" THE SWEETIEST LIE "
[ Sa aking Puso ]
By : "Ms. Alejos"
KINABUKASAN maagang gumising si Hector at nagpagayak eto nang special na agahan para sa kanilang dalawa ni Hershey.. Nang maigayak na eto nang mga kasambahay sya mismo ang nagdala nitu sa silid nang kanyang mapapangasawa. Nagpabili din sya nang sariwang bulaklak para sa dalaga..
"Good morning Pie ko! Time to wake-up ang breakfast in bed.." wika ni Hector na di na kumatok pa sa pimtuan nang nobya.. Iinat-inat namang napabangon ang dalaga..
"Good morning.. Anong oras na ba?" pupungas-pungas pa nitong tanong..
"It's 9 o'clock in the morning already Pie.." inabot nitu ang kumpol nang bulaklak at nagtungo sa bintana nang kuarto ni Hershey hinawi nya ang makapal na kurtina para pumasok ang sinag nang araw.. Nasilaw naman si hershey nang gawin iyon ni Hector.. Kaya tinakpan nya muna ang ang kanyang mata..
"Teka sino ang nagluto nang breakfast?" tanong naman ni Hershey..
"Hhhhmmm.. Hindi ako, pero ako ang nagdala nyan dito sa room mo, kaya sabay na tayong kumain.. Pinaluto ko ang paborito mong agahan.." tugon naman ni Hector..
"I know na hindi ikaw ang nagluto noh.." nakangiti namang tugon nang dalaga. Tumayo sya sa kama, di naman maiwasang lingunin ni Hector ang nobya, lihim syang napalunok nang makita ang kabuuang hubog nitu, dahil manipis lang ang suot nitong pantulog. Agad nyang inabot ang roba nito na nakapatong sa sofa nang silid nang babae.. Sya mismo ang nagsuot sa dalaga..
"So let's eat.." wika ni Hector nang makita nitong maayos na ang babae..
"Okey." masaya namang tugon ni Hershey..
"Mamasyal tayo pagkatapos nating mag-agahan.. May gusto ka bang puntahan..? "tanong ni Hector..
"Magsimba nalang muna tayo, then parang, gusto q magpunta dun sa park na pinagdalhan mo sa akin dati, magbiking tayo.." nakangiting tugon ni Hershey sa pagitan nang kanyang pagsubo..
"Okey sige. Pero bukas nalang tayo magbiking, kase mainit na.. Going to church, hang-out then magshopping tayo nang mga kailangan mo.. And next week kailangan na natin ihanda ang engagement party natin.. Okey ba sa'yo yon..?" tanong naman ni Hector...
"Okey lang. Pero kailangan pa ba nang party, alam naman na nang lahat na ako ang mapapangasawa mo.." sagot naman ni Hershey..
"Gusto ko parin suotan ka nang mamahaling sing-sing sa harap nang maraming tao, yung tipong kakainggitan ka nang lahat nang babae, at papangarapin nilang sana isa din sila sa mapalad na makatagpo nang lalaking kagaya ko.." pagyayabang ni Hector..
"Ganoon? Hhhmmmppp... Ang yabang naman.." nakangiting tugon ni Hershey..
"Hahaha.. Mayabang ba yon, syempre hindi noh.. Just kidding.. Gusto ko lang maging pormal ang lahat, at special ka sa akin kaya naman lahat gagawin ko makaanggat kalang sa ibang babae.. I want everything for you are the best.." sabay kindat ni Hector.. Sumang-ayon nalang si Hershey sa kagustuhan nang fiance beside di naman talaga sya mananalo kilala nya eto. Lahat nang garbo ay gusto nitong gawin sa kanya..
Nang matapos ang kanilang agahan, tinawag ni Hector ang mayordoma nang mansyon at pinasabing ipakuha ang pinagkainan sa silid ni Hershey. Nang makuha naman nang katulong ang pinagkainan, kasunod na pinatawag ni Hershey ang personal nyang katulong para iligpit din ang kanyang silid. Nang dumating ang dalawa'y sya namang pagpasok nya sa kanyang banyo para maligo na rin.. Iniwan nya ang dalawa na nagliligpit na nang kanyang silid.
Pagkatapos maligo, nagpatulong sya para tuyuin ang kanyang buhok at pinalabas ang kanyang isusuot na damit at sandals maging ang bag na kanyang gagamiti'y pinalabas din nya. Naglagay sya nang manipis na make-up para sa lakad nila ni Hector. Malapit na syang matapos nang may kumatok sa kanyang silid. Pinagbuksan iyon nang isa nyang katulong. Si Hector ang nasa labas nang silid nakabihis na eto..
"Sandali nalang apple ko, hintayin mo nalang ako sa baba, susunod na din ako.." wika ni Hershey.. Tumango naman si Hector at lumakad narin pababa nang mansion..
Matapos na makagayak agad na bumaba si Hershey. Habang ang kanyang nobyo'y naghihintay naman sa baba. Malayo pa man si Hershey napakalapad at tamis na nang ngiti ni Hector sa nobya. His very lucky na magkaroon nang isang kagaya ni Hershey na nobya, maganda, sexy, mabait, at sweet.. Si Hershey lang ang babaeng minahal nya wala nang iba, kahit minsan di sya tumingin at naghanap nang ibang babae. Kaya naman gagawin nya ang lahat para dito, para mapanatiling matatag at nasa tabi nya ang babae. At sisiguraduhin nyang walang kahit sinong lalaki ang mamahalin ni Heshey tangging sya lamang. Sa layo nang iniisip ni Hector di nya namalayan na nasa harap na nya ang babae. Kung di pa gawaran ni Hershey nang isang halik eto sa pisnge ay di magigising sa pagkakatitig at pagkakatulala sa kanya.
"Ikaw pa rin ang babaeng nakilala ko noon, ang nag-iisang babaeng nagpatulala lamang sa'kin at ang babeng kahit kailan di'ko pinagsasawaang pagmasdan malayo man o malapit.." wika ni Hector nang matauhan..
"Nambola ka nanaman.." nakangiting sagot ni Hershey..
Papalabas na sila nang mansyon nang maalala ni Hershey si Mrs. forbes. Hindi pa nya eto nakikita simula nang magising sya. Gusto nyang magpaalam dito. Napansin naman ni Hector ang palinga-lingang ginagawa ni Hershey..
"May hinanahanap ka?" tanong nang lalaki..
"Ang mama mo magpaalam muna tayo.." sagot naman ni Hershey..
"Okey lang kahit dina tayo magpaalam, alam na noon.." tugon ni Hector at inalalayan na nya si Hershey papalabas. Napapansin nya etong di ganoon ka-close ang mag-ina kung minsan kausapin ni Hector ang ina ay para lamang isang mayordoma na katiwala sa malaking bahay.Kaya naman hinayaan nalang nya ang nobyo. Lumabas sila sa malaking pintuan nang mansion kung saan naghihintay ang lamborgene ni Hector.. Pinagbuksan sya nang nobyo nang pintuan saka naman sya sumakay doon..
"So which church you want to go?" Tanong ni Hector..
"hhhhmmm... Saint Joseph church nalang tayo Pie..." tugon naman ni Hershey..
"Your wish is my command.." birong tugon ni Hector..
Halos kakaumpisa palang ng third batch nang misa nang dumating sila, kaya naman nasiyahan narin si Hershey. Taimtim na dasal ang inalay ni Heshey para sa kanilang dalawa ni Hector, at huminge din sya nang tawad sa pagkakasalang kahit sa panaginip lamang. Nang matapos ang misa, agad silang lumabas nauna na sila sa karamihan dahil ayaw nilang makipagsiksikan sa maraming tao.. Dahil sa pagmamadali ni Hershey'y aksedenteng nawalan sya nang panimbang dahilan upang mapaupo sya at hawak ang kanyang mga paa. Hindi agad naagapan iyon ni Hector..
