Kabanata 13: Every Single Day

1080 Words
After eating lunch naglakad-lakad sa beach sina Judy at Shannon. Dahil bukas pa naman ang photoshoot ay may oras pa sila para mag relax. White sands, blue water, fresh air. Perfect nga ang lugar na iyon kung gusto mong mag relax. Napatigil ang pagnanamnam niya sa tanawin ng mahina siyang tapikin sa balikat ni Judy. Pagtingin niya dito ay nakanguso ito na parang may tinuturo kaya nilingon niya iyon. She's pointing to Caydhen. Naglalakad ito sa beach at may kasamang babae. They're both giggling and laughing. Hindi na siya nagugulat na makita ito sa ganoong senaryo. He's a playboy and a playboy stays a playboy. "Sino kaya ang kasama niya?" Ipinaling na niya ang tingin niya pabalik sa dagat. Ano bang pakialam niya kung sino iyon. It's none of her business. "Aba malay ko." "Pero aminin mo ang gwapo niya hindi ba?" "Gwapo na ba sa'yo ang ganiyan? Ang cheap naman ng taste mo." Ibinalik niya ang tingin kay Caydhen. Nakasuot ito ng kulay puting long-sleeved polo, na hapit sa katawan nito. Kahit hindi niya nakikita ay parang nai-imagine niya ang itsura ng dibdib nito. Malapad iyon at matigas. Same as his jaw dropping abs. Nakita at nahawakan na niya iyon kaya alam niya kung ilan ang totoong bilang niyon. Humiga siya sa tabi nito. Dahil para siyang tinatawag ng matipunong dibdib nito ay iyon ang ginawa niyang unan. Wala parin silang mga saplot kaya damang-dama niya ang mainit na balat nito. Medyo nagulat pa siya ng yakapin siya ng binata. Ang akala niya kasi ay nakatulog na ito pagkatapos ng ginawa nila. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang ninanamnam ang ginagawa nitong paghaplos sa buhok niya. Everything is new to her. Ngayon lang siya humiga sa tabi ng isang lalaki. She was being mesmerized by the feels. His warm body gaves her chill. His scent was addicting her. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito sa kaniya. Suddenly, she start hearing wild noises inside his chest. Biglang lumakas ang pagtambol ng dibdib nito. Tila may nag-uunahang tumakbo sa loob niyon. Iniangat niya ang tingin niya. Caydhen was looking at her too. Nagpatuloy lang ito sa paghaplos sa buhok niya habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Napamulagat nalang siya ng bigla siya nitong halikan. His lips was soft. Napakatamis niyon. Hindi napigilang mapapikit habang ninanamnam ang halik na iyon. Bawat pag-galaw ng dila nito sa loob ng bibig niya ay kaniyang sinasabayan. They shared a long and hot kiss. Nang maghiwalay ang mga labi nila ay pareho silang naghahabol na ng hininga. Again, Caydhen hug her. Sa higpit ng yakap nito ay parang hindi na siya makakatakas sa matitipunong bisig nito. "Your mine. Your only mine." Umiling-iling siya. Mabilis niyang binura sa isip niya ang alaalang iyon. Hindi niya naman ito iniisip pero bakit bigla nalang itong nag pop up sa utak niya. Nabu-bwesit siyang tumayo. Gulat na gulat naman si Judy sa naging reaksyon niya. "Teka, saan ka pupunta?" tanong nito. Hindi na niya ito pinansin. Basta kailangan niya munang mapag-isa. Ano bang nangyayari sa kaniya? Dapat kinakalimutan na niya ang nangyari iyong pero heto at bigla nalang iyong sumusulpot sa alaala niya. "Hoy Shannon..." sigaw na ni Judy sa kaniya. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Nang magawi ang tingin niya kay Caydhen ay nakita niya na nakatingin din ito sa kaniya. Mas binilisan pa niya ang paglalakad. Buwesit! Bakit kasi kailangang makita niya pa ulit ang lalaking iyon. Malayo na ang narating niya. Hindi siya bumalik sa hotel. Tinahak niya lang ng diretso ang buhanginan. Gusto niya lang kasing mapag-isa. Gusto niyang dagukan ang sarili niya para matauhan na siya. "Ahhhh... Buwesit!" tili niya. Dahil alam niya na walang makakakita sa kaniya at makaririnig ay paulit-ulit siyang nagtitili habang nagpa-padyak ng mga paa. Ilang beses na niyang pinukpok ang ulo niya para makalimutan ang lahat ng mga alaala na kasama niya ang manyak na lalaking iyon pero minsan talaga ay sutil ang utak niya. Para itong nang-aasar na bigla nalang nagpapakita ng mga senaryo ng kalokohan niya. "Buwesit talaga! Nakakainis!" Ibinagsak niya ang puwet niya sa buhanginan. Mabuti nalang at pinong-buhangin ang sumalo sa kaniya. Dahil kung nagkataon na may kahit isang piraso ng bato roon ay tiyak siyang doon na matutuon ang inis niya. "So, ano naman ang kinabu-bwesit mo ngayon? Gusto mo bang magpakalasing ulit?" Namilog ang mga mata niya ng marinig ang boses ng lalaking kinabu-bwesitan niya. Sumunod pala ito sa kaniya. Nakatayo na ito ngayon sa likod niya habang nakangisi sa kaniya. Demonyo talaga. Inirapan niya lang ito. "Ano na naman ang kailangan mo? Pwede ba tigilan mo na nga ako." Naupo ito sa tabi niya. Ang kapal ng mukha. Balak pa atang makipagkaibigan sa kaniya. Malinaw parin sa alaala niya ang ginawa nito sa birthday ni Lantis kaya mabilis siyang tumayo para layuan ito. Too late, dahil bago pa siya makaalis sa pwesto niya ay nahawakan na ito ang braso niya. "Ano ba. Wala ka ba talagang alam gawin kung hindi ang mang-harass ha?" asik niya dito. "Gusto ko lang naman na mag-usap tayo." "Mag-usa huh? So you're here para humingi ng sorry sa katarantaduhan na ginawa mo? Wow... Thanks but no thanks. Masyado kang manyakis para patawarin." Tumawa lang ito. Lalo lang tuloy nadagdagan ang inis niya dito. "Yeah, I am. I deserve that calling." He was different from the last time she saw him. Wala na ang galit sa mga mata nito. Parang ibang tao ito. Maybe it was the gentle side of him. Pero ano ba ang pakialam niya. Galit siya dito kaya kahit ano pa ang ipakita nito sa kaniya ay hindi niya ito mapapatawad. "Buti alam mo." sarcastic niyang sagot. "Let's talk about what happened." Huminga siya ng malalim. "Isipin mo nalang na one night stand iyon. Kalimutan na natin ang nangyari and just move on with our own life." "How could you say that? Ganoon lang ba kadali sa'yo na kalimutan iyon?" She rolled her eyes. Ano ba ang pinuputok ng butsi ng lalaking ito? Bakit sa kanilang dalawa ay parang ito pa ang nawalan ng virginity dahil sa nangyari. "Ano ba kasi ang gusto mo ha? Hindi ka naman nalugi ah." Binitawan na siya nito. "Kahit ano ang gawin ko, hindi ko makalimutan ang araw na iyon. I'm being hunt by it every single day. Damn. I am thinking it every single f*cking day."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD