" THE SWEETIEST LIE "
[ Sa aking Puso ]
By : "Ms. Alejos"
HERSHEY POV's
HALOS mabitawan ni Hershey ang hawak nyang baso. Hindi nya kase napansin ang Ginang na nasa pintuan na pala eto nang kusina.
"Napakaraming katulong dito bakit dika tumawag nang isa sa kanila.." wika ni Mrs. Forbes..
"Ha_ eh_ kuwan ho kase, magaan lang naman eto kaya ako na ang kumuha.." kanda utal na tugon nya..
"Sa susunod kapag may kailangan ka tawagin mo sila! Kaya sila binabayaran para magsilbi oras na kailangan mo, kahit na ipapabot mo lang ang bag mo pwede, basta tawagin mo sila!" medyo mataas ang boses nang Ginang halatang hindi maganda ang mood nito. Marahil dala nang nakita nya kaninang enkwentro nang mag-ina..
"O_oho.." matipid nyang tugon..
Matapos na pagsabihan nang Ginang tinalikuran at iniwan din sya agad nitu. Hindi nya alam pero pakiramdam nya may kinalaman sya sa pagtatalo nang mag-ina. Dahil masakit ang kanyang ulo di nalang nya pinansin si Mrs. Forbes at lumabas na sya ng kusina para makabalik sa sariling silid. Naihakbang na nya ang paa sa unang baitang nang mataas na hagdanan nang mapansin nyang nakaawang ang pintuan nang library. Dala ang kanyang baso na may laman nang tubig nagtungo sya doon. Lumapit sa pintuan at nang malapit na sya hinawakan nya ang seradura at dahan-dahang binuksan iyon, inikot nya ang kanyang mga mata ngunit wala syang nakitang tao, wala nadin si Hector doon. Napansin nya ang isang cabinet na bahagya pang nakabukas. Lumapit sya doon at tiningnan ang isang telang nakalabas pa sa pinid nang pintuan nang kabinet.. Dahan-dahan nyang binuksan iyon. Kinuha nya ang tela isang scarf iyon, scarf nang isang babae.. Nakita na nya ang scarf na iyon. Pamilyar sa kanya ang kulay nang scarf na iyon.. Iniisip nya kung saan nya nakita at sino ang may-ari noon.. Nang mapansin nya ang magkakapatong na lumang album sa kabinet bubuksan na nya iyon nang, makarinig sya nang yabag na papalapit. Dali-dali nyang binalik ang scarf at isinara ang kabinet na nandoon.
Agad syang lumabas nang library, nagmatyag at tuluyang umakyat nang hagdanan patungo sa kanyang silid.. Nasa gitna na sya nang hagdanan nang...
"Pinuntahan kita sa silid mo, wala ka dun kaya hinanap kita.." wika ni Hector na nasa likuran nya. Sa pagkagulat ni Hershey nabitawan nya ang baso na may lamang tubig..
"Kumuha ako nang tubig sa kusina.." pormal nyang sagot, ewan pero halos nag-uunahan ang pagtalbog nang kanyang puso.. Akmang pupulutin ni Hershey ang bobog nang baso, nang bawalin naman sya ni Hector..
"Maraming kasambahay dito hayaan mo na yan, halika na ihahatid kita sa kwarto mo para makapagpahinga.." pormal namang sabi nang lalaki.. Inakbayan pa sya ni Hector..
Ewan pero hindi sya kampante may kung anong kakaiba syang nararamdaman mula sa kanyang panaginip, sa nakita nya sa kabinet. Ang lalaki na may hawak nang piano, ang scarf na nakita nya.. Alam nyang pamilyar sa kanya yun di lang nya matandaan kung kanino nya nakita ang scarf at bakit may scarf na hawak si Hector nang babae? Kailangan nyang makita ang mga lumang album na nasa kabinet baka makatulong sa kanya.. Sa dami nang kanyang iniisip nang mga oras na iyon ni hindi nya namalayan na nasa loob na sila nang kanyang silid..
"Magpahinga kang mabuti, isa sa big client ko ang nagbigay paanyaya para sa dinner mamaya, pupunta tayong dalawa.." basag ni Hector sa kanyang katahimikan..
"Okey sige.. Salamat.." kanyang tugon..
"Apple ko, wag kang mag-isip nang kung ano-ano, baka mamaya mapano ka pa nyan, ipahinga mo ang iyong isipan.. Papahatiran nalang kita nang tanghalian sa katulong, wag kanag bumaba.." bilin pa nito..
"Okey Pie.." maiksi nyang tugon at nagtalukbong sya nang kumot.. Gusto nyang magpahinga dahil masakit talaga ang kanyang ulo.. Ipipikit na nya ang kanyang mata nang may kumatok sa kanyang pintuan..
"Please come-in.." sagot nya sa kumakatok..
"Inumin mo muna ang gamot na eto nang sa ganoon eh mawala yang sakit nang ulo mo, may lakad pala kayo ni Hector maya.. Para makalma ka din.." si Mrs. Forbes iyon.
Kinuha naman ni Hershey ang gamot at tubig na hawak nang Ginang at kanyang ininom iyon..
"Salamat ho.." wika nang dalaga..
"Walang anu man, magpahinga ka munang mabuti nang sa ganoon eh
mamaya relax ang katawan mo, papadalhan nalang kita nang tanghalian.." pahabol nang Ginang.. Tumango nalang sya at muling nahiga..
Hindi naman sya nabigong makatulog, matapos na mainom ang gamot na binigay nang Mrs. Forbes natulog din sya at bahagyang nawala ang sakit nang kanyang ulo. Marahil dala nang pag-iisip bago matulog. Nakita nya ang isang babae at lalake.. Walang kasing saya ang dalawa, nasa malawak na harden ang dalawa nang mga oras na iyon. Isang regalo ang ibinigay nang lalaki, nakalagay sa maliit na box. Binuksan nang babae ang regalong inabot nang lalaki. Isang scarf iyon, na may sari-saring kulay.. Napaka ganda nang kulay nang scarf, isinout pa nang lalaki ang scarf sa leeg nang babae..
Para silang mga bata na naghahabulan, sumakay sila sa isang bike at habang nasa likuran ang babae at nakaangkas, gamit ang scarf tinatakpan nitu ang mata nang lalaking syang nagpepedal nang bike. Halakhakan at tawanan ang maririnig sa kanilang dalawa. Hanggang sa marating nila ang paborito nilang lugar at madalas na tambayan. Nakayap ang babae sa lalaki at gamit-gamit ang scarf na pinang balot sa kanilang mga katawan.
Matapos iyon ay nahiga ang babae sa lap nang lalaki, kinintalan sya nang halik nang lalaki napakatamis nang halik na iyon, pagkatapos ay pinaglaruan ang tungki nang kanyang ilong na sya namang pagbangon nang babae at hinabol ang lalaki para makagante dito. Parang mga bata na naghahabulan, hanggang sa marating nang isang lalaki ang bangin. Muntik na etong mahulog, mabuti nalang at nahawaka iyon nang isang lalaki. Pagkatapos niyon ay dahan-dahan ding binitawan nang isang lalaki ang kamay nang kaninang lalaki na kasama nang babaeng may soot nang scarf..
"W_wag!!!" sigaw ni Hershey.. Napabangon sya sa kanyang nakitang panaginip na sumisigaw sa nasaksihang pangyayari.. Butil-butil ang pawis na bumangon, nagtungo sya sa kanyang sariling banyo ni hindi nya tinanggal ang kanyang kasuotan. Binuksan nya ang kanyang shower at hinayaang dumaloy ang tubig sa kanyang katawan. Habang nag-iisip nang mga pangyayari..
"Hindi eto normal kailangang malaman ko ang katotohanan. Maaring may mga hindi sinasabi sa akin si Hector.. Kailangan kung magtungo sa aking mga magulang at alamin ang lahat.. Hindi kaya may amnesia ako?." kausap ni Hershey ang kanyang sarili.
Nang makaramdam nang panlalamig sa kanyang katawan. Agad na lumabas din nang kanyang banyo, nagpalit nang damit at pinatuyo ang kanyang buhok. Tiningnan nya ang kanyang maliit na orasan sa side table na nakapatong. Ala-una na nang hapon. Bababa nalang sya para magtanghalian. Nang makarating nang unang palapag nang kabahayan tila tahimik ang lahat wala syang makita kahit kasambahay.
"Hector!.. Mrs. Forbes!!" tawag ni Hershey..
Nakailang tawag sya ngunit walang sumasagot sa kanya, nakita nyang bukas ang pintuan nang library.. Nagtungo sya doon. Nagpalinga-linga sya kung may tao o wala. Nang makita nyang walang tao, nagmamadali syang lapitan ang kabinet na nakita nya kanina para mabuksan ang mga album doon.. Ngunit laking gulat nya nang nakalock na eto ngayon, hindi na nya mabuksan..
"Ohh!! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Hector na nasa pintuan na rin nang malawak na aklatad..
"Kanina ko pa kayo hinahanap, saan ba kayo nagpunta? Nakita kung bukas eto akala ko nandito kayo, kaya pumasok naman ako.." tugon naman ni Hershey..
"Nagugutom ka na ba? Magpapahain ako para sa atin.." wika ni Hector..
"Oo kaya nga ako bumaba para kumain.." sagot muli ni Hershey..
"Hhhmmm... Halika na at magpapahain ako, di pa rin ako kumakain hinihintay kase kitang bumangon." tugon ni Hector..
Sumunod naman si Hershey at magakasabay na silang nagtungo sa dinning area. Nang makarating sa dinning area, pinidot naman ni Hector ang isang button na kunektado sa kusina kung nasaan ang mga kasambahay. Ilang minuto pa'y lumabas na rin ang dalawang kasambahay, at kasama ang tagapamahala..
"Ipaghain nyo kami nang ma'am Hershey nyo nang tanghalian.." magalang naman ang tono ni Hector..
"Okey ho sir.." tugon naman nang tagapamahala..
Kasabay nang pag-alis nang tatlong kasambahay ay naupo naman ang dalawa sa mahabang mesa magkatabi lang silang naupo.. Kapag nandito si Hector ganito ang set-up nila, kapag wala naman at sila lang ni Mrs. Forbes dulo-dulo ang kanilang inuupuan na halos di na magkakitaan.
"Kumusta naman ang pakiramdam mo.. May naikwento pala sa akin si Mama madalas ka raw managinip, ano ba ang napapanipan mo?" tanong ni Hector..
"Wala naman, di ganoon kahalaga. Nakikita ko sa panaginip ko na may lalaking pumapatay sa aking mga magulang.." pagsisinungaling ni Hershey. Wala syang planong sabihin ngayon ang nakikita nya sa kanyang panaginip kailangan malaman nya ang lahat..
"Napakasama naman nang panaginip mo na yan.. Gusto mo bang dalawin ang mga magulang mo..? "tanong ni Hector..
"Hector I want to buy a phone para kahit paano matatawagan ko naman sila.." tugon ni Hershey..
"Okay Pie, no problem bukas bibili tayo nang cellphone mo.." tugon naman ni Hector..
"Salamat apple.." wika ni Hershey..
Ilang minuto pa'y dumating na rin ang pagkaing inihain nang mga kasambahay. Tila mga mga girl scout o estudyante ang mga eto nakapila at may kanya-kanyang hawak na putahe habang ang mayordoma naman ang naglalagay niyon sa dapat na pwesto. Minsan pag pinagmamasdan ni Hershey ang mga eto natutuwa sya para kaseng mga kasambahay sa isang palasyo ang mga eto, sa bawat araw iba din ang kulay nang mga uniporme nang mga eto..
"For what that's smile..?" tanong ni Hector..
"Ha? Wala naman, natutuwa lang ako sa kanila.." tugon naman ni Hershey sabay nguso sa mga kasambahay na nakapila pang umalis at pumasok sa kusina..
Pinagsaluhan nila ang masarap na tanghaliang inihain sa kanila nang mga kasambahay.. Habang kumakain di naman nila maiwasan ang magkwentuhan. Kahit na may dinadala si Hershey sa kanyang dibdib ay nakipag sabayan parin sya nang pakikipagkwentuhan sa lalaki. Hindi nya hinayaang makaapekto at mahalata sya ni Hector..
Kinagabihan, kagaya nang sinabi ni Hector na may lakad sila gumayak naman s Hershey. Isang silk evening gown ang kanyang suot, na tinernuhan nya nang set cream pearl na pasulubong sa kanya ni Hector nang dumating eto. inayos nya ang kanyang buhok simple fench-up hair style ang kanyang ginawa. Ayaw nyang mapapahiya ang nobyo at may masabing di maganda ang ka-meeting nitu. Kahit na alam ni Hershey na isa lamang etong simpleng dinner kasama ang cliente.
Pababa nang hagdan si Hershey habang naghihintay naman ang kanyang nobyo, naksuot eto nang pormal na amerikana, na bagay na bagay naman talag kay Hector, matangkad si Hector at gwapo kaya naman kahit anong isuot din nitu ay bumabagay sa lalaki..
"Your so beautiful.."bulong ni hector sa punong tenga ni Hershey..
"Thank you my handsome fiance.." tugon nang dalaga..
"Let's go.. Tayong dalawa nalang ang nagbobolahan dito.." biro naman nang lalaki..
"So you mean I'm not pretty.. hhmmmppp' kunwa'y irap ni Hershey sa nobyo..
"Hindi ah!! ikaw ang pinaka magandang babae nakilala ko.." sabay kindat ni Hector..
Kapwa sila sa likod nang sasakyan naupo, kasama nila ang isang driver at isang alalay ni Hector nang gabing iyon.. Dumating naman sila sa tamang oras halos magkasunod lang ang pagdating ng mga kausap nang kanyang nobyo.. Nakilala din ni Hershey ang sinasabi big client ni Hector maging asawa nitu.. Sa paglipas nang oras dahil mukhang puso bussnes ang pinag-uusapan nang dalawang lalaki. nakipag-kwentuhan nalang sya sa missis nitu para naman di sila kapwa mapanisan nang laway. kaya lang mukang puro naman alahas ang kinukwento nang babae. Maging ang soot nyang alahas ay di nakaligtas sa mata nitu at tinanong kung anong uri nang pearl iyon at saan galing. Sinabi nalang nya na bigay ni Hector at di nya alam kung saan binili nang nobyo.
Natapos ang hapunang wala naman naintindihan si Hershey sa mga pinag-uusapan nang mga eto. hanngang sa napag-usapan ang nalalapit nilang enggagement kaya inimbitahan narin ni hector ang dalawa na sana'y makadalo ang mga eto sa malaking okaysong pinaghahandaan nang dalawa. Naniguarado naman ang mga eto na darating sa araw na iyon at hindi nila palalampasin ang personal na paanyaya nang magkasintahan. naghiwa-hiwalay silang ang dalawang lalaki'y masayang natapos ang pinag-usapan. Samantalang si Hershey nama'y nakipag kamay sa babaeng noon lang naman nya nakilala..
>>>>>>>>>> To be Continue <<<<<<<<<<