Chapter 9: Fragments
Shunem's POV
Ang bigat ng pakiramdam ko, narito na naman ako sa kwarto niya.
Teka? Nangyari nato!!!
And my eyes were fixed on one thing, his guitar.
Ngayon, parang may guilt akong dala. Invasion of privacy ‘to. Pero hindi ko mapigil tumingin.
Teka, parang nangyari na ‘to…
May kaba sa dibdib ko. Mabigat.
Parang may alaala akong hinahanap pero hindi ko makuha.
I stared intently on his black guitar na may mga stars at moon na design.
Pamilyar. Sobrang pamilyar.
Pero wala akong maalala kung saan. It was hanged on his gray wall.
Akmang hahawakan ko ang gitara nang marinig ko ang pagsara ng pinto.
Patay na, si Lily… Ngunit iba ang nakita ko.
"Interesting," mahinahon niyang sabi habang titig na titig sa akin.
Malalim ang boses niya. Kalmado, pero may halong peligro.
Hindi ko maiwasang kabahan.
He was leaning on the closed door at may kinakaing lollipop.
Pero bakit ganun ang sexy niyang tingnan?
Bigla akong kinabahan at pinagpawisan ng malala.
He is totally gorgeous. Matangkad, chiseled jawline, at brown eyes na parang minsan ko nang nakita.
And I think galing pa sya sa work dahil naka suit and tie ang pormahan.
Amoy ko pa ang citrus-scent na pabango niya. Ang lakas magpabilis ng t***k ng puso ko.
Tinanggal niya ang lollipop sa kanyang bibig at hinawakan iyon.
"Enjoying the view," puna niya sa pagkakatitig ko sa kanya.
Nag-init ang mukha ko.
Hindi ko alam kung titingin ba ako o iibaba ko ang tingin ko.
"At anong ginagawa ng isang magandang babae sa loob ng kwarto ko," sabi niya habang papalapit sa akin.
Dug..dug...
Lalo akong kinabahan. Parang puputok na ang dibdib ko.
"Ah k-kasi...I w-was j-ust....," nauutal ako sa kaba.
Ang puso ko nagwawala.
Dug..dug...
Dug..dug...
Hindi ko mapigil ang panginginig ng boses ko.
"Sorry," tanging nasabi ko nalang sa kanya.
Pero hindi siya umiimik. Titig lang siya sa akin.
Pakiramdam ko para akong hinuhubaran sa mga titig niya.
Bakit ba pumasok ako dito? Ipapakulong ba ako neto?
Papalapit siya at umaatras ako.
Isang hakbang...
Dalawa...
Tatlo...
Hanggang sa lumapat na ang likod ko sa pader. I was cornered.
Malamig ang pader sa likod ko.
Sumasakit yung ulo. Alam kong naulit na ang tagpong ito. Nanaginip na naman ba ako?
Pero pawis ako. Wala na akong matakbuhan.
"You should be punished," he smirked on me.
Parang bata ako ngayon na nakatingala sa kanya.
We are on awkward position right now. Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
I can smell his citrus-scent perfume.
Parang may mga fragments ng memories ko ang bumabalik.
Pero malabo. Masakit sa ulo.
"Eh k-kasi," nauutal ko ulit.
Tulong, sigaw ng isip ko. Paano ko ‘to malalampasan?
His gazed against mine, inches nalang pagitan namin.
Ang mga mata niya, may lungkot na hindi ko maintindihan.
Saan ko nga nakita ang mga matang yan?
Di ko maputol ang pagtitigan namin.
"Itong lollipop or hahalikan kita, choose your punishment little kitten?"
Nagulat ako. Naguguluhan ako. Pero sa isip ko, yung lollipop nalang siguro.
"Yung lollipop nalang sigur---"
Pero labi niya ang naramdaman ko.
Matamis. Pamilyar.
----Sa isang iglap, nag-time warp.----
Bumalik ako sa library.
May bookmark ng night sky at may nakasabit na moon key chain.
Lalaki na naka-headset.
Sa rooftop.
Pamilyar na tawa.
Kwentuhan na hindi ko maalala.
Yang paghawak ko sa kanyang kamay.
Yung pagtakbo namin...
Di ko maintindihan. Di ko makita ang mukha ng lalaki.
Tapos nag-iba na naman ang eksena.
Tinatawag ko pangalan niya, pero di niya ako marinig.
Nagso-slow mo ang lahat.
Yung sasakyan, papalapit sa kanya.
Rumaragasa. Pabilis ng pabilis.
Ang bigat ng mga paa ko. Hindi ako makagalaw.
Nasa loob ko na kailangan ko siyang iligtas.
Itulak...
Hanggang sa...
Booogggshhh....
"Shunem!!!----" malakas niyang sigaw.
