Kabanata 21: I Like You

1188 Words
"Hay, saan ka ba kasi nagsusuot eh. Grabe pinag-alala mo kaming lahat." Tiningnan ni Shannon ng masama si Judy. Nagtatanong pa ito. Ito naman ang dahilan kung bakit siya mag-isa. Mabuti nalang talaga at napadaan sa kinaroroonan niya si Rapha ng mga oras na iyon. Kung hindi ay baka namatay na siya sa lamig. "Nagtanong ka pa." Hinampas niya ang balikat nito. Natawa lang ito. "Teka, ano ba iyang suot mo? Kaninong damit iyan ha?" Napatingin siya sa sarili niya. Imbes na sagutin niya ito ay tinalikuran niya nalang ito at lumapit sa maleta niya para kumuha ng pamalit. "Kay Caydhen ba 'yan ha? Siya ang naghatid sa'yo kanina e. Ano? May something talaga sa inyo no?" "Ano bang sinasabi mo." Kibit-balikat niyang sagot. Pagkuha ng maisusuot ay tinahak na niya ang banyo. Pero bago pa siya makapasok doon ay narinig niyang nagsalita pa ulit si Judy. "Noong nawala ka grabe ang pag-aalala ng lalaking iyon sa'yo. Ang akala mo ay presidente ang pinahahanap. Kahit umuulan ay hindi iyon tumigil sa pag-galugad sa kakahuyan. Talagang sumama pa iyon sa mga naghahanap sa'yo. Sa pag-kakaalam ko nga eh madaling araw na sila bumalik sa hotel. Tapos kanina, hindi pa man sumisikat ang araw ay nagsimula na naman sila. Nagdagdag pa ito ng mga taong hahanap sa'yo. Tapos iyon, para na siyang nanay na nawawalan ng anak. Pinagsisigawan na niya ang mga tauhan niya. Mga inutil, walang silbi. Hay grabe. Nakakatakot ah." Nag-alala talaga siya? Kaya pala ng makita siya nito ay tinakbo siya nito ng yakap. Lihim siyang napangiti ng maisip iyon. Itinuloy na niya ang pagpasok sa banyo. Habang naliligo ay hindi parin napapalis ang ngiti sa labi niya. Kinikilig ba siya? Nahawakan niya ang sariling pisngi. "I like you." Totoo ba iyon? Gusto niya ako. Hanggang sa matapos na siya sa paliligo at makapagbihis ay hindi niya pa rin maalis ang nakapaskil na ngiti sa labi niya. Ewan ba niya. Pero ang saya saya niya. ---×××--- Ikalimang araw na nila sa isla. Patuloy parin sila sa pag-asikaso sa mga modelong kinukuhaan para magazine na ilalabas ng Black Empire para sa promotion ng Quinn's Paradise. Pagkatapos nang naging pag-uusap nila ni Caydhen sa bahay nito ay hindi pa siya nito nilalapitan ulit. Mula sa malayo ay madalas niyang nahuhuli na nakatingin ito sa kaniya pero agad din namang umiiwas kapag nakikita niya. Parang sira. Ano ba ang gusto nito. Siya pa ang manuyo dito? Kalokohan. Medyo nakakaramdam na siya ng inis dito. Kung totoong gusto siya nito ay dapat namang magpakalalaki ito. Pero baka iniisip niya lang iyon. Baka nga totoo ang nabitawan nitong salita. Baka nga nasasabik lang itong tikman siya ulit. Paano kung iyon nga ang intensyon nito? Hindi niya alam. Basta ang alam niya ay gusto niyang pansinin siya ulit nito. Gusto niyang makita ang sweet na side nito. She bet, it was the sweetest. "Ok. Thank you ladies and gentlemen. Sana ay hindi ito ang huli nating pagsasama sa isang trabaho. I'm so looking forward to have a work with all of you again." Napatingin siya sa photographer na nasa harap. Isa-isa nitong kinamayan ang ka-trabaho niya. Nag-papaalam na ito dahil last day na ng photoshoot nila. Bukas ng hapon ay aalis na rin sila sa Quinn's Paradise. Parang ang bigat ng dibdib niya na iwanan ang lugar na iyon. Gusto niya pa kasi sanang ikotin ang lugar. Hindi bilang nagta-trabaho kung bilang isa ring turista. Ang sarap sigurong magtampisaw sa dagat. "Hoy mamaya may pa party daw si Mr. Quinn. May pa bonfire daw sa dalampasigan. Yieee... I'm