IKA-APAT NA KABANATA "MULING PAGBABALIK"

1978 Words
" THE SWEETIEST LIE " [ Sa aking Puso ] By : "Ms. Alejos"   NANG makabalik nang mansyon si Hershey.. Tila hinang-hina sya, sinalubong naman sya ni Mrs. Forbes. "Hi iha! Oh kumusta ang paging na pinuntahan mo..?" agad na tanong nitu.. Naupo muna si Hershey sa malapad na upuang pang isahan.. "Maayos naman ho Mrs. Forbes, marami hong naging panauhin sina Governor.. At talaga namang engrande din ang kaarawan nang kanilang anak.." paglalarawan ni Hershey sa kanyang nasaksahin.. "Mabuti kung ganoon.. Nag-enjoy ka na man ba doon?" muling tanong nang Ginang.. "Ayos naman ho.." maikling sagot nang dalaga saka nagpaalam na aakyat na muna sa kanyang silid..   Sinang-ayunan na rin nang ginang na makaakyat eto batid nyang napagod din eto sa dinaluhang kasiyahan. Dahil sa may hair spraynet ang kanyang buhok at may pintura ang kanyang mukha, minabuti ni Hershey na maligo sandali nang sa ganoon hindi naninigas ang kanyang buhok kinabukasan. Madaliang ligo ang kanyang ginawa, sabay pinatuyo ang buhok gamit ang blow-drier nya.. Matapos iyon nagsout na sya nang damit pantulog, saka nahiga para ipahinga naman ang kanyang utak hindi ang pagal na katawan.   Nakailang biling na sya sa higaan pero mailap ang antok sa kanya, kinuha nya ang telepono at tinawagan ang linya sa kusina. Alam nyang ang mayordoma ang nakasagot kaya naman nakisuyo sya na pakipadalhan sa silid nya nang isang basong gatas. Agad naman na tumalima ang katiwala at eto na mismo ang naghatid nang fresh milk kay Hershey.. "Salamat ho, pasensya na sa abala.." nahihiya namang wika ni Hershey.. "Senorita talaga, wala ho kayong dapat na ikahiya, trabaho naming pagsilbihan kayo. Dahil binabayaran nyo kami.." tugon naman nang may kaidaran nang babae.. Ngumiti nalang si Hershey at nag magandang gabi sa babae.   Nang maisara nya ang pintuan nang kanyang silid isang lihim syang natawa, hindi nya kase alam kung may pamilya na ba ang katiwala. She want to spent some time for theme kaya lang ang mga eto naman ang ilag sa kanya. Tangging ang dalawang kasambahay na syang palaging naglilinis sa silid nya ang nakakausap nya tipid pa kung sumagot.. Nang mainom nya ang gatas muli syang bumalik sa pagkakahiga nya sa kanyang malapad at malambot na kama. "Hershey! Hershey!" sunod-sunod na tawag sa kanya nang lalaking pamilyar sa kanya ang boses.. Nilingon nya iyon.. Napakasaya at napakalapad nang ngiti nang lalaki, tinatawag sya nitu na lumapit sya.. Patakbo naman syang lumapit at yumakap dito. Tawanang walang humpay ang kanilang ginawa. Hawak nitu ang kanyang violin, inaawit at pinatotog-tog ang napakagandang pyesa na talaga namang di pinagsasawaan ni Hershey na pakinggan..   SA AKING PUSO   Uulit-ulitin ko sa `yo Ang nadarama ng aking puso Ang damdamin ko'y para lang sa `yo Kahit kailanma'y hindi magbabago Chorus: Ikaw ang laging hanap hanap sa gabi't araw Ikaw ang nais kong sa tuwina ay natatanaw Ikaw ang buhay at pag-ibig Wala na ngang iba Sa `king puso'y tunay kang nag-iisa `Di ko nais na mawalay ka Kahit sandali sa aking piling Kahit buksan pa ang dibdib ko Matatagpua'y larawan mo (Repeat Chorus) Kahit buksan pa ang dibdib ko Matatagpua'y larawan mo (Repeat Chorus until fade}     Napakagndang pakinggan nang boses nang lalaki, ang kantang eto'y nanonoot sa kaibuturan nang kanilang mga puso. Masaya silang napadako sa isang lugar na madalas din nya makita. ILANG beses nang nakikita ni Hershey sa kanyang panaginip ang lalaking hinayaang mahulog sa bangin, halos gabi-gabi nakikita nya eto sa kanyang panaginip, at magigising nalang sya na sumisigaw at umiiyak na hindi nya maintindihan. Dalawang lalaki ang nakikita nya, napakasaya nang mga eto naririnig nya ang mga boses na naghahalakhakan, hanggang sa ang isa ay makita nyang muntik nang mahulog sa bangin mabuti nalang at naagapan nang isang lalaki nahawakan nitu ang mga braso nang isang lalaki.. Hindi nya maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nang dalawa nang bigla nalang unti-unti ay binitiwan nang isang lalaki ang mga baraso nang kanina ay muntik nang mahulog. Kitang-kita nya ang mga pangyayari, sumisigaw sya nang wag!! Ngunit binitawan parin nang lalaki ang mga braso nitu at tuluyang nahulog sa bangin ang isang lalaki. Pagkatapos ay nagising sya na umiiyak at pawis na pawis. Ang lalaking nakita nya sa party ang lalaking may hawak na violin, at ang lalaking hinulog sa bangin sa kanyang panaginip ay iisa. Eto ang kanyang nakita sa kanyang panaginap ngayon.   Nakaupo sya sa kama, na gulong-gulo ang isipan sa nakita nyang panaginip. She's starting to wipe her tears, until narinig nya ang pyesang pamilyar sa kanya. Ang piano ni Hector, may nagpapatogtog nang piano nang kanyang fiance. Isinuot ang kanyang roba at lumabas sa kanyang silid upang makita ang taong nagpapatogtog niyon. Binabaybay nya ang pasilyo patungo sa hagdan pababa, nang marinig nya ang isang boses na kilang-kilala nya. Napangiti sya at ang marahang hakbang na kanina'y ginagawa nya ngayon ay naging doble at mas mabilis na tinaluntun ang hagdan pababa. Nasa kalagitnaan na sya nang hagdan nang huminto ang piano..   Hinanap nya ang taong nagpapatog-tog niyon ngunit wala syang makita, bakante ang upuang nasa harap nang piano. Tuluyan syang bumaba nang hagdan at inikot ang kanyang mata sa malawak na espasyo kung saan naroroon ang piano. Ngunit wala syang makita. Kaya nagpasya syang umakyat nalang muli, ngunit nakakadalawang hakbang palang sya nang biglang may magtakip nang kanyang mga mata. Sa pagkagulat nya at napatili sya.. "Bitawan mo ako! Sino ka ba?!" malakas na sigaw ni Hershey.. "Hey! Pie It's me.." tugon naman ni Hector. Nang humarap si Hershey, natampal pa nya eto sa sobrang gulat nya.. "Hector!?" sabay yakap nadin nya sa nobyo.. "I'm sorry kung nagulat kita.." gumanti naman eto nang yakap sa nobya.. "Saan ka ba nagtago? Hinahanap kita nawala ka nalang.." tugon naman ni Hershey.. "Tara nagugutom ako samahan mo akong kumain.." anyaya naman nang lalaki kaya sumunod naman si Hershey.. Agad namang hinila ni Hector si Hershey papalabas nang malaking pintuan nang mansyon. "Teka nakapantulog lang ako.." reklamo ni Hershey.. "No problem, tented naman ang sasakyan na gagamitin natin, and I want to eat on drive thru.." tugon naman ni Hector nakita pa ni Hershey ang mga maleta nang lalaki sa labas nang pintuan nang mansyon.   Pinagbuksan naman sya nang pintuan nang sasakyan nang kanyang nobyo, isinara nya ang kanyang roba at ibinuhol ang mahaba nyang buhok. Nang nasa loob na nang sasakyan si Hector. Ikinabit nitu ang seatbelt nya. Ewan pero parang kabang-kaba si Hershey yung tipong kaba na may kahalong kilig, ang bango ni Hector parang gusto nyang halikan eto, ang hininga nitu na halos malapit na sa kanyang bibig ay kanyang naamoy. Kahit na doon na sya nakatira sa bahay nila Hector di pa naman sila gumagawa nang lalampas sa gawain na nang mag-asawa. Nirerespeto sya nang lalaki kaya naman tuwang-tuwa sya dito. "Something wrong?" tanong ni Hector nang mapansing nakatitig sya sa mukha nang katipan.. "Nothing.. Let's go.." pag-iiba nya. Nangiti naman si Hector sa tipo nang tingin nang kanyang mapapangasawa.. Ilang minuto pa naabot na nila ang malaking gate nang mansyon. Bumusina si Hector para pagbuksan nang guardya sila, tila nataranta naman nang makita ang dalawang amo. Nagmamadali etong buksan iyon. Saka sinaluduhan ang among lalaki.. "Pizza?" tanong ni Hector.. "Okey. Walang problema.." nakangiting tugon ni Hershey.. "Pie inaantok ka yata eh.." sabay kiliti ni Hector sa tagiliran nitu, alam nyang malakas ang kiliti nang babae doon.. "Apple ko, wag nakikiliti ako magmaneho kanalang mamaya maaksente pa tayo nyan.." sagot ni Hershe.. "Namiss ko lang apple ko, kaya kinikulit ko.." tugon naman ni Hector.. "Miss you too.." sabay kindat nang dalaga..   May pagka pilya talaga si Hershey. Kabaliktaran ni Hector na kadalasan seryoso, nahahawa nalang eto minsan sa kanyang kakulitan. Habang binabay-bay nila ang paghahanap nang pizza parlor. Panay naman ang kwentuhan nila nang kung anu-anu. At ang huli nilang napag-usapan ang party na dinaluhan ni Hershey. Matapos iyon sa wakas nakakita na rin si Hector isang branch nang Pizza hot na nag-ooperate nang 24 hours.. Agad na ibinungad nang lalaki ang kanyang sasakyan sa bintana nang drive thru na iyon.. "Apple ko thin pizza sa'kin ha yung may peperoni and black olives.." wika ni Hershey.. Kaya isang solo pizza ang kinuha nya para kay Hershey saka naman umorder si Hector nang vegetable toppings. Kapwa soda ang kanilang inuming inorder.. "It's better maghanap tayo nang pwede nating pagparkehan para makakain tayo nang maayos.." wika ni Hector.. Habang hawak ni Hershey ang dalawang box nang pizza at tuloy sa pagmaneho si Hector. Bumalik sila nang mansion, sa malawak na harden sa gitna niyon may isang shed na gawa sa bakal na napapalibutan naman nang Oechids, sinindihan ni Hector ang ilaw at doon sila naupo.. May Carpet ang shed na iyon at malilit na throw pillow.. kaya naman mas naging komportable pa ang dalawa, hindi naman kase sila pwedeng sa labas o park sa labas kumain dahil sa kasuotan ni Hershey.. "Hhhhmmm... Tikman mo tong vegetable toppings ko pie.. Masarap mukhang sariwa lahat nang gulay.." sabay subo naman kay Hershey nang hawak na pizza, kumagat lang ang dalaga nang kaunte.. Hector like the spicy one kaya naman bahagya lang kanyang kinagat, ayaw nya nang ganoon kaanghang. Pagkatapos nyang tanggapin ang pizza ni Hector sya naman ang nagsubo dito.. Pero syempre nilagyan nya muna nang hot souce iyon para sa lalaki. Alas-dose na nang madaling araw nang mga oras na iyon pero nag-eenjoy pa sila sa kwentuhan. "Mag-sstay ka na ba dito?" malambing namang tanong ni Hershey.. "Yah.. But after the wedding isasama na rin kita. Doon nalang tayo manirahan at kapag gusto mong magbakasyon we can came here again.." tugon naman ni Hector.. "But why? Ayaw mo bang dito tayo sa pilipinas mag-stay? Akala ko pa naman after wedding we can stay here together.." si Hershey..   "Pie ang kompanya ay nandoon, nandoon din ang malaking halaga nang pera, compare dito sa atin. Kung ako lang mas gugustuhin ko dito.. Pero ayokong someday maghirap ka at kayo nang mga anak natin.." paliwanag naman ni Hector. Pero tila iba ang dahilan nang ayaw nitong pananatili sa bansa. Noon pa man gusto na nitong kasama sya palagi. Tila may kinakatakot na kung ano.. "Okey wala namang problema sa'kin ang importante kasama kita.." tugon ni Hershey. At niyakap naman sya nang kanyang nobyo. Mahigpit at damang-dama nya ang pagmamahal nito.. "Let's go.. Pumasok na tayo mas lalong lumalamig dito, baka magkasakit ka pa.." pag-aalala ni Hector.. Eto ang dahilan kung bakit sinasabi nang kanyang isip na mas kailangan nyang mahalin ang lalaki, hector always care for Hershey kadalasan ang dalaga ang palagi nitong iniisip he not consider his self also, ang importante ay si Hershey..   Magkasabay na pumusok ang dalawa sa mansion, pinagmasdan pa nila ang malaking fountain na nasa harapan mismo nang mansion, mas lalong lumalamig dala nang ihip nang hangin at ang tangay na tubig nito mula sa fountain, kaya magkayap na pumasok ang dalawa. Mas nanonoot kay Hershey ang ginaw dahil nakapantulog lang eto. Binaybay nila ang mataas na hagdanan at hinatid ni Hector ang nobya sa silid nito. Pagkatapos ay binigyan nang masuyong halik sa labi.. "Good night!" malambing na wika ni Hector.. "Good morning.." tugon naman ni Hershey.. At ngumiti naman ang isa.. "Yah It's morning already.. Pahinga kana, see you tommorow.." sagot nang lalaki..   Nang makapasok na si Hershey sa silid, agad nyang tinggal ang kanyang roba at nahigang muli sa kanyang kama. Makakatulog sya nang may mga ngiti sa labi at nasa isipan ang nobyong si Hector. She admire Hector a lot ang pagtitimpi at pagpigil nito sa sarili para lang wag galawin ang dalaga at hintayin ang takdang oras na makuha sya na malinis sa araw nang kanyang kasal kaya naman ganoon nalang ang tingin nya dito, napakataas kasing taas nang respeto ding binibigay sa kanya nang lalaki.. Pansamantang nawala ang mga agam-agam sa isipan ni Hershey ang kanyang panaginip na palaging gumugulo sa kanya'y dagling nalimot nang makasama na nya si Hector..   >>>>>>>>>> To be Continue <<<<<<<<<<                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD