Medyo tanghali na nang magising siya kaya naman nagmamadali na siyang naligo at nagbihis. Napasarap ang tulog niya kagabi dahil sa pagod niya. Pag-gising ay naalala niya kaagad ang nakakulong na si Steve kaya wala siyang sinayang na oras. After eating her breakfast ay nagmamadali na siyang umalis.
Pagdating niya sa police station na kinaroroonan ni Steve ay sinalubong sa kaniya ang balitang may nagpiyansa na raw dito. Kaninang umaga raw ay maroong babaeng dumating at ito ang nagbayad para mailabas ito. Biglang bumigat ang dibdib niya ng marinig iyon. Panigurado kasing si Hilda ang tinutukoy na babae ng kausap niya. Mukhang ito ang tinawagan ni Steve para hingan ng tulong. Natawa siya ng mapakla. Talaga palang malalim na ang relasyon ng dalawa.
Pero ano bang pakialam niya. Hindi na niya dapat iniisip ang mga ito. Tapos na sila ni Steve at wala na siyang pakialam sa mga desisyon at mga bagay na ginagawa nito.
Ang akala niya ay taon ang bibilangin para mawala ang sakit na nararamdaman niya para rito pero ilang araw palang ang nakalilipas ay nabawasan na iyong sakit na dinadala niya. Hindi na nga niya gaanong iniisip ang paghihiwalay nila. Ang mas iniisip niya ngayon ay ang lalaking nagngangalang Caydhen. Ito talaga ang paulit-ulit na gumugulo sa utak niya. Tila kinain na nito ang sistema niya. Lalo pa sa ginawa nito sa kaniya nang magkita ulit sila.
He was such an asshole at nagagalit siya sa inasta nito. Para siyang walang kwentang babae sa mga mata nito at hindi niya iyon matanggap. Hindi niya gustong ituring siya nitong basura dahil lang sa hinayaan niya itong may mangyari sa kanila. Pero kahit gano'n ay nag-aalala parin siya sa natamo nito kagabi. Gusto niya sanang tawagan si Lantis para kumustahin ang kapatid nito pero hindi niya naman nakuha ang numero nito.
Hay... Hindi na niya dapat sinasayang ang oras sa pag-aalala sa walang kwentang lalaking iyon. Ano naman kung nasapak ito ni Steve. Bagay lang iyon sa kaniya.
Another day had passed. Wala na siyang narinig na balita tungkol sa kinasangkutang gulo nina Steve at Caydhen. Hindi niya alam kung nagka-ayos ba ang mga ito o nagkasampahan ng kaso. Pero wala narin siyang pakialam. Tapos na ang bakasyon niya kaya kailangan na niyang mag focus sa trabaho ngayon. Kanina ay maaga siyang nag byahe para makabalik na sa Manila.
Jigoo Advertising Company
Maliit na advertising company lang ang Jigoo pero masaya siya sa pagta-trabaho roon. Mahigit dalawang taon na siyang naroon at satisfied naman siya sa kinikita niya. Hindi man ganoon kalaki ang sahod niya ay sapat na iyon para mabili niya ang mga pangangailangan niya at makapgbigay paminsan sa kaniyang ina. Masaya rin siya sa mga kasamahan niya na halos ka-close niyang lahat kaya hindi niya maiwanan ang kompanya. Marami na ang nag offer sa kaniya na mas malalaking kompanya but she chooses to stay dahil narin pinahahalagahan niya ang mga taong unang nagtiwala sa kaniya.
Habang naglalakad siya papasok sa building na kinaroroonan ng kanilang opisina ay tumunog ang telepono niya. Inintay niya munang makapasok siya sa elevator bago niya iyon sinagot. It was from unregistered number.
Kunot noo niyang sinagot ang tawag. "Hello? Sino 'to?"
Walang nagsasalita mula sa kabilang linya kaya lalong nadagdagan ang kulubot sa noo niya. Saglit niyang inilayo sa tenga niya ang cellphone para tingnan ang screen. Patuloy parin naman sa pagtaas ng numerong nakasulat roon, indikasyon na patuloy lang rin ang tawag.
"Hello?" ulit niya.
Mahabang katahimikan ang patuloy na sumalubong sa kaniya. Bahagya na tuloy siyang naiinis.
"Alam mo, kung hindi ka magsasalita ay ibababa ko na ito. Sino ka ba ha? Ano ang kailangan mo?"
"Uhhhh..." naging tugon ng nasa kabilang linya.
It's not even a word. Ano ba ang problema nito? Pipi ba ito? Magsasalita pa sana siya ng maputol na ang tawag. She just rolled her eyes. Ibinalik na niya sa bag niya ang cellphone. Hindi ito ang focus niya ngayon. Masyado nang maraming laman ang utak niya kaya ayaw na niya itong bigyan pa ng space.
"Good morning Mr. Dimitri."
Pagdating na pagdating niya sa opisina nila ay pinatawag kaagad siya ng kanilang supervisor. Hindi pa man siya nakauupo ay dumiretso na kaagad siya sa opisina nito katulad ng hinihiling nito. Naisip niya tuloy na baka urgent na ang iuutos nito.
"Ms. Bautista, please seat down."
Iginiya nito ang upuan na nasa harap ng desk nito. Agad naman siyang tumalima. Eksaktong pagkalapat ng puwetan niya sa malambot na upuan ay muling nagsalita si Mr. Dimitri.
"I have a job for you."
Kararating lang niya may utos kaagad ito sa kaniya. Masdyado talaga itong bilib sa kakayahan niya. Umayos siya ng upo.
"Ano po 'yon sir?"
Mula sa drawer ng desk nito ay may kinuha itong folder. Ipinatong nito iyon sa mesa at binuklat ang unang pahina upang ipakita sa kaniya. "I need you, and your team to handle this biggest pictorial project of our company. Our investor request it kaya naman I won't take no for an answer. " mahabang paliwanag nito.
Marahan niyang binasa ang nakasulat sa taas ng bond paper.
---
BLACK EMPIRE
QUINN PARADISE
PICTORIAL PROJECT
---
Quinn? Napalunok siya ng mabasa ang apelyidong iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. It was that family again. Ang akala niya ay huli na iyong sa Batangas pero ano na naman ito?
Sinusundan ba siya ng pamilyang iyon?
-----
Everday po ang update nito kaya sana add 'nyo na sa library ninyo. Also don't forget to follow me and heart this book.
Thank you!
More free stories soon...
Love,
Bhernz