Kabanata 22: Magnanakaw

1119 Words
"Let's all celebrate this successful photoshoot. Thanks to everyone. Cheers." Itinaas ni Caydhen ang hawak na baso at nakangiting tinapunan ng tingin ang mga naroon. Nakaupo lang sa isang sulok si Shannon. Tahimik niyang pinanunuod si Caydhen. Hindi parin siya makapaniwala sa pag-amin nito kanina. Ayaw niya lang bumigay agad dahil ayaw niyang isipin nito na napaka easy to get niya. Oo nakuha na nga nito ang lahat sa kaniya pero gusto niya paring dumaan sila sa tamang proseso. Ayaw niyang magpadalos-dalos. Kahit paano ay iniisip niya parin na baka naglalaro lang ito kaya gusto niyang makasigurado. Gusto niyang malaman kung malinis ang atensyon nito. "Pwede bang makisali?" Pumaskil ang inis sa mukha niya ng makita si Katarina. Paglapit nito sa kumpulan ay agad itong umangkla sa braso ni Caydhen na lalong ikinasama ng timpla niya. Bakit ba nandito ang babaeng ito? Nagtilian naman ang mga kasama niya. Dahil parang masaya pa si Caydhen sa pagdating ng babae ay parang gusto niya ibato ang hawak niyang baso dito. Naiinis siya. "Bagay naman sila, hindi ba?" Bulong sa kaniya ni Judy. Pinakatitigan niya ang tinutukoy nito. Ano bang bagay? Saan banda? Caydhen was almost perfect. Pero si Katarina. Halata namang pinagawa lang ang matangos nitong ilong. Kahit medyo madilim sa kinaroroonan nila ay kitang-kita ang napakapula nitong labi na nilagyan ata ng atsuete. Masyado lang mahal ang suot nito kaya akala mo ay maganda pero wala naman itong binatbat sa kaniya. "Tingnan 'nyo oh. Binisita pa tayo ng girlfriend ni Caydhen." Lapit rin sa kanila ni Nicole. Nadagdagan pa ang bumubulong sa tenga niya. Ang tingin niya ngayon sa mga katrabaho niya ay mga demonyo na binubully siya. Kung pwede niya lang layasan ang mga ito, baka kanina pa niya ginawa. "Baka kamo future wife and mother of his child pa kamo," segunda ni Judy. Wala talaga siyang matinong maririnig sa mga kasama. Bakit ba botong boto ang mga ito kay Katarina. Naiinis siya dahil hindi niya maipagyabang na pino-pormahan siya ngayon ni Caydhen kaya siya ang dapat na nasa tabi nito. Nang maalala ang binata ay tinitigan niya ito. Inintay niya itong tumingin sa kaniya bago niya ito sinamaan ng tingin. You like me kapa pa diyan tapos pumapayag ka na angklahan ng ibang babae, siraulo ka! Pinagloloko mo ba ako? Napaka paasa mo naman. "Hi ladies. Mukhang maganda ang tsismisan dito ah, pwede bang makisali sa inyo?" Napatulala sina Judy at Nicole nang tumabi sa kanila si Rapha. Kinindatan siya nito sabay tingin sa direksyon nila Caydhen. "Sir Rapha," sambit ni Judy. "Ano bang ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata. Bahagyang nagulat pa sina Judy at Nicole sa paraan ng pagkausap niya sa binata pero deadma lang siya. "Magbibigay lang ng advice." "Anong klase ng advice naman?" "Love is not easy as one two three. It's complicated. Parang katulad ng sumapak sa 'kin." Alam niyang si Caydhen ang pinatutungkulan nito. Caydhen is complicated. Iyon ang nais nitong iparating sa kaniya. Para iyong isang babala. Hindi man direkta ay tila sinasabihan siya nito na mag-ingat siya kay Caydhen dahil complicated itong tao. Which is, napatunayan na niyang totoo. Mabilis na magbago ang mood nito. Para itong babae na palaging nire-regla. Palaging may sumpong. Minsan sweet, tapos bigla nalang