"Oh my God! It's better we go in the hospital para matingnan agad yan.." wika ni Hector..
"Okey lang ako, "tugon naman ni Hershey na bahagya pang iika-ika..
Dahil sa pagbagal nang paglakad ni Hershey naabutan na rin sila nang karamihan sa paglabas nang simbahan. Hinayaan nalang muna ni Hector na maupo eto sa isang bench at hinilot-hilot nya ang paa nang nobya. Nang makaramdam nang ginahawa'y si Hershey na mismo ang nag-ayang umalis sa lugar na iyon.. Habang naglalakad, umagaw sa kanya nang pansin ang pinagkukumpulan nang mga nagsipagsimba. Isang lalaking tumutog-tog nang Violin iyon, tiningnan din ni Hector ang dereksyon kung saan ang mata ni Hershey nakatingin. Ewan sa tuwing maririnig ni Hershey ang pyesang iyon palagi syang inaagaw at inaanyayahan na pakinggan ang tugtugin, hanggang sa ang kanyang mga paa'y unti-unti lumalakad at lumalapit kung saan ang karamihan ay nandoon din.
"Hershey let's go.." anyaya ni Hector na umalis.. Ngunit tila isang binge na nagpatuloy sa paglakad si Hershey papalapit sa karamihan.
"Hershey I said let's go!" mataas at galit na ang boses ni Hector ngunit wala paring pakialam si Hershey hanggang sa malapit na sya, at ang mga taong nandoon nang makita ang reaksyon ni Hershey na umiiyak at nakatingin sa lalaking may hawak nang Violin tila naman binigyan nang daan nang mga eto si Hershey para makita ang lalaki. Unti-unti hinawi ang daan hanggang sa nakita ni Hershey ang lalaking tumutugtug nang Violin. Napatitig naman ang lalaki na may hawak nang violin sa babaeng nasa harapan nya na puno nang luha ang mga mata nitu. Napakamot nang ulo eto..
Samantalang si Hector ay nagulat naman sa kanyang nakita, titig na titig sya sa lalaking may hawak nang violin. Tila nag-aapoy ang mga mata nitu sa galit nang makita ang lalaki.. Akmang lalapitan nang lalaki si Hershey nang agawin ni Hector ang mga kamay nang babae. Naguluhan naman si Ax sa naging reaksyon nitu. Tinititigan nya ang kasama nang babaeng ilang beses na din nyang nakakasalubong. Mga matang tila nagtatanong para kay Ax, samantalang ang mga mata naman ni Hector ay mababakas ang poot at galit sa kaharapan nya. Ilang segundo silang nagtitigan nang mata sa mata hanggang sa Ax na rin mismo ang nagsalita..
"Sige ho mauna na ako, Eni-entertain ko lang kase ang mga tao dito matapos sila magsimba.. I'm Ax.." inilahad naman nitu ang kamay kay Hector. Ngunit di pinansin ni Hector iyon, binalewala ang inilalahad na kamay nang lalaki. Samantalang si Hershey nakatitig parin sa lalaking nagngangalang Ax. Hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman pero parang hindi Ax ang pangalan nito. Gusto nyang tawagin eto sa pangalan pero walang tinig na lumalabas sa kanyang mga bibig.
Dahil sa nakikitang reaksyon ni Hector sa kasintahan hinila nalang nya ang braso nitu at hawak ang mga balikat. Samantalang nililingon parin ni Hershey ang lalaki na tila naman istatwang nakatayo din sa gitna nang daanan.
"Hey! Hershey ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Hector.. Saka lang nahimasmasan ang babae nang mapansin nyang nasa tapat na sila nang sasakyan. Binuksan ni Hector ang pintuan at pinasakay si Hershey..
"Hindi sya si Ax.. I think I know him.." naibulalas ni Hershey nang nasa loob na nang sasakyan si Hector..
"What do you mean? " madiin ang pagkakatanong nang lalaki..
"I don't know.. But I feel hindi Ax ang pangalan nya.." muling sagot ni Hershey na pinunanasan ang luha sa mata.. Sa nakikita ni Hector lihim namang umigting ang kanyang galit.
"Forget him.." tugon nitu. Saka tahimik na nagmaneho..
"Hector may hindi ba ako alam sa nakaraan ko?" seryosong tanong ni Hershey..
"Ano!? Anong sinasabi mo? Naririnig mo ba ang sarili mo Hershey?" mataas ang tono nang boses ni Hector..
"I don't know parang may kulang hindi ko maintindihan.. Anyway forget about this .. I'm sorry.." hingeng paumanhin ni Hershey.. Hindi naman kumibo si Hector..
Dahil sa nangyari ang masayang araw sana nila ay nasira nalang, nawalan din nang kibo si Hector, at si Hershey naman sumasakit ang kanyang ulo.. Minabuti nalang ni Hector na umuwi sila..
"Bukas nalang tayong mag-shopping, kapag maayos na ang pakiramdam mo.." mahina na ang boses nitu..
"Okey sorry pie.. Hindi na mauulit.." tugon ni Hershey nakita nya kase ang pagbago nang templa at awra nang lalaki..
"It's okey.." tipid naman na sagot ni Hector..
Sunod-sunod na busina ang ginawa ni Hector nang di agad sila pagbuksan nang gwardya mainit pa rin ang ulo nang lalaki hindi nya lang eto maipakita kay Hershey.. Nang mapagbuksan na sila at marating ang mansyon, pinarada nya ang sasakyan sa tapat nang malapad na pintuan niyon. Natanaw naman ni Hershey ang mama ni Hector na nasa malawak na harden kung saan sila kagabi nagpalipas nang oras ni Hector.. Hindi na ni Hershey nagawang lumapit doon dahil inalalayan agad sya ni Hector na umakyat sa silid nya. Tila hapong-hapo ang kanyang pakiramdam nang oras na iyon..
"Magpahinga ka muna ha.. Kapag bumuti na ang pakiramdam mo lalabas tayo mamayang gabi.. "wika ni Hector..
"Okey sige.." tugon naman ni Heshey.
Nang makaalis si Hector nahiga muna sya sa kanyang kama, dina sya nagpalit nang damit, hinihimas ang kanyang sintido na kumikirot nanaman nang mga oras na iyon. Ilang minuto na syang nakahiga pero di sya dalawin nang antok. Kaya naman nagpasya syang tumayo nalang muna at kukuha nang tubig. Dahil nakabukas at nakahawi ang kurtina nya ay natatanaw nya ang malawak na harden. Nakita nyang nandoon si Hector sa mama nitu. bahagya pa syang lumapit sa may bintana. Nakita nyang tila galit ang lalaki sa ina, para etong sumisigaw at dinuduro pa ang ina nitu, nakayuko lang si Mrs. Forbes nang mga oras na iyon. Nang makita nyang gumawi ang mata ni Hector sa kanyang silid agad syang nagkubli sa kurtina para di sya matanaw nitu. Palaisipan sa kanya kung bakit ganoon ang reaksyon at ginawa nang kanyang nobyo. Nakikita nyang hindi ganoon ka-close ang dalawa, madalang lang kase etong mag-usap kung nandoon ang lalaki. Pero bakit galit si Hector sa mama nya ngayon? Ngayon nya lang eto nakita na parang sinisigawan ang mama. Lumabas sya nang silid at bumaba sa unang palapag nang kabahayan. Nakita nyang pumasok si Hector sa library nang mansyon, at padabog na isinara ang pintuan niyon.. Sya naman ay nagtungo sa kusina para makakuha nang tubig.
>>>>>>> To be Continue <<<<<<<
A/N
Hhhhhhmmmmm... Ano ba talaga ang bumabalot sa eksenang eto ngayon? Let's find-out on the next chapter..