Oliver's POV Naglambing ang asawa ko na pumasyal kami saglit sa Baywalk para manuod ng sunset. Pinagbigyan ko naman dahil ang sabi ni Mama, bawal daw magtampo ang buntis. Nagsimula na nga ang mga cravings niya. Minsan ay naglambing ito ng camote cue. Pero hindi ko naibigay. Nagtampo ito sa akin. Yun lang daw ay hindi ko pa maibigay. "Love..san naman ako hahanap ng camote cue ng alas dos ng madaling araw?" Sagot ko naman dito. Isang buong araw niya akong hindi kinausap dahil dito. Nakatingin lang kami ngayon sa dagat ng Manila Bay habang yakap ko siya mula sa kanyang likuran. "What are you thinking?" Hinaplos ko ang tiyan niya. "Naisip ko lang, what if hindi tayo nagkita ulit? What if hindi kayo sa UP sunken garden nagjogging nila Mimi nung araw na 'yun? Magkasama kaya tayo ngayon?" B

