Meeting Her

1417 Words
Chapter 11: Star gazing and Intertwined fingers! McNielle’s POV Kumatok ako sa pinto ng apartment ni Henzyl. Maya-maya lang, bumukas yun at parang wala nang bago—ngisi agad niya ako sinalubong. "Mabuti at naalala mo pa ako," hirit niya habang iniaabot sa akin ang bote ng beer at itinuro yung luma kong spot sa sofa. Parang kahapon lang akong umalis. Wala paring pinagbago. "Tumigil ka nga," sabi ko sabay upo. Kinuha ko yung beer. "Para kitang nagger na gf." Nilagok ko agad. Malamig. Sakto sa pagod ko. "Di mo 'ko na-miss, no?" Sinandal niya likod niya sa armrest, nakatingin sa akin na parang sinusuri. "Malungkot na ang mga gabi ko simula nung di ka nagpaparamdam." Pakunwari pa niyang arte, kamay sa dibdib. "Pwede ba wag mo 'kong pakitaan ng kaba," putol ko. "Kaba?" Kunot-noo siya. Hindi nagtagal, tumawa. "Ano yun, sakit?" "Kabaklaan. O di kaya'y kababuyan mo," sabi ko, seryoso habang inikot ko yung bote sa kamay ko. Hindi naman talaga ako galit. Sanay na ako sa trip niya. At ayun—humagalpak siya ng tawa. Ang babaw talaga ng kaligayan ng mokong na 'to. "Kung hindi mo pa ako pinatulan, magsasawa na 'ko," sabi niya sabay taas ng bote niya sa akin. Cheers kuno. "Nice one, Mackyboy," ngiting aso niya. "Yan ang na-miss ko sa'yo. Pabalang kong tumira." Parang wala siyang pinagbago. "Himala at medyo matagal ka ngayon sa Pinas," sabi niya habang sumandal ulit. "Usually 2 weeks, alis ka na. Ngayon, 3 buwan na." "I had my reasons for that," sagot ko, maikli lang. Ayokong palawakin pa. "Reasons talaga?" Tumagilid ulo niya, yung titig niya bumigat konti. "At kailan ka pa nagkaroon ng reasons to stay sa Pilipinas, maliban na lang sa web of lies mo noong high school ka pa?" "Yung quest mo para hanapin ang papa mo. Ang tagal na nun, McNielle." Hindi ako sumagot agad. Tama naman siya. Nilagok ko na lang yung beer. "Stop digging, Henzyl." "Pero di mo nahanap papa mo diba? Si Shunem ang nakilala mo." He said while drinking his beer. Flashback... Ang susi sa palad ko, malamig pa. Kakabigay lang ng may-ari kaninang hapon. Bagong apartment. Bagong lungsod. Bagong buhay. Pero ang totoo? Bumalik ako dito hindi para mag-aral. Bumalik ako para hanapin si Papa. Nabalitaan ko nandito siya sa Benguet Province. Gusto kong tanungin siya nang harapan. Bakit mo kami iniwan? Bakit parang ang dali lang sa’yo? Yung apartment ko, okay lang. Kama, upuan, mesa. Typical para sa mga boarding student na katulad ko. Nag-pack ako nang magaan. Bahala nakong maghanap ng supermarket dito kung meron man for supplies. Si Lily, nag-aaral abroad kasama nila Lola at Lolo. Gusto niyang sumama, pero mas mahigpit sila Lola sa kanya. Babae kasi. Kinabukasan, sinimulan ko ang unang araw ko. Pero hindi ako tumuloy umuwi ng 5 PM. Sinadya kong magpagabi. May mga estudyante pa rin sa gym—yung mga may excuse. Sports, band, club. Pero ako? May ibang target lock. Rooftop. Nakihalo muna ako sa mga nagpapractice sa gym. Nagkunwaring nag-i-stretch. Naghintay ako hanggang sa mag-roam ang guards sa kabilang building. Nung tahimik na, I sneaked out. Ang sarap ng hangin, nakakakalma sa isipa. Nakatingala ako. Those constellations are beautiful. Scorpius, Orion, yung maliit na kumpol ng bituin na lagi kong hinahanap pag malungkot ako. Parang sinasabi nila sa akin: Andito ka pa. Buhay ka pa. Mahaba-hababang taon ‘to para sa akin. Hanapin ko pa ang taong minsan ring nagturo sa akin kung bakit maganda ang buwan at mga bituin. “Ang ganda ng Scorpius, ano? Malungkot na di mo maipaliwanag.” Yung boses niya. Hindi malakas. Hindi rin mahina. Saktong sakto para gulatin ako. Nilingon ko siya. Nasa gilid ko na siya. Nakatingala rin. Naka-uniform pa rin, pero yung blazer nakasampay sa balikat. Buhok naka-ponytail, medyo nagulo na ng hangin. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, parang naggo-glow yung mukha niya. “Mahilig ka rin mag-star gazing?” dagdag niya, tapos saka lang ako tiningnan. Hindi ko alam kung alin ang mas maganda—siya ba, o yung mga bituin na tinuturo niya. Madilim dito. Tanging buwan lang ang ilaw namin. Pero bakit klarong-klaro ko ang ngiti niya? Parang yung liwanag ng buwan, dumaan muna sa kanya bago umabot sa akin. “Ah—oo—...magan—da sila…” Ang tanga ko. Nauutal na parang ewan. “Bago ka ba dito? Hindi mo siguro nakita yung signage sa gilid papunta dito sa rooftop. Bawal dito tumambay.” “Eh kung bawal, bakit nandito ka?” Balik-tanong ko. Mabuti’t hindi na ako nabubulol. Pero yung puso ko, parang may nagdo-drums sa loob. Babae lang siya. O baka multo. Pero hindi ako matatakutin. Anong oras na ba? Quarter to 10 na pala. Sinipat ko relo ko. Ang tagal ko na palang nakatitig sa kanya. “Favorite spot ko kasi dito,” sabi niya. “2 years na akong pumupunta dito tuwing malungkot ako. At ngayon lang ako naka-encounter ng ibang tao dito sa ganitong oras. Pero sa umaga, maraming tumatambay dito kahit bawal." Mahabang paliwanag niya. “It’s my first time here. Naligaw lang ako,” I lied. Ayokong sabihin na sinadya ko talaga. Ayokong sabihin na trip ko magpunta dito. " Gusto mo samahan kita pababa? Baka di mo alam ang daan pabalik.” She smiled. Lumapit siya sa gilid ng pader. At umakyat Yung pader na kung mahulog ka, katapusan mo na. Inabot ko ang kamay ko. Inalalayan siya. “Mag-iingat ka.” Hindi siya nagdalawang-isip. Hinawakan niya. Ang lamig ng kamay niya. Ang liit. Pero nung humigpit ang hawak ko, hindi siya kumalas. Ang tapang ng babaeng ‘to. Delikado ginagawa niya. Ang taas pa naman ng rooftop dito. “Di ka uupo?” tanong niya. Sabay tapik sa gilid ng inuupuan niya. Umakyat na rin ako. Umupo sa tabi niya. May isang dangkal lang ang pagitan namin. Sapat para maramdaman ko yung init niya kahit malamig ang hangin. “Wala ka naman sigurong balak magpakamatay di ba?” seryoso kong tanong. Hindi ako nagbibiro. Bigla siyang tumawa. Hindi malakas. Hindi pilit. Parang na-release yung bigat sa dibdib niya. Pinagmasdan ko siya. Cute siya sa ponytail. Cute siya kahit naka-uniform, kahit nakabaliktad ang ID kaya hindi ko mabasa pangalan niya. “Seryoso, kahit malungkot ako, di ko naisip mag-suicide. Masama yun. Kahit papaano, may takot ako sa Diyos.” “Good,” sagot ko. Hindi ko alam kung para sa kanya yun. O para sa sarili ko. “Ano nga palang pangal—” di ko natuloy tanong ko. TUNOG. Yabag. Papunta dito. Sa isang iglap, tumalon siya. Hinila ako pababa. “Shhh.” Nagtago kami sa sulok, likod ng aircon unit. Yung mga guard, chini-check ang rooftop gamit ang flashlight nila. Isa. Dalawa. Tatlong segundo na ang mukha namin magkadikit. Ang lapit niya. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko. Hindi niya binitawan. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi dahil malapit na kaming mahuli. Pero dahil sa lapit ng hininga niya. Amoy baby powder siya. Napangiti ako. Matapos ang ilang minuto, nawala na rin sila. Hinila niya ako. “Go. Go. Go.” Tumakbo kami pababa. At doon ko narealize. Bakit tila iba ang nararamdaman ko. Para akong nagso-slow motion kasabay ng pagtakbo namin. Yung mundo, nagiging malabo. Pero yung kamay niya, malinaw na malinaw. Parang ang safe ng pakiramdam ko. Na para bang kami na lang ang tao sa campus. Na para bang kahit mahuli kami, okay lang, kasi magkasama kami. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari ang ganito. Maybe it’s the air in Benguet. Or maybe it’s the way her fingers intertwined with mine that gave me dopamine. Hindi ko nakuha pangalan niya nun. Hindi ko nakita yung ID niya. Pero pagbaba namin sa ground floor, bago siya tumakbo papalayo, lumingon siya. “See you around, Mr. Stutter.” Tapos tumakbo na. At ako, nakatayo pa rin sa gitna ng madilim na hallway. Ramdam ko pa rin yung malamig na hangin kung saan nandun yung kamay niya kanina. 10 years na ang lumipas. Nakalimutan ko yung ibang detalye ng first day ko sa school na ‘yon. Pero hindi ko nakalimutan yung gabi na ‘yon. Hindi ko nakalimutan yung ngiti niya sa ilalim ng buwan. Hindi ko nakalimutan yung pakiramdam na… sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ako nag-iisa sa pagtingin sa mga bituin. Ngayon, nasa bahay ko na siya. At ako, nandito pa rin. Hindi pa rin alam kung paano sasabihin sa kanya na… patawad dahil di siya ko na protektahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD