Five in the morning nang magsimula silang bumyahe papunta sa Palawan; kung saan naroon ang private beach resort ng mga Quinn.
Anim silang pinadala ng kompanya nila para istimahin ang mga modelong mag po-photoshoot roon. As she was expecting, kahit ayaw pa niya ay magkikita na naman sila ng Caydhen na iyon. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niya sanang gawin ang trabahong iyon pero wala naman siyang choice na tumanggi. Because first, she was the leader of her team. Second, ang sabi ng supervisor niya ay binalaan daw ito ni Caydhen na kapag hindi siya sumama ay ika-cancel nito ang deal na iyon. It was a big deal, kaya malaki ang mawawala sa Jigoo kapag hindi iyon natuloy. So here she was. Inihahanda na niya ang sarili niya sa muli nilang pagkikita ng hinayupak na Caydhen na iyon.
Mula sa airport ay sinundo sila ng isang private plane. Base sa logo na dalawang gintong ahas na nakadikit sa gilid nito ay sigurado siyang pagmamay-ari iyon ng mga Quinn. Base sa mga binasa niyang article about the family ay ito raw ang nagmamay-ari ng pinaka-maraming franchise sa bansa. Iba't-iba ang hawak nilang negosyo. And now they're opening a private resort. Ngayon niya lang nalaman na ganoon pala kayaman ang pamilyang iyon. Hindi niya tuloy ma-imagine kung paano siya nasangkot sa buhay ng mga ito.
Pagkalapag ng plane ay sinundo sila ng isang kulay itim na van. As usual, meron din iyong logo ng Quinn. Sa ilalim ng logo ay nakasulat ang Quinn's Paradise. Talagang ipinamumukha nila ang yaman nila sa buong mundo.
Ayon sa reporter niyang kasamahan na si Judy ay pagmamay-ari daw ng mga Quinn ang buong isla na kinaroroonan nila. She also said a little information about the resort. Ang lugar na iyon ay ginawa para sa mga taong walang mapaglagyan ng pera. A half million for one villa and free all accommodation ay hindi biro.
"Good morning ladies. Welcome to The Quinn's Paradise." Salubong ng isang lalaking naka-tuxedo sa kanila.
Hindi ito mukhang basta bastang tao lang. Base kasi sa maayos nitong pananamit at magarang relo ay mukhang anak mayaman ito.
"By the way, I am Rapha. I am in-charge of everything in the hotel. Kung may mga request kayo about sa mga kwarto ninyo, don't hesitate to ask me. Gusto kong maging komportable kayo habang narito kayo kaya huwag kayong mahiya. Don't worry, it's all free." Kumindat pa ito.
Naghagikhikan tuloy ang mga kasama niya. Puro sila babaeng naroon at mukhang nakuha nito ang kiliti ng mga katrabaho niya, syempre maliban sa kaniya. She's done into men. Ayaw niya muna ng kalandian.
"So, you're Shannon Bautista right? The team leader?" Baling nito sa kaniya. Iniunat nito ang kamay na agad naman niyang tinanggap. "It's nice meeting you Shannon."
"Nice meeting you too Rapha." tipid na ngiti ang naginh tugon niya dito.
May konting pisil pa itong ginawa sa kamay niya. Halata tuloy ang pagiging babaero nito. Mabuti nalang at immune na siya mga ganito kaya hindi na siya tinatablan.
"Ehemmmm..."
Lahat sila ay pumaling sa direksyon ng tumikhim. Agad nagkindatan ang mga kasama niya. Animo'y nakakakita sila ng anghel. While for her; it wasn't an angel at all. It's a pervert devil with a face of an angel. Nakakasuka.
Tinapunan ng tingin ni Caydhen ang magkahawak nilang kamay ni Rapha. Agad nagbago ang ekspresiyon ng mukha nito. Kung kanina ay nakangiti itong lumapit, in an instant ay para na itong naging demonyo. Go on, start showing your true color!
"Oh siya. Alam na ninyo ang mga numero ng kwarto ninyo hindi ba. I have to go. Pumasok na kayo at nang makapagtanghalian narin kayo." paalam na ni Rapha. Bago ito tumalikod ay kumindat pa ito sa kaniya na ikinangiti niya.
Napakapresko talaga.
Isa-isa nang lumakad ang mga kasama niya papasok ng hotel. Dahil nakatingin pa siya kay Rapha ay nahuli siya ng bahagya sa mga ito. Pagdaan niya sa tapat ni Caydhen ay hinawakan siya nito sa braso at binulungan.
"Stop smiling."
Kinunutan niya lang ito ng noo. Masyado na itong nagiging pakialamero. Pati ba naman pag ngiti niya ay pinakikialaman nito. Ano ba ang gusto nitong ma-achieve? Most pakialamero of the year award. Tsk. Kunwari ay wala siyang narinig. Hinaltak niya ang braso niya at patakbong sumunod sa mga kasamahan niya.
As they all enter the elevator ay napatingin siyang muli sa direksyon ni Caydhen. He was still looking at her. Naikuyom niya tuloy ang kamao niya. Kung plano nitong makipaglaro sa kaniya ay hindi niya ito hahayaang manalo. Nagkamali na siya noong una at hindi na niya uulitin pa ang pagkakamaling iyon. Manigas siya pero hindi niya ako matitikman pa. Kung iyon ang gusto nito.
ROOM 503
Dalawa silang magkasama ni Judy sa isang kwarto. Pagpasok ay halos lumuwa ang mga mata nila dahil sa ganda ng kwartong iyon. Everything was black, white and gold. Sa tatlong kulay lang na iyon tumatakbo ang lahat ng mga gamit sa loob. Everything is perfect. Swak sa taste niya ang pagkaka-ayos ng kwarto nila.
"Hoy nakita ko 'yong kanina ah, ano ba 'yon ha?" pag-uungkat ni Judy. Sinimulan na nitong silipin ang mga laman ng dala nitong maleta.
Siya naman ay naupo sa isang kama at nag-unat ng katawan. Habang nakatingin sa direksyon nito. "Anong bang nakita mo?"
"Iyong sa inyo ni Caydhen?"
"Ano bang sinasabi mo?" pa-inosente niyang tanong.
"Parang may something sa inyo e."
"Huwag ka ngang gumawa ng kwento. Wala lang iyon."
"Wala? Eh ba't parang meron? Halos kainin niya kaya ng buhay si Rapha ng makitang magkahawak kayo ng kamay. Tsaka nakita ko rin iyong paghawak niya sa braso mo no." paliwanag ni Judy.
Napangiti lang lang siya. Iba talaga kapag tsismosa. Ang lakas ng pang-amoy.
"Imagination mo lang iyon no. About naman do'n sa paghawak niya sa braso ko. Well, binilinan niya lang ako na mag focus sa trabaho. That's all." pagsisinungaling niya.
"Talaga ba? Eh ba't kami hindi niya binilinan?"
"Siguro dahil ako ang leader?" natatawa niyang sagot.
Bigla naman parang nahiya si Judy na agad napakamot ng ulo. "Sabi ko nga eh. Oh siya sige na. Wala na kung wala. Ang mabuti pa bumaba na tayo. Baka gutom lang 'to kaya kung anu-ano na ang nai-imagine ko hihi."
Tumayo na ito. Tapos inangkla nito ang kamay sa braso niya at hinila na siya palabas ng kwaro. Pagdating sa restaurant na nasa ibaba ng hotel ay naroon na ang iba nilang kasamahan. Nagsisimula na ang mga itong kumain. Bukod sa kanila ay may ilang tao rin ang naroon. Hindi pa man nagbubukas ang resort ay mukhang may sumusubok na ng mga facilities no'n.
Pagkakuha nila ng pagkain ni Judy ay naupo sila sa tabi ng mga kasamahan nila.
"Grabe no. Napaganda pala talaga dito. Akala ko noon ay napaka OA lang ng description nito sa mga nababasa kong magazine e. But now that I'm here. Grabe, as in grabe wala akong masabi." namamanghang sabi ni Jenny.
"Yes. Were the few lucky ones, na kahit hindi naman mayayaman eh nakatuntong parin sa lugar na ito." sang'ayon ni Bea dito.
"Yeah, thanks to this project." tila kinikilig ding sabi ni Judy.
"Huy may chika nga pala ako sa inyo." pabulong na sambit ni Nicole. Bahagya itong umusog para pumagitna sa lamesa.
"Ano?" curious na tanong agad ni Agatha.
Patuloy lang siya sa pagkain habang nakikinig sa kanila. Hindi na niya kailangan pang magsalita dahil nakukuha naman niya ang lahat ng impormasyon sa pakikinig lang.
"Ayon sa nasagap kong tsismis ay may dini-date daw ngayon si Caydhen." Nicole.
"Psh. Ano bang bago? Eh lagi namang may dini-date iyon. Curious nga ako kung magkano ang binabayad nila sa media para hindi maglabas ng bad publicity eh. Diba nga dati umugong yung balitang may nabuntis pa daw ito." tila dismayado namang patong ni Jenny.
"Totoo ba iyong issue na 'yon? Iyong binayaran daw nila 'yong babae na ipalaglag iyong baby nila?" Judy.
Like what she was expecting about that man. Wala talaga itong magandang dulot sa lahat. Tama nga ang hinala niya na wala itong kwentang lalaki. Tch. Puro s*x lang ang habol sa mga babae tapos wala namang bayag para manindigan. Hindi niya ma-imagine kung paanong dito nauwi ang iniingatan niya.
"Ewan, wala din namang comformation on both parties eh." Bea.
"Basta ang masasabi ko sa inyo, huwag ninyo ng tangkaing lumapit sa isa man sa mga Quinn brothers. Dahil naku. For sure, masasaktan lang kayo." pagbabanta pa ni Agatha.
Napapailing lang siya. May pagbabanta pang nagaganap eh halos malaglag nga ang panty nito nang makita si Caydhen.
"Hello, happy married na kaya ngayon si Winsley at Graham." kontra naman ni Judy.
"Sabagay. Panigurado, may mga katapat din ang bawat isa sa kanila." Agatha.
"Pero alam ninyo, ang sarap din sigurong makarelasyon ang isang Quinn no?" tila na me'mesmerized na pahayag naman ni Nicole.
"Ewan, hindi ko pa naman nasubukan eh." natatawang sagot ni Bea.
"Paano mo naman nasabi yan ha?" tanong naman ni Jenny.
"Wala lang. Kasi naman ang yaman yaman nila. Lahat ng gusto nilang gawin, magagawa nila. Isipin mo na lang, kapag in love sila. Haaayy. Kahit isa lang sa kanila pwede na." halatang nangangarap na ng gising si Nicole dahil sa pinagsasabi nito.
Kung alam lang ng mga kasama niya kung gaano kasama ang ugali ng Caydhen na iyon. Paniguradong aalisin nila ito sa listahan ng pinapangarap nilang lalaki.