nanlalamig. Ilang araw palang sila nitong nagkakasama pero iyong na ang nakikita niya. "Wow. Thanks. Napakalaking tulong mo grabe." "I know right. Hahaha." Tawa pa nito. Nang ibalik niya ang tingin niya kay Caydhen at Katarina ay nakita niyang hinihila nito palayo ang dalaga. Para siyang sinasakal ng makita ang eksenang iyon. Iyon marahil ang sinasabi ni Rapha. Napayuko siya. Hindi niya kayang sundan ng tingin ang dalawa. Ayaw niyang may makitang masakit sa mata kaya iniwas na niya ang tingin niya. "Oo nga pala. Paalis na kayo bukas. I have a little gift for you. Pwede ba kitang hiramin muna sa mga kaibigan mo?" Hindi naman siya sumagot ng 'oo' pero sinimulan na siyang hilahin ni Rapha palayo sa dalawa niyang kasama. Doon sa kabilang direksyon siya hinila ni Rapha kung saan wala si Caydhen. Nagpatangay lang siya. Ilang minuto rin silang naglakad bago ihayag ni Rapha na naroon na sila. Pagtingin niya sa unahan ay isang green glass house ang bumungad sa mga mata niya. Patuloy siyang hinila ni Rapha papasok roon. Pagdating sa loob ng taniman ay patuloy parin siya nitong hinila. Madilim doon at umaasa lang sa liwanag ng buwan ang mga mata niya. Pero hindi naman siya nababahala na silang dalawa lang doon dahil ramdam niya na kahit mukhang babaero si Rapha ay malinis ang intensiyon nito sa kaniya ng oras na iyon. Hindi katulad ni Caydhen na hindi niya alam kung ano nga ba ang gusto sa kaniya. "Here... Take some of this." Natawa siya ng makita ang regalong sinasabi ni Rapha. Sa dami ng halaman na naroon ay para siya nitong pinapipili kung ano ang bibilhin niya. "Nanakawin ba natin ito ha?" "Hindi ah. Ako kaya ang nag-aalaga ng mga iyan. Dahil hindi pa naman ako gaanong busy sa hotel ay iyan muna ang pinagkakaabalahan ko. "Ow. Kaya ba hindi tayo nagbukas ng ilaw? Dahil baka may makahuli sa atin na nanakawin natin ang mga tanim mo?" Nakangisi niyang sabi. Natawa naman si Rapha. "Ikaw ha. Tamang hinala ka. Haha." "Tell me. Legal ba talaga ang gagawin natin ha? O baka naman pagmamay-ari talaga ito ng Black Empire?" "Ok. You got me. Suko na 'ko. Haha. Pero totoo iyon ah. Ako ang nagdidilig sa mga iyan tuwing umaga kaya ako ang nag-aalaga sa kanila." "Ow. Good job. Haha." Tumatawa niyang sambit. "You know I like you. I mean I like your attitude but not the whole you. Or how much Caydhen like you. But I like you. I like the way you talk. Medyo sarcastic pero hindi naman nakaka-offend." "Wow. Thanks. Nakatataba naman ng puso." "But please. Don't tell this to Caydhen ha. Yari ako 'don kapag nalaman niya ang sinabi ko sa'yo e. Alam mo na, magaling nga akong makipaglaban pero mas magaling pa sa akin ang mokong na iyon e. Black belter kasi sa taekwondo. Haha." Namalayan nalang niya na nakikipag-kwentuhan na siya kay Rapha. Para silang bigla nalang naging best friend. At dahil marami itong naidaldal ay marami rin siyang nalaman tungkol dito. How he met Caydhen. And how Caydhen treated him. Masaya itong kausap. Hindi niya namalayan ang oras sa pakikipag-kwentuhan dito. Naramdaman nalang niya na inaantok na siya kaya nag-aya na siyang umuwi. Hinatid naman siya nito sa hotel. Hindi na ito pumasok sa loob. Basta pagdating nila sa tapat ng hotel ay lumakad na rin ito paalis. "Bye Rapha. Salamat saha kwento." "Bye Shannon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD