CHAPTER 02

1276 Words
Margaux “W-wait lang kuya. Hahanapin ko lang ang mga kaibigan ko,” hinila ko ang kamay ko na mahigpit n'yang hawak. Ngunit muli akong nakarinig ng putok ng baril. Kaya naman bigla akong napayakap sa braso niya. Natigilan ako ng tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa braso niya pagkatapos ay nag-steady ang tingin niya sa mukha ko. Nakita ko sa mata nito naaliw sa reaction ko kaya todo ako depensa sa sarili ko. “N-nagulat lang ako,” katwiran ko dahil bigla akong tinubuan ng hiya. Mabilis ko ring binawi ang kamay ko na nakahawak sa braso niya dahil para akong napaso sa matiim niyang titig sa ‘kin. “Ay!” napatili ako ng may nagpaputok ng baril. “Ingay,” saad nito pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ako sumama kami sa mga taong nagtatakbuhan palabas sa disco-an. “Sandali lang hanapin natin ang mga kaibigan ko,” wika ko ng maalala sina Marrianne at Helena. “Woi kuya! Sabi ko sandali lang bitiwan mo ako babalikan ko ang dalawa kong kaibigan.” “Kapag bumalik tayo sa loob kasama tayo sa mahuhuli ng mga pulis,” sagot nito sa ‘kin. Nagkaroon ako ng pagkakataon na mabawi ang kamay ko na hawak nito. “Bakit ba may mga awtoridad na pumasok dito? Ano ba ang kailangan nila rito sa disco bar?” “Hindi ko rin alam mabuti pa ‘wag ng maraming daldal bilisan mo ng lumakad.” Utos pa nito sa ‘kin. Hindi ako kumilos. Parang napipikon ito dahil nahilot sentido niya. Humalukipkip ako nakipaglaban ng tingin sa kaniya. “Ouch,” Naitulak ako ng mga tao dumaan buti sa kaniya ako sumadsad sapol ang mukha ko tumama sa dibdib niya ngunit mas masakit ang ilong ko sa pagtama sa dibdib niya. Kinapa ko baka dumugo mabuti na lang wala akong maramdaman sa kamay ko ng salatin ko ang ilong ko. “Ano ba kasi ang naisip mo bakit tumigil ka rito sa maraming nagkakagulong tao? Tss 'yan ang napapala mo pinipilit ang gusto," iritableng saad ng estranghero lalaki. “Masakit ba?” mamaya huminahon ang boses nito. Hindi ako sumagot dahil masakit talaga pero hindi naman sobra. Hindi na ako nakipag talo sa estranghero lalaki ng hilahin na niya ako palabas ng disco bar. Luminga-linga pa ako sa paligid bakasakaling mamataan ko pa ang dalawa kong kaibigan. Wala akong nakita. Tanging ang mga nahuli kaedaran namin ang nakita ko hawak ng mga pulis. Anong klase bang disco bar ba ito bakit parang raid ang nangyari. Anong meron bakit ang daming pulis. Kahit gusto kong balikan at hanapin sina Marrianne at Helena ngunit hindi ko makita dahil nagkakagulo pa rin ang mga tao. Nag-aalala ako sa dalawa kong kaibigan kung ano na ang nangyari sa dalawa. “Paano ang dalawa kong kaibigan?” nag-aalala pa rin ako palinga-linga sa paligid. “Dammit hindi tayo pu-puwedeng bumalik doon baka masangkot pa tayo sa trouble na mayroon sa loob. Sa labas na natin sila antayin tiyak nakalabas na ang dalawa mong kasama. Hindi naman siguro mga bata ang dalawang iyon para magpahuli dahil tingin ko naman mga sanay kayo sa ganitong lugar at takaw gulo kayo,” “Excuse me! Masyado kang judgmental ha! Ngayon lang nagkagulo dahil malas ka. Bitiwan mo nga ako kaya ko naman pangalagaan ang sarili ko—” Pisti binitiwan nga ako pagkatapos mabilis na naglakad patungo sa pinto. “Ay….” malakas akong napatili ng mayroon ulit nagpaputok at nasagi pa ako sa nagtatakbuhan sa gilid ko. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko na makita ang estrangherong lalaki. Nasaan na ba iyon iniwan nga ako ng tuluyan. Napaka bastos, talagang iniwan nga ako hindi ko na mamataan kung nasaan na iyon. “Gago!” nabigla ako ng mayroon humila sa akin. Pagtingin ko walang iba, siya ang pakialamerong lalaki. “Dito tayo dumaan para mabilis tayong makalabas,” sabi nito sa akin. Bakit kabisado nito ang buong disco-an. Madalas ba rito ang lalaki kasi kung pagbabasehan ang kilos alam niya ang pasikot-sikot sa loob ng disco-han. “Miss? Naniniwala na ako na may gusto ka sa akin madalas kang matulala sa kagwapuhan ko—” “Ang kapal mo talaga,” “That's what I see in your eyes, I'm simply being honest.” “Okay na ako rito p'wede mo na akong iwanan aantayin ko pa ang mga kaibigan ko,” paglilihis sa sinabi nito. “Before I leave you, get inside your car.” Utos niya at sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Animo hindi siya magpapatalo kahit na anong pakiusap ko sa kaniya. “Inuutusan mo ba ako?” “Just follow my orders ang dami mong daldal,” sumagot nga pero parang napilitan lang, halatang tinatamad na sumagot sa akin. “Ayaw ko. Lumayas ka kung gusto mong lumayas pero kung ayaw mo bahala ka rin sa buhay mo. Pero hindi ko susundin ang pinag-uutos mo hangga't wala pa ang dalawa kong kaibigan.” “Brat,” parinig nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Nag-vibrate ang phone ko. Mabilis kong hinugot sa bulsa ng pants ko. Marrianne: Margaux, okay ka lang ba? Si Helena nakita mo ba? Ako: Wala, bakit nakauwi ka na ba? Inaantay ko nga kayong dalawa nag-aalala ako sa inyo. Nasa labas ako ng disco-han. Marrianne: Nakasama ako sa nahuli inaantay ko si daddy para tubusin ako. Ayaw akong pakawalan ng mga pulis hangga't walang magulang. Ayaw maniwala na disco lang ang sadya natin doon wala tayong alam sa bentahan ng drugs na nangyari. Ako: Ano!? Kaya pala maraming pulis. Tama nga ang hula ko kanina tila raid ang nangyari sa loob ng disco bar. So talamak pala ang pagbebenta sa loob ng disco-han. “Margaux!” Nag-angat ako ng tingin napangiti ako ng makita ko ang humahangos na si Helena palapit sa akin. Mabuti naman walang masamang nangyari dito si Marrianne lang ang na malas nakasama sa mga nahuli. “Tinawagan ko si Marrianne, hindi sumasagot,” hinihingal pa na sabi ni Helena sa akin. Sumenyas ako na kausap ko kaya sumagot ng ‘mabuti’ naman. “Hello, naririto na si Helena. Pupunta na kami r’yan. Sige ba-bye,” paalam ko pagkatapos hinila ko na si Helena patungo sa aming sari-sariling sasakyan. “Woi sandali lang, Margaux. Si pogi nilampasan mo lang hindi ka lang nagpaalam,” saad ni Helena. Doon ko lang naalala kaya pumaling ako ng tingin sa estrangherong lalaki. Pinagmamasdan kami ni Helena at seryoso ito. Hindi ko matagalan ang paninitig nito sa akin kaya muli kong ibinalik ang atensyon kay Helena. “May tinanong lang iyon tara na puntahan na natin si Marrianne. Nasa presinto si Marrianne kasama siya sa mga nahuli,” saad ko hindi ko maiwasang matawa. Bumungisngis din si Helena. “Pambihira ang hina hindi nakatakas,” saad pa ni Helena. Pumasok na kami pareho ni Helena sa kaniya-kaniyang sasakyan. Bago ko buhayin ang makina. Kumayaw kami pareho sa isa't isa. Kung kailan naman pinaharorot ko na ang kotse ko patungo sa presinto na kinaroroonan ni Marrianne. Nag-ring ang phone ko. Sumilip ako baka si Helena o si Marrianne ang tumatawag. Damn! Si daddy ang tumatawag. Paktay na Margaux, alam na kaya nito ang nangyari? “Hello dad?” pinalambing ko pa ang boses ko. “Where are you?” galit ang boses nito sa kabilang linya. “Daddy nasa labas po,” “Margaux Chavez, go home immediately,” malamig ang boses na saad ni daddy. I'm dead…kapag ganito na ang boses ni daddy at buong pangalan ko na ang sambitin ni daddy. He's angry. Yare ako nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD