Chapter 10: Lipat-bahay
SHUNEM'S POV
Sabado ngayon pero sang katerbang boxes ang inaatubag namin ni Lily.
At oo, napapayag niyang akong lumipat kahit di ko natitingnan ang unit na lilipatan ko.
Hindi ako pumayag ha.
Napapayag.
Malaki ang pinagkaiba nun.
Ang totoo, tatlong beses akong nag-"hindi" kahapon.
Pero si Lily, mas matigas pa sa semento. Hanggang sa sinabi niyang,
"Ate, kung hindi ka lilipat, ako ang lilipat sa apartment mo."
Edi ayun. Sumuko ako.
May mga taong di ko kilala ang tumutulong sa amin.
Naka black tuxedo sila. Puting gloves. Earpiece na parang Secret Service.
Parang nagdala sila ng buong security team para lang sa box ng mga lumang notebook ko.
Ako ang nahihiya sa pinaggagawa ni Lily. Masyadong pormal ang taong ito para tumulong sa aming maglipat.
Dinala ko siya sa gilid upang tanungin. Di ako mapakali. Ang awkward ng sitwasyon.
"Hoy babae, halika ka nga dito," bulong ko, hila ko siya palayo sa isang lalaki na maingat na binubuhat yung box ng mga tupperware kong walang takip.
"San ka naman nakapulot ng mga tutulong sa atin? Parang mas malaki pa sahod nila kaysa akin," sabay turo ko sa mga nagbubuhat at nagliligpit ng gamit ko.
Yung isa nga, nagwalis pa sa sahig bago ilapag yung box.
"Sa kuya ko, mga tauhan niya yan. Hiniram ko muna," inosenteng sagot niya na parang normal lang na manghiram ka ng limang bodyguard para sa lipatan.
"Wag kang mag-alala walang bayad. Si kuya nagpapasweldo sa mga yan," patay-malisya niyang sagot habang nililigpit yung mga libro ko sa mini bookshelf ko.
Nilalagay pa niya sa size order.
"Alam ba ng kuya mo na hiniram mo mga tao niya?" Nag-aalala kong tanong habang nakamasid sa kanila.
"Siyempre----," putol yung sagot niya at medyo nag-aalangan.
Ayan na. Yung 'Siyempre' na may kasamang guilty conscience.
"Hindi, pero wag kang mag-alala malakas ka kay kuya," makahulugang sagot niya habang ngumiti nang sobrang tamis.
Malakas daw ako kay kuya niya. Bakit di ko alam.
At yun na nga bang sinasabi ko.
"Paanong malakas Lily, gusto mo akong mamatay sa kahihiyan?"
Pangdidilat mata ko sa kanya.
Puppy eyes, yung isinukli niya sa akin.
Yung tingin na "ate please, please, please, please."
Hinatak niya ako para sumakay na sa sasakyan at tinangnan ng "chill ka lang ate, akong bahala" look.
Yung look na parang, "tiwala lang, kahit hindi ko sinabi kung saan tayo pupunta."
Wala na akong nagawa.
Sumakay na ako.
Pero naka-cross arms ako buong biyahe.
Petiks.
Silent mode.
Pero habang binabagtas namin ang daan, parang pamilyar yung pupuntahan namin.
Parang daan to' patungo sa kanila.
Yung daan na may gate na mas malaki pa sa bahay ko sa probinsya.
Sa pagkakaalala ko walang apartment malapit sa kanila.
Baka may kukunin lang siya sa bahay nila, hinuha ko.
Oo, siguro kukuha lang kami ng kung ano.
"Dadaan ba tayo sa inyo Lily?" Curios na tanong ko habang nakasilip sa bintana.
Nakita ko na yung guardhouse. Yung gate na nagbubukas nang dahan-dahan. Yung bahay na lagi kong tinatambayan pag walang pasok.
Hindi siya sumagot pero ngumisi lang.
Yung ngisi na parang, "Surprise, ate. Welcome to your new prison."
Di ko talaga minsan mabasa utak ng batang to.
Di ko nalang kinulit at nag-focus nalang sa daan mga mata ko.
Pero sa loob-loob ko, di na ako mapakali.
Kasi kung tama hinala ko...
Wala na akong kawala.
Napasukan ko na.
At kung uuwi ako ngayon, mukha akong tanga.
Kaya ayun.
Napilitan.
