PNN - 11 Kanina pa pabalik-balik sa paglalakad si Minandro habang nasa labas ng emergency room. Nag-aalala talaga siya sa kanyang inaanak, meron yung nauupo siya sa malamig na bakal na upuan. Maya-maya tatayo at lalakad na naman. Parang wala na siya sa sarili habang iniisip niya ang kalagayan ng kanyang inaanak. Nandoon ang kagustuhan patayin na ang walang hiyang lalaking may kagagawan niyon sa kanyang inaanak. Ang hayop na Cardo na iyon, sisiguraduhin niya mabubulok ito sa bilangguan para mapagbayaran lahat ng mga kasalanan nito sa kanya lalo na sa kanyang inaanak. Hindi talaga siya mapakali, paulit-ulit niyang tinitingnan ng pinto ng emergency room na animo bawat segundong nagdaraan ay lalabas na doon ang doktor at magbibigay ng magandang balita sa kanya, na okay na si Elora, na lig