so excited na." Muli siyang napatingin sa kinatatayuan ni Caydhen. Kausap nito ang iba niyang kasamahan. Nakikipagtawanan ito doon. Nagawa nitong sabihin sa mga ito ang pa party, samantalang sa kaniya ay hindi man lang siya nito nagawang yayain ng personal. Nakakainis. Padabog siyang nag martsa palayo sa karamihan. Habang papalayo sa kumpulan ay nakita siya ni Rapha na sinabayan siya sa paglalakad. "So you and Caydhen are dating huh." "Hindi ah." Tinitingnan niya ito. Napakasarap ng pagkakangiti nito. Para may naaamoy tuloy siyang hindi maganda. "Oh come on. Don't deny it." "Sabing hindi nga e. Ang kulit nito." "So bakit pala ako pinuntahan ni Caydhen the other day at pinagbantaan na huwag kang lapitan. Alam mo ba na siya ang may gawa nito sa mukha ko." Pinaling nito paharap sa kaniya ang parte ng mukha nito na may maliit na sugat. Namumula pa iyon at halatang sariwa pa. Napatigil siya sa paghakbang. Sinubukan niyang hanapin sa mata ng kausap niya kung nagsasabi ba ito ng totoo. Mukha naman itong seryoso. "Talagang pinagbantaan ka niya?" Agad na nalukot ang mukha nito. Para itong baby na nagpapaawa. "Do this face looks like joking ha?" "Eh bakit nandito ka ngayon sa tabi ko? Aren't you afraid of him? Baka madagdagan pa iyang sugat mo." Biglang sumeryoso ang muka nito. "Matapang ako e. Nasorpresa lang ako kaya niya ako tinamaan ng suntok no'n but this time. I'm hell ready." "Rapha..." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang mukha ni Rapha ng marinig iyon. Napatingin ito sa likuran niya at nakangising nag wave. Sabay takbo. "See you some other day Shanny." Hindi niya napigilang matawa habang pinanunuod ang paglayo nito. Ang akala niya kasi ay matapang talaga ito at hindi magpapatinag sa pananakot ni Caydhen pero hindi niya maintindihan ang itsura nito ngayon. "Shanny? What the hell was that?" Taas-kilay na bungad nito sa kaniya. Binalewala niya lang si Caydhen. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Hinabol naman siya nito at hinarangan. "Why his calling you Shanny ha?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Ano bang pakialam mo." Aba malay ko. Tanungin mo sa mokong na iyon. "Hey, I already said that I like you. Akala mo ba ay nagbibiro ako nang sabihin ko iyon ha?" frustration filled his face. Parang gusto niyang matawa. Mabuti nalang at magaling siya sa pagkontrol ng emosyon niya. "You like me, so what?" "Anong so what? You should like me back. Damn it!" Pinanlakihan niya ito ng mata. Natatawa siya sa ikinikilos nito pero pigil na pigil niya ang sarili niya na makagawa ng anumang reaksyon na hindi uukol sa pagiging seryoso niya. "Ano 'to pilitan?" Siraulo. Napamasahe ito ng sentido. Talagang siniseryoso nito ang topic nila. "Ok, so tell me. Ano ba ang dapat kong gawin for you to like me back huh?" Napangiti siya sa tanong na iyon. Inosente ba talaga ito? Nag cross arm siya tapos pinanliitan niya ito ng mata. "Ano ba ang ginagawa mo kapag may gusto kang babae?" "Wala." She rolled her eyes. "Wala? As in wala kang ginagawa? My God. Saang lupalop ka ba ng universe nanggaling. Try to research. At huwag na huwag mo akong lalapitan ulit hanggang wala kang alam. Tch. Sinasayang mo lang ang oras nating pareho e." Nilampasan na niya ito. Para naman itong naging tuod. Hindi na ito sumunod sa kaniya. She can't wait for his next move. Sinabi na nito na gusto talaga siya nito. My gosh. She's been waiting it for days. Napakabagal namang kumilos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD