Oliver's POV Pagkatapos ng seremonya sa simbahan ay dumiretso na kami sa reception kung saan naghihintay na ang aming mga kapamilya at kaibigan. In between ay may mga photoshoot kasama ang mga abay, at maraming marami pang photoshoot. "Hindi pa ba 'to matatapos? Excited na ko sa honeymoon natin. Gusto na kitang itakas dito," Bulong ko kay Mikee. Natawa ito at hinampas ang braso ko. "Lokoloko ka talaga!" "Aw! Love wag mo kong gagawing battered husband ha!" Pagbibiro ko pa. "Pag nambabae ka!" Kinurot naman niya ang ilong ko. "Mambababae lang ako kapag nagkaroon ka ng clone," Lalo pa niyang pinisil ang ilong ko. "Mikee...congrats!" Bati sa amin ni Rico habang papalapit ito kasama ang asawa at mga anak.," Congrats Bro!" Baling naman niya sa akin. "Rico..si..." Napatingin si Mikee sa a

