"Ang totoo nagalit ako kanina ng makita kong binugbog ka niya, at tangka pang angkinin sa mismong kwarto na iyon sa minahan. Samantalang alam niya na nandoon ang mga katrabaho ng hayop na iyon. Kahit na nakikita ng lahat kung paano ka bugbugin parang wala lang dito. Para bang wala na itong hiya at talagang sa demonyo ng utak dahil okay lamang dito nasaktan ka ng gano'n-gano'n lang. Kaya sa galit ko nagawa kong isuplong siya sa mga tropa kong taga bundok. Sinabi ko naman na wag patayin na dalain lang. Pero hindi ko akalain na ganito ang gagawin niyo sayo, na ikaw ang talaga ang pagbibintangan niya. Patawad Elora, sana pala tinuluyan ko ng balian ang hayop na iyon! Sana pala nilumpo ko na lamang para hindi ka na sana niya nasaktan pa." May diin ang bawat katagang binigkas ng kanyang Ninong.

