung puso ko na tumibok nang mas mabilis tuwing nasa malapit siya.
Tinitingnan ko kamay niya na nakahawak sa akin.
“Umalis ka nga. Hindi ako bata para pagsabihan mong matulog.” Sabi habang nasa hagdan kami.
"Tama ka naman hindi ka na bata, kasi nga curious cat, remember?" sarcastic tone niya na may halong pang-aasar pa rin.
"Pusang mahilig sa gatas"
Sa ilalim ng parehong langit, parehong bituin, parehong buwan…
Siya lang ang hindi nakalimot.
Pero di ko pa rin magets yung sinabi niya kanina.
__________________________________
KUSINA
“Matulog ka na,” sabi niya kanina.
Pero ito ako, 12:00 na, nakatayo sa kusina nagtitimpla ng gatas para sa kanya.
Ang demanding.
Hindi naman ako empleyado niya kahit CEO siya, sa ibang kompanya ako nagtatrabaho pero ginawa akong taga-timpla, mahusay.
At kahit na dito ako nakatira sa kanila, mukhang ako ang dehado dito.
“Senyorito, ito na ang mainit na gatas mo,” sabi ko sabay abot ng mug.
Yung boses ko may halong pikon.
Nakaupo siya sa sofa. Paa naka-patong sa coffee table. Relax na relax.
Parang ako yung nag-overtime, siya chill lang.
Tumalikod na ako. Akmang papasok ng kwarto.
Tapos—
“Shun, dito ka muna. Samahan mo akong uminom.”
Senyas niya, tapik sa tabi niya sa sofa.
Yung tono, parang utos.
“Anong gagawin ko? Tumulala sa’yo?” pikon kong sagot.
Daming satsat talaga ng taong ‘to.
“Pwede rin,” ngisi niya habang humihigop ng gatas.
“Magsawa kang tumitig. Libre naman.”
Wala man lang thank you.
Kaya nag-kibit balikat ako. Walang nagawa. Umupo ako sa tabi niya.
Bigla niyang inabot yung mug pabalik sa’kin.
“Ubusin mo,” utos niya.
Yung daliri niya dumampi saglit sa daliri ko.
“Bakit ako lagi taga-ubos ng iniinom mo?” angal ko kahit tinanggap ko na yung mug.
“Siguro may gayuma to. Magsabi ka ng totoo."
“Bingo. Nahulaan mo,” ngisi niya.
Tapos tumayo. Iniwan ako na parang wala lang.
Naiwan akong mag-isa sa sofa.
Hawak ko yung mug. Mainit pa.
Deep inside, napapangiti ako.
Nababaliw na ako.
Tahimik akong uminom ng gatas.
Pero hindi gatas yung nalalasahan ko.
Siya.
Yung presensya niya na kahit wala na sa tabi ko, ramdam ko pa rin.