Namamanhid ang buo kong katawan. Para akong inaantok.
Patak ng luha niya ang nagpapagising sa akin.
Nilalabanan ko ang antok.
At unti-unti, nawawala ang boses niya...
"SHUNEM BUMANGON KA!!-----"
Di ko na masyadong madinig boses niya.
Tanging nasabit ko lang—
"Ligtas ka na---"
Naalipungatan ako. Pawis at luha nag-uunahang pumatak.
Pinahid ko ang mga luha ko at dali-daling pumunta sa kusina.
Tubig.
Nuuuhaw ako.
10 years na akong binabangungot at nagpapanic attack.
At ang mga memorya ko, di kumpleto.
Parang may mahalagang tao akong nakalimutan.
Sinipat ko ang relo ko, mag-aalas dos na ng umaga.
Mukhang ‘di na ako makakatulog ulit.
__________________________________
8:00 AM. Sa Office
Nakatulala ako sa laptop ko.
Mabigat pa ang talukap ko, parang hindi pa tapos ang gabi ko.
4 AM nako nakabalik sa pagtulog. Yung panaginip na naman.
Naghikab ako nang malakas.
“Ugh… kape nga muna.”
Sa tabi ko, si Lily.
Hindi mapakali. Parang kiti-kiti sa upuan. Paikot-ikot ang paa niya, naglalaro sa ballpen, tapos bigla titingin sa akin.
Tapos iikwas ulit ang tingin.
May tinatago siya. Alam ko yun. Sa dalas naming magsama, alam ko yun. Pero dinko matukoy kung ano.
“Lily, napano ka?” tanong ko, hinilot ko yung sentido ko.
“Eh kasi ate…” huminto siya, parang sinusukat kung sasabihin ba.
“Sinabi ni Kuya na muntik ka nang mapahamak sa daan patungong apartment mo, totoo ba yun?”
Nag-alala yung boses niya. Pero may halong… hidden agenda? Parang may ibang motibo.
Ah yun.
Bigla akong napaisip.
Sinabi kaya ni McNielle na sa apartment ko siya natulog nung gabing yun?
Wag naman sana.
Ano na lang iisipin ni Lily kung malaman niyang pinatuloy ko yung kuya niya.
“Ah yun ba,” sagot ko, wala sa sarili.
“Yaan mo na yun. Di naman seryoso.”
Sinubukan kong i-downplay. Ayokong lumaki pa ‘to. Ayokong mag-alala si Lily.
Pero yung antok ko, biglang nawala.
Napalitan ng hiya. Ng lamig sa sikmura.
Kung nalaman niyang nandun si McNielle sa apartment ko, lagot ako.
“Anong wala, ate!” bigla siyang seryoso.
“Delikado dun’ ate. Madilim, tahimik. Di mo naisip na lumipat ng apartment? Para safe ka.”
Hinawakan niya braso ko, parang naniniwala talaga siya sa sinasabi niya.
Oo nga naman.
Na-isip ko rin yun minsan. Luma na kasi yung building ko. Walang maayos na ilaw sa hallway.
Pero… hassle. Ang hassle maglipat. Box dito, box doon. Tapos gastos na naman. Deposit, advance, lipat-bahay.
Saan ako kukuha ng pang-down payment?
“Wala akong pang-down payment at nagtitipid ako, Lily,” sabi ko, matamlay.
Sabi ko ‘to para matapos na ang usapan. Para tumigil na siya.
Pero ngumisi siya.
Yung ngisi na pamilyar na pamilyar sa akin. Yung ngisi na may binabalak.
“Wag kang mag-alala, akong bahala.”
Parang may plano na siyang buo sa isip niya.
Yung tono niya, kumpiyansa. Parang sinigurado na niya lahat.
Natigilan ako.
Kailan pa nagkaroon ng interes si Lily sa paglilipat ko?
Nung isang buwan pa nga, tinawanan niya ako nung sinabi kong gusto kong mag-ipon para sa bagong ref.
Ngayon, bigla siyang ganito ka-invested?
Ang weird.
Sobrang weird.
Tinitigan ko siya.
May spark sa mata niya. Yung spark na meron siya kapag may secret siyang hindi pwedeng sabihin ngayon.
“Lily…” dahan-dahan kong sabi.
“Anong meron?”
“Wala!” mabilis niyang sagot, tapos nag-whistle pa.
“Basta ate, trust me okay? I’ll handle it.”
Hindi ako naniwala.
Pero tumango na lang ako. Pagod ako. At malalim ang eye bags ko para makipag-badagulan sa kanya ngayon.
Habang bumabalik siya sa pagta-type, nakita ko kung paano siya ngumiti sa sarili niya.
Parang bata na nakakuha ng regalo.