Buntong-hininga.
Ngiti na pilit.
___________________________________
A few moments later...
Tulala akong pinagmamasdan na hakutin nila papasok ang gamit ko.
Di parin ako maka move-on sa mga bodyguard na hiniram ni Lily sa kuya niya , sobrang sipag.
"Lily ipaliwanag mo, di nag-proprocess utak ko," sabi ko habang nakatayo pa rin sa gitna ng driveway.
Parang may loading screen utak ko, buffering.
"Ate welcome home!" sigaw niya sabay palakpak.
"Dito ka na titira! Free tirahan, wifi, tubig, kuryente, Netflix ng kuya ko—name it all!"
Masigla siya. Sobrang masigla.
Kunurot ko siya sa tagiliran.
"Ow ate!"
"Sabi mo apartment! Bakit dito sa inyo?"
"Bakit hindi?" sagot niya, ngisi-ngisi.
"Eh halos di ka nga umuuwi sa apartment mo dati. Dati pa naman na at home ka dito."
Tama siya pero harap-harapang pambubudol to'.
"Pero Lily iba noon! Ikaw lang mag-isa!" reklamo ko.
"Ngayon dito rin nakatira kuya mo! Eh si kuya McNielle mo, ano sasabihin pag nalaman niyang nandito ako?"
Nahihiya ako. Sobrang nahihiya.
"Paminsan-minsan lang naman umuwi si kuya dito kaya wag kang mag-alala," sagot niya, dismissive.
" Safe ka na dito, yeyyy!!!"
At walang kaano-ano, hinatak niya ako papasok.
"Lika na, ayusin natin gamit mo!"
"Ayoko pa!"
Pero wala, hinila na ako.
Ayun.
Napasok na ako.
Walang kawala.
Nagsimula na kaming mag-ayos at di ko namalayang nakaalis na rin yung mga tumulong sa amin maglipat.
Maganda at malaki naman ang ikatlong kwarto, napapagitnaan ako ng kwarto ni Lily at McNielle.
Inilabas ko na yung mga gamit sa box habang si Lily isinasabit ang kurtina na kulay lavender at pink.
"Ang cute, ate! Parang ikaw!" sabi niya habang umaakyat sa upuan para i-clip yung kurtina.
"Oo na, bumaba ka dyan bago ka mahulog," sagot ko, pero di ko napigilang ngumiti.
Yung mga aklat ko sinimulan ko ng ayusin sa bookshelf.
Isa-isa. Dahan-dahan. Parang may therapy effect.
Ting-kling!
May nalaglag.
Faded na bookmark, may night sky at moon na keychain na nakasabit.
Yung keychain na pamilyar na pamilyar.
Yung lagi kong nakikita sa panaginip ko.
Dinampot ko at pinagmasdan.
Ang lamig ng metal sa daliri ko. Yung moon, may maliit na gasgas sa gilid. Yung night sky, kupas na pero kita mo pa rin yung mga bituin at buwan.
Biglang sumikdo yung puso ko.
Parang may humigpit sa dibdib ko.
Napahawak ako sa dibdib ko nang hindi ko sinasadya.
Huminga ako ng malalim.
"Ate Shunem ok ka lang?"
Nilingon ko siya na ngayon ay nag un-unbox ng mga gamit ko.
Nakunot-noo siya, may pag-aalala sa mata.
"Oo," tanging nasambit ko hawak pa rin ang bookmark.
Pero ang boses ko, parang malayo.
Tahimik saglit.
Ako, nakatitig sa keychain.
Siya, nakatitig sa akin.
Tapos—
Click.
Tunog ng pinto sa labas ng kwarto ko.
Mabagal. Mabigat.
Pareho kaming napalingon ni Lily sa pinto.
At doon siya nakatayo.
Si McNielle.
Naka suit pa rin, parang galing work. Hawak ang briefcase.
Ang mga mata niya, diretso sa akin.
Tapos bumaba sa kamay ko.
Sa bookmark na hawak ko.
Nagkatinginan kaming tatlo.
Si Lily, napalunok.
Ako, parang nanigas sa kinatatayuan ko.
Ang bookmark, biglang bumigat sa palad ko.
Si McNielle, hindi gumagalaw.
Pero yung titig niya…
At bago pa ako makapagsalita—
"Shunem?"
Mababa. Malamig. Pero may kirot.
Tumigil ang mundo ko.