CHAPTER 03

1228 Words
Margaux “Gising pa kami ng mommy mo ‘wag mong tagalan,” muling saad ni daddy animo nakaamoy siya na may balak pa akong dumaan kina Marrianne bago ako umuwi ng bahay. “Daddy…ahmm pupuntahan pa po namin ni Helena si Marrianne—” “Margaux Chavez!” maawtoridad niyang sabi kaya hindi na ako nakahagilap ng isasagot sa kaniya at mabilis akong tumango para bang nakikita ako ni daddy sa kabilang linya. “Opo daddy uuwi na,” pagsuko ko. Humugot ako ng hangin at tumingin ako sa labas kung mayroon akong mapaparadahan ng kotse ko sa tabi ng kalsada. Mayroon akong nakitang mini mart malapit lang at doon ako pumunta at ng dumating ako roon. Sandali muna akong tumabi sa kalsada upang tawagan ko muna sina Marrianne at Helena. Dial ako ang number ng kaibigan kong si Marrianne. Hmm mabilis din sumagot si Marrianne mabuti naman. “Hello? Marrianne hindi ako makararating d’yan tinawagan ako ni daddy. Galit sa ‘kin umuwi raw ako ngayon din,” Pinagtawanan ako nito sa kabilang linya ni Marrianne. “Pare-pareho raw tayo sabi pa ni daddy,” bumungisngis na lang din ako kasi tatlo kami ngayon grounded sa aming mga ama sigurado iyan. “Yeah expected ko na ito dahil tinawagan siya ni daddy ng makarating dito. Ganun din ang daddy ni Helena tinawag din ni daddy. I'm sure. Pinauwi na rin iyon. Don't worry narito naman na si daddy ligtas na ako at kasalukuyang inaayos na ang paglabas ko. Mamaya lang siguro bago mag-alas-dose ng gabi uuwi na rin ako. Ingat ka girl at balitaan mo ako kung ilang buwan ang parusa sa ‘yo. Dahil ako two months daw akong grounded at marami akong sermon na nakuha kanina pa,” sagot ni Marrianne. “Ikaw rin magi-ingat. Tawagan na lang kita kapag nakauwi na ako sa bahay at bukas balitaan tayo kung anong parusa ang ibinigay sa ‘kin ni daddy,” wika ko pa bago ko patulin ang pakikipagusap ko sa kaniya. Ako: Helena, pauwi na pala ako sa bahay tumawag si daddy pinauuwi na ako. Ingat ka girl. Tatawagan kita bukas. Nag-text ako kay Helena hindi ko rin inantay na mag-reply si Helena. Muli kong ibinalik sa bag ko ang phone ko. Mabuti lang talaga dinampot ni Helena ang bag ko bago sila makatakbo ni Marrianne. Kasi ang cellphone ko nasa bulsa naman ng pants ko. Pero importante rin naman ang bag ko kasi nasa loob ang ID ko lalo na driver's license ko nasa loob. Hindi na bale mawala ang mga cards ko. H'wag lang ang mga ID ko. Nang binabagtas ko na ang patungo sa bahay namin. Nag-vibrate ang phone ko. Hindi ko nga lang sinilip kung sino ang nag-text. Nag-concentrate kasi ako sa pagmamaneho. Mahirap na madisgrasya baka isumpa na ako ni daddy kapag nangyari iyon. Ngayon pa nga lang halata na sa boses naputol ang pisi nito sa akin. Wala pang isang oras nakarating na ako sa bahay namin. Bukas pa rin ang mga ilaw sa buong bakuran. Talagang gising pa sila ni Daddy at Mommy inaabangan ang pagdating ko. Nang malalabas ako sa kotse ko. Nakahanda na ang matamis kong ngiti para sa daddy at mommy ko. Sakto, pagbukas ko ng pinto nakatayo si daddy tila ba inaabangan niya ako habang si Mommy. Nakayuko tila na nerbyos nasa labi ni mommy ang magkasalkop nitong palad. Lumingon si mommy habang si daddy naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. Kahit galit si Daddy. Matamis pa ri ang ngiti ko habang naglalakad ako palapit sa kanila ni mommy. “Mommy,” nakangiti na ako binilisan ang lakad patungo sa kaniya. “Daddy,” pagbati ko rin kahit badtrip si daddy nakangiti pa rin ako s kaniya. Hindi pa ako nakararating kay mommy. Tumayo na siya at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. “Anak pinag-aalala mo kami ng sobra. My God. Ilang beses na ito nangyari sa inyong magkaibigan kapag lumabas kayong tatlo palaging may kasunod na trouble,” “Mommy wala naman po kaming kasalanan sa mga trouble na nangyari sa bawat disco bar na puntahan namin. Hindi naman namin alam na magkakagulo roon,” “Kahit na anak. Aatakihin ako sa puso sa ginagawa mo,” malumanay na wika ni mommy hinaplos pa ang mukha ko puno ng pag-aalala ang nakikita ko sa mga mata ni mommy. “Sorry po,” saad ko kay mommy. Tumingin din ako kay daddy. “Daddy, sorry po hindi na uulit,” wika ko pa nagtagis ang panga ni daddy animo hindi niya nagustuhan ang aking sinabi sa kaniya. “This will never happen again,” malamig ang boses ni dad. “Sorry po dad,” “Bukas maaga kang gumising dahil pupunta ang lalaking nakatakda mong pakasalan,” “Daddy?” kumunot ang noo ko. Pero seryoso si Daddy at salubong pa rin ang kilay tila sinasabi ng reaksyon ng mukha ni daddy wala siyang panahon na pakinggan ako. “Yes, you heard correctly.” He paused for a moment, then sighed. Ayaw ko sanang pangunagan ka sa pag-aasawa. Kaya lang nasobrahan ng lakwatsa. Mapipirmi ka na siguro ngayon kung may asawa ka na.” “No! Daddy hindi mo na ba ako mahal? Tumingin ako sa mommy ko upang magpasaklolo. Alam ko isang tingin lang dito ni mommy kay daddy. Agad niyon pagbibigay ngunit umiling si mommy malungkot ang mata nakatitig sa akin. “Ako ang masusunod. Kanina ng tumawag ang daddy ni Marrianne. Your mom almost had a heart attack earlier because she was so worried about you. Nakaraang buwan. Nakipag karera naman kayo ng kotse at muntik ng lumihis sa bangin ang kotse mo. Margaux Chavez! Maaga kaming paglalamayan ng mommy mo sa ginagawa mo “ “Dad, hindi naman pag-aasawa ang solusyon. Hindi na kami lalabas para mag-bar hopping. Please dad, ayaw ko pong mag-asawa ng hindi ko mahal,” “Sinabi mo na ‘yan sa ‘kin na hindi na mauulit noong nakaraan buwan. Anong nangyari. Two weeks grounded walang kotse at kinuha ko pa lahat ng mga cards mo. Pero after ng punishment. Ito ulit may trouble na naman. Hindi ako tumatanggap ng ‘no’ mong sagot dahil ikakasal ka sa lalong madaling panahon.” “Ayaw ko pa rin dad! Hindi n'yo ako mapipilit! Hindi ko nga kilala iyang lalaki napupusuan mo,” “Dati ko siya ka schoolmate,” “Ano?! Daddy nagbibiro ka ba? Edi gurang na iyon kung dati mo ka school mate?” halos magkandaiyak ako sa nalaman. “Maari ka ng matulog para bukas—” “No pa rin po ang sagot ko. Mommy bakit po kayo pumayag. Ano ito ibibigay n'yo ako sa gurang na?” “Anak magugustuhan mo siya sigurado ako. Hindi mo pa lang nakikita kaya mo iyan nasasabi.” “Mommy maliwanag pa po sa sikat ng araw matanda na iyon kung kasabayan ni daddy nag-aral.” “Ninong mo pa nga iyon anak—” “What?” nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy. Bakit naaaliw pa si mommy argh ano ba ang nangyari. Nagdabog akong tumalikod dahil sa sama ng loob. Napasubunot ako sa buhok ko. Kahit naman brat ako. May takot ako kina daddy at mommy. Pero ang magpakasal sa hindi ko kilala at gurang na? No way! Ayaw ko magpakasal ng hindi ko naman mahal ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD